Too Late

"Did you love him?"

"Yes."

"Bakit hindi naging kayo?"

 

Matagal na silang magkaibigan. Simula pa lamang noong una, sila na ang magkasangga. Sa lahat ng pagkakataon, protektado nila ang isa't isa. They've got each other's back. That's how it's supposed to be. That's what friends do.

Walang iwanan.

She is love for him. He couldn't look at the other girls the way he looks at her. It's like he sees the stars in the twinkle of her eyes. He sees the promise of the night in the darkness of her hair. He sees their bright future in her smiles.

At such a young age, he vowed that he will be the one to take her to the altar. He will marry her, for sure. Sa murang edad, sinimulan na niyang planuhin ang kaniyang hinaharap. Everything involves her. He wrapped his life around her.

Isa lamang ang naging problema niya noon. Magkaibigan silang dalawa. And he knows that it's a universal law that you cannot be together with your friend in a romantic way. Sa oras na lampasan mo ang linyang naghihiwalay sa pagkakaibigan at pag-ibig, hindi ka na maaaring bumalik pa. Sa oras na masira ang pagmamahalan, wala ka ng pagkakaibigang babalikan.

It's an uncharted territory, like a jungle waiting to be explored. But there is a possibility that one will get lost and he believes that he will. And so he kept his unwanted feelings to himself. And at such a young age, he got his heart broken.

Nasa ika-anim na grado sila nang may magsimulang manligaw sa kaibigan niya. He remembered the little boy, just around his age, confessing to both of them. Nakatago sa likod niya ang kaibigan, nahihiya, natatakot at kinikilig nang mga oras na iyon.

Pareho nilang hindi alam ang gagawin kaya ilang minuto silang nandoon, nakatayo sa likuran ng classroom nila habang nagtatapat ang isa nilang kaklase sa kaibigan niya.

Nang pauwi na sila ay tinanong niya ang kaibigan kung sasagutin ba nito ang nagtapat.

Umiling ito sa kanya. "Hindi. Bata pa ako. Papagalitan ako ni nanay."

Natuwa siya sa sagot nito. At least, he could still keep her to himself for a little bit longer.

Nang makatuntong sila ng high school ay agad na nakilala ang kaibigan niya. Maganda ito at magaling kumanta. Madalas itong pasalihin sa contests at madalas din itong nananalo. That became her ticket to popularity. Siya naman ay nanatiling tahimik at palaaral. Medyo ilag sa tao at ayaw makihalubilo. She's the only one who could make him open up at habang tumatagal, nababawasan ang oras nito sa kanya.

Pero hindi pa rin nawala ang nang-iintriga sa kanilang dalawa.

"Kayo ba ni Mica?"

"Hindi," ang palagi niyang sagot. Saka may pahabol na bulong. "Sana..."

Kaagaw niya sa atensyon ng kaibigan ang pag-aaral, social life at mga manliligaw nito. Parang lumawak na nang lumawak ang mundo nito habang ang kanya, nananatiling ito lamang ang nakalaman. Sometimes he'd stare alone up the starry sky and wait for a star to fall. Saka siya hihiling kahit alam niyang hindi naman ito nagkakatotoo.

Siguro nga'y hinding hindi sila magiging para sa isa't isa pero hindi pa rin siya nawalan ng pag-asa. Bata pa naman sila. Baka sakaling sa paglipas ng kaunti pang panahon, maging pareho sila ng nararamdaman. Baka sila pala ang nakatadhana para sa isa't isa. He would just wait for her to realize that.

He was hoping that she will.

Third year high school sila noon nang unang beses niyang sinubukang magtapat. Magka-date sila noong prom. Kasunduan nilang dalawa.

"Sa unang prom natin, tayo ang magka-date ha?" sabi nito sa kanya.

"Paano kung may ibang mag-imbita sa 'yo?" tanong niya.

Ngumiti ito sa kanya, kumapit sa kanyang braso at inihilig ang ulo nito sa kanyang balikat. "E di tatanggihan ko sila."

"Paano kung mas matangkad ka sa 'kin pagdating ng prom? Baka maging katawa-tawa tayo."

"Pagsusuotin kita ng heels!"

