Chapter 1: The Date
JAMES
I SWALLOWED as I stared at my reflection in the mirror. Well, I looked . . . presentable. But I couldn't grasp the feeling of satisfaction with the way I looked. Napapikit tuloy ako sa pang-limang pagkakataon.
Ugh! I hate this! No, it's not the day or dressing up that I hate. I hate trying almost all the decent clothes in my closet and not being able to pick the right one!
Napahawak ako sa aking buhok para sana guluhin 'yon, ngunit napahinto nang mapagtantong hindi pwede. That would only it even worse. Bumuga ako ng malakas na hangin.
This day is the day I've been waiting for a week. The reason why I haven't been sleeping. It's the day that I'm going on a date with Stephanie! Our date! And here I am, looking like a mess!
Naplano ko na lahat ang gagawin ko. Simula sa pagdala ko sa kanya sa isang sikat na flower garden hanggang sa sandaling maglalapat ang mga labi namin. Ang hindi ko naisip ay ang susuotin at magiging itsura ko! It may not be our first date, but I always want to look my best whenever I'm with her, especially during our dates. Stephanie's beautiful, so she deserves to be with a guy who is on the same level.
Napunta sa pinto ang aking atensiyon nang gumawa ito ng ingay. Bumungad sa 'kin ang matamis na ngiti ni mom, na sinuklian ko na lang ng pilit na ngiti.
"You look so great, James! Stephanie will surely fall deeper for you!" she enthusiastically commented. How I wish that would be the case.
"You think so, mom?" I glanced at the mirror. "Parang hindi naman. Baka ma-turn off pa siya sa 'kin."
Marami na akong insecurities dati pa, mula sa pagkatao ko hanggang sa panlabas kong itsura. But since Stephanie came, it's gotten worse. Stephanie is never the problem here, okay? It's always been me and my stupid thoughts! She actually compliments me all the time, making me feel loved. But it's just that I'm taking things really seriously when it comes to her.
Honestly, I love the pressure. I love the burden to impress Stephanie in all ways. After everything she has done for me, dapat lang na bumawi ako nang malaki. And making our date special is the least thing I could do at the moment.
She walked to me. I didn't know why, but it felt like deja vu. "That's not going to happen. You look really amazing, anak. Think positive nga. Baka 'yan ang ika-turn off ni Stephanie sa 'yo."
Muli akong pilit na ngumiti.
Tumaas ang kilay ko nang mas lumawak ang ngiti niya. Pinanood ko siyang ayusin ang gusot na parte ng jacket ko. Mainit ang panahon, pero isinuot ko 'yon para dagdag dating. Thanks to the strong network connection and Pinterest, my fashion sense has leveled up.
"Masayang-masaya ako't sa wakas nangyari rin ang hinihiling ko - ang mapansin at mahalin mo ang babaeng nakatadhana para sa 'yo. Sabi na nga ba! Since she came into your life, I've always believed na kayo ang magkakatuluyan. Kaya nga botong-boto ako sa kanya, eh."
Natawa ako. "Halata naman, mom. Kung pwede mo yatang panain ang puso namin, ginawa mo na."
Napasimangot siya sabay palo sa braso ko. "Matagal nang napana ni kupido si Stephanie, 'no! Hindi lang agad sumapol sa 'yo. Ikaw kasi, immature ka na nga, manhid ka pa."
Ako naman ang sumimangot. "'Yan ka na naman, mom. Past is past, okay? What matters now is I've realized my mistake and come to see her true value in my life."
Muli niya akong pinalo. Napahawak ako sa braso ko kahit hindi naman 'yon masakit. "Hindi ako mapapagod ipaalala sa 'yo ang past para magtanda ka. Who knows? Baka makahanap ka uli ng iba at ipagpalit siya. Kapag nangyari 'yon - hay, naku, James! - ako ang makahaharap mo."
"Mom, huwag ka namang ganyan sa 'kin. Ako kaya ang anak mo. At hindi ko pinagpalit kailanman si Stephanie. Back then, nabulag ako kaya hindi ko agad na-realize na siya ang mahal ko. She's been loving me all throughout her life. Now, it's my turn, and I'm gonna make it feel so right."
Proud kong itinaas ang aking noo at sinamahan pa 'yon ng ngiti. Mas masaya sana kung naririnig ako ngayon ni Stephanie. Random words lang 'yon, 'no.
"Hindi mo ako madadala sa mabubulaklak mong salita, ano! Seryosohin mo ang sinasabi mo! Idaan sa gawa, huwag sa salita."
