-14-

She was trouble, chaos really, but her smile, her smile dared me to fall in love with her. 

--------------------------


Ang sakit ng ulo ko ngayon dahil hindi ako nakatulog kagabi. Hindi kasi maalis sa isip ko yung ginawa namin ni Brix kahapon. 


It just felt so wrong, yet feels so right ang peg!


"Good Morning!" Hindi ako makangiti kay Thirdy dahil sa sakit ng ulo ko. Mukhang nagtaka naman siya kaya hinawakan niya ko sa balikat ko and made me face him. He held my chin and lifted my face. 


"What's wrong Miles? May masakit ba sayo?" He asked. Bahagya akong nag-iwas ng tingin at tumango. Naguiguilty ako kapag nakikita ko ang gwapo niyang mukha. Parang feeling ko pinagtaksilan ko siya! 


"Masakit kasi ang ulo ko, hindi ako masyadong nakatulog kagabi." 


Lumamlam ang kanyang mga mata at hinaplos ang pisngi ko. "Is it about what happened yesterday? Nakausap ko na si Angelica, hindi ka na niya sasaktan." He cupped my face at hinalikan ang noo ko. 


Napapikit ako sa init ng halik niya. How can he be so sweet and romantic? Feeling ko siya na talaga si Mr. Perfect but I feel so Imperfect besides him. 


"Gusto mo bang dumaan muna sa clinic?" 


Umiling ako sa kanya. "Okay na ko." I smiled at him. He took my bag at siya na ang nagbuhat nito bago niya ko akbayan. I looked at him and he just smiled at me. Iba talaga yung effect ng ngiti niya nakakawala ng sakit sa katawan!


I pressed my lips tightly sa sobrang kilig na nararamdaman ko ngayon. 


Pansin ko ang tingin samin ng ibang mga students ngunit mukhang wala namang pake si Thirdy sa kanila. 


"Si King Marius na ang nagsabi na siya ang dahilan! May tinatagong landi pala siya." 


Nakagat ko ang ibabang labi ko sa narinig. Hindi man nila sabihin ng direkta ay alam kong ako ang pinag-uusapan nila. Naramdaman ko ang bahagyang pagpisil ni Thirdy sa balikat ko like saying that it's okay, wag ko na lang silang pansinin. 


Huminga na lang ako ng malalim. Nakarating kami si classroom at nakita ko naman si Angelica sa seat nito na bahagyang sumulyap samin. She remained indifferent. Napatingin naman ako kay Barbie na seryosong nagbabasa ng magazine at may lollipop pa sa bibig niya. 


Thirdy put my bag on my seat. Ngumiti ako sa kanya as he caress my face bago umupo sa seat niya. 


"Hoy! Ang busy mo ah!" Pinitik ko yung magazine na hawak ni Barbie kaya napatingin siya sakin. 


"Look! May bagong labas na prada bag and it's color pink!!!" She squealed. Napatanga ako sa sinabi niya at kinurot siya sa pisngi. 


"Puro ka na lang pink! Pati bahay at kotse niyo color pink na dahil sa kaadikan mo sa pink!"


"Eh bakit ba!" She pouted. Napabuga na lang ako ng hangin at sumandal sa upuan ko. I watched Thirdy's back. I see nag-aaral na naman ito. 


Nagsimula na yung klase namin ngunit wala pa rin si Brix. I was about to text him pero pinigilan ko ang sarili ko. 


Bakit ko ba siya kailangang itext? Tsss bahala siya sa buhay niya. 


Nasa kalagitnaan na kami ng third period ng biglang pumasok si Brix. Wala namang nagawa yung teacher namin na itinuloy lang yung sinusulat sa board. 


Naramdaman ko ang pag-iinit ng pisngi ko when Brix grinned at me. Agad akong nag-iwas ng tingin sa kanya at nagfocus na lang ako sa kinokopya ko sa board. 


Umubob si Brix sa desk niya kaya napatingin ako sa kanya. Nakatingin pala siya sakin at nakangisi pero inirapan ko lang siya. Halos hindi ako makapagsulat ng maayos dahil sa sobrang pagtitig niya na may kasamang ngisi. 


"B-bakit ka pala late?" I whispered to him. Tinaas niya ang ulo niya at nangalumbaba habang nakatingin sakin. 


"Hmmm hindi kasi ako nakatulog because of what happened last night." He winked. Agad kong pinagsisihan kung bakit tinanong ko pa siya. Dahil alam ko at ramdam ko na ang sobrang pamumula ng mukha ko ngayon. 


Buti na lang tumunog agad ang bell. Nakahinga ako ng maluwag. I pressed my lips tightly when Brix grab his bag at tumayo na. Sinundan ko siya ng tingin at agad na humapdi ang puso ko ng makitang lumapit siya kay Angelica and took her bag. Biglang nag-init ang sulok ng mga mata ko. 


"Lunch?" Napakurap-kurap ako sa tanong ni Thirdy. I smiled at him at tumango. Muli akong napatingin sa direksyon ni Brix. 


