✨KABANATA 10:Goodbye✨

KHALIL POV

Makalipas ang Ilang araw hindi mawala sa isip ko si Sandra. Bukas na ng flight ko papuntang America para ipursue ang pangarap ko na pangarap sa akin ng taong minahal ko ng tunay. I never thought na darating yung araw na kailangan kong iwan ang nakasanayan kong buhay dito sa pilipinas para sa pangarap at ang masakit pa doon ay ang iwan ang taong mahal mo. Mamaya na ang pageant nila Sandra kaya't pupuntahan ko siya. Tumawag ako sa kaniya noong lunea para sana sabihing nagdadalawang isip ako kung itutuloy ko pa ba ang pagpipiloto ko.

Flashback

Hindi ako makapakali sa loob ng kwarto ko sa loob ng dalawang araw dahil sa mga iyak ni Sandra parang gusto ko nang hindi ituloy ang pag-alis ko lao na sa sinabi Kong guilt lang ang nararamdaman Niya sa akin.

Kinuha ko ang cellphone ko sa coffee table at idinial ang phone number niya. Nakadalawang ring bago niya sinagot.

"B-bakit K-khalil napatawag ka?" utal-utal niyang sabi. Napangiti ako dahil doon

"Im just.....just"

Shit!!!

"Ano bang just yan Justin bieber o Justin timberlake?" sarkastiko niyang sabi.

"Nevermind...bye"agad kong pinatay ang tawag dahil sa bilis ng pintig ng puso ko.

Ang torpe mo tsong...

End of flashback

Basta kay Sandra natotorpe ako kahit na ex ko na siya Kasi Mahal ko pa rin nga diba siya...shy type Tayo mga bro... Hindi naman sana kami maghihiwalay kung hindi lang ako nagloko sa kaniya sa araw na pinagsisihan ko sa lahat ng pinagsisihan ko sa buong existence ko.

Flashback

Nag-aya ang mga kaibigan ko na pumunta sa isang bar. I was third year highschool at that time. Pumunta kami sa isang sikat na bar at doon nagpalipas ng oras na puro kasiyahan.

"Hello handsome can i sit beside you?"sabi ng isang babaeng maganda.

"Yeah, sure"

"May I know your name"nang-aakit niyang pagkasabi habang hinihimas ang balikat ko.

"Khalil"

"Hmmm what a nice name"

Walang ako ibang iniisip kundi ang matibay naming relasyon ni Sandra. One year na kami mag girlfriend at boyfriend kaya't ayokong sayangin ang tiwalang binigay niya sa akin. Tagay ako ng tagay hanggang namalayan ko nalang nakikipaghalikan na ako sa babaeng katabi ko. Natigilan ako ng may tumawag sa pangalan ko.

"K-khalil"

Tinignan ko kung sino yun. Nanlaki ang mata ko ng makita si Sandra na lumuluha sa harap ko. Agad kong binitawan ang babae at hinabol si Sandra na kumaripas ng takbo palabas ng bar. Simula nun lagi ako sa harap ng bahay nila pero hindi ko siya nakikita, at sa eskwelahan naman malamig ang turing niya sa akin kaya hindi ko siya malapitan hanggang sa may na receive akong text galing sa kaniya at dali-daling binuksan yon. Lumaylay ang balikat ko sa nabasa

Sandra:Break na tayo

Para ako pinagsukluban ng langit at lupa Nung nabasa ko yun. Ayun yung salita na kinakatakutan ko na manggagaling sa kaniya. Simula nun, parang Walang relasyon na nangyari sa aming dalawa dahil she treated me like I'm just a stranger who's passing by and that hurts me big time man.

End of flashback

Nagmamaneho ako ngayon ng fortuner ko papuntang campus para panoorin siya para mabaon ko papuntang America. Pagkadating ko sa event nagsisimula na agad na, hinanap ng paningin ko si Sandra at ayun siya sa harap. Nakasuot siya ng pang tennis na sports attire na may hawak na bat. She look so gorgeous sa outfit niya...as always naman.