"Pero—"

Sinimangutan siya nito. "Ayaw mo ba?" may halong tampo nitong tanong.

"Gusto!" mabilis nyang sagot. "Kaso hindi mo rin masasabi..."

But he was glad she kept her promise kahit may lima pang ibang lalaki na di hamak nama'y may mga sinabi kaysa kanya.  Sagot pa nito sa kanya "Kaibigan muna."

Kaibigan. His adolescent heart was yearning for something more. He wanted to be her first kiss, her first hug, her first boyfriend, her first everything. He wanted her to consider him as someone she could possibly be romantic with. But with his skinny legs and heavily pimpled face, he thought it was a very long shot.

Kahit nga first dance, hindi pa niya nakuha. Before he could even protest, she was whisked away to the middle of the dance floor by some guy he could never measure with. Marami siyang narinig na papuri para sa dalawa.

"Bagay sila."

"Sinagot na kaya ni Mica sa Mico?"

"Cute 'no! Halos magkapangalan pa sila."

"Kaya nga perfect e!"

Wala syang lakas ng loob na makipagtalo. Wala naman sa pangalan ang compatibility ng dalawang tao. Mas matagal naman nya akong kilala. Kung ako ang magiging boyfriend nya, nakasisigurado akong magtatagal kami.

They have so many things in common. Surely, that counts as something. He just forgot to include one variable to his flawless formula.

She doesn't like him that way.

She was hailed prom queen and Mico, the king. There's no surprise there. Ramdam naman niya. What chance does he have against him?

Mica and Mico's dance didn't end that night. Nalaman niyang matapos ng prom, sinagot na ng kaibigan ang manliligaw nito. As if his heart haven't had enough blow, nalaman din niya na nakuha na nito ang first kiss ni Mica.

That was supposed to be his. Pero mayroon nga bang nasunod sa mga plano niya?

When summer came and the school year has ended, umuwi siya ng probinsya para naman makahinga ng maayos. Napadalas yata ang paninikip ng dibdib niya dahil sa madalas niyang kasama ang dalawa. One cannot be without the other. Parang sila dati, inseparable.

Now, he's just a third wheel and he could not bear that.

Nang lumipas ang summer, naging kapuna-puna ang pagkawala ng mga tigyawat niya sa mukha. Siguro ay dahil na rin ito sa madalas niyang pagtulog at pagkain ng gulay. Kapansin-pansin din ang bigla niyang pagtangkad.

His classmates were pleasantly surprised. Dumami ang gustong makipag-usap sa kanya. Ang mga taong dati ay nilalampasan lamang siya ng tingin, ngayon ay mga nauuna pang lumapit. Aminado siyang natutuwa siya sa atensyon pero isa lamang naman ang talagang nakapagpasiya sa kanya.

"Hala best friend, baka magka-girlfriend ka na this year! Ang gwapo-gwapo mo na lalo." Alam niyang sadyang mabait ang kaibigan niya kaya dinagdagan nito ng lalo ang papuri. Pero kahit na. Ang mahalaga ay napansin siya nito. It surely took her so long.

May ilan ding mga kaklase at schoolmates na babae ang nagsimulang magpapansin sa kanya. Although he was flattered, he didn't reciprocate their attention. Kahit ilang taon na ang lumipas, si Mica pa rin ang tanging gusto niya. At naniniwala pa rin siyang may pag-asa pa ring maging silang dalawa.

He gained confidence in himself. Mas naging bukas ang sarili niya sa ibang tao. He became a cheerful person and he felt like she was slowly being drawn to him.

Hindi kalaunan ay nakipaghiwalay ito kay Mico. He was so happy that day. Patago siyang ngumingiti habang hinahagod ang likuran ng umiiyak na kaibigan. He knew that it will just be a matter of time before she turns to him. And he will accept her whole-heartedly.

Bilang kaibigan. Bilang minamahal.

Ang tanging naging mali lamang siguro niya ay natigil siya sa paghihintay. He didn't make any move. Hanggang sa may nauna sa kanya.

