Torete

Unang araw mo palang bilang Freshman ay planado na ang iyong buhay. Una, huwag munang lumandi. Pangalawa, makipagkaibigan lamang sa mga taong tapat sa 'yo. Pangatlo, walang bagsak na marka sa kard. Pang-apat, bahala na si Lord basta ang gusto mo sa buhay ay ang malagpasan ang anim na taon sa High School.

Sobrang dali pakinggan, 'di ba?

Naging payapa ang naging unang lingo mo bilang Freshman nang biglang dumating ang isang late enrollee na nagngangalang Justin De Dios. Hindi mo siya hiniling kay Lord, pero kusa siyang dumating sa buhay mo.

Sino ka naman upang tanggihan ang grasya, 'di ba?

"Tama na nga!"

Ginulo mo ang iyong buhok bago tiningnan ang mga kaibigan mong nagsasalamin. Agad kang nag-iwas ng tingin bago ipinagpatuloy ang pagsusuklay ng iyong buhok.

"Baliw, inaaway na naman ang kanyang sarili." Pabirong saad ni Lu habang nagliligpit ng gamit.

"Tara na! Bago mabaliw itong kaibigan natin, Lu." Pag-aya ni Asheen nang tuluyan niyang maisara ang kanyang bag.

"Mabaliw sa pag-ibig? Ay, wala palang love life." Dali-daling kinuha ni Lu ang kanyang bag bago tumakbo palayo sa 'yo.

"E, wala rin namang love life iyon."

Nanatili kang tahimik habang nakasunod kina Lu at Asheen. May pagmamadali sa inyong kilos sa takot na mahuli sa klase. Ang una mong hinanap pagkapasok ng gymnasium ay walang iba kun'di si Justin. Hindi ka naman nabigo nang makita mo siyang nakaupo sa pahabang bangko.

Hawak ang iyong dibdib ay sinubukan mong kalmahin ang nagwawala mong puso. Nanatili ang tingin mo kay Justin at pinagmasdan ang kanyang mala-inosenting mukha.

"Ang lapit-lapit mo nga, pero ang hirap mo namang abutin." Bulong mo sa sarili bago tinungo ang puwesto ng dalawa sapagkat hiwalay ang mga babae sa lalaki.

"Nahiwalay na naman si Justin sa atin." Saad ni Asheen na halatang nagmamaktol.

Tiningnan mo muli ang puwesto ni Justin sabay buntong hininga. Limang taon mo siyang gusto at sa loob ng limang taong pagkakaibigan niyo ay naghihintay ka na mapansin niya. Hindi bilang isang kaibigan kun'di mas higit mo roon.

Pero malabong mangyari ang iniisip mo. Dahil sa tuwing pinagmamasdan mo siya ay sa iba naman siya nakatingin, kay Allison, ang kaklase mong lantaran kung magpahayag ng damdamin kay Justin.

Kaya minsan napapaisip ka—anong mayroon kay Allison na wala ang isang Alyssa?

Ganda? Check.

Talino? Check.

Palakaibigan?

Sobra. Sa sobrang palakaibigan mo, pati ang taong gusto mo ay malabong maging kayo. Agad kang nag-iwas ng tingin nang mapansin mong nakatingin din sa 'yo si Justin bago pumunta sa gitna ng korte na medyo tolero.

Yumuko ka upang tapusin sa pagsintas ang iyong sapatos bago dumating ang professor niyo sa Physical Education. Aalis ka na sana upang simulan ang pag-stretching nang mapansin mong nahulog ang isang kuwaderno sa bag ni Justin. Lumingon ka sa gawi nina Lu at Asheen, pero nasa kuwaderno rin ang kanilang tinginang kuwadernong pilit niyong kunin simula Freshman.

"Finally!"

Nakita mong sinulyapan ni Lu si Justin na abala sa pagkuha ng mga bola para sa volleyball. Nakabuntot ka lang sa kaibigan mong determinadong alamin kung ano ang nilalaman ng kuwaderno. Ayaw mong manghimasok, pero walang makakapigil sa taong naghihintay ng limang taon bago mapasakamay ang kuwaderno ni Justin.

