-17-
It seems to me, that love could be labeled poison and we'd drink it anyways.
---------------
Naalimpungatan ako ng makarinig ng kaluskos sa kwarto ko. Napatingin ako sa digital clock sa bedside table, mag-aalas dose pa lang. Maaga kasi akong nakatulog kanina. I hugged my pillow at muling nagpalamon sa antok ng maramdaman kong may humahaplos sa buhok ko.
Agad akong napabalikwas at sisigaw na sana when someone covered my mouth...
"Shhhh..." Nanlalaki ang mga mata ko ng maaninag ko ang mukha niya dahil sa lampshade. Dahan-dahan niyang tinanggal ang kamay sa bibig ko, gesturing me to keep quiet.
"Brix..." I whispered. Nananaginip ba ko? Halos hindi ako makareact ng maayos dahil sa sobrang gulantang.
"Milleana..." He called me. Naaninag ko ang malamlam niyang mga mata nung hawakan niya ang mga kamay ko. " I missed you..."
Nahigit ko ang hininga ko sa sinabi niya. I badly wanted to slap my face right now para malaman ko kung nanaginip ba ko o hindi. Napapikit ako ng haplusin niya ang pisngi ko.
"A-Anong ginagawa mo dito?" I asked him.
"I don't know, hindi kasi ako makatulog, I badly wanted to see you."
"P-Pero... Mali ito Brix, may girlfriend---" Natigilan ako ng bigla niya kong halikan. Dampi lang iyon pero parang niyanig na ang mundo ko. Naramdaman ko rin yung pagkamiss ko sa kanya at di ko na namalayan ang pagpatak ng mga luha ko.
"Shhh... Don't cry please. Hindi ko siya girlfriend, we're just friends and I hope you can trust me with that." Pinunas niya ang mga palad niya sa mukha ko.
"Milleana look at me please..." He cupped my face at bahagyang iniangat ang mukha ko. Wala pa ring tigil ang pagbuhos ng mga luha ko. Gulung-gulo na ko, hindi ko na alam kung ano itong nararamdaman ko.
"Ikaw... Ikaw ang gusto ko." Gumaralgal ang boses niya. Dahan-dahang nanlaki ang mga mata ko.
"A-Ano?"
"I like you Milleana, gusto kita, gustong-gusto kita. But you have to understand na hindi ko pwedeng iwanan si Angelica. She can do anything to harm you at ayokong masaktan ka."
I looked at his eyes and all I can see is nothing but sincerity.
"I miss you." Namamaos ang boses kong sambit. Sumilay ang ngiti sa kanyang mga labi at mabilis akong siniil ng halik. He let go of my mouth but I pulled him closer. Pinulupot ko ang mga braso ko sa batok niya and kissed him.
I missed him so much. Napahawak siya sa bewang ko sa gulat. Bumagsak kami sa kama as our lips parted. Tinitigan ko ang mga mata niya as a playful smile formed on his lips.
"You like me, too?" He asked. Nakatigilid kaming nakatingin sa isa't-isa. My arms are still around his nape at ang mga kamay niya'y nakahawak pa rin sa bewang ko. This moment is just too magical for me.
Tumango ako sa kanya as I snuggled on his chest. Niyakap niya ko ng mahigpit and planted small kisses on my head. Napapikit ako as I inhaled his masculine scent. Ramdam na ramdam ko ang init at ang tigas ng katawan niya.
"I promise Milleana, I'll protect you no matter what." He whispered. Unti-unti akong nakaramdam ng antok.
If this is a dream, please let me sleep a little longer.
Maaga akong nagising and I felt so refreshed. Wala si Brix sa tabi ko, it may be a dream or not, wala na kong pakealam. Medyo gumaan din ang pakiramdam ko ng maliwanagan ako sa totoo kong nararamdaman.
I like Thirdy because he's my ideal man, he's Mr. Perfect, he's Mr. Right. Nagustuhan ko siya dahil sa mga magagandang bagay sa kanya.
But, I like Brix, because he fills in my imperfections. At nagustuhan ko rin siya because of everything I see in him, mabuti man o hindi, I like him as a whole.
