-11-
F*ck butterflies, I feel the whole zoo when i'm with you.
--------------------------------------
"GO THIRDY LABS!!!" Hiyaw ni Barbie sa tabi ko at winagayway pa yung banner. Napasinghap ako at hinila yung buhok niya.
"Oy! Wag kang ahas!" I snapped at her. Ngumuso lang siya sakin at inirapan ako.
"Duhhh! I'm on a fan girl mode! Kailangan with heart and feelings!" Bulalas niya. Napabuga na lang ako ng hangin. Ganyan naman talaga si Barbie kahit sinong chinicheer niya nagiging labs niya pansamantala. Feel na feel ang pagiging fan girl.
"Baka isipin ni Thirdy may gusto ka sa kanya madagdagan pa ang karibal ko." I rolled my eyes at her. Nilagay ni Barbie yung banner na ginawa niya sa likod niya at humarap sakin. Tinapon ko na kanina yung banner na ginawa niya sakin. Ayoko namang ibandera yun noh!
"Milleana Lourice, alam kong threatened ka sakin dahil mas maganda ako kaysa sayo. But no worries, hindi ko type si Third, duhh." She flipped her hair na tumama pa sa mukha ko at muntikan ko na talaga siyang sabunutan.
"Whoah! Ang lakas ng hangin, lakas maka-industrial fan." Irap ko dito at muling tinuon ang atensyon ko sa laro. Ang lakas makasigaw ni Barbie, kulang na lang lumabas ang vocal chords niya sa kakasigaw.
Ang lakas lang ng kabog ng dibdib ko habang naglalaro si Thirdy my labs. Grabe lang talaga, ang gwapo talaga niya kahit sobrang na siyang pawisan. Para tuloy gusto kong bumaba at punasan ang pawis sa katawan niya.
Magaling din ang kalaban nilang school, may mga gwapo din pero wala talagang makakatalo sa kagwapuhan ni Thirdy na maging kabilang school napapatili kapag nakakashoot siya.
"THIRDY!!!" Malakas na hiyaw ni Barbie pagkatapos ng 1st quarter. Napatingin samin si Thirdy at ngumiti sakin. Naghiyawan naman yung mga nasa likod ko habang tinutulak-tulak ako sa balikat ni Barbie na animo'y nakikilig.
Nagthumbs up ako kay Third at ngumiti. Umupo na siya sa bench at nakinig sa instruction ng coach nila. Nag-iinit ang pisngi ko sa kilig at hindi ko na maalis sa mga labi ko ang ngiti. Panay naman ang irap sakin ni Barbie. Inggitera talaga toh kahit kailan.
Naramdaman ko ang pagvibrate ng phone ko. Agad ko yung tinignan. It was a text message from Brix. Kumunot ang noo ko at dagli ko itong binasa.
From Brix:
Umuwi ka na, ihahatid na kita.
Agad akong tumipa ng irereply ko.
Why? Diba galit ka sakin? Tsaka nanonood kami ng laban nila Thirdy.
Agad itong tumawag few seconds after I sent my reply. Hindi ko naman ito masagot dahil sa lakas ng hiyawan, alam kong hindi rin naman siya ko maririnig at maiintindihan. Hinintay kong matapos ang tawag bago ako muli nagtext.
I can't answer you, maingay dito.
"HOY! Manood ka!" Siko sakin ni Barbie. Agad kong binulsa yung phone ko at tumingin sa laro. I wanted to focus on the game pero hindi mawala sa isip ko si Brix. Kinakabahan ako na ewan.
"CR lang ako." I told Barbie. Inilagay ko sa seat ko yung bag ko.
"Sige, dalian mo ha?" She nodded. Agad akong lumabas ng gymnasium at tinignan yung phone ko. I tried calling Brix pero hindi na ito sumasagot. Hindi na rin siya nagreply sa text ko kanina. Dumiretso ako sa classroom namin, baka sakaling andun pa siya.
"AND WHY NOT?!" Natigilan ako sa paglalakad ng makarinig ako ng sigaw mula sa isang babae sa loob ng classroom. Naging mabagal ang paglalakad ko.
"Wala siyang kasalanan Angelica!" It was Brix. Tinakpan ko ang bibig ko para hindi nila marinig ang aking pagsinghap. Sumandal ako sa pader, sa tabi ng nakasarang pintuan.
"Anong wala Brix?! She told Marius to break up with me!" Narinig ko ang panginginig ng boses ni Angelica. She's crying. Naglakad ako at sumilip sa bintana. Nakatakip lang ang kamay ko sa bibig ko.
Nanlaki ang mga mata ko when I saw Brix hugging Angelica. Hinahaplos niya ang buhok nito at pinapatahan. He's very gentle to her, masuyo nitong hinahalikan ang gilid ng ulo ni Angelica. I never knew he has this soft side. He's holding her with utmost care na para itong babasaging dapat maingat na hinahawakan.
I grasped my chest at tumalikod. Naglakad ako papalayo. My heart is aching and I don't know why. Sumisikip ang dibdib ko, nanginginig ang bibig ko, I tried to gasp pero hikbi ang lumabas sa bibig ko.
Natigilan ako sa paglalakad ng biglang may humawak sa mukha ko. He's cupping my face with his massive hands. Puno ng gulat at pagtataka ang mga mata niya.
