Totoo ba yun?

Second Day Of Intramurals
(Behind the scenes)
(Off Camera)

Chris' POV

Naglalakad ako sa school namin habang hinihintay ang Chapter 6 ni Rima022 , nang makita ko si Joy, nagmumukmok nanaman sa sulok, parang ayaw maki join sa kahit anong event... Babaeng toh talaga... -.-

Animo'y may kung anong pangyayari ang sakanya'y bumabagabag, lubusan siyang nagugulumihanan kung kaya't hindi ako nagdalawang isip na siya'y lapitan... (Trip kong magpaka makata hahaha)

Chris: Joy?

Joy: Huh? *lumingon*

Chris: Anong ginagawa mo rito?

Joy: Wala...

Chris: Wala?? Sigurado ka? ? Ni paghinga 'di mo ginagawa? Edi sana patay ka na

Joy: Hah hah hah -_-" nakakatawa Chris, natawa ako -__- *salumbaba*

Chris: Ano nga kasing problema??

Joy: Wala nga

Chris: Wala tapos nakamukmok, pwede kayang wala

Joy: Oh edi meron

Chris: Ano??

Joy: Sabi ko nga meron 'di ba?

Chris: Hah hah... , nakakatawa Joy -_-"

Joy: Ewan ko sa'yo, lubayan mo nga muna ko -__-

Chris: Gusto pa kasing pinipilit... Anu nga ??

Joy: Wala nga !!

Chris: Oh edi mamatay ka na

Joy: Wala ako sa mood makipag busitan Chris, umalis ka na

Chris: Ayoko *pouts*

Joy: Oh edi dyan ka

Chris: Ano nga kase?! Para san pa't naging magkaibigan tayo kung nag si secret ka??

Joy: Ang kulit mo, ma'y mga bagay kasi na hindi na shineshare kahit kanino

Chris: Buntis ka?!

Joy: O.o" ANO BA?!! umalis ka na sabi eh

Chris: Sabi mo dito lang ako, ano ba talaga, gulu mo

Joy: Arrrghh!!! Kung ayaw mong umalis ako na lang

Chris: DI PEDE! Anu nga kaseeeehhh!?? Sasabihin lang ba naman eh kung bakit keh arte arte, haharangan kita 'di ka makakadaan dito bleh >:P

Joy: YUNG ALIN BA KASE?!

Chris: Eh ano pa kaya yon?!

Joy: Nakakabwisit na ah T__T

Chris: Kung kanina mo pa kasi sinabi edi walang problema, ikaw lang naman inaalala ko pa arte arte ka pa dyown

Joy: Wala nga akong problema ._.

Chris: Oh deh mamatay ka na

Joy: hayy nako, joke mo bulok na

Chris: Arte mo kasi

Joy: Ikaw lang ang problema ko, aga-aga kung mambulabog

Chris: Gabi na kaya

Joy: Hahaha, bulok na, gasgas na

Chris: Ewan ko sa'yo, ba't ganyan kayong mga babae, ka a arte nyo, moody topakin! wala naman kaming powers para maramdaman at mabasa yang nasa isip nyo, ang gugulo nyo

Joy: Ba't ganyan kayong mga lalake asar talo kayo, pag kayo nang-aasar samin keri namin, pag kami naman nang-aasar senyo pikon agad kayo, ang eengot nyo

Chris: Oh geh panalo ka na, sabihin mo na

Joy: Totoo ba

Chris: Abe malay ko, pa showbiz ka pa kase 'di mo kumpletuhin

Joy: Totoo ba na cheap lang ako? na ganun lang ako? Kaibigan ba talaga turing mo sakin?

Chris: Oo cheap ka

Joy: O.o"

Chris: cheap ka kasi yan ang gusto mo eh, yan ang gusto mong sabihin nila sayo, yan ang gusto mo kasi tinatanggap mo

Joy: ?

Chris: Cheap kasi, mababang uri/presyo, matalino ka di ba? Bakit ganyan ang iniisip mo sa sarili mo? alam mo naman ang sagot dyan diba?

Joy: ...

Chris: Oh ano? cheap ka ba?

Joy: h... hindi syempre!

Chris: Oh edi mamatay ka na

Joy: *facepalm*

Chris: Magiging cheap ka lang kung di mo kayang gamitin yang utak mo't nagpapaapekto ka sa binabato nila sa'yo, eh alam mo naman ang sagot

Joy: Edi hindi ako cheap Chris? :D

Chris: Tingnan mo to... nakikinig ka ba sa sinasabi ko?

Joy: bakit? kasasabi mo pa lang na 'wag akong magpaapekto sa sinasabi ng iba di ba?

Chris: Hay nako, engot talaga, matalino ka ba talagwah?

Joy: Eto naman, joke lang! hindi ka naman iba sakin, gusto ko lang makasigurado kung cheap ako bilang kaibigan sayo? :D

Chris: may tiwala ka ba sakin?

Joy: oo :)

Chris: cge ano isasagot ko?

Joy: siyempre pag sinabi kong hindi isasagot mo wehh mali ka , pag sinabi ko namang oo, babarahin mo nanaman ako, kaya "The answer lies within your hands"

Chris: Sige na Joy... Hindi ka cheap lubayan mo lang akong disscussan

Joy: haha *shines eyes*

Chris: yan! edi tumawa din yung bff ko :)

Joy: *cheers up*

Chris: tara na ba sa next chapter? :)

Joy: sigii

*fistbump* *high five*

---
Sorry guyz xD Break muna tayo xD

Ni no nosebleed akong mag English, sa susunud na leng~ blehh
---

Thanks fo' da read xD

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top