4: Tuding

Ilayda's POV

Nandito kami ngayon ni Thunder sa isang arcade. Inaya niya kasi akong lumabas kaya sumama ako. Tutal wala naman akong ginagawa sa bahay.

"Hinding-hindi ka mananalo sa akin!" sabi ko sabay humalakhak matapos ko siyang matalo dito sa barilan. Nagpapataasan kasi kami.

"Hmph. Nanalo na kaya ako minsan sa iyo no!" sabi niya.

"Saan naman?" taas kilay kong sabi. Agad niya naman akong inakbayan at hinapit palapit sa kaniya kaya napatigil ako.

"Ikaw. Nakuha kita. Hindi ba't pagkapanalo iyon?" sabi niya at humalakhak. Feeling ko namula ako doon. Pero hindi ako dapat magpahalata at baka lumaki pa ang ulo ng lalaking ito. Agad kong siniko ang tagiliran niya kaya napadaing siya.

"Aray! Babes ha? Pabrutal ka na ng pabrutal." sabi niya. Napamewang naman ako.

"Alam mo tara na. Gutom na ako." sabi ko.

"Okie!" masaya niyang sabi at inaya na ako papunta sa isang fastfood. Medyo may nagbago na din naman nung naging kami ni Thunder. Naging clingy siya sa akin. Ganon naman kasi siya, mahilig siya sa PDA. Kahit na sa mga babaeng lagi niyang dinedate noon pa man. Iniisip ko tuloy na isa na ako sa mga naging babae ni Thunder Gatdula. Dati sinasabi ko ayoko sa tukmol na ito. Pero look at me now, eating my own words. Bon appétit.

"Lafang na!" sabi niya at tumawa pagkalapag ng tray sa harap ko. Napatitig ako sa kaniya nang ilapag niya ang pagkain ko sa harap ko. Pinanood ko lang siya habang inaasikaso ako. Hindi ko maiwasang hindi isipin kung ginawa niya na din ba ito sa mga babaeng naka-date niya noon.

"O, bakit? Napogian ka na naman sa boyfriend mo." nakangisi niyang sabi nang mapansin niyang nakatitig ako sa kaniya. Agad naman akong bumalik sa wisyo at inirapan siya.

"Asa ka naman. Ampanget panget mo." sabi ko. Napapout naman siya. Napangisi na lang ako at nagsimula nang kumain. We've been together for months na din. Pero parang yung dati pa din naman ang turingan namin. Parang mag-bestfriend pa din kami. Upgraded lang. Nag-aasaran pa din naman kami. At nagtatalo sa maliliit na bagay. Natutuwa lang ako kasi hindi ko halos maimagine na magiging boyfriend ko itong gago na ito.

"Rice pa nga kuya!" sigaw niya sa waiter na nag-iikot na agad namang lumapit sa amin.

"Pero alam mo kuya? Suggest ko lang, iwan mo na iyang jug ng kanin dito. Para hindi ka mapagod." sabi ni Thunder. Napakamot naman sa ulo yung waiter.

"Ang takaw mo talaga." simpat ko.

"Bakit ba? Unli daw eh. Kaya kahit isang jug pa ng kanin lamunin ko dito ayos lang." sabi niya at tumawa. Napailing-iling na lang ako.

"Eat more! You're getting thin. Ayoko niyan." sabi niya at nilagyan akong kanin sa plato. Nabigla naman ako sa dami ng nilagay niya.

"Hoy! Grabe ka ha? Napakadami nito. Mauubos ko ba ito sira ka. Ano ako baboy?" sabi ko. Natawa naman siya.

"Wala ka magagawa. Kailangan mo ubusin yan kung hindi, di tayo aalis dito." sabi niya. Sinamaan ko naman siya ng tingin.

"O, kahit patayin mo pa ako sa sama ng tingin mo diyan. Kailangan maubos mo iyan. Seryoso ako." sabi niya at nagpatuloy sa pagkain. Napairap na lang ako at kumain na din. Tsk. Nagpapapayat nga ako eh. Gusto ko maging slim ang figure ko. Although hindi naman ako ganon kataba. Ewan ko ba. Sa tuwing naiiisip ko kasi yung mga naka-date na ni Thunder noon na mga babae ay nanliliit ako sa sarili ko. Kasi di hamak naman na wala akong maibubuga compared sa mga iyon. Bukod sa sexy sila, mapuputi, makikinis. Magaganda sila. Mga pang supermodel ang datingan. Hays. Sino ba naman ako?