College sila noon nang magkaroon ulit ng boyfriend si Mica. He was so hurt. He felt betrayed. Akala ko ba hindi ka pa nakakamove-on? Bakit may bago ka na naman? His lips remained sealed. Pinanatili niyang lihim ang sakit. Mukhang masaya na ulit ang kaibigan niya.

At the end of the day, kasiyahan nito ang importante. Habang nakangiti ito, handa siyang masaktan. It was just unfair that she was happy with someone else and not with him.

He was so miserable, he started seeking this happiness that she could not provide. He started dating.

Makalipas ang ilang buwan ay nagkaroon siya ng unang girlfriend. Dito niya naibigay ang unang halik, unang yakap, unang paghawak ng kamay at marami pang unang pagkakataon na matagal na panahon na niyang inirereserba para kay Mica.

Di kalaunan ay nakipaghiwalay itong muli sa kasintahan. Muntikan na rin niyang hiwalayan ang girlfriend niya noon... pero ayaw niyang makasakit. So he held on. Kaakibat ng patuloy niyang pagkapit ay ang isang namumuong bagong pag-asa.

Ang pag-asang maibabaling niya ang pagmamahal para sa kaibigan sa kanyang kasintahan.

Pero sabi nga sa isang linya ng kantang Realize, "It's never gonna be that simple."

The mind can be persuaded. The heart is stubborn. Hindi ito natuturuan. Hindi ito marunong makinig. And though Joan was great, she could never be like Mica. He could never love her like he loves Mica.

It's not the same.

Matapos ang dalawang taon ay nagkaroon na rin siya ng lakas ng loob na makipaghiwalay dito. Ang problema, hindi naman umaayon ang panahon sa kanya. Nagkataon noon na may bago ulit boyfriend si Mica at mukhang patay na patay ito sa bago nito.

The new guy crossed the lines he never expected to be crossed so early. Mica's first happened with the guy at naulit pa ito nang naulit.

Para siyang pinapatay sa sakit.

"Bakit hindi mo sabihin sa kanya?" tanong ng isa niyang kaibigan.

"Para saan?" Tumungga siya ng beer. "Masaya na sya sa kanya."

Bakit hindi mo aminin? Para at least alam nya... Iyan ang palagi nilang sinasabi sa kanya. Sabihin mo. Malay mo may magbago.

Pero hindi sya nakikinig. Natatakot siyang may magbago. Paano na lamang kung iwasan siya nito? Paano na lamang kung pati ang pagkakaibigan nila ay masira? He just couldn't take the risk. So he kept his feelings to himself.

Nagsimula na siyang mawalan ng pag-asa. Unti-unti na siyang nilayuan ng pagkakataon. Alam niyang malapit na ang panahon kung saan isa na lamang ang patutunguhan ng lahat.

Pagsisisi.

Graduating sila noon nang isa na namang masamang balita ang bumati sa kanya. Buntis si Mica. That news devastated them all. Hindi lamang siya ang nasaktan. Hindi matanggap ng mga magulang ni Mica ang nangyari, lalo na ng ama nito.

Tandang-tanda niya ang malakas nitong sigaw sa kaibigan.

"Pinag-aral kita para magkaroon ka ng magandang kinabukasan! Ano ang ginawa mo? Sinayang mo lahat ng pinaghirapan namin ng nanay mo! Sinira mo ang kinabukasan mo!"

Kahit hindi siya ang sinampal, ramdam niya ang sakit. Na parang sa pisngi niya lumapat ang palad ng matanda. Tumagos iyon sa puso nya. If he could only take the pain away... pero wala siyang nagawa kundi damayan ang kaibigan.

Her boyfriend denied the child. It broke her spirit. She almost gave up, she even considered abortion. Siya lamang ang naging haligi nito.

"Nandito lang ako. Hindi kita iiwan," pangako niya. "Pananagutan ko ang bata. Ako ang tatayong ama."

Humagulhol si Mica noon. Dagli itong umiling habang kinukuyumos ng mga kamay ang suot niyang t-shirt.

"A-Ayaw kong sirain ang buhay mo, Kristofer. You deserve someone better. You deserve so much more!"

Ang pagtatapat na matagal na niyang gawin ay nanatiling nakabikig sa kanyang lalamunan. Hindi niya alam kung bakit hindi niya masabi-sabi ang matagal na niyang gustong sabihin. Pakiramdam niya ay mali. Na hindi tama ang panahon.