After that nagpalit ulit siya ng isang gown na kulay champagne na sumakto sa hugis ng katawan niya. Until tawagin ang top 3. I felt nervous kahit hindi ako yung nakasalang sa pageant. Kasali sana ako jan but i refused dahil ayokong makalaban si Thaddeusse dahil baka isipin niyang pati ba naman sa pageant makikipagkompetensiya ako sa kaniya kaya I rejected the opportunity.

"After I called your name, please step forward.  Our top 3 for Male Category are

"Mr.Valtejaz"

"Mr.Aguirre"

"and Mr.Yap"

"Grabe ex ni Sandra at new suitor niya ang nakapasok sa Top 3 na lalaki sabagay guwapo naman sila lalo na si Papa Thaddeusse... Woahhh!!!" bulungan ng mga babae sa gilid ko.

"For Female category our top 3  are. Please step forward when I called your name"

"Ms.Minatozaki"

"Ms.Alduejo"

"and Ms."

"Please I begging you Lord"halos magmakaawa na ako kay God.

"Todenzy"sabay ng emcee.

Para akong nabunutan ng tinik ng tawagin ang apelyido niya. May maganda yata akong babauin papuntang America pero biglang nanghina ang katawan ko ng maalala kong aalis na ako bukas.

"Let us proceed to the next level of our competition. The question and answer portion"

"Mr.Valtejaz please proceed to the stage. So here is you question."bumunot ang host sa bowl na puno Ng papel na nakarolyo. "What's the meaning of love for you?"

"Love is the most painful thing that I've encountered. Why?Dahil may isang taong una kong minahal kahit isang sulyap ko palang sa kaniya nahulog na agad ako sa ngiti Ng kaniyang mga mata. Mga matang mas lalong nagpapahulog sa nararamdaman ko sa araw-araw. at dahil siguro I can't hold back my feeling anymore, Nagtapat ako sa kaniya at ang sabi niya maghintay raw ako at ayun ang pinanghawakan mo dahil sabi niya may feelings din siya sa akin pero kalaunan napansin ko na binitawan niya ang mga salitang at doon ako lubos na nasaktan pero hindi pa rin naman ako sumusuko sa kaniya kahit sobrang sakit na dahil siya lang ang nagpatibok sa puso kong uhaw sa pagmamahal ng pamilya. I considered her as the storage of my power, but she's also become the weakness na kinakatakutan ko na kapag nawala sa bisig ko ay feeling ko Isa akong abandonadong gusali na malapit na gumuho Ng pira-piraso. Yun lang po at maraming salamat"and he turned back to stage.

"Napakalalim naman nang pinaghuhugutan ni pogi. Sana ako na lang si ate girl. Sino kaya yun no?"

"Siguradong maganda yun. Akalain mo Yun, na love at first sight pala ang love life ni Mr.Valtejaz aba matibay."

Nagtuloy-tuloy ang pagtatanong sa contestant na lalaki hanggang sa babae na ang punta.

"Okay ladies proceed to the front of the stage. Ms.Minatozaki come over here. Do you speak tagalog?"emcee asked.

"Yes pero hindi fluently just a little bit"aniya

"Good dahil ako ang mahihirapan sayo dahil hindi ako marunong mag-english at mas lalong hindi ako nagjapanesse, masisira ang beauty ko"Saad Ng host.

Nagtawanan ang mga nanonood sa pageant.

"Okay is your question Ms. Minatozaki. Kung magiging hayop ka ano ka at bakit?"

"Im if I were an animal I would be a cat because uhmm I love cat and I thank you"sabay kaway kaway sa madla.

Napanganga si Kuya o Ate( di ako sure sa Gender Niya) na emcee dahil sa sagot ni Ms. Minatozaki. Hindi ko mapigilang di-tumawa dahil sa sagot niya kaya't tinignan ako ng mga nasa malapit sa akin kaya tinikom ko ang bibig ko.

"Next can we call on Ms. Alduejo. Come over here please. Do you speak tagalog?"

"Nope."

"Okay interpreter come over here"

"We don't have any interpreter"sabi ng isang organizer.

