-1-
She was chaos and beauty intertwined. A tornado of roses from divine.-Shakieb Orgunwall
----------
*boogsh!! * *cccrrraaasssshhhh!!! *
"ARAYYYYYY!!!!! " I screamed at the top of lungs after akong sumubsob sa mga halaman ni Mommy na nakalagay sa mga paso-paso.
Napalakas kasi yung pagswing ko sa sarili ko sa duyan at dinaig ko pa si Darna sa paglipad.
"Milleana!" I heard my Mom called. Umiiyak na ko sa sakit ng katawan ko.
"Mommy! I broke your pots!" I sniffed. Bahagya niyang pinampag ang suot ko and helped me get up.
"Let me tend your wounds first." She kissed my forehead at dinala ako sa malapit na bench.
"Kung kailan gumaling ka sa sakit mo tsaka ka naging kiti-kiti." Mom said. Napanguso na lang ako. I used to be frail, sakitin and hikain.
But now hindi na I can even join sports.
"Mommy, what happened? " sabay pa kaming napatingin sa baby brother kong si Meinard na bahagyang nakasilip sa pintuan. He's four years old.
"Wala! Nagprapractice lang ng stunts si ate."I said as I patted his head pagkalapit nito samin.
"But you're severely bleeding." He said. Kumuha na rin siya ng cotton balls at dinampi sa sugat ko habang marahang hinihihipan. Napangiti na lang ako, ang swerte ko talaga sa pamilya ko. Kahit kami lang tatlo.
----------
"BEEEEEEEZZZZZZ!" Matinis na tawag sakin ni Barbara a.k.a Barbie. Pink na pink na naman ang headband nito at damit.
"Puro gasa ka na naman." Naiiling na sabi nito. Napanguso na lang ako at napangiwi ng lumingkis siya sa braso ko.
"Ah! Mahapdi diyan! Gawin kong braces yang pink na headband mo eh!" Naiinis na singhal ko dito. Umirap lang siya sakin at niyugyog ako.
"Alam mo ba kung sino ang magiging classmates natin ngayong school year?" Kinikilig na tanong ni Barbie. Every year, kasi kaming nashushuffle. Swerte namin ni Barbie di pa kami nagkakahiwalay. Business Ad kasi ang kurso namin parehas at karamihan ng students dito iyun ang kurso, kasi kilala ang school na ito internationally.
"Da who?"
"Not one but three." She giggled. Naningkit ang mga mata ko.
"Sino nga pasuspense eh!"
"Angelica, the ever dyosa." She winked. Si Angelica na atah ang dumadaig sa mga Santa kulang na lang macanonize siya sa sobrang santa niya. As in sa lahat ng bagay mabait siya. Kahit nga siguro buhusan ko siya ng kumukulong mantika ngingiti pa rin siya sakin sa sobrang bait niya.
"Two, your forever labs, Thirdy." She winked. Impit akong napatili sa narinig. Third, is like the most perfect boy I've ever met. Magaling siya sa sports, sa studies and even sa theatre and arts.
"And the badnews, classmate din natin si Brix." She almost whispered. Nanlaki ang mga mata ko.
No way! Brixton the forever bully?! Ang pinakamasamang tao sa balat ng universe makakasama namin sa classroom sa buong school year?!
I'm dead.
Umarte akong hihimatayin at agad naman akong sinalo ni Barbie.
"OA, huh? No worries. Di naman pumapasok yun ng madalas." She said. Agad na umaliwalas ang pakiramdam ko at agad na kinaladkad si Barbie papunta sa classroom namin. I wanted to see Thirdy my labs! Now na!!
"Ohayo minna!" I declared.
"Good Morning Walking disaster!." My classmates laughed. Well, most of them ay mga naging classmates ko na kaya kilala ko na sila.
"Oh! Patricio, ganda ng bangs natin ah?!" Pitik ko sa bangs ni Patrick.
"Ugh! Ang tagal ko tong inayos Miles!" He hissed. Tumawa na lang ako at binato yung bag ko sa uupuan sana ni Barbie.