"Of course, mom." I smiled and gave her a hug. "Thank you for being my mother, mom. Pinalaki n'yo ako nang tama kaya I won't let you down. I will make Stephanie feel the same love you have for me. Sa bawat pagkakataon, siya ang uunahin ko."
"Yieee!"
Natatawa akong humiwalay sa kanya. With my mother, it's always been impossible to feel awkward. Madali na tuloy sa aking lambingin siya.
"Do you still remember? Noong bata ka pa, may time na nahuli kitang inaayusan ang sarili mo. I asked if you liked someone, and then you defensively said na ginagawa mo 'yon para sa sarili mo. Halata namang nagsisinungaling ka no'n."
My eyes narrowed into slits. "When was that? Ah, yeah! Well, I'm not quite sure but I guess . . . the miracle you prayed for was already happening that time."
"Promise me, okay? That you will love Stephanie with all your heart and you will never ever leave her no matter what."
Itinaas ko ang palad ko sa ere. "I, James Cortez, promise to love and cherish Stephanie for the rest of my life. I will do everything in my power to make her happy and contented with me. Walang bawian, nakakandado na, tapon susi pa."
Natatawa akong pinalo sa braso ni mom kaya natawa rin ako.
Kung ang pag-ibig namin ni Stephanie ay isang milagro kay mom, to me, it's magic. Every time I come to think about it, I can never say that I deserve a girl like her. Oh, man. Hindi lang ito tungkol sa prisesa at dukha o langit at lupa. Ni wala akong maihalintulad na analogy sa sitwasyon namin.
Para akong humiling kay Santa Claus ng laruang kotse-kotse, pero tunay ang iniregalo niya sa 'kin. Pero ni hindi ako humiling, and still, God gave her to me. She loves me so much. Not even a second has she bothered hiding it. Her feelings for me are so strong and intense that with only one glance, it can completely overwhelm my heart. Pero hindi ako pwedeng makampante. Because if she can give me the world, I will give her the universe.
My emotions are as deep as the ocean and as high as the sky. I bet she doesn't have any idea. I don't want to sound exaggerated, pero kapag dumating sa puntong kailangan kong uminom ng lason o tumalon sa bangin para sa kanya, I would gladly do it right away. But I hope it wouldn't go that far.
Basta. I just don't think I can still live without her. Hindi lang siya ang araw, buwan o hangin para sa akin. She's my life. Siya na ang buo kong pagkatao.
Isang oras din ang naging biyahe namin papunta sa flower garden. Pero ewan ko ba, sa haba ng panahong ginugol ko sa pag-drive, wala man lang akong maramdamang pagod. Taking glances at Stephanie's smile and hearing her talk made it feel like a magic, as if what we did was fly together hand-in-hand and not drive all the way.
Yeah, I know. Ang corny ko na, 'no?
Kapag talaga in love ka, hindi mo maiwasang maging cheesy. But I wouldn't complain. Who wouldn't want it if being corny means having the person you love the most by your side, right?
"We're finally here!" I said with a huge smile.
Agad siyang tumingin sa labas ng sasakyan. Nang bumaling siya sa akin, nagtama ang aming mga mata. Nginitian niya ako pabalik, na naging sapat upang kumabog ang puso ko.
"Thank you, James! Ang ganda rito! I love it!"
"But I love you more!" Iniwasan kong kagatin ang aking ibabang labi dahil baka magmukha akong bakla. "Wait here. I'm gonna go and open up your door."
"Thank you," she told me as soon as she got out of the car.
"It's an honor to open the door for you, your majesty." Natawa ako nang natawa siya sa 'kin. "You know what? I think kailangan na nating magkaroon ng term of endearment natin."
"Talaga?" That was all she was able to say.
Tumango ako. "Siyempre naman. It's a must. It's like naming your own property so no one would dare steal it from you."
Her cheeks turned red, which made my smile grew wider. Seeing her blush was so satisfying. "S-Sige."
"That's something we have to think thoroughly about later on." Hinawakan ko ang kamay niya at tinitigan siya sa mata. "For now, let's focus on our date and enjoy it. Let's go?"
Huminto kami sa paglalakad nang usisain niya ang paligid. Napangiti ako nang mapansin ang kislap sa mga mata niya. She really loved the place! Mission accomplished!
Great job, James!
Iilan lang ang mga tao. Tama talaga ang desisyon kong piliin ang araw na 'to. Actually, the real plan was rent the place so we could fully enjoy our moments, but I immediately declined the idea.
"Ang daming bulaklak. Ang sariwa ng hangin. Sa labas pa lang kanina ang ganda na, pero may mas igaganda pa pala kapag nakapasok ka na."
