-16-
I'm weighing my feelings between Thirdy and Brix. Kapag kasama ko si Thirdy, masaya ako, kinikilig ako, like I am the most beautiful girl in the world when I am with him.
Kapag kasama ko si Brix, masaya din naman ako at kahit hindi siya nagsasalita okay lang, I feel complete and contented basta kasama ko siya at alam kong nandiyan lang siya sa tabi ko.
Kumbaga sa Vitamins, si Thirdy-- Enervon.
Si Brix-- Centrum.
Bumuntong hininga ako when I reached my locker. Binuksan ko ito pero natigilan ako ng makitang nandoon na yung journal ko. I immediately took it and scanned it ng biglang may mahulog na dilaw na sticky note mula rito. Pinulot ko ito at binasa.
I didn't read it. Sorry for taking it from you.
Take care.
--Brix
Hindi ko alam kung bakit ako nakaramdam bigla ng kaba. Nilagay ko sa bag ko yung journal at inayos yung ibang gamit ko sa loob ng locker. Kagat-kagat ko ang ibabang labi ko habang mabilis akong naglakad papuntang classroom.
"May quiz ba?! Ba't ka nagmamadali?!" Natigilan ako sa paglalakad ng makita ko si Barbie na paakyat na rin ng hagdan.
"Feeling ko may pasurprize quiz si ma'am, kinakabahan ako eh." I told her. Nanlaki naman ang mga mata niya. I pressed my lips tightly dahil alam kong hindi iyon ang dahilan kung bakit ako kinakabahan ng ganito.
"Dalian natin! Wala akong maalala sa mga tinuro niya!" She squealed. Sabay kaming napatakbo papuntang classroom na nasa second floor. Pero natigilan ako ng makita si Brix na nakaupo sa tabi ni Angelica, at yung dating nakaupo sa tabi ni Angelica ay nakaupo na sa dating seat ni Brix.
"Oy! Magreview kayo dali may pa surprize si Ma'am!!" Barbie announced. Napatingin sa direksyon namin sina Angelica at Brix at agad naman akong napaiwas ng tingin. Mabagal akong naglakad papunta sa seat ko at dahan-dahan na umupo.
I felt a stab on my chest. Feeling ko pinipiga ng mariin ang puso ko sa nasaksihan.
Narinig ko ang pagkataranta ng mga classmates ko. Nagkunwari na lang akong nag-aaral kahit ang totoo'y naiiyak ako. Nanginginig ang mga kamay kong nakahawak sa notes ko. Panay ang pagbuntong hininga at pinipigilan ang sariling umiyak.
Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito.
"Miles..."
Napatingin ako kay Ella na nasa tabi ko. Yung pumalit kay Brix sa upuan nito.
"Dito na ko ha? Alam mo bang sila na ulit nina Brix at Angelica? Kaya hayun magkadikit ulit yung dalawa." She giggled. Nakuyom ko ang kamao ko sa sinabi niya. I forced a smile at her, kahit sobrang sakit na ng nararamdaman ko at halos hindi na ko makahinga.
"O-Okay lang... Diba magaling ka sa Economics? Pakopya ka ha?" I faked my laugh. Kahit gusto ko ng maiyak ay tinatagan ko ang loob ko. Hindi ako iiyak dahil wala namang nakakaiyak...
Bakit ba ko naiiyak? Bakit ba ko nasasaktan?!
"Haha! Grabe ka! Mas matalino ka kaya kaysa sakin." She chuckled. Pilit ang ngiti ko sa kanya bago ako bumaling sa notes na hawak ko. I glanced at Brix and Angelica, nakasandal si Angelica sa balikat ni Brix at nakapatong naman ang ulo ni Brix sa ulo ni Angelica.
Napapikit ako ng mariin at napabuntong hininga na lang. Ang sakit pucha!
"Anong pinagkakabusyhan niyo?" Pilit akong ngumiti kay Thirdy when he arrived.
"Malakas kasi ang kutob naming magpapasurprise quiz si ma'am." I said.
