1/7
Iminulat ko yung mata ko ng kumalampag yung alarm ko. Sakit ng mata ko, umaga na agad parang kakatulog ko lang ah. Nakakainis, inumaga kasi kami sa gig.
Naghilamos ako at nagtoothbrush, kinuha ko yung cp ko para itext si Ericka.
To: Love
Love, gising nako. I'll just eat my breakfast tas liligo then sunduin na kita. Okay? I love you so much.
Napangiti nalang ako ng maalala ko si Ericka, its been 8 yrs nung una ko syang makilala. Isa syang SSC sa school namin. Kulot kulot sya, yung kulot nya ay maliliit kaya halos sabog yung buhok nya pero sobrang bagay sa kanya. Sobrang ganda nya! Yung mga mata nya na nakakabaliw. Ang sarap sarap titigan ng mga mata nya. 4thyr kami ng sagutin nya ako, nung una halos ayaw nya pa kasi priority nya ang pagaaral. Sabi ko sa kanya okay lang sakin kung mas priority nya ang pagaaral at pamilya. Natuwa naman sya. Sobrang saya ko nung sagutin nya ko.
Dati madalas akong magmura pero simula nung makilala ko si Ericka nalayo ako sa maimpluwensyang kabarkada, bisyo at madalas na pagmumura.
Naaalala ko pa sabi nya sakin nabasa nya daw sa bible na, "Darating ang Diyos habang umuulan ng apoy kaylangan natin tumakbo papunta sa kanya wag na wag tayo lilingon kundi magiging abo kasi ibig sabihin lang non na di tayo nagtitiwala sa kanya." Something ganon. Dami kong nalalaman sa kanya, tamad kasi talaga akong magsimba at lalo na magbasa ng bible. Nagbago lahat ng yun ng makilala ko sya. Ang babaeng malapit ko ng maging asawa.
Paglabas ko ng kwarto, nagkakagulo sila mama, mga pinsan ko, mga kapatid at mga tita. Ano bang nangyayare, yung mga kapatid ko nagaayos ng kurtina yung mga pinsan ko may dinidikit sa pader na balibaliktad na letter sila mama nagluluto at kung ano ano pa. Napalingon ako sa labas ng bahay, nakita ko sa terrace isang magandang dilag na nagpipinta. Nakataas na nakaipit ang kulot na kulot na buhok nito. At..wait.. nakapantulog?!
Sa sobrang abala nila di na nila ako napansin. Ano bang meron bat andito si Ericka ng ganito ka aga? At bakit andito mga tita ko.
Dahan dahan akong lumapit sa babaeng nasa terrace ng bahay namin. Nakikita kong nagmamadali na syang magpinta. Kumakawag ng mabilis ang mga paa nito na halatang tensyonado na. Nakatalikod sya sakin kaya hindi nya ako nakikita. Dahan dahan akong umupo at inilapit ang mukha ko sa bandang uluhan nito atsaka ko sya hinalikan sa machubby nyang cheeks.
Nagulat sya at agad na napalingon saakin, nakita kong gulat na gulat sya ng makita ako sa tabi nya at sa isang iglap ay pumatak ang mga luha nya.
"Love, bakit?" Napahagulgol na sya kaya agad ko syang niyakap. "Love tell me." Hindi sya sumasagot pero patuloy parin ang paghikbi nya habang nakayakap sakin. Kumakabog ng malakas ang dibdib ko ng makita syang nasa ganong sitwasyon. Gusto kong magmura ng bigla syang magsalita.
"Bakit kana gising?" Bungad nya sakin. Ngayon ay pinupunasan nya ang mukha nya, pakiramdam ko nainlove na naman ako sa kanya. Kuminang ang mukha nya.
"What?! Tell me, what happened?" Kinakabahan kong tanong.
"Natapunan kasi ni Tax yung painting ko ng mukha mo kagabi eh kaya inulit ko kanina. Kaso dipa tapos." at umiyak na naman sya. Hinila ko sya papunta sakin at agad na niyakap ng mahigpit. Kitang kita ko ang pintura na nasa damit at mukha nya.
"What a relief. Pwew. Love its okay. Kala ko anong nangyare sayo eh." Hinalikan ko sya sa noo.
"Love its not okay." At umiyak na naman sya. Shet! Ang cute!
Nakaharap ako sa gate namin kaya nakita kong pumasok ng gate si papa at sila tito. Ano ba talaga nangyayare!!!
"Pucha!!!! Gising na si Kevin!!" Sigaw ni Papa. Ha? Nacoma ba ko? Nagtakbuhan sila palabas ng bahay.
"Wala man lang ba nakapansin sainyo na lumabas ng kwarto si Kevin? Jusko naman!" Ani ni Mama.
"Mama, nacoma ba ko? Kanina umiyak si Ericka ngayon naman parang gulat na gulat kayo na gising nako. Ano ba nangyayare?!" Gulong gulo kong tanong. Nagtawanan naman sila atsaka hinila ako papasok ni Ericka.
"Love give us 20 mins okay? Sleep ka muna." Ani nito atsaka pinipilit na papasukin ako sa kwarto ko.
"Pero love, may pasok kapa. Ihahatid kita, may pasok pa din ako."
"Love wont you trust me?" Ani nito atsaka nagpout. Nagpacute na naman ang bebi ko. Hinila ko sya palapit sakin atsaka ako yumuko at kiniss sya sa lips.
"Okay love. Gisingin moko pagtapos na." Nakangiti kong sambit. Nakita ko naman na namula ang pisngi nya dahil sa ginawa ko.
