3: Peach Letter
Skyzzer's POV
"Sali ka na Sky. Wala na ang ate Cha mo. Ipagpatuloy mo ang naiwan niya." sabi ng kaklase kong si Lacey. Nandito kasi ako ngayon sa Eastwell nagbayad akong enrollment fee para sa pasukan. Kasama ko si Cloud kaso bumili siya saglit ng makakain namin sa kalapit na fast food. Sakto namang nakita ako nitong si Lacey at pinakita sa akin ang flyer ng tryout para sa cheering squad. Maaga kasing nagpapa-audition ang cheering squad ng Eastwell.
"Ah eh hindi kasi talaga ako mahilig sa ganiyan. Ang ate ko lang." sabi ko. College na kasi si ate Cha at lilipat na silang school nila kuya Gab. Kaya maiiwan niya na itong cheering squad sa Eastwell. Ngayon, kinukulit ako nitong si Lacey na sumali kasi kulang pa daw sila. Marunong naman ako sumayaw kahit papaano. Pero ayoko lang talaga sumali sa cheering squad.
"Magugustuhan mo din siya pag sumali ka. Try lang naman. Sige na. Dalawa lang sa section natin ang sasali. Dumagdag ka na para hindi nakakahiya. Halos lahat ng section higit tatlo ang mag-aaudition." sabi niya. Sakto namang dumating si Cloud na may dala ng pagkain.
"Call me ha? Kapag nakapag desisyon ka na. Walang masama sa pagttry. Hihi. Bye." sabi niya at umalis. Napatingin naman ako sa flyer na hawak ko na binigay ni Lacey.
"Tryout?" tanong ni Cloud na nasa harap ko na pala at nakatingin din sa flyer na hawak ko.
"Ah. Oo. Kinukulit kasi ako ni Lacey na sumali sa tryout ng cheering squad." sagot ko.
"Ganon ba?...Tara kainin na natin ito." sabi niya sabay inaya akong maupo sa isa sa mga shed. Nilabas niya naman yung pinamili niya. Binuksan niya yung lalagyan ng pagkain ko tapos pati lalagyan ng sauce binuksan niya na din para sa akin. Napangiti na lang ako sa gestures niya.
Nagsimula na kaming kumain. Tahimik lang kami parehas nang bigla siyang magsalita.
"Do you have plans on joining that?" sabi niya. Napatigil naman ako. Yung about sa cheering squad siguro ang tinutukoy niya.
"Hmm. Hindi ko pa alam eh. Kasi wala naman akong interes sa ganon. Hehe." sabi ko.
"You should try." sabi niya. Well, actually gusto ko naman talagang magtry. Pero may mga doubts pa din talaga ako.
"Are you letting me?" tanong ko. Napatitig naman siya sa mga mata ko.
"Why not? If that's what you want then do it." sabi niya. Napangisi naman ako. Pero on the other side, naisip kong maganda nga siguro kung sasali ako para kapag may sports fest eh makasama ko si Cloud. I'll be his cheerleader. Hehe.
"Are you still joining the basketball and boxing club?" tanong ko. Dalawa kasing club talaga ang sinasalihan niya para sa sports fest.
"Maybe yes. Maybe no. It depends." sabi niya at pinagpatuloy ang pagkain niya. Si Cloud kasi hindi sumasali talaga sa clubs. Mismong president ng club ang lumalapit sa kaniya. Halos lahat na yata ng president ng sports club eh kinulit na siya. Pero basketball at boxing lang talaga ang inaccept niya. Basketball kasi nandoon ang dalawang kapatid niya. Pero ngayon dahil nga college na sila kuya Storm, silang dalawa na lang ni Thunder. Sa boxing? I don't know. Parang hobby niya lang yata iyon.
Nagulat ako nang biglang mahulog ang chicken ni Cloud. Pero pinulot niya na lang ito at inilagay sa lalagyan at hindi na kinain kasi nga madumi na.
"You want mine?" alok ko para sana hatian siya sa chicken ko. Pero tumanggi siya.
"Cloud panget!" rinig kong sigaw ni Thunder kaya napalingon kami sa kanila. Mukhang nandito din sila ni Ilayda para magbayad ng enrollment fee. Lumapit sila agad sa amin. Tumabi si Ilayda sa akin tapos si Thunder tumabi kay Cloud.
"Wow! Chicken. Penge ha?" sabi ni Thunder sabay dinampot ang chicken na nakalagay sa lalagyan ni Cloud at nginuya. Napanganga naman ako. Si Cloud walang emosyon ang mukha. Habang si Thunder eh sarap na sarap sa manok.
"Mmm. Sharap nyeto huh?" sabi ni Thunder na nagsasalita kahit may laman ang bibig.
"O, bakit ganiyan kayong dalawa makatingin?" sabi niya sa amin ni Cloud. Napangisi naman si Cloud.
"Eh Thunder. Nahulog na iyan kaya hindi kinain ni Cloud." sabi ko. Bigla naman nanlaki ang mata ni Thunder at agad niluwa yung nginunguya niya.
"Pwe! Pwe!" napahagalpak naman ng tawa si Ilayda dahil doon.
"Yan kasi. Kasibaan mo." sabi ni Ilayda. Lumingon naman si Thunder kay Cloud at sinamaan ito ng tingin.
"Hoy! Bakit di mo sinabi sa akin na nahulog na pala iyon? Lintek sarap na sarap pa naman ako. Iyon pala may added seasoning galing sa lapag." sagot ni Thunder.
"Nagtanong ka ba?" taas kilay na sabi Cloud.