"3 points! Dun ka sa tabi." Pambugaw ko sa kanya. Inirapan lang niya ko at nagdadabog na umupo sa tabi kong seat. Gusto ko kasi lagi akong nasa tabi ng bintana.
"Witweew, paiksi ng paiksi ang palda mo Karen." Sipol ko at bahagyang tinaas yung palda niya.
"Miles!" She gasped. Pero tumawa lang ako ng mapansing pulang-pula na siya. Umupo ako sa seat ko at sumipol-sipol.
"Miles, pre!" Tawag sakin ng iba pang classmates namin at nakipagfist bump. Kilala ako sa school kasi friendly ako. Though may nakakaaway naman ako minsan.
"Balita ko sinagot ka na ni Hana." Pang-aasar ko kay Paul. Tumawa lang siya at nag-ok sign sakin.
"Gwapo ko eh." He smirked.
"Gwapo na ba yan?! Tatlong taon mong niligawan. Naawa siguro." Pang-aasar ko pa. Umupo ako sa tapat niyang seat at nangalumbaba sa table niya para makitsismis.
"Nagkiss na ba kayo?" halos pabulong kong tanong. Naramdaman ko na lang na may pumingot sa tenga ko kaya napahiyaw ako sa sakit.
"Aish! Ano ba?!" I hissed.
"Napakatsismosa mo talaga! Samahan mo ko sa CR. Magreretouch ako." Hila sakin ni Barbie.
"Ehhh?! Paul mamaya ka sakin." I hissed. Tumawa naman ito at sumaludo sakin. Nagpatangay na lang ako kay Barbie at nakasalubong naman namin si Angelica the ever Dyosa, na as usual may followers na daig pa si twitter at Instagram.
"Hi Miles, Hi Barbie." She smiled at us. "Saan kayo? Malapit ng magstart ang klase." Malambing na tanong niya.
"Ah magCCR lang, sige ha? Bago pa kami malate." Barbie said at hinila na ulit ako.
Sumandal ako sa pader habang pinapanood si Barbie na maglagay ng kung anu-ano sa mukha niya.
"Kailan ka pa gumamit ng red lipstick? I told you hindi yan bagay sayo." Komento ko. Ngmuso siya sakin at mangiyak-ngiyak.
"Naout of stock yung favorite barbie lipstick ko!!!" Ngawa nito. Napairap na lang ako at kumuha ng tissue na dala niya at pinunasan yung labi niya.
" Wag kang gumamit ng red. Hindi nga bagay sayo." I hissed at naghanap sa pouch niya ng babagay sa kanyang lipstick.
"Ito na lang mas okay pa ito." I said sabay abot ng Mac na pink lipstick sa kanya. Hinayaan ko na lang siyang gawin ang iba pa niyang ritwals hanggang sa marinig namin yung bell.
-------
"Miss Cruz, Miss Franciso, saan na naman kayo galing?"
Humahangos pa kami ni Barbie pagkarating namin ng classroom. Agad kaming pumunta sa seats namin.
"Call of nature lang po Miss Venezuela." I grinned. Tumaas naman ang kilay nito.
"It's Valenzuela Miss Francisco." May giit na sabi nito.
"Omo! Sorry po. Pang Venezuela po kasi ang beauty niyo Miss Valenzuela." Charot ko. Bahagya naman itong nagpipigil ng ngiti. Pero rinig ko ang hagikgik ng mga classmates ko.
"Ikaw talaga Miss Francisco, sige maupo ka na. So we can start." She said.
"Bolera ka talaga." Barbie rolled her eyes on me.
"Kasalanan mo kaya toh!" Irap ko naman sa kanya. Ilalagay ko na sana yung bag ko sa harap ko ng mapansin ko yung taong nakaupo sa harap ko. Hindi ako pwedeng magkamali, kabisadong-kabisado ko kaya ang likod niya.
Kinulbit ko pa si Barbie at nanlaki ang mga mata niya ng makilala rin yung lalaki sa harap ko.
Oh my Gosh! Si Thirdy my labs!!! Nakaupo sa harap ko!!! Hihimatayin atah ako!!!
Harris David Martin III a.k.a Third/Thirdy my labs!!! Hindi na talaga ako aabsent nito!!!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top