Nang matapos kami kumain ay nagpasya kaming maglakad-lakad para magpababa ng kinain. As usual, nakahawak si Thunder sa kamay ko. Magkasiklop ang aming mga daliri habang naglalakad. Napatingin ako sa magkamay naming magkahawak bago sa kaniya. Nakita ko ang ngiti sa mukha niya.

"Thunder?" tawag ko.

"Hmm?" respond niya saka tumingin sa akin.

"Uhm. W-Wala." sabi ko at nag-iwas ng tingin. Inakbayan niya naman ulit ako.

"Nagwapuhan ka na naman sa akin. Hays. Oo na. Oo na. Alam ko namang masyado kang pinagpala dahil binigyan ka ng isang napakagandang lalaki tulad ko. I am your special package from heaven." sabi niya at nagpogi sign pa. Napairap na lang ako sa kahanginan ng gago na ito na hanggang ngayon ay dala-dala niya pa din. Lumala pa nga yata. Tss.

"Dito ka lang. May bibilhin ako saglit." sabi niya at pinaupo ako sa bench.

"Ha? Eh bakit hindi na lang tayong dalawa ang pumunta doon?" sabi ko nang makaupo sa bench.

"Basta. Dito ka lang. Babalik din ako agad. Pramis." nakangisi niyang sabi at tumakbo paalis. Nilingon ko na lang siya hanggang sa hindi ko na siya matanaw. Saan naman kaya pupunta ang mokong na iyon? Tss.

_

Lumipas ang ilang minuto ay nakabalik na siya agad. Naghahabol pa siya ng hininga nang tumayo sa aking harapan. Saka pinakita sa akin ang stuffed toy na hawak niya ngayon.

"Para sa iyo babes!" abot hanggang tenga na ngiti niya. Napatingin naman ako sa stuffed toy na hawak niya ngayon. Stuffed toy na baboy lang naman. Kulay pink siya.

"Ano iyan? Peppa pig?" kunot noo kong tanong. Napahagalpak naman siya sa tawa.

"Ikaw yan!" sabi niya. Edi hinampas ko nga. Bwisit kahit kailan eh.

"Ouch. It hurts you know?" sabi niya at napahimas sa braso niya. Inis ko namang kinuha ang baboy na stuffed toy sa kaniya.

"Thanks." mahina kong sabi. Napangiti na lang siya.

"Let's go. Magdidilim na din. Iuuwi na kita sa inyo at baka malagot ako kay Tita Maddie." tawa niya kaya nga nagtungo na kami sa may parking lot at sumakay sa sasakyan niya.

Sa kalagitnaan ng byahe ay napatingin ako sa stuffed toy na hawak ko ngayon. Saka napabaling kay Thunder. Nakatutok lang siya sa pagmamaneho.

"Thunder?" tawag ko.

"Hmm?"

"Iniisip ko lang sana kung ginagawa mo din ito noon sa mga babaeng naka-date mo noon?" tanong ko.

"Ang alin?" tanong niya.

"Ito. Yung ginagawa mo sa akin ngayon." sagot ko. Sasagot na sana siya nang pigilan ko siya.

"Ayos lang. Kahit wag mo na sagutin. Ayoko din namang marinig." sabi ko. Saktong nasa tapat na pala kami ng bahay kaya agad na akong bumaba ng sasakyan niya. Ewan ko ba. Sa lahat kasi ng ginagawa niya sa akin, iniisip ko kung nagawa niya na din ba ito sa mga dati niyang naging babae. Gusto kong magtanong pero at the same time ayoko malaman ang sagot niya. For sure naman kasi nagawa niya na ito sa mga isa sa mga babae niya hindi ba? Sino nga ba naman ako kumpara sa mga naging past niya? Walang-wala ako.

