✨SIMULA✨


"Sandra! Sandra Gising na!" Tawag ni Manang

Napuyat ako kagabi. Nagliwaliw kami ng mga pinsan ko at mga kaibigan ko sa isang bar na malapit lang sa subdivision namin.

"Sandra!shot pa!" Sigaw ni Zsarina na aquaintance ko. Hindi ko siya tinuturing na friend Kasi apaka plastik niyang Tao sa Totoo lang. She's good in backstabbing someone behind their backs at natunghayan ko na yan Ng ilang beses.

"Hindi ko na kaya," Saad ko dahil umiikot na ang paningin ko.

Naparami ang inom ko ng vodka. Kadarating palang kasi namin shomat na ako ng dalawang basong vodka at isang tequila.

"So anong ginagawa mo dito. Nagluluksa sa boyfriend mong walang kwenta," singit ni Ate Margaux. Pinsan ko siya at ayaw na ayaw niya talaga sa ex kong yun kasi balitang-balita ang pagiging womanizer Niya.

"Hindi ko na siya boyfriend. Break na kami!" Angil ko.

"Oh! Sorry 'ex boyfriend'na pala!" Sabay tawa nilang lahat

Si Denzel Zyrus Aguirre ang sinasabi nila. Kakabreak lang namin noong isang linggo. Nahuli ko siyang nambababae sa Isang clubhouse sa Novaliches. Kilala ang pamilya nila dito sa buong maynila dahil sa karangyaan.

"Hindi naman. May period kasi ako ngayon," Bwelta ko.

Hindi na ako nasaktan sa ginawa niyang iyon dahil kilala rin kasi siyang playboy sa buong campus namin. Kaya ganun na lang ang acceptance na ginawa ko. Na iniisip ko nalang na isa ako sa mga pinaglalaruan niya.

Gwapo siya. Isang dahilan kung bakit nagkakandarapa ang mga babae sa kaniya. Bawat buwan iba iba ang girlfriend biya ako lang yata ang tumagal dahil umabot kami ng tatlong buwan na mag-on. Hindi ko alam kung tatagal pa yung kung hindi ko siya nahuli.

"Mahina ka kasing lumandi Girl," Sabi ni Sheila sabay tawa nilang lahat.

"Paano bang lumandi huh!" Galit kong sabi kay Sheila na aquaintance ko Rin Kasi plastik din siya teh. Tinignan ko siya ng masama at saka umirap. "Sa susunod paturo huh! Para maging maganda ang performance ko, palibhasa beterana ka sa paglalandi coz You're Bitch!" Habol ko kaya luminsik ang tingin niya sakin. You deserve that word bitch HAHAHA.

Papaalis na ako ng narinig ko siyang magsalita na dinig na dinig ko dahil hindi pa ako nakalalayo sa pwesto niya.

"Bitter si Ate girl," Bulong niya kaya bigla atang tumaas ang Alta presyon ko.

Kaya sinugod ko siya at hinigit ang kaniyang napakahaba na buhok niyang umaalon. Napangiwi siya sa sakit ng pagsabunot ko sa kanya. Inawat kami ng mga pinsan ko at inilayo sa isa't-isa.

"Huwag na huwag mo akong binaback stabbed! Sheila tandaan mo eto hindi na kita kikilalaning kaibigang plastik simula ngayon."

"Friends ba tayo." Sarkastiko niyang sabi.

"Bobo! Kaibigang plastik nga diba! Kasi sa lahat ng nandito ay may alam na you're a trash na hindi nabubulok pero yung Amoy mo, Amoy bulok lalo na yung kilikili mong kay itim na may putok!" Sabi ko sa may galit na tono pero dinig ko ang hagikgik ng mga Tao sa paligid.

Akma siyang susugod ngunit pinigilan siya ng pinsan kong si Ate Margaux at mga kaibigan namin. Pinapalibutan na kami ng maraming tao kaya't kinuha ko na yung pouch ko. Aalis na sana ako ng may dumapong sampal sa mukha ko, pagkaharap ko ay si Daniela yun, pinsan ko.

"Bakit mo ako sinampal?" Tanong ko sa kaniya ngunit kasabay ang pangingilid ng traydor kong luha sa mga mata.

Nilibot ko ang aking paningin sa kanila. Hindi rin siguro inaasahan na sasampalin ako ng taong pinakamalapit sakin. Ate Daniela is my savior since bata pa lang kaming dalawa but Now hindi na siguro mangyayari yun because kahit kailan hindi niya ako pinagbigyan ng kamay sa tanang buhay naming magkasama. Siya na ang tumayo kong ate pero ngayong ganito ang sitwasyon ay possible ng maging savior ko siya.

Napapahiya akong tumalikod at tumakbo patungong parking lot. Dali dali kong pinatunog ang sasakyan ko at pinaharurot patungo sa subdivision namin.

Fuck!!!


"Gising na po manang!" Sabi ko.

