5/7
"Anak, anak, uwi ka muna saatin. Ligo ka muna, kumaen at magpahinga. Kahapon kapa hindi kumakain." Nagising ako dahil kay Mama.
Pagmulat ko ay bumungad sakin ang babaeng nakahiga sa kabaong. Tangina hindi panaginip!!
"Love alis muna ako. Babalik ako agad, I love you." Sambit ko at hinalikan ang salamin ng kabaong nito.
Tumayo ako at dumeretso sa kotse ko, pumasok ako sa kwarto ko at naaamoy ko parin ang mabango nyang pabango. Tila naiwan yun kahapon bago kami umalis, I miss you love. Nakita kong nakatayo sa stand yung painting ng mukha ko na binigay nya, napaiyak nalang ako. Dapat hindi nalang ako nagbirthday. Kung di ako nagbirthday di dadating ang araw na to, yung mawawala sya sa buhay ko.
Pagtapos ko magbihis ay agad na akong lumabas ng kwarto at nakita ko si kuya kumakain.
"Kev, kain ka muna tapos sabay na tayo punta don," Ani nito. Dahan dahan akong umupo sa hapagkainan. "Dalian mo maligo kana don sunod ako sa kwarto bibihisan kita maligo kana." Ani nito sa anak nyang lalaki.
"Nagparamdam sakin si Ericka sa panaginip kagabi." Nanlaki ang mata ko.
"Anong sabi kuya?" Tila batang naeexcite sa candy kong sambit.
"Sabi nya, 'Kuya magiingat kayo lagi, alagaan nyo si Kevin. Mamimiss ko kayo.' Tapos nagfade nalang bigla buong paligid." Napangiti ako. Mahal na mahal mo talaga ako love, sana sakin din magparamdam ka. "Kinilig ang kevin namin." Ani ni kuya.
"Ang sakit kuya." Halos pabulong kong sambit pero pinigilan kong wag maiyak.
Tinapik nya ang balikat ko, "I know sana kayanin mo, andito pa kaming nagmamahal sayo," Ani nito. "Tristan, tapos kana ba maligo?" Baling nito sa anak atsaka umalis. Di ko na napigilan ang pagpatak ng mga luha ko.
Agad na kaming dumiretso sa pinagbuburulan ni Ericka mangilan ngilan ang mga tao, kamaganak nila, kamaganak ko. Lumapit ako sa kabaong at agad na hinalikan ang salamin nito.
"Hi Love, andito nako. Namiss mo ba ko? Ako kasi miss na miss na kita," Ngumiti ako ng maalala ko yung panaginip ni kuya. Umupo ako sa tapat ng kabaong nya at hinimas himas ito. "Ikaw ha, pinapakilig moko. Pati sa panaginip ng iba pinaparamdam mo kung gano moko kamahal." Pangaasar ko sa kanya, tila parang may totoo akong kausap dahil tumatawa tawa pa ako habang kinakalabet ang kabaong.
Nagulat ako ng magsalita si tito,
"Hijo," tawag nito. Agad naman akong tumayo pero sumenyas sya na umupo daw ako ulit, humila sya ng upuan at agad na naupo sa tabi ko.
"Kamusta ka?" Wika nito.
"Okay lang po. Kayo po?"
"Okay din naman kahit papano."
"Sorry po tito, hindi ko sya nailigtas."
"Ano kaba, hindi mo naman kasalanan iyon. Hanga nga ako sayo eh, sabi ni Cedric napanood mo palang daw sa tv yung insidente tumakbo kana agad papunta sa anak ko. Sobrang swerte ng anak ko sayo, pero naniniwala ako na swerte din ang babaeng sunod mong mamahalin." Ani nito kasabay ay tinapik tapik nya ang balikat ko.
"Kung hindi lang din po si Ericka ay wag nalang po."
"Alam mo ba na napanaginipan naming magasawa si Ericka kagabi."
"Ano po sabi?
"Humihingi sya ng patawad sa maaga nyang pagkawala at wala man lang kami sa tabi nya. Sabi nya pa mahal na mahal nya kami ng mama nya. Sana daw ingatan namin sarili namin para maingatan ka din namin. Mahal na mahal ka ni Ericka." Napalingon ako sa kabaong na nasa harap ko at bahagyang napangiti.
"Mahal na mahal ko din po yung anak nyo."
Ilang araw akong nasa tabi nya, umuuwi lang ako pagmaliligo. Ilang araw narin na madaming nakakapagsabi na napanaginipan nila si Ericka, kamaganak namin, kamaganak nya at mga kaibigan naming dalawa. Pero kahit kelan di ko sya naramdaman, love nakakatampo kana.
