-19-
Philophobia
A condition in which a person fears the idea of falling in love
and/or becoming too attached.
*****
Tuwang-tuwa si Meinard ng makita si Milo. Hindi niya ito iniwan at halos hindi ko na mahawakan si Milo dahil yakap-yakap niya ito lagi.
"Mommy, I told you galing yan sa isa kong kaibigan, masyado na raw silang maraming pets kaya pinamigay na lang nila yung ibang puppies." Pangungumbinsi ko kay Mommy. Ayokong malaman niyang kay Marius galing iyon at baka pag-awayan pa namin.
"Okay. Sabi mo eh. Pansin ko nga pala Milleana, hindi na napapadaan dito yung boyfriend mo."
Feeling ko umakyat lahat ng dugo sa mukha ko sa sinambit ni Mommy. Naalala ko na naman yung banat ni Brix kanina. My ghad!
"M-Malay ko Mommy!" Naiirita kong sambit. Tumawa siya ng malakas na para bang natutuwa sa naging reaksyon ko.
"Ewan ko sayo Milleana, ang gwapo-gwapo nung batang yun pinapakawalan mo pa." She chuckled.
Sino ba may sabing papakawalan ko? Tsk.
"Daming drama Mommy, pumasok ka na nga lang sa work. Ako na magluluto ng dinner namin ni Meinard." I pouted. Night shift kasi ngayon si Mommy, maraming aasikasuhin sa hospital. Sinipat muna niya ang sarili sa salamin before checking her bag.
I gazed at my Mom, halos magkasing tangkad lang kami. Pero minsan naiinggit ako sa kanya, dahil kahit tatlo na kami na anak niya at lagi siyang stress sa work ang bata pa rin niyang tignan. Napagkakamalan pa rin siyang ate ko.
Ang bobo lang ng tatay ko at pinakawalan pa siya. At kahit nasa mid forties na si Mommy andami pa ring nanliligaw diyan, mas marami pa siyang manliligaw kaysa sakin.
"Alis na ko, bye babies." She kissed our cheeks, lalo na kay Meinard na lahat ng atensyon ay na ka'y Milo.
"Bye Mom, be safe." I told her. Hinaplos niya ang pisngi ko na medyo namamaga pa. Hindi na siya nagtanong kanina kung anong nangyari kahit obvious na kalmot iyon.
"I will, I love you." She smiled softly and hugged me. Napangiti na lang ako sa kasweet'n ng Nanay ko. Hinatid ko na siya hanggang sa tuluyan na siyang makaalis at hindi ko na matanaw yung sasakyan namin.
I was about to lock the gate ng biglang may tumigil na motor sa harapan namin. Agad na bumilis ang pintig ng puso ko. Brix removed his helmet, pigil ang hininga ko habang pinagmamasdan siya.
"Hi." He smiled at me. Parang sumikdo ang puso ko sa ngiti niya and I can't even imagine how red I am now.
"H-Hi.. Napadalaw ka? Kakaalis lang ni Mommy." I said shyly. Bumaba siya ng motor niya at inayos ang helmet niya doon bago lumapit sakin. Humigpit ang hawak ko sa gate.
"Sayang naman, I bought some pastries." Bahagya niyang tinaas ang bitbit niyang box. Napalunok ako at dahan-dahang binuksan yung gate.
"P-Pasok ka muna." Kagat-kagat ko ang ibabang labi ko habang pinapanood ko siyang pumasok ng bahay. Nanginginig pa ang mga kamay kong sinara yung gate namin bago sumunod sa kanya.
Natigilan ako pagkapasok ko ng mapansing hawak-hawak ni Brix yung aso at nakatingin siya sakin ng masama.
"It's true, Marius really gave you a puppy?" He asked sarcastically while clenching his jaw. Dahan-dahan kong sinara yung pinto.
"W-Wala namang malisya---"
"He never gave puppy to his ex.s, hindi siya gumagastos sa mga regalo para sa mga babae Milleana, he never surprises anyone. He's not a romantic guy." He hissed. Napaiwas ako ng tingin.
"Brix---"
"Ano ba talagang relasyon niyo?" Kalmado ang boses niya pero may diin. Naglakad ako papalapit sa kanya at umupo sa tabi niya. Kinuha ni Meinard yung aso at nakipaglaro doon. Mukhang wala naman siyang pakealam samin ni Brix dahil na kay Milo ang buong atensyon niya.
"Nagseselos ka ba?" Naniningkit ang mga mata kong tanong sa kanya. Natigilan siya tanong ko at nag-iwas ng tingin.
