4/7
Pagdating namin ay nakita kong wasak na wasak ang dating matayog at mataas na building na ito. Madaming mga rescuers, pulis, mga tao na naghahanap sa mahal nila sa buhay. Mas lalo akong nangatog ng maraming bangkay ang nagkalat sa kalsada, tangina hindi! Nangangatog man ay inumpisahan kong humakbang para makalapit ako sa mga bangkay na nagkalat sa kalsada. Tinignan ko isa isa ang mga bangkay, di ako umaasang makita syang nakahiga doon. Umaasa ako na sa pagtingin tingin ko dito ay tawagin nya ako mula sa likuran ko, nagalusan man ay ipagpapasalamat ko dahil ligtas.
Kumakalabog ang dibdib ko sa tuwing lilipat ako ng bangkay. Di pwede. Hindi pwede, papakasal pa sya sakin. Lord please wag. Huling bangkay na at wala akong nakitang maganda babaeng bumihag ng puso ko, napaluhod nalang ako sa panglalambot dahil sa kaba at the same time ay tuwa dahil wala dito ang girlfriend ko.
"Sir, sir. Tatagan nyo po ang loob nyo," Ani ni Cedric. "Buhay pa po si Ericka, manalig po kayo."
Kinuha ko yung cellphone ko at dinaial ang phone number nito pero cannot be reached. Tangina naman!!!
Asan kaba love? Nagaalala ako sayo. Love please. Sa di inaasahan ay pumatak na ang mga luha ko na kanina pang gustong kumawala.
TANGINA HINDI!!!! Nakita ko ang magandang babae na buhat buhat ng isang rescuers. Madapa dapa akong lumapit, tila nahulog ang puso ko sa sobrang kaba.
Patuloy lang sa pagagos ang luha ko, dahan dahan nya itong nilapag sa sahig.
"Ikaw po ba ang pamilya? Pinaka natakluban po sya ng mga gumuhong pader kaya nahirapan kaming kunin sya. Pagkuha po namin sa kanya wala na po syang buhay."
PUTANGINAAA!!!
Kahit nanlalambot ako ay buong lakas akong tumayo sa pagkakaluhod at agad na kwinelyuhan ang rescuers.
"Putangina, bawiin mo yang sinabi mo, hindi pa patay ang misis ko." Halos basag na ang boses ko dahil sa pagiyak.
"Sir, sir, tama na po." Pangaawat ni Cedric. Binitawan ko yung rescuers, sa pagkakataong to ay humagulgol na ako sa pagiyak. Agad kong kinwelyuhan si Cedric.
"Buhay pa si Ericka, Cedric." Garalgal kong sambit.
"Sir, dalhin po natin si Ericka sa hospital," ani nito. "May kaunting pulso pa po si Ericka." Nang marinig ko yun ay dali dali kong binitawan si Cedric at agad na binuhat si Ericka papunta sa kotse. Nagmadali namang nagmaneho si Cedric.
Nasa backseat kami nakaupo ni Ericka, nakahiga sya sakin habang hawak ko ang mga kamay nya.
Love, love please wag moko iwan. Please love.
Paulit ulit kong bulong sa mga tenga nya habang umiiyak.
Pagdating palang namin sa hospital ay agad na isinugod sa e.r si Ericka, walang pagsidlan yung kaba ko. Paulit ulit akong nagdasal na sana maging maayos ang lahat, sana malampasan namin ang malaking pagsubok na ito.
Paikot ikot ako sa labas ng e.r para akong masisiraan ng ulo, love lumaban ka para sayo, para sakin, para samin. Ilang minuto lang ay dumating sila mama.
"Anak, ano kamusta si Ericka?" Agad kong niyakap si Mama ng sobrang higpit habang humahagulgol ng iyak.
"M-m-ma s-si Ericka. Ayoko syang m-mawala." Basag kong sambit.
"Shhh anak, magiging okay ang lahat," hinalikan ni mama ang ulo ko. "Tax anak, bili mo ng tubig ang kuya dali na pasama ka kay papa." Sambit ni mama habang nakayakap parin sakin na patuloy na humahagulgol.
Ilang minuto ang lumipas ay agad na lumabas ang doctor, napabalikwas ako mula sa pagkakaupo sa sahig. Kahit sobrang nanlalambot ang buong katawan ko ay pilit kong nilakasan ang loob ko. Magiging okay ang lah---
"I'm sorry, ginawa namin lahat ng makakaya namin. Hindi na nya kinaya. Im sorry." Malungkot na saad ng doctor.
Kinwelyuhan ko sya,
"Bawiin mo yang mga pinagsasasabi mo tangina!" Puno ng galit kong ani.
"Kevin, anak tama na." Umiiyak na saad ni mama habang si Papa, Tax at Cedric ay inaawat ako.
Binitawan ko sya at agad na sumalampak sa sahig at sinapo ang ulo ko.
"Tangina anong ginawa ko bat ganto? Bat ganto?! Naging masama ba kong tao para maging ganto? Tangina!" Humahagulgol kong sambit.
"Anak wag mo sisihin ang sarili mo." Ani ni Papa
"Ma, Pa, bakit ganito?! Akala ko ba ang Diyos ang taga pagligtas, bakit nya hinayaang mawala si Ericka satin? Sakin? Anong ginawa ko?!" Patuloy parin akong umiiyak.
Buong tapang akong tumayo at pumasok sa E.R, nakahiga sya at may taklob na ng puting kumot ang buo nyang katawan. Nanginginig man ay lumapit ako sa tabi nya at dahan dahang inalis ang kumot sa bandang ulo nya. Agad na umagos ang mga luha ko ng makita syang nakapikit at wala ng buhay.