Alas-dos na nang gabi na makauwi ako sabay kaya't mayroon pa akong hang over. Hindi naman ako napagalitan dahil tulog na sila ng nakauwi ako.

"Punta ka nasa baba para mag-umagahan naghihintay na sa baba ang mommy't daddy mo." Ani Manang kaya agad namang akong tumalima.

Only child lang ako. Nung pinagbubuntis ako ni Mommy nahihirapan pa daw siya dahil may sakit siya na mayuma pero nagpapasalamat siya sa Diyos dahil nabuhay ako at nagkaroon sila Ng napakagandang Anak. What a big blessing nga naman.

Bago ako tumuloy na bumaba sumilip muna ako sa bintana. Nakakita ako ng hindi pamilyar na itsura. Nalaglag ang panga ko dahil sobrang guwapo niya. Tinawag ulit ako ni manang kaya bumaba na ako.

"Pranfreya Cassandra Darstane Todenzy!" Tawag ni mommy.

"Good Morning Mom," Bati ko.

"Good morning."

"Asan po si Dad?" Tanong ko kay Mom dahil hindi ko makota si Dad.

"Kakaalis lang niya dahil mayroong kliyente kaya't hindi ka niya na nahintay na bumaba." Paliwanag niya

"Okay..."

"Naihanda mo na ba ang gamit na pang eskwela mo. Pasukan na bukas Sandra ayusin mo na yang mga gagamitin mo. At saka binilhan kita ng bag na Chanel na paborito mo.Yun yung gamitin mo. Tigilan mo na rin yang paggagala mong bata ka." Sabi niya.

"I'll try my best po. Thank you Mom sa gift na bag. Naayos ko na po yung gagamitin ko ililipat ko nalang po ulit sa bag na binili niyo." Sabay ngiti.

"Good."

Nang matapos kaming mag-umagahan umalis na rin si mommy dahil may kliyente rin daw siyang kakausapin tungkol sa business namin. May sarili kaming Company at marami rin kaming lupa sa probinsiya na binabantayan ng mga Tito ko at mga tita na kapatid ni Mommy.

Pagkatapos mag-umagahan umakyat na ako sa aking kwarto para maligo at makapagbihis dahil pupunta ako ng mall ngayon para magshopping.

"Manang pakisabi nalang po umalis ako kapag dumating sila," Sabi ko kay manang.

"O sige, basta't huwag kang gagabihin ahh." Paalala niya.

"Opo Manang," Sabay ngiti sa kaniya.

Nang kunin ko ang cellphone ko lowbat pala. Shit! Hindi ko na icharge kagabi dahil siguro sa kalasingan. Kaya't iniwan ko nalang sa kwarto. Fuck!!!

Kinuha ko ang susi nang kotse ko sa drawer at bumaba na. Nagpaalam ulit ako kay manang bago tuluyang umalis.

Papalabas palang ako ng gate ng nakita yung lalaking nakita ko kanina. Naaninag ko ulit ang perpekto niyang mukha. Ang tangos ng ilong. Ang pula ng labi. Ang perpekto niyang panga. Ang angas ng kaniyang tindig. Woahhh!!!

Stop it!!!

Hindi ko agad na pinatakbo ang aking sasakyan dahil kinakabesado ko ang bawat detalye ng kanyang itsura at Hindi ko Alam Kung bakit ko ginagawa Yun.

Nang bigla siyang sumulyap sa sasakyan hindi ko alam ang gagawin ko. Tinignan niya ako ng may nanliliit na mata dahil hindi tinted ang sasakyan ko. At nang nagtama aming paningin dali-dali kong pinaharurot ang aking sasakyan.


Shit! WTF


Ang lakas ng pintig na puso ko nang nakarating ako sa SM Fairview. Dahil siguro sa kaba na dinulot ng kaniyang tingin sa akin. Dali-dali akong lumabas ng aking sasakyan na para bang may humahabol sakin.

WTF! Sandra


"Good morning Ma'am," Bati ng security guard sakin. Nginitian ko siya Ng napakatamis.

"Good Morning." Bati ko pabalik habang dere-deretsong naglalakad patungong Jollibee para makapag palamig.

Nang makarating ako doon umorder ako ng sundae at fries para makapagrelax pero nawala ang relaxation ko dahil nakita ko si Denzel na may kasama na namang ibang babae. At nang nagtama ang aming paningin dali dali akong lumabas sa kinaroroonan ko.

"Hey!" Sigaw niya

Hindi ko siya pinansin deretso parin ang lakad ko pero hindi na ako nakatakas ng higitin niya ang braso at hinarap niya ako sa kanya.

"Are we good?" Tanong niya

No we're not... Hindi ako nakasagot agad sa tanong niyang yun. Natulala ako sa kaniya mga mata nagtatanong sa akin.

"Uhmm,Ye-Yes." Utal kong sabi

"Kung ganoon bakit mo ako iniiwasan?" Tanong niya

Oh shit!!!

"ahhh, uhmm..." Nangangapa ako ng sagot.