"Buti na lang nakapagreview ako konti." He laughed off. I breathed deeply at kinalma ang sarili ko habang pilit na nagrereview.
Unfortunately, may pasurprise quiz nga talaga ang teacher namin. Napaface palm na lang ako dahil sumasakit ang ulo ko at bahagyang nanginginig ang mga kamay ko. Buti na lang nakasagot pa rin ako ng maayos.
Ngumingiti lang ako kay Thirdy at Barbie kapag kinakausap nila ako in between our classes. Lunch time na at agad namang yumakap sa braso ko si Barbie.
"Buti na lang nakapagmemorize ako kanina!" She giggled. Bahagya akong napasulyap sa direksyon nina Brix. I caught him looking at me pero agad din siyang nag-iwas ng tingin. Parang may kung anong gumuho sa kaloob-looban ko.
Since nagdinner siya noon sa bahay, nakita ko na lang kinabukasan na nandun na yung bike ko pero wala si Brix. I even texted him para magpasalamat but he didn't reply.. Akala ko okay pa kami, pero akala ko lang pala...
"Let's go..." Hinawakan ni Thirdy ang kamay ko. Agad naman akong napangiti sa kanya.
Kung saan-saan ka kasi tumitingin Milleana...
Dumiretso kami sa cafeteria, masaya kaming nagkwekwentuhan about sa surprise quiz kanina ng biglang may naglapag ng tray sa table namin.
"Can we join you?" Angelica smiled at us.
"May ibang vacant tables naman." Brix called her.
"No, gusto ko lang bumawi sayo Milleana I've been very bitchy at you these past few days." Malungkot na saad nito. Napahigpit ang hawak ko sa kubyertos ko. Napatingin sakin sina Barbie at Thirdy. I glanced at Barbie at mukhang nakuha naman niya ang gusto kong iparating.
"Actually, walang ng space." Barbie smiled at her at nilagay yung bag namin sa katabi niyang seat. Pang-apatan lang kasi ang kinuha naming table.
Kumunot ang noo ni Angelica sa inasal ni Barbie.
"Okay then, maybe next time. I'm sorry again Milleana." She smiled at me. Pilit akong ngumiti sa kanya. Bumaling ako kay Brix na hindi makatingin sakin ng diretso. I clenched my jaw, at binaba ang mga hawak kong kubyertos.
Umalis na sina Angelica at Brix, at nawalan na rin ako ng ganang kumain.
"Are you okay?" Hinawakan ni Thirdy ang kamay ko at bahagyang pinisil. I smiled at him and nodded.
"Pasensya na..." I sighed.
"Ano ka ba Miles, it's okay! Hayaan mo na lang sila." Barbie tapped my shoulder. Ngumiti ako sa kanya. Bahagya akong naguilty dahil hindi ko nasasabi sa kanya ang mga problema ko. Alam kong nagmamalasakit siya sakin kaya dapat maging honest din ako sa kanya.
"Anong gagawin niyo mamayang vacant?" Thirdy asked us pagkatapos naming kumain at papunta na rin kami ng next class namin.
"Wala naman, ikaw?"
"May meeting kami sa team, okay lang ba?" He asked me. Bahagya akong nahiya sa tanong niya.
"H-Hindi mo naman kailangang magpaalam."
"I just want to." He chuckled. Naramdaman ko naman ang pagsiko sakin ni Barbie at paniningkit ng mga mata nito. Nakarating na kami sa classroom, hindi ko na tinapunan ng tingin sina Angelica dahil naninikip lang ang dibdib ko.
Pagkatapos ng klase namin ay agad namang nagpaalam sakin si Thirdy, he even kissed my cheek na ikinatili naman ng ibang classmates namin kaya naging sentro na naman ako ng tuksuhan.
"Sabi ko na nga ba kayo na!!" Karen giggled, isa sa mga classmates ko.
"Hindi nga!" Naasar na sumbat ko. Pinalilibutan na ako ngayon ng mga classmates ko na daig pa ang paparazzi sa dami ng tanong.