"I thought we have one. Okay bahala ka nang umintindi"sarkastikong sabi ng isang emcee.

"Kung ikaw ay paru-paro bakit hindi ka tutubi?"

"English please"

"Okay. Hingang malalim..."nagtawanan ang nga tao. "If you were a butterfly why you're not a four B?"

"What is Four B"

"Four B is tutubi because tu plus tu is equal to four so its four B"aniya. Nagtawanan ang lahat dahil sa pag interpret niya.

"Bess Tutubi is dragonfly"

"Oh okay"Ms. Minatozaki said

"If I were a butterfly why am Inot a dragon fly? Duh its easy to answer"mayabang niyang sabi "...Bacause I'm a Butter, not a dragon and I thank you"sagot niya.

Nalaglag ang panga ng mga judge sa sagot niya. Ayan na naman ang hindi matigil na tawanan ng mga nanonood kaya nakisabay nalang din ako pero biglang nawala yun ng tawagin si Sandra.

"Ms.Todenzy come over her. The Ms. Beautiful Goddess of the University.

"Bakit kami walang ganoon"singit ni Minatozaki.

"Tapos na kayo huwag ng mangelam"sabi ng emcee.

"Okay Ms. Todenzy here is your question. Kung ang isdang lumilipad ay tinatawag na flying fish ano naman ang tawag sa ahas na naglalakad and why?"

"Kung ang tawag sa isdang lumilipad ay flying fish ano naman ang tawag sa ahas na naglalakad. Para sa akin ito ay Walking Snake malamang dahil naglalakad e kung tumatalon sana edi jumping snake and I thank you"

Natawa ako sa sagot niya dahil tama naman na ang sagot niya. Hay naku mukhang mahihirapan ang judge sa mananalo ah.

"Okay Our Mr.PLDFU 2010 is .........................................................................Mr.Valtejaz and our Ms.PLDFU 2010 is .........................................................................Ms.Todenzy

Naghiyawan ang mga tao dahil lahat ata sila, sila ang boto para manalo dahil sa angking kagandahan at kaguwapuhan na tinataglay ng dalawa. Tinalikuran ko na sila at dumiretso sa pinag parkingan ng Fortuner ko para ihanda na ang mga gamit na nakaimpake na sa loob ng kwarto ko.

Pinaharurot ko ang sasakyan ko papuntang village namin at naabutan ko doon si Mommy sa garden nagpipitas ng bulaklak. Hindi ko siya totoong Ina dahil tita ko lang siya. Kapatid niya ang totoo kung Mama pero nasa America sila kaya doon ako pupunta. Pero nagpapasalamat ako dahil she treat me well like her true son. May anak siya na gusto niyang bawiin sa matagal na panahon dahil kadarating niya lang galing China para makapag-ipon ng pambuhay sa anak niya pag nakuha niya na ito. Kahit gusto siyang tulungan nila Mama ayaw niya daw gumamit ng pera na hindi galing sa kamay niya ang hirap.

"Hi Mommy"bati ko sa kaniya.

Humarap siya sa akin at ngumiti ng pagkatamis-tamis.

"Ohh Lil san ka galing?"she asked.

"Sa school po nanood ng pageant"

"Ah sige pumasok ka na sa loob at handa na doon ang tanghalian tatapusin ko lang ito"aniya.

"Sige Mom papasok na ako sa loob"

Pagkatapos kung kumain buong araw lang akong nagkuling sa kwarto kinakabesa ang bawat laman ng kwartong kinalakihan ko. Parang hindi ko kayang umalis sa oras na may maiiwan akong mahal ko sa buhay. I wish I coud stay on this place.
Kailangan ko na bang magback-out o tutuloy pa rin ako. Alam ko namang makakabalik din ako dito pero parang ang sakit lumayo lalo na kung dito kana lumaki.

Sandra makakahintay ka ba?kung hindi okay lang basta masaya ka sa piling ng taong mahal mo sa oras na iwan na kita. Mahal na Mahal kita kahit masakit na mapalayo ako sa iyo. I want feel her more. Sandra I'll Miss You.........Goodbye.

To be continued...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top