Naramdaman ko ang pag-iinit ng pisngi ko habang pababa ako ng hagdan.
"Ano yang ngiting yan Milleana?" Muntikan na kong madulas sa hagdan dahil sa biglaang pagsulpot ni Mommy. Sumimangot ako sa kanya pero pinaningkitan lang niya ko ng mga mata.
"Good Morning Ate!" Napangiti ako ng makita ko si Meinard. Agad ko siyang niyakap at inikot-ikot habang buhat-buhat ko.
"Good Morning baby ko!" I kissed his cheeks and he giggled.
"Kumain na kayo ng maihatid ko na si Meinard sa school." Mommy said. Magana naman akong kumain, lalo na si Meinard na andami-daming kwento about sa school nila.
"Hindi ko na napapansin si Brix, Milleana." Nasamid ako sa tanong ni Mommy. "Nag-away ba kayo?" Inisang lagok ko yung tubig ko at halos hindi na ko makahinga sa sobrang pag-ubo.
"B-Busy lang Mommy, malapit na kasi midterms." I lied. Mabilis kong inubos ang pagkain ko at nagpaalam na ko, baka kung saan pa umabot ang pagdududa ni Mommy. Pahop-hop pa ko habang naglalakad sa hallway at malaki ang ngiting bumabati sa mga nadadaanan ko.
"Mukhang masaya tayo ah?" Barbie grinned at me.
"Mamaya share ko sayo." I giggled. Nagkibit balikat lang siya at tinuon muli ang atensyon sa bagong biling magazine. Nagdodoodle ako sa notebook ko ng biglang may naglapag ng maliit na paperbag sa desk ko.
Nagtaas ako ng tingin and saw Thirdy.
"I made chocolates." He smiled. Binigyan niya rin ng chocolates si Barbie pero mas maliit lang na paperbag.
"Hindi ako nagpapaligaw Thirdy." Naniningkit ang mga matang sabi ni Barbie. Tumawa si Thirdy sa kanya at binawi yung chocolates.
"Baka lang kako gusto mo rin, dami mong angal." Thirdy chuckled. Nanlaki ang mga mata ni Barbie at pilit binabawi yung supot ng chocolates na hindi niya maabot-abot dahil sa tangkad ni Thirdy.
"Binigay mo na eh! Wala ng bawian!" Barbie pouted na bahagya pang tumatalon para abutin yung chocolates na mas lalo pang itinataas ni Thirdy.
Napangiti na lang akong naiiling.
Infairness, mukhang bagay itong dalawa.
Napatingin ako sa gawi ni Angelica, wala si Brix sa tabi niya at si Ella pa rin ang nasa tabi ko. Binuksan ko yung chocolates na binigay ni Thirdy at tinikman ito.
It's good...
Gosh! Ang perfect niya talaga! Kung sino man ang makatuluyan niya Lord, sana yung hindi siya sasaktan. Yung aalagaan siya. Yung hindi gaya sakin...
Muli ko silang pinagmasdan ni Barbie habang nilalantakan ko yung chocolates. Lihim akong napangiti.
"Okay class! Please take your seats and we'll have some seatworks!" Biglang entrada ng teacher namin at may binigay na mga questionnaires na hahanapan namin ng sagot sa module namin. Good thing about seatworks is pwede kaming magkopyahan, pwede kaming magsitayuan at maglakad-lakad para humagilap ng answers basta't hindi kami masyadong maingay at hindi kami lalabas ng classroom.
"Excuse me ma'am, may I borrow Milleana for awhile?" Natigilan ako sa pagsusulat at napatingin sa pintuan. Agad na kumunot ang noo ko ng makita si The Great King Marius na nakasandal sa door frame.
"May ginagawa pa sila Marius, you can talk to her pero saglit lang... mga kabataan talaga ngayon." Our teacher mumbled the last part. Muntikan ko ng ibagsak yung papel ko sa inis at nagdadabog na naglakad papunta kay Marius na ang lawak ng ngiti sakin.
"Ano? Busy ako!" Pagtataray ko.
"Namiss kita Milleana." He said and hugged me. Napasinghap ako lalo na't nasa may pintuan lang kami dito sa harap ng classroom.