"Aba talaga itong siraulo na ito!" sabi ni Thunder sabay umamba kay Cloud.
"Bakit lalaban ka na?" tanong ni Cloud at tumayo sa kinauupuan.
"Ha? Ikaw naman di mabiro kuya. Hehe. Chill." sabi ni Thunder sabay pagpag sa upuan ni Cloud. Natawa naman kami ni Ilayda dahil doon.
_
Nang makauwi ako ay sakto namang nakasalubong ko si Ate. Paakyat kasi ako ng kwarto at siya naman ay pababa.
"O, sky. Nakapag enroll ka na?" tanong niya. Tumango naman ako.
"That's good." sabi niya at nagdiretso pababa ng hagdan pero tinawag ko siya agad kaya napalingon siya.
"Ate, do you think maganda kung mag-try out ako sa cheering squad?" tanong ko.
"Really? You have plans?" nakangiti niyang tanong. Dati niya pa kasi ako gustong sumali sa cheering squad. Nung Grade 9 pa yata siya? Grade 7 ako noon eh.
"Oo sana." sagot ko.
"Ano ba yan kung kailan wala na ako sa Eastwell ngayon mo pa naisipan. Hahaha!" sabi niya.
"Wala. Tutal kasi last year ko na sa Eastwell next year. Wala naman sigurong masama kung magtry ako?" sabi ko.
"Do it, sis. I will support you. Don't worry ituturo ko sa iyo yung mga basic stunts and routines once na maaccept ka." sabi niya sabay kindat sa akin.
"Really? Thanks, ate. You're the best." nakangiti kong sabi.
"Of course. Ngayon ka lang lalabas sa shell mo kaya ipupush natin iyan. Hahaha! So proud of you sis." sabi niya. Napangiti na lang ako. Tapos umalis na din siya at nagtungo sa kusina. Ako naman ay dumiretso sa kwarto ko. Agad kong kinuha ang phone ko at chinat si Lacey para sabihan siyang sasali na ako.
Skyzzer: Hi, Lacey. Sasama na ako sa tryout.
Lacey: Woah. Really? Finally! Thank you Sky. 😍
Skyzzer: It's nothing. You're welcome. ☺️
Lacey: Sakto. Next week pa naman ang tryout. You still have 5 days para magready. 😉
Skyzzer: Yes. I'll prepare. 😊
Lacey: Okay, see you. 😍
Hmm. 5 days to prepare. May time pa para makapagpaturo kay Ate Cha ng mga basic routines. Hehe. Dapat sabihan ko na din si Cloud. Sakto ididial ko na sana ang number niya nang biglang tumawag siya. Excited naman akong sinagot ang tawag niya.
"Hello, Cloud. Napatawag ka?" bungad ko. Pero hindi siya sumagot.
"Cloud?" tawag ko ulit. Narinig ko ang pagbuntong hininga niya sa kabilang linya.
[Masama na ba tumawag sa girlfriend ko kapag namimiss ko siya?] tanong niya. Natameme naman ako.
"Hehe. H-Hindi naman. Eh kaso magkasama lang tayo kanina ah?" sabi ko.
[I know. Masama bang makamiss sa iyo?] sabi niya. Cloud Gatdula nga naman. Masungit pa din. Hahaha!
"H-Hindi naman. Uhm. Tatawagan nga din sana talaga kita." sabi ko.
[Why? May ibabalita ka ba?]
"Oo eh. Naisipan ko na sanang sumali sa tryout. And nasabihan ko na din si Lacey. Next week na daw. And I still have five days to prepare." sabi ko.
[Well, galingan mo. Coz I will watch your tryout.] sabi niya. Napalunok naman ako.
"Huh? Why?" tanong ko. Omg. Nakakahiya. Hahaha! Kahit kasi na boyfriend ko na siya eh nandito pa din yung hiya ko sa kaniya na parang nung mga araw na crush ko pa siya. Well, hanggang ngayon naman kahit boyfriend ko na siya, crush ko pa din siya. Kaya ganito pa din ang epekto niya sa akin.
[Don't ask why. You are my girl. I should support you kaya manonood ako. Sasamahan kita sa tryout.] sabi niya. Napangisi naman ako sa sinabi niya.
"Okay then. If that's what you want." sagot ko na hindi pa din maialis ang ngiti.
[Open your bag.] utos niya. Napakunot noo naman ako.
"Why?"
[Just open it and you will see.] sabi niya kaya nga agad kong kinuha yung shoulder bag na dala ko kanina nung magkasama kami. Nang buksan ko ang bag ko ay nakita ko ang isang heart-shaped paper na kulay peach. May nakasulat doon na I love you. Napangiti naman ako nang mabasa iyon.
[I love you, Sky. I will support you sa lahat ng gusto mo.] sabi niya with a gentle voice.
"I love you too, Cloud." sagot ko. And I really really mean it. I love Cloud so much since Grade 5. Hahaha! Pero look at us now. Dati lagi lang akong nakatanaw sa kaniya sa malayo. Sumisilay. Sumisimple. Pero ngayon kami na. Abot kamay ko na siya. Para pa ding panaginip pero totoo. Totoong boyfriend ko na siya. At girlfriend niya na ako. Although may time na masungit talaga siya. Hindi pa din mawawala sa kaniya yung Cloud na sweet at laging nagpapakilig sa akin. Kaya sa kada araw na binibilang ay mas lalo akong nahuhulog sa kaniya.
Cloud is my first love and my first boyfriend. And that first love? It will never die.
***
(Skyzzer's photo on the gallery...)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top