Nag-uusap silang dalawa ni Angelica and they're smiling at each other. 


Akala ko, ako lang ang kaya niyang nginitian, but it seems like his smile is brighter when he's with her. 


"Ouch." I bit my lower dahil sa sakit ng puso ko. 


"Miles, ayos ka lang? I think kailangan mo na talagang madala sa clinic." Napatingin ako sa maamong mukha ni Thirdy at sa mga mata niyang puno ng pag-aalala para sakin. 


"I-I am fine, halika na. Barbie tara na." I called Barbie's attention na busy sa phone niya. 


"H-Huh? Lunch na ba?" She asked and look at he watch. "O-M!! Tara na!!" 


Pilit ang ngiti ko kay Thirdy, hindi ko alam kung bakit ang bigat ng pakiramdam ko ngayon. Kulang atah talaga ako ng tulog. 


"Matamlay ka Milleana, may sakit ka ba?" Barbie asked me at kinapa ang noo ko. Napabuntong hininga na lang ako. 


"May 2 hour vacant tayo before next period diba? Matutulog muna ako sa clinic." I sighed. Halos ginalaw-galaw ko lang yung pagkain ko dahil wala akong ganang kumain. 


"Gusto mo samahan kita?" Thirdy held my hand. I smiled at him at umiling. 


"Kaya ko naman." 


"Kung ganun, kumain ka na. Halos hindi pa kita nakitang sumubo. Do you like anything? Milk? Juice?" He added. Napangiti ako sa tanong ni Thirdy. Gas!!! Napaka-caring niya!! 


"Alam mo, kahit masama ang pakiramdam ko, kinikilig pa rin ako sayo." I told him. Pansin ko ang bahagya niyang pamumula at pagngiti sa sinabi ko. 


"Excuse me, pwede na wag niyong harap-harapang ipamukha saking single ako?" Barbie commented at umirap samin ni Thirdy. Parehas kaming natawa. 


I was laughing when I accidentally met Brix gaze. Kunot noo itong nakatingin sakin habang kausap siya ni Angelica. I saw him clenched his jaw bago bumaling kay Angelica. He immediately smiled at her. Napaiwas na lang ako ng tingin at tinuon ang atensyon ko sa pagkain. 


"Are you sure na kaya mo mag-isa?" Thirdy asked me. 


I nodded. "Hintayin niyo na lang ako sa classroom. I'll text you kapag nagkaroon ng problema." 


"You're not good at that, you even forgot to text me yesterday." May himig ng tampo ang boses nito. Nakagat ko ang ibabang labi ko. As I look at him with guilt. 


"Sorry." 


"It's okay, sige na magpahinga ka na. Hintayin ka na lang namin sa classroom." He kissed my cheek bago sila umalis ni Barbie. Sumulyap pa sakin si Barbie habang naniningkit ang mga mata. Naramdaman niya sigurong may tinatago ako. 


Pumasok na ko sa infirmary and talked to the school nurse bago ako mahiga sa bed. I set my alarm clock para magising ako before next subject namin. Agad akong hinila ng antok. 


Naalimpungatan ako when I felt something caressing my face. Unti-unti akong nagmulat ng mata. I almost screamed when I saw Brix buti na lang at agad niyang natakpan ang bibig ko. 


Nakatagilid akong nakatulog kanina at nakahiga naman siya sa tabi ko at nakaharap sakin. 


"What are you doing here?" I whispered at him. Napatingin ako sa wrist watch ko at pansing isang oras pa lang akong nakatulog. 


"I also need some sleep." He grinned. 


"May ibang bed naman!" 


"I like it here, mas komportable." I covered my mouth para pigilan ang pagsinghap when he pulled me closer to him. Nanlalaki ang mga mata ko habang nakangisi lang siya sakin. 


"Ako na lang ang lilipat--" Mas humigpit ang hawak niya sakin as I tried to push him. Kumunot ang noo niya na para bang hindi nagustuhan ang ginawa ko. 


"A-Ano ba, baka makita tayo ni Angelica, baka kung ano pang isipin niya." I gritted my teeth and pushed him harder but this time dalawang kamay na niya ang nakayakap sa bewang ko. Halos magkadikit na kami kung hindi lang dahil sa mga kamay kong nakadantay sa dibdib niya. 


Ang init pala dito sa infirmary!!! Shet!!!


"Ano bang pakealam ko sa kung anong iisipin niya?" I heard him hissed. He rested his chin on my shoulder and hugged me tighter. 


Bigla akong napangiti, hindi ko alam kung dahil ba yun sa sinabi niya or dahil sa yakap niya. 


"Come on, sleep." He kissed the side of my head. Napapikit na lang ako at sininghot ang amoy niya. Shet! Ang bango niya. He hugged me tighter kaya mas lalo akong sumubsob sa dibdib. 


Shet!

Double Shet!

Triple Shet!  

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top