Papasok na sana ako sa loob ng gate kaso nagulat ako nang bigla niya akong hatakin at kinulong sa mga bisig niya. Nabitawan ko ang stuffed toy dahil doon. Pinilit kong kumawala sa mga bisig niya pero lalo niyang hinigpitan ang yakap sa akin.

"Thunder, bitaw." maotoridad kong sabi. Hindi siya sumagot. Ramdam na ramdam ko ang malakas na pagtibok ng puso niya kaya bigla akong nanlambot at dinama na lang ang yakap niya.

"Special ka sa akin Ilayda. Kung anuman ang naggawa ko sa kanila noon ay nakaraan na iyon. Iba ka. Iba ka sa kanila. Kaya wag na wag mong ikukumpara ang sarili mo sa kanila. Ang mga ginawa ko sa kanila noon ay isang laro lamang. Sa iyo Ilayda. Totoo. Totoo lahat ng ginagawa ko para sa iyo. Kahit alam kong medyo loko ako at gago, mahal na mahal kita Ilayda." sabi niya. Dahil sa sinabi niya ay natagpuan ko din ang sarili kong dahan-dahan siyang niyakap pabalik.

"Mahal din kita, gago ka." sabi ko at ngumiti. Nang kumalas kami sa yakap ng isa't-isa ay pinulot niya ang stuffed toy saka pinagpagan. Bago inabot sa akin.

"Ikaw lang ang babaeng minahal ko Ilayda. Kahit na marami ng babae ang nagdaan sa akin. Hindi ko alam kung anong meron ka kung bakit baliw na baliw ako sa iyo ngayon. Baka nga ginayuma mo pa ako." sabi niya at humalakhak. Hinampas ko nga siya sa mukha ng stuffed toy.

"Pero past na iyon, babes. Kalimutan na natin iyon. Wala lang iyon sa akin. Ikaw ang mahalaga sa akin ngayon. At kung ano ang meron tayo." sabi niya. Napatitig ako sa kaniya. Ngayon ko lang nakita ang seryosong Thunder kaya hindi ko alam kung bakit biglang kinilig ang buong sistema ko.

"Hays. Pakiss nga." sabi niya at ambang hahalik sa akin nang sapakin ko siya kaya napahimas siya sa pisngi niya.

"Aray. Kiss lang eh. Damot." sabi niya. Inirapan ko naman siya.

"Alam mo? Kahit kailan panira ka ng moment. Bahala ka nga diyan." sabi ko at agad pumasok ng gate.

"Wait babes! Wag kang magalit. Biro lang naman eh. Ikaw naman. Babes! Babes!" sigaw niya pero naglakad lang ako papasok ng bahay. Natawa na lang ako sa kaniya. Tapos napatingin sa stuffed toy na hawak ko ngayon. Napayakap ako doon. Ang lambot niya. Ang sarap yakapin. Hahaha!

"From now on, I will call you Tuding." natatawa kong sabi sa stuffed toy at saka agad ng nagtungo paakyat sa kwarto ko. Napatingin ako sa mga pictures na nasa wall ko na dinikit namin noon ni Thunder nung mga panahong nagpapanggap pa kami. Nadagdagan na din siya ng ibang pictures nung naging kami na. Napangiti ako habang tinitignan isa-isa ang mga pictures at inaalala ang bawat memories nung time na kinuha namin ang mga iyon.

Kaming dalawa, madalang kaming maging sweet sa isa't-isa. Kasi panay kami nagtatalo sa maliliit na bagay. Lagi kaming nag-aasaran. Pero kahit ganon ang relasyong meron kami ay mahal ko si Thunder. Kahit napaka gago non at minsan ang sarap talagang sapakin. Hahaha!

Hindi naman kasi kailangang maging sweet or showy kayo masyado sa isa't-isa para lang masabing nagmamahalan kayo. Hindi doon nasusukat ang pagmamahal. Isa lang iyong way para magshow kayo ng affection sa isa't-isa. Ang tunay na pagmamahal ay matatagpuan sa time na magkaproblema kayong dalawa. Hindi lang lagi sa time na masaya dapat mahal niyo ang isa't-isa. Dapat mas mahal niyo ang isa't-isa sa oras ng pagsubok.

***
(Ilayda's photo on the gallery...)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top