"Kailan pa ako pumili ng hindi maganda?" sabi ko. "Kung wala lang akong future plans para sa 'ting dalawa, I would've bought this entire garden para dito na tayo tumira. Kapag nagkataon, talagang napakasaya no'n. Ikaw at ako, masaya lang kasama ng mga anak natin. Hay, ang sarap isipin."
Mas lumiwanag ang maaliwalas niyang mukha. Wala talagang papantay sa kagandahan niya. "Talaga? Kaya mong gawin 'yon?"
"Siyempre naman. For you, I'd buy anything. Ang totoo nga niyan, plano kong rentahan ang buong lugar na 'to, pero na-realize ko na baka sermunan mo lang ako."
Her eyebrows furrowed. Yeah, I knew it. "Bakit mo naisip gawin 'yon? Mabuti at hindi mo itinuloy."
Inakbayan ko siya, pinipigilang matawa. "Ang fiancee ko, ang bilis mainis. Ang mahalaga, hindi ko ginawa. Sa hirap ba naman ng buhay, praktikal na rin ako, 'no. Mana ako sa 'yo, eh."
"Hindi naman ako naiinis." She pouted. "Ayoko lang naman na - "
I gave her a kiss on the lips, which immediately made her freeze. "I can read your mind, baby. Alam na alam ko na kung ano'ng gusto at ayaw mo. Don't you worry, because in every decision that I make, ikaw ang una kong kino-consider. I love you."
"I love you . . . ?" Nahihiya siyang umiwas ng tingin at tiningnan kung may nakatingin sa 'min. Agad niyang tinakpan ang kanyang mukha nang may nahuli siyang nakangisi sa gawi namin.
"Hey, don't cover your face. It's a shame kung itatago mo ang maganda mong mukha sa mundo, love."
Ibinaba ko ang mga kamay niya. After that, I kissed her on the cheek. Natawa ako nang kaunti nang makita ang reaksiyon niya. Mas natawa ako nang maalala ang mukha niya noong unang halik namin.
Sa bawat bagay, ako ang una niya. First crush, first best friend, first love, first kiss. As much as I want to rush things with her, I have been trying my best to slow down my pace. Lumaking conservative si Stephanie, kaya hindi ko pwedeng unahin ang pansarili kong interes. I love her so much that it's never a strain to make compromises for her.
"Kiss pa lang 'yan, pero hiyang-hiya ka na. Paano pa kaya kapag . . . "
Halos masunog na ang mukha niya sa pagkapula. Dali-dali siyang kumawala mula sa pagkakaakbay ko, hindi makatingin nang diretso. "H-Hindi ako nahihiya, ah. M-Medyo sanay na nga ako, eh."
Pinigilan ko ang pagtawa. Sanay pala, ha? Kung 'yon ang totoo, something would have happened already. Matagal na. Wala siyang kaalam-alam kung gaano kahirap magpigil ng sarili.
"Sabi mo, eh. Halika, I'm gonna take you somewhere."
Kahit nang magsimula kaming maglakad, patuloy pa rin siya sa pagtingin sa garden. Hindi nagtagal ay narating din namin ang shop. Muli siya nitong napamangha.
"Rose tea shop?"
"Yeah. This is the place here that couples love the most. I thought you'd love this, and I guess I wasn't wrong."
"Kahit ano pa 'yan, James. Basta galing sa 'yo, I'll surely love it. You don't know how much I appreciate every effort you make for me."
I almost fell on my knees while staring at her eyes that were full of sincerity. Sinubukan kong itago ang nag-uumapaw na kilig. "Bakit 'yong effort lang ang mamahalin? Dapat ako rin."
I froze when she moved her face closer to mine to peck on my left cheek. Naisara ko pa ang aking kamao dahil sa pagsabog ng kung ano sa tiyan ko. Parang may fireworks sa loob ko sa sandaling maramdaman ko ang malambot niyang labi.
"Siyempre, mahal din kita. Mas mahal pa!" Ngumiti siya na parang walang nangyari at hinawakan ang aking kamay. "Pumasok na nga tayo. Hindi tayo pwedeng magpaharang-harang sa daan."
Dahil sa pagkaka-estatwa ko na dulot ng kilig, halos hindi niya ako nahila. Ilang segundo pa ang lumipas bago ako nagpatangay. Grabe naman duma-moves si Stephanie, halos ikamatay ko. Tsk, tsk, tsk. Masaya akong natututo na siya sa 'kin.