Napahagulgol na naman ako at inaalog ko sya ng inaalog para magising.
"E-ericka, gumising k-ka." Ani ko habang paulit ulit ko syang inaalog gamit ang kaliwa kong kamay at hawak naman ng kanan kong kamay ang madusing may pero maganda paring mukha nito. "L-love wag n-naman ganito oh. P-please."
Hindi ko matanggap, bakit kaylangan sya pa. Bakit hindi nalang ako?! Bakit hindi ako?! Sobrang sakit putangina.
Kung sanay di kita pinilit pumasok kaninang umaga edi sana kasama parin kita hanggang ngayon. Kasalanan ko to!! Dapat ako yung mamatay!! Hindi dapat ang isang kagaya mo, napakabuti ng puso mo love. Bakit ikaw yung nakahiga dyan?
Niyakap ko sya habang paulit ulit na humagulgol,
"Love sorry. Sorry kung pinapasok pa kita kahit tinatamad kana kanina, sorry kasalanan ko to. Love balik kana sakin please love. Please. Ikaw yung pinakamagandang nangyare sa buong buhay ko." Umiiyak kong saad.
Hinaplos ko yung mukha nya,
"Love sobrang ganda mo, pakasalan moko please. Magiging mabuting asawa at ama ako sayo at sa mga anak natin. Bumalik kana sakin."
"Sir, kaylangan na pong dalhin sa morgue ang bangkay." Ani ng isang nurse.
"Kevin, tama na." Ani ni Mama habang hinihila ako.
"Mama sandali, ayaw nya akong mawala sa tabi nya. Mama gusto nya pa magpakasal sakin. Mama bakit ganito?"
"Anak tama na." Umiiyak na wika ni mama.
Pinunasan ko ang mukha ko at hinawakan ang kamay ni Ericka, dahan dahan kong idinampi ang labi ko sa labi nya. Fuck! Ito yung mamimiss ko!!
"Di kita iiwan love." Bulong ko sa kanya.
Palabas na kami ng kwartong iyon ng dumating si Tita Cecille at Tito Gringo, humahangos sila ng iyak papunta sa bangkay ng anak nila. Naluha ako, pinagkatiwala nila yung anak nila sakin pero di ko sya nagawang iligtas. Kasalanan ko to.
"Hijo ang anak namin? hindi totoo diba? Sabihin mo sakin." Tanong ni Tita sakin
Patuloy parin sa pagagos ang mga luha ko, di ko alam pano patitigilin to.
"Tita I'm sorry hindi ko nailigtas si Ericka."
Napatakbo si Tita papasok ng kwartong iyon atsaka humagulgol. Wala akong nagawa kundi ang suntukin ang pader na ikinadugo ng kamao ko.
"Anak tama na." Umiiyak na sambit ni mama habang hawak ang kamay kong patuloy parin sa pagagos ang dugo. Walang tigil ang mga luha ko sa pagpatak.
Tangina!!!!
Parang utang mo sa mundo yung pagiging masaya mo tapos after non kaylangan mong pagbayaran. Hindi lang basta yung inutang mo, doble or triple dapat. TANGINANG PAGKAKATAON YAN NAG5'6 PA!!!
Napangisi ako pero nauwi parin sa hagulgol ang lahat, napakasakit. Di ko alam pano ko haharapin ang bukas ng hindi na sya kasama, wala na yung babaeng minahal ko at ang babaenh pinangarap kong maging asawa.
Grabe makipaglaro ang pagkakataon, putangina hindi patas!
Idinala nila sa morgue si Ericka, nandon ako. Yes. Pinanood ko kung pano nila tinanggalan ng dugo at mga lamang loob ang fiancé ko. Tangina ang sakit. Sa pagkakataong to alam kong hindi na sya babangon at gigising pang muli. FUCK!!!! Do i deserved all of this???!
Nandon ako nung inililipat na nila anh bangkay sa kabaong na ako din mismo ang pumili ng design, gusto ko kahit huli na maparamdam ko parin sa kanya na mahal na mahal ko sya kahit sa sobrang sakit na paraan.
Pinanood ko rin kung pano nila bihisan si Ericka, ako namili ng damit na babagay sa kanya. Andon din ako nung minemake upan na si Ericka, nagagalit pa ko pagnapapakapal yung pagkakalagay ng make up. Pinanood ko din kung pano nilang ayusin ang buhok ng misis ko. Napakasakit. Sobrang sakit. Walang minuto atang hindi pumatak ang mga luha ko. Sana magising nako sa bangungot nato at iiiyak lang ang lahat paggising ko tapos non wala na. Masaya na ulit.
Gustong kong magwala, tumakbo sa malayo at takasan nalang lahat ng ito pero pagginawa ko yun mamissed ko yung moment na to, yung makita sya sa huling pagkakataon. Yung masilayan ko yung magaganda nyang mukha kaya ito ako tinitiis lahat ng sakit para hindi ako magsise sa huli.
Nakasakay din ako don sa sasakyan na nagdala sa kabaong ni Ericka at hawak ko ang ibabaw nito. Pagdating sa pinagbuburulan ay katulong din ako sa pagset up. Nang maiayos na at nailagay na ang kabaong ay agad akong kumuha ng upuan, tinitigan ko sya.
"Ang ganda mo love pero yung gandang yun di bagay na nakahiga dyan sa casket mo. Bagay sayo yung nakatayo ka sa tabi ko habang binabasbasan tayo ng pare." Napangiti ako ng sobrang pait dahil sa sinabi ko. Naimagine ko yung moment na yun, ang saya. Pero lahat ng iyon ay imagination nalang, nakakalungkot.
At sa di inaasahan ay nakatulog ako habang akap akap ang coffin ng misis ko.
---
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top