-10-
You give me feeling I can't put into words. --Anonymous
-------------------------
"Miles!"
Napalingon kami ni Barbie only to see Thirdy na humahangos patakbo papunta samin.
"T-Third!" I gasped. Hinawakan niya ang kamay ko while panting.
"I'm sorry about last week, may emergency kasi talaga. At hindi na kita nakausap dahil sa practice namin ng basketball ngayon na kasi ang championship. Makakapanood ka ba? Magpapareserve ako ng upuan niyo ni Barbie." He said and glanced at Barbie.
He looks so tired at mukha ngang wala pa siyang pahinga.
"Sige Thirdy! Pupunta kami mamaya!" Barbie grinned. Thirdy smiled widely at binalingan ako.
"Gusto kitang yakapin pero amoy pawis pa kasi ako, I'll expect you to be there." He said at nagtatakbo na rin palayo.
"Hoy! Tulala ka diyan! Gusto mo rin siyang yakapin noh?" Siniko ako ni Barbie habang naniningkit ang mga mata niya.
"Tumigil ka nga! Nakakahiya ka!" I hissed at her. Ngumingisi-ngisi lang siya sakin habang ako namumula na sa kilig. Those smiles talaga!!! Grabe, kailangan ko atah ng mouth to mouth mula sa kanya para makahinga ako ng mabuti.
Lol! Ang halay!
Napalis ang mga ngiti ko sa labi when I saw Kingkong este King Marius na naglalakad sa hallway na kala mo talaga hari. Kulang na lang ang korona at kapa. Makakasalubong namin siya pero hindi ko siya tinignan. Straight lang ang tingin ko and I know nakatingin siya sakin.
"Milleana." He called me. Napatigil ako dahil hinawakan ako ni Barbie para patigilin sa paglalakad. Napamura na lang ako sa loob-loob ko at tinignan ng masama si Barbie.
"I broke up with her." He said. Nakagat ko ng mariin ang ibabang labi ko and glanced at him. "I broke up with Angelica." Napangiwi ako.
"S-So?"
"Silly, it means I'm single. Sayong-sayo na ulit ako." He grinned. I rolled my eyes at him.
"Wala akong pake, single ka man o hindi. Basta galit ako sayo sagad!" I hissed. Kumunot ang noo niya and put his hands in his pocket.
"Gusto mo ng ice cream?"
"Duhh?! Ano ako bata? Akala mo mauuto mo ako ulit gamit ang Oreo Ice Cream sa DQ?! Manigas ka!!! Ayoko sayo!!" Hinahigh blood na sabi ko and walked out. Hinila ko na rin si Barbie. Kumukulo talaga ang dugo ko kapag nakikita ko siya!!!
"Huminahon ka nga!" Sita sakin ni Barbie ng pabalibag akong umupo sa seat ko na nakapagpatigil pa sa mga classmates namin.
"Oh bakit bad mood yan?" One of my classmates yan.
"Red tide eh." Barbie said kaya hinampas ko na. Natawa lang siya kaya inirapan ko.
"Gutom lang yan Miles!" Dagdag pa nung isa kong classmate. Napabuntong hininga na lang ako. Hindi dapat ako naiistress. Magkakawrinkles ako ng maaga.
"Nakakastress maging maganda." I flipped my hair na ikinatawa naman ng mga nakarinig.
"Malala na yan Miles, cancer na yan." Gatong naman nung isa. Natawa na lang din ako. Kahit papano gumaan ang pakiramdam ko. Well, happy thoughts na lang. Ichicheer ko pa si Thirdy my labs mamaya.
Napalis ang ngiti ko ng biglang pumasok ng room si Angelica, naramdaman ko pa ang pagtusok ni Barbie sa likod ko. Bitbit ni Angelica yung violin bag niya at tahimik na umupo sa chair niya. Mukhang hindi naman siya napansin ng mga classmates namin pero pansin kong malungkot siya.
Peste kasing Marius yan!!!
Pumasok si Brix sa classroom kaya nginitian ko siya.
"Good mowning!" Bati ko kay Brix. Kunot noo itong tumingin sakin saglit na para bang hindi nagustuhan ang pagbati ko sa kanya. "Oy! Akala ko ba friends na tayo?!" I poked him ng umubob ulit siya sa desk niya at kay aga-aga eh matutulog na naman.