"Oh eh bakit ka namumula!" Asar pa nung isa. Napairap na lang ako sa kanila.
"So! Dalawa na pala ang couples natin dito! Angelica and Brix, Miles and Third!" Ella giggled. Nakagat ko ang ibabang labi ko sa sinabi niya na ikinatahimik pa ng buong room.
"Hay naku! Kayo ba hindi curious sa lovelife ko?!" Barbie asked.
"Tara na nga, magmeryenda na lang tayo..." Deadma ng mga classmates ko kay Barbie na ikinatawa ko ng lubos at kinapula niya ng husto. Yung iba tatawa-tawang lumabas at yung iba naman bumalik na sa seats nila.
"Baliw, wala namang bago sa lovelife mo. Tara sa rooftop may ikwekwento ako sayo." Sabi ko. Ngumuso lang siya sakin. Umakyat kami sa rooftop and I made sure that it is locked.
"So anong balita?" She asked me. Bumuntong hininga ako at bumaling sa kanya. "Si Brix noh?"
Nanlaki ang mga mata ko sa tanong niya, "P-Pano mo nalaman?"
"Haler! Nasa likod niyo lang akong dalawa and I've been a witness on how you exchange glances, yung mga ngiti niyo sa isa't-isa at yung simpleng landian niyo." May bitterness na sabi nito.
"Kahit hindi mo sabihin sakin, alam kong nagugustuhan mo na siya Miles." Dagdag pa nito. Agad akong napayakap kay Barbie at umiyak sa kanya. Tinapik-tapik niya ang balikat ko habang malakas ang hagulgol at iyak ko.
"At first, it was all because of my diary, my journal..." I started when I calmed down. "..pero nitong mga sumunod na pagkikita namin, it is not about the journal anymore, it is because nasanay na ko sa presensya na, dahil nagugustuhan ko ng kasama siya kahit saan man kami magpunta." I sniffed as I wiped my tears.
"Paano na si Thirdy?" She asked. Umiling ako sa kanya.
"H-Hindi ko na alam, I like them both."
"Mas boto ako kay Thirdy para sayo Miles, I can see his sincerity towards you. Maybe naguguluhan ka lang dahil sa biglaang pagiging sweet sayo ni Brix, pero nakita mo naman diba? Wala lang pala iyon sa kanya dahil may nobya na siya."
Tumarak sa dibdib ko ang mga sinabi ni Barbie, muling bumuhos ang mga luha ko.
"S-Siguro nga..." I swallowed hard. I calmed myself at inayos ang sarili ko bago kami bumalik sa room dahil ayoko namang mapansin ng mga classmates ko na umiyak ako dahil masyado silang mausisa.
"Oh andito na pala si lover girl!!" Inulan ulit ako ng tukso dahil nakabalik na rin pala si Thirdy na bahagyang namumula dahil sa tuksuhan.
"Tigil-tigilan niyo kami baka 'di ko kayo matantiya!" Singhal ko sa mga ito na ikinatawa lang nila.
"Hindi pa naman kami, nanliligaw pa lang ako." Thirdy chuckled na mas lalong nakapagpa-ingay sa klase.
"Whoah! Miles, ang pakipot! Eh di ba crush na crush mo si Thirdy?!" Dagdag pa nung isa.
"Oh! Eh di ikaw na sumagot!" Pagtataray ko.
"Sure ka? Ako na sasagot?!"
"Ano ba?! Tigilan niyo na nga kami! Nakakahiya!" Naasar na sambit ko... Napatingin ako kay Thirdy na ngingiti-ngiti lang at mukhang natutuwa pa.
"Ako! Ako! Hindi niyo ba tatanungin kung sino crush ko?" Singit ni Barbie.
"Baka andyan na si Sir..."
"Magreview na tayo baka may surprise quiz ulit..."
Natawa talaga ako sa pangdeadma nila kay Barbie, napatingin ako sa gawi nina Brix. Nahuli ko siyang nakatingin sakin ng walang emosyon, nag-iwas na lang ako ng tingin at binalingan na lang si Barbie.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top