Si Lu mismo ang dumampot ng kuwaderno. Nanatili kang nakatayo sa likod at matiyagang naghihintay na matapos ang kaibigan mo sa pagbabasa.

"O-M-G!"

"Anong klaseng mukha 'yan, Lu?" Tanong ni Asheen na nakatayo sa tabi mo.

"Ibalik na lang kaya natin—"

"Akin na nga!"

Inagaw ni Asheen ang kuwaderno sa kamay ni Lu. Walang kabuhay-buhay mong tiningnan ang dalawa, lalo na nang makita mo ang naging reaksyon ni Asheen.

"Ang tagal niyo, 'no? Ako naman—"

"Hindi pwede!" Pagpigil ni Lu sa akin.

"Bakit hindi pwede?"

"Basta. Hindi mo pwedeng makita 'to, Alyssa. Si Justin na lang siguro ang magsasabi—"

"Si Justin!"

Agad lumingon ang dalawa sa kanilang likuran nang ituro mo ang kaklase niyong dumaan. Nang mawala ang pokus ng dalawa sa 'yo ay inagaw mo ang kuwaderno sa kamay ni Asheen at palaktaw-laktaw na binasa ang bawat pahina. Hindi mo lubos maintinidhan ang mabilis na pangyayari, pero naging istatuwa ka sa iyong kinatatayuan nang mabasa mo ang huli niyang sulat.

Dear Alyssa,

Ilang taon na ba ang sinayang ko? Tama. Limang taon na ang lumipas simula noong binigyan mo ako ng listahan dahil isang lingo akong nahuli sa pagpasok. Hindi ko makakalimutan ang araw na 'yon. Mali. Hindi ko makakalimutan ang bawat sandaling kasama kita. Kahit sa kuwadernong ito ko lang masasabi ang tunay kong naramdaman para sa 'yo. Malabo pa siguro sa mga mata ni Lu na magustuhan mo ako at sana may lakas ng loob ako katulad kay Asheen upang sabihin ang mga salitang—gusto kita, matagal na.

"Sinabihan kitang si Justin na lang siguro ang magsasabi sa 'yo—"

"Alyssa!"

Napalingon kayong lahat sa pinanggalingan ng boses. Sa pagkakataon na ito ay hindi na birong nakatayo si Justin sa likuran nina Lu at Asheen. Diretso sa kuwaderno ang kanyang mga mata habang maluha-luha mo siyang tiningnan.

Umalis sina Lu at Asheen upang bigyan kayo ng pagkakataon na mag-usap. Marami kang gustong sabihin sa lalaking nakatayo sa 'yong harapan, pero hindi mo alam kung saan magsisimula.

"Totoo ba?" Basag mo sa katahimikan.

"Tadhana na mismo ang nagbigay ng pagkakataon sa akin," Saad niya sabay kagat ng kanyang pang-ibabang labi. "Totoo ang nakasulat diyan, Alyssa. Kaya hindi ko pinapahawakan sa inyo ang kuwadernong 'yan kasi natatakot ako—"

"Justin. . ."

"Natatakot akong mawala ka sa buhay ko kapag nalaman mo 'to, Alyssa."

"Justin," Pagtawag mo ulit sa kanyang pangalan. "Hindi mo ba napapansin ang bawat titig ko sa 'yo? Hindi mo ba naririnig ang bawat tibok ng puso ko? Dahil sa bawat pag-ikot ng mundo, ikaw mismo ang dahilan kung bakit torete ako sa 'yo."

"A-anong ibig mong sabihin?"

Sumilay ang isang matamis na ngiti sa 'yong labi saka mo inilahad pabalik ang kuwaderno sa kanya. "Gusto rin kita, Justin De Dios, matagal na!"

All Rights Reserved 2022
Written by HopelessWings
Cover made on Canva

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top