Part 1
COPYRIGHT © Jay-c de Lente
PHOTO/COVER ART: © Jay-c de Lente
All rights reserved. This book or any portion thereof may not be reproduced or used in any manner whatsoever without the express written permission of the author/publisher except for the use of brief quotations in a book review.
This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
P A R T I
Nang makalampas ang pampasaherong jeepney sa Bangued, ang sentro ng probinsiya ng Abra, ilang mga pasahero ang nagsibabaan. Subalit inayos lang ng mga ito ang ilang kagamitan at mga pinamili, saka mabilis ding nagsiakyatan ulit-patungo sa bubungan ng jeep. Ang topload. Wala nang checkpoint ng pulis mula roon, kaya safe nang mag-topload hanggang sa Sitio Masiyat. Matatagpuan ang nabanggit na sitio sa Munisipalidad ng Licuan-Baay.
Napatingala si Kenna. She was one of the several passengers who lined up behind the jeepney, and was waiting for her turn to climb the small, narrow ladder.
Sinipat niya ang oras sa kanyang cell phone. Pasado alas-kuwatro na ng hapon. Dalawang oras na lang ang ibibiyahe niya at magkikita na sila ng Lola Rosalina niya.
She quickly adjusted her over-sized backpack (which she had used on previous trips and holiday vacations somewhere) and took another few steps forward. Nakasunod siya sa batang lalaki at may-edad na mama.
From Kenna's line of sight, a guy with strong arm--not excessively-muscled--suddenly appeared and held out a hand to the climbing older man, offering help. She couldn't see the upper part of the guy's face for he was wearing a ball cap, while a blue headphone hung from the back of his neck. Malakas din ang araw kaya anino ang nakikita niya. But there was something striking about him. Like an irresistible and tempting outside force pulling her eyes toward him. He had that kind of appeal, she acknowledged. Eye-catching. Mamarkahan ng kahit sinong babae. At dahil naka-ball cap din siya at natatakpan ng brim nito ang kanyang mga mata, pasimple niya itong minasdan pa.
Kenna pondered, Was it because of his enigmatic smile?
She observed that he was beaming almost at everyone there on top, exchanging few pleasantries. Tila kilala ng lahat. Ang iba ay napapahalakhak pa nang malakas.
Tumaas ang isang kilay ni Kenna. Parang politiko itong nangangampanya.
Or sa pananamit ba? patuloy ng isipan ni Kenna.
Naiiba kasi ang dating nito kesa sa ibang kalalakihan doon. Naka-jeans, simpleng light blue shirt, at blue sneakers ito, pareho ng style ng karamihan doon kung tutuusin. But he was like a smooth, glossy white pebble surrounded by dull and gray sand on a seashore.
Darn it, Kenna. Ang landi ng mga mata mo. Ang daming napapansin!
Hindi niya napigilan na mapangiti nang bahagya sa sinasabi ng isang bahagi ng kanyang utak. Kung kasama niya ngayon ang bestfriend niyang si Joan, tiyak makatitikim siya rito ng palo sa balikat. Kaso nagpaiwan ito sa Quezon City dahil walang magma-manage sa business nilang coffee shop (at bookshop na rin, kung saan libreng magbasa roon ng sari-saring books). Pati kotse niya ay iniwan na rin niya muna roon pansamantala. Pero iyon, mamamalo talaga si Joan. Mamamalo habang nakabungisngis, kinikilig, akala mo'y namimilipit na bulati. Sabay sasabihin nitong, "About time, bes! Halos two years nang dry season ang relationship status mo, e. Hahaha!" Tapos magro-roll ang mga mata niya at sasagot ng "Engot. Ano'ng kinalaman ng relationship status ko sa lalaking nasa topload na hindi ko makita ang mukha?"
Suddenly, the guy took off his cap and brushed his fingers through his hair, then put the cap back on with the brim now at the rear. Para bang sagabal ang nasabing brim sa pagbubuhat nito ng dalawang mukhang mabibigat na bayong ng may-edad na mama. Ilang saglit pa, naipuwesto nito nang maayos ang mga bayong.
And suddenly, his eyes were now firmly fixed on her.