"Yuck ka! Yuck ka! Yaaaakkkkk!!!" I hissed at pinampag ang uniform ko dahil sa yakap niya sakin. Tumawa lang siya at pinisil ang pisngi ko na mas lalo kong ikinainis.
"Puntahan mo ko mamaya sa kotse ko during lunch time. I have a surprise for you." Malaki ang ngiti niyang sabi. Pinaningkitan ko siya ng mga mata.
"Please baby? Puntahan mo ko mamaya dun please?" Napabuga ako ng hangin dahil sa paawa effect niya. The Great King Marius is pouting in front of me at nakakapangilabot iyon para sakin.
"K! I'll be there pero saglit lang ha?!"
"Yes! Okay, hihintayin kita. Alam kong magugustuhan mo iyon!" He grinned. "Ma'am, thanks for the time. Sorry sa istorbo." Paalam ni Marius sa teacher namin. Inirapan ko lang siya bago ako nagmartsa papasok sa classroom.
Dumapo ang tingin ko kay Angelica na ang sama ng tingin sakin kaya napaiwas na lang ako ng tingin. Mukhang masasampal na naman ako nito!
Inulan ako ng tanong ng mga classmates ko after every class. Sumusulyap ako kay Thirdy na tahimik lang na nagbabasa ng notes niya. Nagpaalam ako kay Barbie at Thirdy pagkarating ng lunch break, hindi ko na nga hinintay ang sagot nila dahil mukhang dadagsain na naman ako ng tanong ng mga classmates ko.
Hingal na hingal akong nakarating sa parking space.
"Milleana! Over here!" Kunot noo akong naglakad papunta kay Marius. "Oops! Just stay right there and close your eyes." He grinned.
"Sasapakin na kita ang dami mong arte!" I hissed.
"Come on! Just do it!"
Tumingin ako sa paligid. May mga ibang students ang naririto at yung iba pa kumukuha pa atah ng pictures at videos.
"Hindi ba pwedeng sa loob na lang ng kotse mo?"
"Mas lalo silang mag-iisip ng kung anu-ano Milleana, now close your eyes and don't open them until I say so!"
I pressed my lips tightly and closed my eyes. "Bilisan mo ah! Kapag kalokohan ito sisipain kita!" I grunted. Narinig ko ang pagsinghap ng ibang students kasabay ng pagdampi ng malamig at medyo basang bagay sa pisngi ko.
I slowly opened my eyes. My jaw dropped at dahan-dahang tumaas ang mga kamay ko to cover my mouth.
Marius is holding a Golden Retriever Puppy na may pulang ribbon pa sa leeg.
"I-is this mine?" I gasped. He smiled at me and nodded. "Oh my gosh! Seryoso?!" Naiiyak kong tanong sa kanya. He gave me the puppy at maluha-luha akong sinapak siya ng mahina sa balikat. Kinapa ko ang collar nito.
Milo.
"P-Pero diba bawal ang pets dito?" I sniffed. Umiiyak na ko habang yakap-yakap ko yung puppy.
"Baka nakakalimutan mo kung sino ang may-ari ng school na ito?" He chuckled. "Now, here's another one." Kinuha niya yung isang kamay ko and put a band around my wrist.
"This is a new invention of our company, may tracker ito, when you push the red button magsisignal siya dito sa phone ko, and it would mean, you need my help. Use this during emergency Milleana, and I'll surely come for you. Okay?"
Napatingin ako sa wrist band habang sumisinghot. "O-Okay..."
"I promise baby, hinding-hindi na kita pababayaan." He hugged at hinalikan ang gilid ng ulo ko pero bahagya ko siyang tinulak dahil naiipit yung aso. I glared at him pero tumawa lang siya.
"Mukhang nadagdagan na naman ang kaagaw ko sayo." He chuckled. "Akin na muna si Milo, kunin mo na lang sakin bago ka umuwi, sa SC Office lang ako." He said.
"S-Sige, pero promise mo akin na siya ha? Walang paasa?" I asked him. Pinunasan ko ang namamasa kong mata.
"Yeah, from now on, I won't break any of my promises to you." He smiled at me.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top