+ 26
Yerim's P.O.V
"Uh ano nga rason mo ba't pumunta ka rito?" tanong ko habang kinain yung ice cream na nasa cup. Agad namang umiwas siya ng tingin tsaka tumingin sa malayo. Pagkatapos ng pinaka-awkward at napaka touching na pagkikita namin ulit kanina, pumunta kami sa isang park para mag usap.
"Bakit gusto mo talagang malaman?" sabi niya tsaka sinubo yung ice cream na nasa plastic spoon. I sighed.
"Karapatan kong malaman bro kung bakit mo ako iniwan ng ganon-ganon nalang. Ilang taon na tayong magkaibigan tapos may itatago ka sa akin? The heck!"
"So nakita mo ako nung araw na nasagasaan ka kasama si Jieun no?" pag chechange topic niya.
Really?
"Huh? Anong pinagsasabi mo-"
"Yerim. Siya ang dahilan bakit ako nangdito." sabi niya at agad namang nanlaki ang mga mata ko.
"His dad wants me to uh, marry her in exchange of mom's work. I told mom to stop working pero ayaw niya eh. Wala na si dad, kami nalang ni mom at Somi. Nanghingi na nga ako ng tulong kina Irene at tita Tiffany at yung asawa niya eh pero di pa rin papakawalan si mom hanggang di ako makasal kay Jieun. One fucking plot twist, right?" he breathed at tinignan nalang yung cup. I was speechless, he was hiding this problem since nung naaksidente ako. It must be hard for him. Tsaka dahil lang dun naaksidente ako.
Well, di lang ako yung may big time na problema. Di ko pa nga alam kung na convince na ni Jaehyun si dad na i-stop yung arrangement eh but here we are.
Another problem.
"Alam mo, nung time na tumakas ako, guilty ako na masaktan ka," I stopped for a while tsaka tinignan yung fountain na nasa harapan namin. Wala akong ibang titigan eh, ang awkward masyado.
"Jaehyun blackmailed me if di kita sasaktan at di mo ako lalayuan. So I pretended to like you tsaka nadala ka naman kaya nagconfess ka sa chat so ganun. Alam ko na tuloy kung gano ka seryoso sa akin kahit na tomboy ako. Pero di ko kaya eh. Kaya umalis ako. But now, Jaehyun will fix it all again."
"Bakit niya naman ginawa yun?" tanong niya and I chuckled bitterly.
"He still loves me since we are kids. Siya ang unang lalakeng nagpatibok ng puso ko pero sadly, dinala siya ng parents niya rito na di ko alam kaya naging bitter ako at naging tomboy. Ganun lang." pagpapaliwanag ko at bigla naman niyang hinawakan ang kamay ko.
"I will help you, and you will help me. Problema ko, problema natin dalawa."
I smiled at him tsaka tumango.
"Deal bro."
Nabigla naman ako ng lumapit siya at hinalikan ako ulit, for the second time this day.
Fuck. Dao Ming Si kabahan ka na.
His lips moved at di ko namalayan, I kissed him back. Tsk akala ko smack lang. He pulled away, gasping for air as he leaned his forehead unto mine habang nakapikit na halatang feel na feel ang moment nato. Kinilig naman yata ako.
Hehehehe sobrang kilig.
"Don't forget, seryoso pa rin ako sa'yo." sabi niya at agad naman akong ngumiti ng wala sa oras.
Hihihihi pakyu heart bakit ang lakas ng drums mo.
"Alam ko."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top