"Did Angelica and Marius break up because of you?" Mahinang tanong niya sakin and I'm sure ako lang ang nakarinig nun. Nakagat ko ang ibabang labi ko.
"H-Hindi ko naman ginusto---"
Napalunok ako sa talim ng tingin niya sakin. Napabaling ako sa direksyon ni Angelica who's looking at me coldly. Agad din siyang nag-iwas ng tingin.
Pero bakit parang mas natatakot ako sa kung ano mang iniisip ni Brix ngayon? At kung paano at kanino niya iyon nalaman? Ex niya si Angelica, siya ba ang nagsabi nito kay Brix?
"Hindi ko naman hawak ang isip ni Marius---"
"Tsk, you're digging your own grave." He hissed. I pressed my lips tightly. Hindi na muli ako pinansin ni Brix buong araw and I don't know why am I even feeling like this. Nalulungkot ako na ewan.
"Haaayyyy..." I sighed.
"Ang lalim naman nun! Hindi mo pa nasisimulan yang banner mo." Barbie caught my attention. Gumagawa pala kami ng banner ngayon para sa laban nina Thirdy my labs.
"Ano bang ilalagay ko?" I asked her habang nakatingin sa cardboard na blanko. Nakadrawing na nga si Barbie ng Phoenix na may nakalagay na Go! Phoenix!
"Share na lang tayo." I said dahil tinamad akong magdrawing o magsulat, wala naman akong maisip na ilagay.
"Bumili ka na lang ng meryenda, ako na bahala sa ilalagay diyan." She grinned at me. Naningkit ang mga mata ko.
"Wag mahalay ha?!" I spat and she chuckled. Umalis na ko sa bench na kinauupuan namin at naglakad papunta sa cafeteria. Pasipol-sipol pa ko pero natigilan ako when I saw Angelica and Brix na mukhang nag-aaway.
Naestatwa ako and I don't know kung bakit may parte sa loob chest ko ang biglang kumirot. Biglang bumigat ang pakiramdam at paghinga ko, nag-iinit ang mga sulok ng mga mata ko.
"Ouch!" I squealed when something cold touched my cheek. Nanlaki ang mga mata ko when I saw Marius grinning at me at may hawak-hawak na ice cream. Pinunasan ko ang pisngi ko at inirapan siya.
Dumiretso ako sa cafeteria at bumili ng meryenda.
"Andami mo na namang kinakain Milleana." Nasa tabi ko si Marius.
"Pake mo ba? Tsaka para samin ni Barbie ito." I rolled my eyes, kinagat niya yung popsicle ice cream niya sa harapan ko at iniabot yung isa sakin.
"Ayoko niyan, baka may lason---" Natigilan ako sa pagsasalita ng isubo niya sakin yung nakagatan niyang popsicle ice cream. Nagbrain freeze pa ko sa lamig nito.
"Bwisit ka talaga! I almost choked!" I coughed. Nagkibit balikat lang siya at binuksan yung isang pack ng ice cream at kinain yun.
"Uwian na, ba't di ka pa umuuwi?" He asked. Kinain ko na rin yung ice cream dahil natutunaw na.
"Ichicheer ko pa si Thirdy." I said. Natigilan siya sa pagdila sa ice cream niya at tinignan ako ng masama.
"Sana matalo sila." He hissed and walked out. Napasinghap na lang ako, muntikan ko ng ibato sa kanya yung ice cream.
School nila ang nirerepresent nina Thirdy!! Ang bastos talaga ng lalaking yan kahit kailan.!! Bumalik na lang ako sa bench kung saan ko iniwan si Barbie. Padabog ko pang inilagay sa table yung meryenda namin.
Nakakbwisit na talaga itong araw na ito! Nakakabad vibes! Nakakastress!!!
"Anong sinulat mo?" I asked her.
"Charan!!!" She grinned and showed me the board. Unti-unting nanlaki ang mga mata ko ng mabasa ang nakasulat in pink and black.
Go! Third my labs! Win this at sasagutin na kita!!!
<3 <3 xoxo
"BARBIE!!!!!!!" I screamed. Wala na talagang igaganda ang araw na ito.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top