Kenna sucked in her breath! She caught sight of very striking pair of eyes! Pero mabilis siyang nag-iwas ng tingin, and realized that she was holding her breath.
She wasn't sure though kung naitago ba ng brim ng suot niyang cap ang pamumula niya. Sobrang init ng kanyang mga pisngi. Kasama pati mga tenga niya!
Nakakahiya kay topload guy...
Her turn came. So, she started for the ladder. But the guy said something:
"Iyong," sabay baling nito sa binatilyong kondoktor na may ibang ginagawa, "pakiabot ng backpack niya." Pagkatapos ay sa kanya naman. "Para 'di ka mahirapang umakyat," dugtong nito.
Tumango si Kenna. Nagpapasalamat siyang hindi sa salitang Itneg o Tingguian siya kinausap nito. Kahit tagaroon ang namayapa niyang ama, hindi siya marunong ng diyalekto roon.
Mabilis na kinuha ng kondoktor ang karga niyang mukhang pang-camping at mountain climbing. At mabilis din iyong nakarating sa itaas.
As Kenna climbed two steps up, the guy with enigmatic eyes watched her intently, curiosity in his eyes. Naiilang siyang nagbaba ng tingin, patungo sa mga kamay niyang nakahawak sa bar ng hagdanan.
Maya-maya, sumungaw sa harap niya ang palad nito. Pero umiling siya. "Okay lang ako," sagot niya sa alok nito na may kaunting ngiti. Hindi naman mahirap o nakatatakot na umakyat doon. Nami-miss nga niya iyon katunayan. Gawain niya iyon noong bata pa siya.
Once she was on top, she quickly looked for a place where she could get settled before the jeepney would move again. Baka tumambling siya roon kapag hindi siya nakahanap ng makakapitan. Unfortunately, halos occupied na ang bawat sulok na may railing o mga metal bar.
"Dito ka na," seryosong wika ni topload guy. Umurong ito sa tabi. Pagkatapos ay iminuwestra nito ang dating puwesto sa taas ng nakataling reserbang gulong sa may ulunan ng jeep. "Ito ang pinakakomportableng spot sa topload," he added in a friendly tone, not smiling. His eyes were still penetrating though.
"Okay," she agreed smilingly. Nakatingin siya sa butas sa gitna ng gulong. "Saktong-sakto sa pang-upo... Thank you," she softly said, with grateful tone.
Kumibit ng balikat ang katabi. "Walang problema."
She realized that he was still way taller than her kahit pa ilang pulgada na ang itinaas niya dahil sa gulong.
Topload guy just gazed down at her.
Umiwas ulit siya ng tingin. Nasa'n na ang palangiting topload guy kanina?
She dismissed her thought at isinuot na ang kanyang hooded jacket upang proteksiyon sa araw at malamig na kapaligiran na alam niyang mas lalamig pa kapag tatakbo na ang jeep.
"At thank you kanina dahil... nakuha mo agad na hindi ako marunong mag-Itneg... Tagarito relatives at father ko, pero nakakailang sa ibang tao dahil hindi ako marunong no'n, e. Kasi 'di ba, dapat alam ko 'yon dahil sa original roots ko. Alam ko kasing proud sa kultura nila ang mga tagarito--" Kenna stopped. Gusto niyang sawayin at pagtawanan ang sarili. Kung ano-ano na ang pinagsasabi niya sa katabi kahit hindi sila nito magkakilala.
This made his eyes dart back at her while he was wearing additional shirt with long sleeves.
"Kilala ko halos lahat ng taga-Licuan-Baay, lalo na sa Sitio Masiyat," he responded in lighter tone. "So, it's obvious that you are either a tourist or a visiting relative. Meaning, that eight out of ten, you can't speak our dialect. Anyway, don't worry. Kahit siya" --iminuwestra nito ang kondoktor-- "'di rin marunong. The reason why I spoke to him in Filipino."
That raised Kenna's curiosity more. The way he talked--even in English--made him even more dashing. And the way he carried himself--
Napahawak bigla si Kenna sa gilid ng gulong!
Umandar na kasi ang jeep. Unti-unti na ring umaandar ang excitement sa mga kalamnan niya. She would be able to feel the thrill once more. Just like when she was a child a long time ago.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top