Dumating ang araw ng libing, sobrang ikli ng speech ko nun para sa kanya. Hindi na kasi ako umiiyak sa harap ng ibang tao eh, iniiyak ko nalang lahat ng sakit pagako nalang magisa.
After ng libing ay nagstay ako sa nitso nya, yung nitso nya ay may picture nya.
"Oh, girlfriend ko yan. Ganda no?" Ani ko na tila bay may kausap. "Wala kayo sa girlfriend ko."
"Ay love, babalik na ako sa work work work ko bukas. Wala na akong ihahatid." Marahang pumatak ang mga luha ko na kanina pa gusto lumabas nung nasa simbahan palang. "Mamimiss kita ng sobra my bubbly artist." Puno ng pait akong ngumiti sa kanya.
Madaming araw ang lumipas, dumaan ang 9 days, 1st month nya at babang luksa pero wala parin di pa rin sya nagpaparamdam. Sa mga araw nayon ginusto ko na magparamdam sya sakin dahil lahat ng taong kakilala namin ay nagkukwento na napanaginipan sya, puro ako. Pero hindi nya ako magawang dalawin. Araw araw parin akong nagluluksa pag ako lang magisa. Masakit parin. Sobrang sakit parin.
Pagkauwi ko sa bahay ay walang tao, nagwala ako habang umiiyak. Pinaghahahagis yung mga gamit na andon!
"Tangina naman oh, bat sakin di mo kayang magparamdam? Tangina lungkot na lungkot nako sa pagkawala mo oh tapos ganyan pa. Love." Patuloy parin akong umiiyak.
Simula noon ay hindi na ako dumalaw sa puntod nya, di narin ako naggigig, madalas narin akong masungit at bugnutin, madalas akong magisa, pumapasok ako sa office ng amoy alak dahil gabi gabi akong nagiinom para maibsan lang ang lahat ng sakit. Paglasing ako pakiramdam ko ay nasa tabi ko sya at inaalagaan nya ko kaya mas pinipili kong araw araw malasing para kahit papano ay maramdaman ko sya.
Nung ika 4 na buwan nya ay hindi ako nagpakita sa bahay, lagi kasi nila akong gustong papuntahin sa puntod ni Ericka eh ayoko nga!!!
Andito ako ngayon sa isang sing a long bar. Hindi ito yung bar na tinutugtugan namin pero andito sina Carlo.
"Kev, kaylan kaba babalik sa pagbabanda. Nahihirapan na kami kasi paiba iba ng vocalist ang kinukuha namin para kung sakaling babalik ka ay may babalikan kapa." Ani nito.
Itinaas ko ang kamay ko na may hawak na alak,
"Hindi na ako babalik sa pagbabanda." Ani ko sa lasing na boses.
"At ano? Sisirain mo yung buhay mo kakainom gabi gabi ah?! Tingin mo ba kung nakikita ka ni Ericka ngayon matutuwa sya sa ginagawa mo?!" Ani ni Mark.
Tumawa ako ng sarkastiko,
"Gago walang pakealam yun si Ericka sakin," suminok ako atsaka ngumisi. "Di nga sya nagparamdam sakin eh tangina non sa inyo nagparamdam sakin wala." Ibinaba ko ang kamay ko na kanina pang nakataas.
Tumawa si Carlo,
"Tangina mo pare, sobrang babaw mo. Parang iyon lang iniwan mo kami sa banda, lahat kami! Inilayo mo yung sarili mo samin sa paniniwalang walang pakealam sayo si Ericka. Naknampucha naman pare it's been 4 months, putangina!" Iritable akong tumayo at inihulog lahat ng laman ng lamesa ko atsaka ko kinwelyuhan si Carlo.
"Putangina wala kang alam sa nararamdaman ko!!! Alam mo ba yung pakiramdam na putangina pitong taon mong iningatan, pitong taon mo nakasama sa hirap at saya tapos mawawala ng ganon ganon lang?! Hindi! Wala kang alam! Oo 4 months na syang wala pero putangina wala pa sa kalingkingan ng 7 years yun! Tangina mo wala kang alam, manahimik ka! Hindi mo ako katulad na parausan mo lang yung mga nagiging girlfriend mo sayo." Sa isang iglap ay nasapak na nya ako.
"Tangina mo pala eh, wala ka ding alam sa buhay ko. Manahimik ka!! Oo di ko pa nararanasan lahat ng mga pinagdaanan mo pero puta ka lahat ginagawa ko maging worth it lang yung lahat ng moments kasama yung mga mahal ko sa buhay para kung sakaling mawala man ako or sila di ako magsisisi na wala akong nagawa para mapasaya sila. Ikaw?! Kaya ka ganyan kasi wala kang nagawa! Wag mo isisi kay Ericka yung pagkukulang mo!" Tumalikod ito saakin atsaka tuluyang umalis. Agad namang sinundan nung dalawa si Carlo habang ako ay tinutulungang makatayo ni Mark.