"What's wrong Milleana? May masakit ba sayo? Tell me baby." He asked at pinunasan ang mga luha ko using his thumb. I glared at Marius and removed his hands on my face.
"You're the last person I wanna see right now." I hissed. I wiped my face using the back of my hands at suminghot-singhot.
"Milleana, you're making me worry." He hissed.
Napatingin siya sa likod ko kaya napalingon din ako. Mukhang nagulat din si Angelica at Brix ng makita kaming magkasama ni Marius. I felt Marius hand on my shoulder kaya napatingin ako sa kanya. Kunot noo siyang nakatingin sakin and I think he knew the reason why I cried.
Bakit ba ako naiyak kanina? Why did that scene hurt me?
"Cover your mouth Milleana." Marius told me. Inirapan ko lang siya. Nakatalikod ako kina Brix at ayoko ng lumingon. Nilagpasan ko si Marius pero bigla niyang hinigit ang braso ko, covered my mouth and kissed the back of his hand that's covering my mouth.
Nanlalaki ang mga mata ko sa gulat. Hindi ko na rin nakita ang reaksyon nina Angelica dahil sa tangkad at laki ng katawan ni Marius. Kahit sino man ang nasa likod namin ay aakalaing naghahalikan kami.
Napasinghap ako when he removed his hand on my mouth. Nag-ayos siya ng tayo at agad akong napatakip sa bibig ko. Kahit hindi niya ko nahalikan ay nawindang pa rin ako sa ginawa niya. He looked back at nakita ko ang pagngisi niya kina Brix.
Brix is looking at us like he's ready to punch someone, umiiyak na si Angelica and walked out. Brix glared at us bago ito tumakbo at habulin si Angelica.
"Y-You! Freakin' weirdo!" I spat at Marius bago ako nagtatakbo pabalik ng gymnasium.
"Ang tagal mo naman!!" Singhal sakin ni Barbie hanggang ngayon nanginginig pa rin ako sa mga pangyayari kanina. Ano bang kamalasan ang nangyayari sa araw na ito?!
"A-Ano ng nangyari?" I asked Barbie.
"Nakakahabol na yung kalaban." She said. Umupo ako sa tabi niya at bumaling sa court. Si Thirdy lang talaga ang nakakapagpagaan sa loob ko. Nawala ang panginginig ko when I saw him.
Lalo na nung ngumiti siya sakin ng mabaling ang tingin niya sa direksyon namin.
Isa talaga siya sa pinakamagandang pangyayari sa buhay ko.
"Haaay... Ang gwapo talaga niya." I sighed.
"Haaaay... Ang gwapo niya sobra." Nawala ang ngiti ko dahil sa sinambit ni Barbie. Agad kong hinila ang buhok niya at napaigik naman ito sa sakit.
"Ouch! Nagjojoke lang naman ako!" She pouted. Inirapan ko na lang siya. Naging breathtaking na ang laban lalo na nung makahabol ang kalaban at makalamang. Nakatayo na kaming lahat sa last few minutes ng last quarter.
Malakas na ang hiyawan at asaran ng magkabilang school. Lalo't kanina pa nagtatabla ang scores.
91-88 lamang lang kami ng tatlong puntos, last 2 minutes. Natahimik na nga rin si Barbie sa tabi ko.
Nahigit ko ang aking hininga when Thirdy made a three point shot, he made it at parang guguho na ang gymnasium sa sigawan.
"PHOENIX! PHOENIX! PHOENIX!"
Narinig na namin yung buzzer na senyales na tapos na ang game. Agad kaming nagyakapan ni Barbie sa sobrang tuwa. Nagsialisan na ang karamihan sa mga audience. Kinuha na rin namin ni Barbie ang mga bag namin at nagligpit.
"Miles!!!"
Natigilan ako ng makita si Thirdy na paakyat ng bleachers, naestatwa pa ko ng bigla niya kong yakapin nung makalapit siya samin at narinig ko naman ang tuksuhan ng mga teammates niya sa benches.
"Sorry, natuwa lang talaga ako." He chuckled at bahagyang pinunas sakin yung towel niya dahil bahagya akong nabasa sa pawis.
"Uuwi na ba kayo? Ihahatid na sana kita but I still have to stay para sa victory party." He said.
"I-It's okay, kita na lang tayo bukas." I smiled at him.
"Thank you for cheering us, tsaka sayo Barbie, rinig na rinig ko ang boses mo." Tawa ni Thirdy, bahagyang namula si Barbie sa hiya.
"Ganyan talaga yan, todo bigay kapag nagchicheer, anyways ang galing niyo kanina, ngayon lang ako nakapanood ng ganito." I chuckled.
"Andito ka kasi kaya mas lalo kong ginalingan." He winked. I pressed my lips tightly at naramdaman ko naman ang pag-iinit ng pisngi ko.
"Sige mauna na kami, kita na lang tayo bukas." I said.
"Sige." He smiled, hinawakan niya yung siko ko at mabilis akong hinalikan sa pisngi. Narinig ko pa ang pagsinghap ni Barbie. Bahagyang namula ang mukha ni Thirdy bago nagtatakbong bumalik sa bench.
"Halika na nga, nahalikan ka lang sa pisngi, feeling mo nadevirginize ka na." Basag ni Barbie sakin kaya nahampas ko siya ng malakas sa braso.
Inggitera talaga.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top