Tinitigan ko siyang titigan ang tea. Hindi ko mabasa ang nasa isip niya, pero napangiti pa rin ako. "Ako na lang ang titigan mo, baka matunaw na 'yang tasa niyan."
She shifted her gaze to me and showed me a small smile. "Ah. Ngayon lang kasi ako nakakita ng rose tea. I'm just wondering what it tastes like."
"Oh, first time again?" Taas-noo ko siyang tiningnan. "Paano 'yan, nagmumukha na akong mayabang nito? Lahat na lang yata ng first time mo, nangyayari sa pamamagitan ko."
She bit her lower lip when her smile grew wider. Oh, how I'd love to bite that! "Stop it, James. Oo na, lahat na ng first time ko ay dahil na sa 'yo. Kung diyan ka masaya, sige ba."
Hindi ko na naiwasang mapangisi nang matindi. "Dahil hindi mo naman tinatanggi, hindi ko na ipagyayabang. And the tea, you have to try it now. Promise, you will like it."
She did what I said. After taking a sip, she licked her lips, which made me swallow really hard. Kinailangan ko pang mag-iwas ng tingin para mabalewala ang kakaibang pakiramdam. Ugh, this is the real definition of torture! I just can never get used to it!
"It tastes great! - James? Hey, are you okay? You're sweating."
Nataranta ako nang akmang kikilos siya palapit sa 'kin. Napahinto siya nang mapansin 'yon at tinapunan ako ng nagtatakang tingin. I swallowed again before wiping the sweat off my face.
"I-I'm fine. Yeah, yeah! A-Ang init kasi ng panahon kaya ano . . . Haha! Ayos lang ako, 'no."
"Huh?" Inilibot niya ang paningin sa paligid. "May aircon naman, ah. Hindi kaya mainit dito sa loob."
Napangiwi ako nang makitang may aircon nga. Kainis, bakit ang hirap magpalusot? "A-Ah, oo nga. Pero gano'n na nga. Nainitan ako bigla, eh. Ewan ko ba sa katawan ko, nawawala yata sa sarili. Haha!"
Napangiwi ako sa isipan ko nang marinig ang sinabi ko. Seriously? I sounded so lame! Baka ma-turn off siya sa 'kin!
"Wala ka namang sakit o kahit ano'ng nararamdaman, 'di ba - "
"Wala!" Tumaas ang boses ko at bahagya ko pang isinalag ang kamay ko nang tumayo siya bigla para sana hawakan ako. "I mean . . . I'm really fine. No need to worry, love. You're not here to worry, okay? What you gotta do is sit back and have fun with me."
"Okay." Nakahinga ako nang maluwag nang bumalik siya sa kanyang upuan. "Kung talagang okay ka, then let's keep on enjoying this together, all right?"
"Yes, love! Anything for yah!"
We were holding hands while walking around, and everything felt so perfect. Masaya akong makitang mas naging kaunti ang nandito. The sun was shining bright. The flowers were dancing with the wind. I think I could just be in this peaceful place with Stephanie forever and do nothing yet still feel contented and fulfilled.
"James, meron sana akong gustong itanong sa 'yo," she said, breaking the comfortable silence between us. "I've been wanting to know the answer from your mouth, and I think this could be the right moment."
"What is it?"
Bumuga muna siya ng hangin bago muling magsalita. "When did you . . . realize that you already love me?"
We stopped walking the moment those words escaped her lips. Hirap man akong titigan, nagawa pa rin 'yon ng mga mata niya. Hindi ko alam kung bakit, pero kitang-kita ko ang pag-aalinlangan at takot sa mga 'yon.
Hinawakan ko ang dalawa niyang kamay nang may ngiti. "Do you really wanna know? Okay. I realized it when I took time to reflect about everything. I only had to close my eyes for a few seconds, then voila! I realized that I'd been fooling myself by focusing my eyes on someone else when it's always been you that my heart belongs to."
That left her speechless. She only kept on staring at me, trying to absorb every word.
"Matagal na kitang mahal, do you know that, Stephanie? I didn't know when it started. Pero noong una pa lang, may parte na sa aking alam na mamahalin kita nang ganito katindi. It may have taken me a long while before admitting it to myself, but that has always been the truth. You've always had a special place in my heart."
Unti-unting bumagsak ang kanyang mga luha.