"O-okay." Ani nito. Agad ko namang isinara ang pinto atsaka umupo sa kama.
Ano ba kasing nangyayare sa mundo. Kinuha ko ang cellphone ko at nakita kong 6:30 na.
Agad na akong humiga as what my commander said sleep muna ako. Nagising ako ng may maamoy ako na napakabango na humiga sa tabi ko. Ipinatong ko yung kamay ko sa bewang nya pero nakapikit parin ako. Dinama ng kaliwang palad ko ang buhok nya ng maramdaman ko na kilala ko ang taong ito ay nagsalita ako.
"Stay with me forever." Bulong ko.
"I will." Idinilat ko ang mga mata ko para makita ko ang magandang mukha ng babaeng nasa harapan ko. Nakita ko na nakaligo na sya. Parang gusto ko nalang umabsent at ganto nalang kami buong araw.
"Youre so beautiful." Ani ko habang nakangiti.
"Thank you handsome. Lets go na?" Sambit nito.
"San?"
"Just trust me love." Tumayo kaming dalawa at nakita kong nakashort sya ng maikli pero sakto lang at nakatshirt.
Nung pipihitin nya na yung pinto ay niyakap ko sya mula sa likod nya atsaka ko sya pinihit paharap sakin.
"Sexy naman. Natuturn on ako." Ani ko atsaka ko sya isinandal sa pinto at ikinulong sa dalawa kong mga braso.
"Hoy mister malapit na tayo ikasal tumigil ka nga." Nakangiting sambit nito.
"Malapit na pala eh. Pwede bang gawin na natin Mrs. Cabrrera?" Nakangisi kong ani.
"Love sinasapian kana naman." Nakangiting sambit nito pero nakitaan ko sya ng pagkatakot sa mata, napangiti nalang ako atsaka ko idinampi yung labi ko sa labi nya.
"I love you my bubbly artist." Wika ko after ko sya halikan.
"Uhh youre so sweet my pumpkin. Lets go na, mauna kana."
Pagbukas palang ng pinto ay nagulat ako ng biglang may sumabog na confetti at sabay sabay silang sumigaw.
"HAPPY BIRTHDAY KEVIN!!!!" Tuwang tuwa silang lahat, yung dalawa kong kapatid na lalaki at mga pinsan nagsasayawan pa.
Nakita kong madaming handa, may cake, alak, madaming lobo at may nakadikit na happy birthday kevin sa pader, andon din yung painting ni Ericka sa tabi nakatayo sa canvas stand mukha ko yung na madaming bulaklak sa baba. Oo nga pala. Birthday ko ngayon!! Nakalimutan ko na sa sobrang busy ko. Kaylangan ko na kasi magfocus kasi malapit nako magasawa.
"Thank you guys." Nakangiti kong ani.
"Kainan na!!!" Sigaw ni mama. Agad naman silang lumapit sa lamesa.
"Happy birthday love." Sambit ni Ericka atsaka ako hinalikan sa pisnge.
"Thank you love."
"Tara na kain na tayo." Sambit nito atsaka lumapit sa hapag kainan.
"I dont know what ive done in my life just to deserve all of these. Thank you Lord." Bulong ko sa sarili ko.
Nagsimula na ang kainan, habang kumakain ibinigay nila saakin ang mga regalo nila with speech pa.
"Okay, Si Ericka naman." Ani ni Kuya.
Tumayo si Ericka mula sa pagkakaupo sa tabi ko atsaka kinuha yung painting nya sa tabi ng lamesa.
"Kinakabahan ako." Nakangiting ani nito.
"Go Ericka." Pagchecheer nila. Napangiti nalang ako, sobrang ganda naman ng bebi ko. Hays.
"Hi love. Nagpapasalamat ako at tumagal ka sa tabi ko ng 8 years. Sobrang thankful ako kasi nakilala kita. Thank you so muuuuuch!!!!!! Malapit na tayo ikasal, pagsisilbihan kita at ipaparamdam ko sayo na deserve mo lahat ng uri ng pagmamahal dito sa mundo. Kung papipiliin ako, ikaw parin pipiliin ko. Di ako magsasawang magpasalamat kasi dumating ka sa buhay ko. Mahal na mahal kita pogi. I love you to the mars and back." Umiiyak na bati nito. Di ko rin napigilan na mapaiyak sa sinabi nya. Kaya mahal na mahal ko tong fiancé ko eh. Nagpalakpakan naman sila.
Lumapit sya sakin at iniabot yung regalo nya sakin.
"Happy birthday love." Pinunasan ko yung mukha nya na punong puno ng luha.
"Thank you love." Pagkasabi ko non ay agad ko ng kinuha yung painting. "Love grabe naman puro sunflower to. Bakla ba ko" Sambit ko.
"Sorry love nagmamadali na kasi ako kanina. Ito kasi si Tax tinapunan ng kape." Sambit ni Ericka na parang naiiyak na.
"Iiyak na naman si Ericka. Tax kasi." Sambit ni Kuya. Nagtawanan sila.
"Sorry ate Ericka." Sambit ni Tax. Nakita kong nagbabadya na naman syang umiyak, alam ko gano nya pinaghihirapang tapusin ang isang painting. Kaya naiyak talaga sya pagnasisira or kumakalat yung paint. Lalo pa siguro kasi regalo nya ito para sakin. Hinila ko sya paupo sa tabi ko.
"Thank you love." Agad ko syang hinalikan sa labi.
"L-love not in front of t-them." Pinamulahan na naman sya ng pisngi. Why so cute bb?
"Ayieeeee." Pangaasar nila.
---
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top