"Tssss." He hissed. Hindi ko tuloy maiwasang mapangiti. I grab his face and pinch his cheeks.
"Naku.. Naku, nagseselos ang baby ko..." I grinned pero agad akong natigilan ng marealize ko kung ano nasabi ko. Amusement is written on Brix's eyes habang dahan-dahan niyang inalis ang mga kamay ko sa mga pisngi niya.
I cleared my throat. Humigpit ang hawak ni Brix sa mga kamay ko kaya hindi ako makalayo sa kanya dahil alam kong pulang-pula na ako ngayon.
"What did you just call me?" He grinned. Napangiwi ako at umiwas when he was about to hold my face pero hindi ako agad nakaiwas. Hawak-hawak niya ang mukha ko, kumikislap ang kanyang mga mata habang nakatingin sakin.
"Come on, say it---"
"Ate, nagugutom na ko..." Napasinghap ako at nakahinga ng maluwag dahil saved by the bell ako. Ang galing talaga ng timing ng kapatid ko!
"Oops! Kailangan ko na pa lang magluto." I chuckled as I removed Brix's hands on my face.
"No fair Milleana." Naasar na tumingin sakin si Brix. Natawa na lang ako at dumiretso sa kusina. Nakasunod sakin si Meinard dahil kapag ako ang nagluto nakakarequest siya. Kapag si Mommy kasi puro gulay.
"Ate, I want the spicy pork and liver adobo again." He said to me. Bahagyang umigting ang panga ko, yun din kasi ang paboritong pagkain ng Tatay ko na namana naming dalawa ni Meinard. Si Mommy at Kuya naman hindi masyadong mahilig sa maanghang.
"Okay, maglaro muna kayo ni Kuya Brix mo ha?" I smiled at him.
"Okay ate." He replied at mabilis na bumalik kay Brix na ngayo'y nakikipaglaro na kay Milo.
Buong duration ng pagluluto ko ay hindi ako nilapitan or kinausap ni Brix. Mukhang naasar atah siya talaga. Hindi ko naman kasi sinasadyang tawagin siya ng baby! Ugh! Bakit ba nag-iinit ang pisngi ko!! Tsss.
Inayos ko na yung hapagkainan.
"Baby! Kain na!" I called Meinard.
"Okay baby!" Pero si Brix ang sumagot na nakangisi pa.
"Si Meinard ang tinawag ko..."
Nawala ang ngiti niya at naudlot pa ang pagtayo niya mula sa couch. Padabog siyang bumalik sa pagkakaupo. Napailing na lang ako at tinulungan si Meinard na umupo sa high chair niya bago ko nilapitan si Brix.
"Brix kain na..." I called him pero hindi niya ko pinansin. Hindi ko tuloy napigilang mapangiti.
I wrapped my arms around his neck. Nakaupo siya sa couch at nakayuko naman ako sa likod niya. Naramdaman kong natigilan siya sa ginawa ko.
"Baby ko, kain na..." I whispered to him bago ako mabilis na kumalas ng yakap sa kanya. Ngingiti-ngiti akong bumalik sa hapagkainan at umupo sa tabi ni Meinard. Umupo sa tapat ko si Brix at hindi nakaiwas sakin ang nakakaloko niyang ngiti.
Ghad! Ang tanda-tanda na nagpapalambing pa!!
"Ate, gusto ko yung liver." Naglagay ako ng liver sa plato ni Meinard at bahagyang hinihipan yung rice niya.
"Baby gusto ko yung pork na may taba." Brix winked at me. I clenched my jaw para pigilan ang nagbabadyang mga ngiti.
"Kumuha ka, may mga kamay ka naman." Naggalit-galitan ako habang inaasikaso ko si Meinard.
"Please baby..." May papout-pout pang nalalaman! Inirapan ko siya bago ako nagsandok ng adobo at nilagay sa plato niya.
"Wag kang choosy..." I hissed at him. Ngumisi siya sakin at maganang kumain.
"Baby, pahingi naman ng juice." Tinaasan ko ng kilay si Brix at inilapit sa kanya yung pitsel na may lamang orange juice.
"Baby, kumain ka ng marami, pumapayat ka na." Brix put a serving of rice on my plate at nilagyan niya rin ng adobo. Hindi kasi ako masyadong nakakain dahil inaasikaso ko si Meinard na medyo nagkakalat na naman.
"Patapusin ko muna si Meinard kumain ka lang diyan." I told him.