Tama si Carlo tama sya. Ang dami kong pagkukulang putangina, pero di mawala sakin ang masaktan. Nangako sya na di nya ako iiwan. Nangako sya, ako hindi nawala sa tabi nya nung mga huling araw nya dito sa mundo pero di man lang nya magawang dalawin ako para maibsan lahat ng sakit na nararamdaman ko.
"Kev, tama na. Hatid na kita." Ani ni Mark.
Pagkauwi ko ay wala na akong maalala dahil agad na akong nakatulog. Kinaumagahan ay hindi ako pumasok, paglabas ko palang ng kwarto ay agad na umupo sa salas.
"Tax, ibili mo nga ako sa labas."
"Ano yun kuya?"
"Dalawang red horse na malaki." Agad kong inabot ang pera at sya naman ay lumabas ng bahay.
Pagbalik nya ay sinimulan ko ng tunggain ang alak na pinabili ko. Ilang oras ang lumipas ay nalalasing nako, madami daming alak narin ang nainom ko dahil pabili ako ng pabili kay tax. Maya maya ay dumating si Kuya, Mama at Papa.
"Hoy Kevin, ano ba talaga ang gusto mong mangyare sa buhay mo ha?!" Ani ni Papa.
"Kanina pa pong 8am yan si kuya nagiinom papa." Ani ni Tax.
"Gusto ko ng mamatay papa." Ani ko habang tinutungga ang isang bote ng agawin ito ni Papa.
"Talaga namang bata ka, oo!!" Sigaw ni Papa. "Tax ligpitin mo na tong mga bote."
"Papa wag!" Pagaawat ko.
"Anak makinig ka naman samin please oh. Di ka nagpunta sa puntod ni Ericka kahapon, hinahanap kana ni Balae, ilang buwan kana daw hindi dumadalaw." Ani ni mama.
"Hindi kaba nahihiya sa magulang ni Ericka?! Mas pinipili mong maginom kaysa dalawin ang anak nila?!" Sambit ni Papa.
"Bakit?! Yung anak ba nila pinili ako?! Diba hindi?! Ang dali dali sa inyong sabihin lahat ng bagay kasi hindi nyo nararamdaman yung nararamdaman ko!! Wala kayo sa posisyon ko, hindi kayo ang nasasaktan ng ganito." Tila natauhan ako ng suntukin ako ni kuya.
"Sa lahat ng tao ako ang nakakaintindi sayo, nawalan ako ng asawa! Lahat ng sakit na nararamdaman mo ngayon ay naramdaman ko at nararamdaman ko! Nasaktan ako sa pagkawala ni Sydney pero kahit na kelan di ako naging ganyan sayo! Di lang ikaw ang nawalan sa pagkawala ni Ericka, lahat kami!!"
"Magkaiba tayo kuya! Kayo dinalaw kayo ni Ericka ako na boyfriend nya lang naman ay hindi!"
"Putangina. Anong klaseng pagiisip meron ka?! Sobrang babaw mong hayop ka! Sa tingin mo ng dahil lang sa hindi ka nya dinalaw ay ikaw na ang may pinakamabigat na pinagdadaanang hayop ka. Wala pa sa kalingkingan yung pinagdaanan mo sa napagdaanan ko na. Ikaw walang iniwang anak sayo si Ericka, sakin meron." Pumatak ang luha mula sa mga mata ni kuya. Umiiyak narin ako sa pagkakataong to, ngayon nalang ulit ako umiyak sa harap ng maraming tao.
"Pagkapanganak palang ni Sydney ay iniwan na nya kami, sanggol pa non si Tristan kaylangan nya pa ng breastfeed di ko alam kung kanino ko isasahod yung bibig ng anak ko makapagdede lang ng masustansya. Iniwan ako ni Sydney na wala akong kaalam alam pano magalaga ng bata. Di ko alam pano magpalit ng lampin, nagtatrabaho pa ko para samin, napupuyat ako sa gabi kakapatulog sobrang hirap ng walang ilaw ang tahanang dalawa kayo ang bumuo. Kung mas inintindi ko yung sakit at kalungkutan, baka walang tristan ngayon sa pamilya natin. May dahilan ang Diyos bat nya binibigay satin ang mga pagsubok ng buhay, hindi nya tayo hinayaan na harapin lahat ng yon ng magisa. Kasi may pamilya tayo, kaibigan at sya na resbak natin sa anong gera man ang dumating. Inilalayo mo kami sayo, imbis na sumandal ka sa amin ay pinipilit mong tumayo kahit alam mong tutumba ka! Walang masama kung kakapit ka basta alam mong mas ikatatayo mo ang pagkapit na yun!"
---
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top