Sa huli'y nanatili siyang isang mabuting kaibigan. Nothing more, nothing less.

Mica wasn't able to graduate. Inatake sa puso ang ama nito at di kalaunan ay namayapa. She had a premature conception and the child was put to hospital care for a few weeks. Parang nawalan ng buhay si Mica. She was slowly slipping away and in his desperation to bring her back, he prayed to God.

Lord, kahit ano pong paraan ang gamitin ninyo, tatanggapin ko. Pasayahin mo lang pong muli si Mica.

It might be true that selfless prayers were granted almost in an instant after they were said. Ilang araw ang lumipas matapos niyang manalangin, the father of her child came back. Handa na raw ito sa responsibilidad. Handa na nitong akuin ang bunga ng pagkakamali nito.

Nagalit siya. Naghimutok sa langit. Lord, bakit ngayon pa? Matapos nang lahat ng paghihirap ko, saka sya babalik para kunin silang muli sa akin? Gago ba sya? He doesn't deserve her!

But he just ate his words afterwards. Kita kay Mica ang pagbabago. Nagkaroon itong muli ng buhay. Natutunan muli nitong ngumiti. At para bang lukso ng dugo ang naghatid sa bata sa paggaling.

Pumayag ang nanay ni Mica na ipakasal ito sa kasintahan nitong ama ng bata. Wala syang nagawa. He felt so helpless. Ang katiting na pag-asang natitira sa puso nya ay tuluyan nang naglaho.

Ito na siguro iyon. Ang katapusan ng kanilang kwento. Simula pa lamang ay alangan na siya sa magiging ending. Parang ramdam na niyang hindi sila magiging masaya.

In the end, he was right. He was right all along.

He was right that he will take her to the altar. He was just wrong on how it will go. Inihatid niya ang babaeng minahal niya buong buhay patungo sa lalaking makakasama nito habang-buhay. They mistook his tears as the tears of a friend who finds it hard to let her go. They did not understand that they were tears of a man who got his heart broken over and over and over again by the same woman who is breaking it again today.

Hinalikan niya ito sa pisngi at saka ibinulong ang mga katagang matagal na niyang gustong sabihin.

"Mahal kita."

Too bad it was too late.

Too bad he was too late in saying the words.

Too bad she was too late to realize that she feels the same about him.

Too bad they didn't get the chance to love each other like they were meant to.

"Did you love him?" the writer asked her.

Tumango siya habang pinapahid ang luhang unti-unting pumapatak sa nanlalabo na niyang mga mata. "Yes."

"Bakit hindi naging kayo?" Kita niya ang lungkot sa mga mata nito. Nakikisimpatya. Nakikiramdam ng sakit. Pero pakiramdam niya'y hindi nababawasan ang sakit kahit ilang tao pa ang makaramay.

Parang mas lalo pa itong lumalala.

"Huli na nang malaman kong mahal ko siya," mahina niyang sagot.

Mahal kita.

Tandang-tanda pa niya kung paano nabago nang dalawang salitang iyon ang buhay niya. Those two words ignited something in her heart, something she never thought she have. She have feelings for him. She didn't know since when and she didn't know why she didn't see it before.

Pero ang pagpukaw ng pakiramdam na iyon, masyado nang huli para mapagbigyan.

I do.

Because she tied herself to a different man.

Because she chose to give her heart to someone else.

Because she saw him as nothing more than a friend.

Because she thought it was impossible to fall in love with him.

Because of these, she spent her lifetime full of regrets.

Kaya pala dati ay parang may kulang. Mayroon siyang palaging hinahanap na hindi niya nakita sa iba. Kaya pala kapag silang dalawa ang magkasama, parang nasa tama ang lahat. Pero hindi niya iyon binigyan ng pansin.

Magkaibigan sila. They chose to not cross the line and they spent the rest of their lives wondering what could have been. What if they were brave enough to try? Would things still end up this way?

Napailing na lamang siya. Wala na ring magagawa ang pagsisisi. Nangyari na ang nangyari.

Huli na.

---fin---

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top