"What?" Tanong niya

"D-Denzel kasi ,Uhmmm T-tumawag si M-mommy, pinapauwi na ako may bisita raw kasi sa B-bahay eh walang T-tao sa min ngayon e." Pagsisinungaling ko.

Parang hindi siya naniniwala sa mga alibis ko dahil sa malalim niyang tingin sakin.

"Okay! I thought you're avoiding me." Pagsang-ayon niya pero halatang napipilitang lang.

"Huh! H-Hindi naman sa ganoon." Pinipigilan kung mautal para hindi siya makahalata

"Are we good?" He asked

"Y-Yes we're good," Nakagat ko ang aking pang-ibabang labi.

"See you tomorrow then." Sabi niya kaya napaluwa ata ang mga mata ko.

"What!Why?" Gulat kong sabi.

Natawa siya sa reaksiyon kaya tumiklop ang mukha ko sa kahihiyan.

"Why? You don't want to see me into the school tomorrow?" Natatawa niyang sabi.

"Ahh, ehhh..." Nangangapa ulit ako ng sagot. Naghihintay siya sa isasagot ko. "H-Hindi naman sa ganoon nakalimutan kong pasukan na pala bukas sa school kaya pala magkikita tayo bukas." Napapahiya kong sabi.

Bago pa siya may masabing pang iba dali-dali na akong tumalikod para makaalis sa kinaroroonan niya. Tinaas ko nalang ang aking kanang kamay senyas na aalis na ako.

Nang nakarating ako sa parking lot kung saan nakapark ang sasakyan ko aligaga ko itong binuksan.

"What is happening to me on this fucking day?" Bulong ko sa aking sarili.

Agad kong pinaharurot ang sasakyan ko patungong bahay. Nagulat pa si Manang dahil ang aga ko raw umuwi. Alas diyes palang kasi ng umaga ng makabalik ako. Akala niya kasi mamaya pa ako dadating dahil ganoon ako lagi. Umakyat na ako agad sa kwarto para makapagpalit.

Pagkatapos kong magpalit nahiga na ako sa aking kama upang umidlip na kaunti pero pagkagising ko alas nuebe na ng gabi. Kaya't bumaba ako para kumain dahil hindi ako nag lunch kanina.

Pababa pa lang ako nakita ko si manang gising pa siya.

"Oh hija, kumain ka na?" Tanong ni Manang.

"Opo manang, napasarap kasi yung tulog ko e." Sabay ngiti.

"Oo nga e kaya hindi na kita ginising." Saad niya.

Papatapos na akong kumain ng biglang nag ring yung phone ko.

Lalisa's calling

"Hello," Sagot ko.

"Hello bess, Good evening." Maligayang aniya.

"Walang good sa evening, anong satin?" Direstsuhan na, walang paliguy-ligoy.

"Ayt! Bad mood ka teh?" Sigurado akong nakanguso na naman ang impaktang ito. Pustahan pa tayo

"Oo! Kung ganoon anong tinatawag tawag mo!" galit kunyari kong sabi.

"Wala nangangamusta lang. Na-miss kita e." Sipsip na sabi niya

"Pwes hindi kita namiss. Uutang ka ba o ano?!" sarkastiko kong sabi.

"Wow!" Nabibilib niyang sabi. "Ako uutang andami kaya naming pera baka ikaw ang may kailangan sakin?!" pagmamalaki niya

"Ano naman kailangan ko sayo. E ikaw nga hindi alam ang pinagkaiba ng bitsin sa asin. Tigil-tigilan mo ako diyan Lisang!"

Si Lalisa ay kaibigan ko simula daycare hanggang ngayon. hindi naman kami nagsasawa sa isa't-isa. Siya lagi yung anjan para sakin kaya napakaswerte ko sa kaniya lalo nat sa the best niya na mga advice. Madalas niya rin akong patawanin sa mga kagagahan niya

"Uyyy foul na yun ah!" Angil niya.

"Bahala ka sa buhay mo, namemerwesyo ka na naman e tumataas blood pressure ko sayo." Sabay tawa ko.

Pagkatapos naming mag-usap umakyat na ako sa aking kwarto para matulog dahil may pasok pa ako bukas pero hindi na aki makatulog dahil buhay na buhay ang diwa ko kaya't nanood nalang ako ng K-drama na dinownload ko. Hangang napagod ang mata ko at nakaidlip rin.

Tumunog ang alarm clock hudyat na alas sais na kaya't aligaga akong tumayo kahit natutumba-tumba pa ako dahil kulang sa tulog. Agad akong pumasok sa banyo para makaligo at makapagpalit nang masusuot.

"Bakit walang nanggising sakin. Manang! Manang pinapaswelduhan ka namin ng maayos bakit hindi mo ako ginising. Puyat ka rin ba tulad ko. Kulang pa ba sabihin mo lang." bulong ko sa sarili ko sabay tingin sa salamin para masilayan muli ang mga mata kong kulay green.

SHIT!!! I'm going crazy

To be continued

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top