"I'm sorry for all the heartaches and pain I caused you. I'm sorry that I chose to turn my back to you while you were fearlessly fighting the love you have for me . . . But I'm really grateful that in spite all the sufferings you had to endure for me, you still chose to give me a second chance. Alam mo bang gabi-gabi, lagi kong sinasabi: Thank God, I wasn't too late, thank God. Halos maiyak ako sa tuwing iniisip na . . . paano kaya kung huli na? Paano kaya kung nagsawa ka na? Paano kung hindi mo na ako mahal? Kapag nangyari 'yon, hindi ko talaga kakayanin. Mahal na mahal kita, eh."
Bumagsak din ang mga luhang kanina pa nangingilid sa aking mga mata. Siya lang ang kauna-unahang babaeng nakapagpaiyak sa akin nang ganito. Nang dahil sa kanya, na-realize kong posible pa lang maiyak ang isang taong nagmamahal sa parehong sakit at saya.
"A-Ang tagal kong hinintay na sabihin mo 'yan. Ang tagal-tagal, James."
Ikinulong ko siya sa yakap nang makita ang halo-halong emosyon sa kanyang mukha. Sa mga emosyong 'yon, gusto kong pagmamahal ang manaig. I may be selfish to even wish that, but that's what I want to happen. Gusto kong pagmamahal ko lang ang manatili sa puso niya.
"I love you, Stephanie. I love you, I love you, I love you."
"Mahal na mahal din kita, James."
This scene may not be part of the plan, but I know this is it. This is the perfect moment to make my next and biggest move.
Matapos ko siyang pakawalan, napunta sa kanyang balikat ang aking mga palad. Her skin felt so soft against mine. Ayoko mang ipahalata, pero milyon-milyong boltahe ang dumadaloy mula sa kanya patungo sa 'kin. But I couldn't stop holding onto her, I just couldn't. Letting her go in this very precious moment would mean losing the exquisite feeling I had in the deepest part of my heart. And I couldn't afford that to happen, that would be a big loss for me.
I stared into her eyes for a moment and moved my face closer to hers without hesitation. When our lips touched, man, I literally lost my mind. With my heart beating so fast, my chest could literally burst any moment. I even had to swallow because my throat suddenly became dry. Para akong lumulutang.
The feeling is so insane.
From being gentle, my kisses became passionate and a little aggressive. Nang magsimula siyang hingalin, doon lang ako bumalik sa sarili. Sinara ko ang aking kamao at sinaktan ang sarili gamit ang daliri para lang magawa siyang pakawalan.
Binatukan ko ang aking sarili sa isip ko. Oh, man! I literally lost myself, didn't I? Muntik ko nang malimutan ang limitasyon ko! What the hey, James?! Pinili ko ring itago ang pagkadismaya. The kiss just wasn't enough, I want more - oh, no! You have to stop, James!
Pilit akong ngumiti. "That was . . . great."
Great? What the hey?! Lame, lame, lame! Sa mga kapalpakan ko, hindi na ako magtataka kung ma-t-turn-off sa 'kin siya sa 'kin.
Nakangiti niya akong tiningnan at may sasabihin sana nang may lumapit sa amin. Inabot sa akin ng isang babae ang bouquet of red, pink and white roses. May nagpaulan pa ng red and pink petals sa amin. Just as planned.
"For the most beautiful woman of my universe," I said, giving her the bouquet.
"Thank you, James," mahina ang boses na sabi niya. Puno ng kislap ang kanyang mga mata at halos mapunit ang mga labi sa pagkakangiti. Masaya akong napasaya ko siya.
We are at the garden and the flowers are all here, but the butterflies flew inside my stomach. I couldn't stop my heart from beating really fast. I felt like floating once again. Nawala na naman ako sa sarili, kaya wala akong nagawa nang kusang kumilos ang aking mukha palapit sa kanya. But just when I was about to kiss her again, she averted her gaze and pointed at the sky.
Oh, she didn't get the signal. Ugh!
"Look at the sunset, it's so fascinating!"
She looked so enthusiastic, while I looked like a complete mess. 'Yon na 'yon, eh! Napapangiwi akong nag-angat ng tingin sa araw. And well, oo nga, mapapanganga ka talaga sa sunset.
While she kept on staring at it, I turned to focus my gaze on her. Tinangay ang malambot niyang buhok nang umihip ang hangin. She is a goddess. I couldn't help but adore her.
Stephanie . . . If she could be something else, that would be the sunrise and not the sunset. Gusto kong sa bawat umaga ko, siya ang unang bubungad sa akin. Every moment I get to spend with her always feels like the very first time. She's my beginning that could never possibly come to an end because my love for her will last forever. Stephanie and sunrise, what a beautiful scenery in one frame.
TOGETHER FOREVER
TiffGRa (Tiffany)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top