"Okay baby, hintayin kitang matapos." He giggled. He literally giggled. Napairap na lang ako sa kanya. Agad kong pinunasan si Meinard ng sabihin nitong busog na siya. Binaba ko siya mula sa high chair at agad naman itong nagtatakbo papunta kay Milo.
"Kain ka na baby..." Brix got my attention. I rolled my eyes at him bago ko tinuloy ang pagkain.
"Juice baby..." Nilapag niya ang isang baso ng juice sa tabi ko. I glanced at him, he looks happy. Nagniningning ang mga mata niya habang sumusulyap sakin at hindi rin mabura ang mga ngiti niya sa labi.
Ganun na lang ba siya kasaya nung tawagin ko siyang baby?
"Nagkagirlfriend ka na ba?" I asked him bluntly. Natigilan pa siya sa pagsubo sa tanong ko.
"Not yet." Agaran niyang sagot. I bit my lower lip.
"Sinong first kiss mo?" Diretsahang tanong ko. Feeling ko tuloy namumula na ko dahil sa mapangahas kong tanong. Ngumisi siya sakin bago nagpakawala ng tawa.
"You." He winked. Napayuko ako dahil sa pag-iinit ng pisngi ko. Siguro singpula na ko ng kamatis ngayon.
Mabilis kong inubos yung pagkain ko. Si Brix na ang nagvolunteer na maghugas ng mga plato kaya pinabayaan ko na dahil naririndi na rin ako sa kakatawag niya sakin ng baby na parang sanay na sanay siya. Samantalang ako parang aatakihin ako sa puso sa bawat pagtawag niya sakin ng ganun.
"Hindi ka pa ba uuwi?" I asked Brix. Napatingin ako sa orasan past 9 na. Napatulog ko na nga rin si Meinard at naitali ko na sa gilid si Milo na nakahiga sa doormat. Next time na ko bibili ng ibang gamit niya.
He glanced at me bago patayin yung TV. Napatingin siya sa wrist watch niya.
"Ayoko pa, dito muna ako. Samahan mo muna ako baby." Hinawakan niya ang kamay ko at bahagya akong hinila paupo sa tabi niya.
"Hindi ka ba pinapagalitan ng Daddy mo?" I asked him. Humawak siya sa bewang ko pero hindi ko iyon binigyan ng pansin. Bumuntong hininga siya.
"Sa condo ako nakatira, hindi ako umuuwi sa Village since nag-away kami ni Daddy." He said. Hindi ko na inusisa pa ang tungkol doon, kung gusto naman niyang sabihin sakin ay alam kong siya na mismo ang magkukwento.
"Baby, can I kiss you?" Nakagat ko ang ibabang labi ko dahil sa tanong niya. His eyes are locked on my lips. Gaya niya gusto ko rin siyang halikan. Naaadik na ko sa mga halik niya.
I am no longer a teenager pero mukhang active pa ang mga hormones ko. Bago ko pa siya masagot ay dumampi na ang mga labi niya sakin. This time it's not sweet and mild. Medyo marahas na may kasamang paggigigil.
His arms wrapped around my waist at hinigit ako papalapit sa kanya. My arms are on his chest, damang-dama ko ang init na nagmumula sa katawan niya. His kisses went down to my neck. Napasinghap ako at napakapit ng mahigpit sa shirt niya. His hand started to roam. Napaungol ako ng bahagya niyang kagatin ang collarbone ko.
Shet! This not good anymore!
My hands immediately wrapped around his nape at mas lalo kong dinikit ang katawan ko sa kanya. Hindi ko na rin napigilan ang init na nararamdaman ko. I want him as much as he wants me. Pinasok niya ang kamay niya sa suot kong blouse. His lips landed again on mine. Ang sarap lang niyang humalik! Naramdaman kong pinahiga niya ko sa couch. Napaungol ako when his hand found my breast.
"Brix!" I gasped against his mouth when he started massaging my breast.
"Milleana..." Paos ang boses niyang bulong sakin. "I love you."
Bumagsak ang katawan niya sa ibabaw ko habang naghahabol ng hininga at daig ko pa ang binuhusan ng yelo sa gulat sa sinabi niya.
"I'm sorry... I'm sorry nadala lang ako. I'm sorry. F*ck muntikan na!" He hissed. Inalalayan niya akong bumangon at inayos ang damit ko.
"I'm sorry baby, wag kang magagalit sakin." He said and wrapped me in a warm embrace. Napapikit ako at dinama ang init niya as I hugged him back.
He said he loves me...
D*mn! He loves me!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top