+ 19


"The hell Yerim, anong nangyayari sa'yo?" tanong ni Lisa tsaka binigyan niya ako ng isang baso ng tubig at agad ko naman itong ininom.

"Ano? Break na kayo ni Saeron? O ex mo may jowa ng lalake?" dagdag pa niya. I just sighed.

"Hindi sa ganyan, Lisa. Si Jungkook..." sabi ko tsaka tinignan siya.

"Ano namang problema kay Jungkook?"

I gulped tsaka yumuko. I need to tell her everything, para matulungan niya ako. Lisa is the best person I need at this moment, at kailangan kong magtago kay Jungkook.

"Lisa, I'm sorry I lied to you about kay Jungkook sa chat. It was unexpected- really... Si J-Jaehyun..." I trailed off. I felt my tears falling again pero binabalewala ko nalang ito.

"Si Jaehyun? Bakit-"

"He blackmailed me Lisa! He blackmailed me if I don't break Jungkook's heart and stay away from him after a week, he will marry me! Yung parents niya at parents ko, magkaibigan. They already cancelled the engagement long ago dahil nalaman nilang tomboy ako. Pero he wants to bring it back again! At ngayon, sure na yun! Alam mo namang wala rito si dad diba? I was living alone with my brother and my mom tsaka it's been a year since my father saw me at kung isesend ni Jaehyun yung pictures na nakadress ako at parang babae, my dad will change his mind. He will bring the engagement back! Nasa tamang edad na ako Lisa, I'm already 19 so if anytime gustong ipakita yun ni Jaehyun, ikakasal na ako." I breathlessly said tsaka umiyak.

Why the hell I fell inlove with him long ago? Bakit ba bumalik pa siya? Sana di nalang siya bumalik. Bakit... Bakit...

"Yerim... I don't know what to do kung nasa sitwasyon mo ako ngayon, pero it's better if you will tell your dad the truth. Tomboy ka diba? Pre kita, at sure ka talagang wala kang nagugustuhan kay Jungkook? I mean, 5 years na kayong magkaibigan, since 3rd year nung classmates pa tayong tatlo. Tsaka hanggang ngayon, nangdiyan pa rin siya sa tabi mo. Diba nililigawan ka niya?" nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi niya. Wait, asan niya nalaman na nililigawan ako ni Jungkook?

Wow, stalker ka na pala Lisa. Wow.

"Asan mo nalaman na nililigawan ako ni Jungkook?" tanong ko at tumawa lang yung gaga.

"Seryoso ka talagang di mo alam na nililigawan ka na niya since 4 years ago? Pre! Ang torpe mo naman! Napaka ignorante mo sa feelings niya! Sabagay, sa dami mong jowa di mo na mapapansin ang pagmamahal ng gagong yun. Tss." sabi niya at tangina nga naman, tama siya.

Pota. Bakt di nalang ako babae. Eh seryoso babae naman ako eh, pusong lalake lang hahahah joke.

I sighed tsaka tinignan nalang yung palabas sa naka-on na TV na nasa harapan namin. Sakto namang nakaplay yung kantang 'Titibo-Tibo' sa MYX channel at agad naman akong napaisip.


'Pero noong nakilala kita nagbagong bigla ang aking timpla
Natuto ako na magparebond at mag-ahit ng kilay at least once a month
Hindi ko alam kung anong meron ka na sa akin ay nagpalambot nang bigla
Sinong mag-aakalang lalake pala ang bibihag sa tulad kong tigreng gala~'


Seryoso, ano bang meron sa kantang yan na medyo nakakarelate ako? O sadya nga lang tomboy yung babae at binago siya ng lalake pero...

Or baka nga lang unti-unti na nga akong nahuhulog kay Jungkook. Tangina.

"Lisa asan yung remote?" sabi ko at agad niya naman itong kinuha dun sa magkabilang upuan. I changed the channel tsaka tumawa lang si Lisa.

"Relate siya oh, yieee." she said, teasing me and I just rolled my eyes, to hide a smirk forming in my mouth.

"Shut up."

---

"Sigurado ka talagang bibili ka nito? Eh dress to Yerim! Favorite mo diba polo at cargo shorts, di ito men's section!" sigaw ni Lisa at napabuntong hininga nalang ako.

"Lisa, kung gusto ko talagang magbago sa sitwasyon ko ngayon, ito yata ang tamang gawin." sagot ko naman at pumili pa ng mga dresses na nangdito. I really hate dresses, seryoso. Pero ano pa bang mga sinusuot ng mga babae? Shorts? Skirts? Blouse? Ugh, nakakasakit ng ulo.

"Asan yung skirts tsaka blouse rito?" tanong ko sa kanya tsaka tinuro niya nalang kung asan at nagsimula na kaming naglakad patungo dun.

It's been a week since I haven't talked to Jungkook at may plano na kami ni Lisa. I talked to mom and my brother, Taehyung secretly at sumang ayon naman sila. I haven't heard a single thing about Jungkook since I left him. Tsaka di na nga rin raw siya umaattend sa mga parlor- este dota sessions sa BigDogs kaya nag aalala na yung dalawang bakla na nangangalang Luciana at Maria. Joke, si Lucas at Mark.

Yung squad niya yung grabeng nag aalala. Baka raw pumunta na yun sa wonderland at dinala na niya si Alice kasi rabbit siya, o pumunta na sa outer space. Di naman siya alien eh, mga gago talaga. Kuya ko lang mehehehe.

At kung sakaling makita ko siya ulit, dapat-

"Y-yerim, si Jungkook..." agad naman akong lumingon kay Lisa at sinundan ang tingin niya at agad namang nanlaki ang mga mata ko. No...

Yung ex ko.


"Yerim, kasama niya yung ex mo... Si Jieun!"


Tangina, para akong binuhusan ng malamig na tubig. Putangina, ba't siya pa? Yung babaeng unang nagpatibok ng puso ko... At ang alam ko lang, iniwanan ako para ipagpalit sa lalake. Pero di ko kilala yung pinagpalit sa akin.

At ngayon ko lang nalaman, na si Jungkook pala yon. Puta.

My tears started to fall ng naghalikan silang dalawa. Kakagaling lang yata nila sa sinehan kasi may dalang pop corn si Jieun at halatang masayang masaya ito. Agad ko namang iniwan yung dala kong dresses tsaka kinuha yung kamay ni Lisa at tumakbo patungo sa escalator at bumaba patungong first floor para lumabas sa mall.

Did you really intended to hurt me Jungkook dahil sa ginawa ko sayo? Oh sadyang mahal mo talaga si Jieun kesa sa akin?

Nahuhulog na sana ako sa'yo eh, pero di mo ako sinalo. Kagaya ng nararamdaman mo noon. Ganito pala huh? Bumalik lang ang lahat ng sakit.

Shit. What is wrong with me?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top