2: Greenwest

Chandra's POV

Naghihikab pa ako habang pinupunasan ng towel ang buhok ko. Katatapos ko lang kasi maligo. At panigurado maya-maya nandiyan na si Gab para sunduin ako.

"Anak, nandiyan na si Gab. Hinahanap ka." sabi ni Mom. And yeah--speaking of the Lucifer. My Lucifer. Wahaha!

"Okay po give me a minute." sabi ko at saka nagmadaling mag-ayos and then bumaba na. Nang makita ko ang sasakyan ni Gab sa labas ng bahay ay agad akong sumakay sa may frontseat. Pagkasakay ko ay nginitian ko siya.

"Hey." bati ko. Ngumiti naman siya.

"Always wear your seatbelt." sabi niya at kinabit ang seatbelt ko.

"Good thing you are wearing pants." sabi niya nang mapatingin sa suot ko.

"Of course. Baka patayin mo ko sa masamang titig mo buong araw eh. Hahaha!" I answered. Napailing-iling na lang siya at inistart na ang sasakyan. Hahaha! Ayaw niya kasi nung mga skirts ko. Mahilig kasi ako sa flowy skirts na above the knee. Eh ayaw ni Gab non kaya hindi ko na masuot kasi kapag hinangin or yumuko daw ako ay makikitaan ako. Hindi talaga niyan aalisin titig niyang masama sa akin hangga't hindi ako nagpapalit. Grabe. Hahaha! Well, not that I'm complaining naman. Gusto ko ding binabawalan niya ako. Ang cute niya kasi magalit. Saka wala namang kaso sa akin na pagbawalan niya ako doon. Lahat naman ng damit eh babagay sa akin. Like duh? Frances Chandra na ito oh. Kahit duster pa ipasuot mo sa akin, I'm still drop dead gorgeous.

"Sure ka na sa medicine? I thought accounting ang kukunin mo like Tita Cyleen?" tanong ko sa kalagitnaan ng byahe. Nagdecide kasi si Gab sa medical path. Kaya medtech muna ang kinuha niya for the preparation of taking the Doctor of Medicine course. Knowing Gab, kahit ibagsak mo na sa kaniya lahat ng stress or what kayang-kaya niya iyan ipasa. He's naturally smart. Sanaol na lang.

"Well, narealize kong mas maganda kung mag-med ako. Mas mapapakinabangan ko ang mapag-aaralan ko. Soon tatanda na din ang parents ko. Kaya kakailanganin nila ako." sabi niya. Napatango naman ako.

"Ako sure na ako sa architecture. Kahit na hindi naman ako masyadong marunong magdrawing. Hahaha!" sabi ko.

"That's fine. If iyan talaga ang gusto mo. Kapag gusto mo ang ginagawa mo, madali mo namang matututunan. Saka kaya nga tayo mag-aaral eh para matutuhan di ba?" sabi niya. Sumang-ayon na lang ako sa sinabi niya. Marunong din naman kasi ang magdrawing pero hindi totally. Pero gaya nga ng sabi ni Gab. Mukhang matututunan ko naman. Kaya nga magcocollege eh para maging prepared sa desired course mo.

Nang makarating kami sa Greenwest ay agad ng nagpark si Gab. Inalis ko na din agad ang seatbelt at bumaba na ng sasakyan. Napatitig na lang ako sa gusaling nasa harapan ko ngayon. Namangha ako sa ganda nito. Not bad like Eastwell. Well, after all. It's an exclusive school.

"This is where our parents graduated." sabi ni Gab at hinawakan ang kamay ko.

"Yeah." sagot ko at nakangiting tinignan ang school.

"And this is where we will finish our studies too." sabi niya kaya napatingin ako sa kaniya. Hindi ko maiwasang mapangiti nang makita ang ngiti niya. He's really happy. And I know he's looking forward na makita kaming sabay sabay na magtatapos dito dahil iyon naman talaga ang goal namin. At inaamin kong naeexcite ako sa bagong kakaharapin namin.

Inaya niya na din agad akong pumasok sa loob kaya nga naglakad na kami papasok ng entrance. Sakto namang natanaw ko sila Aleyna at Storm.

"Aleyna! Storm!" sigaw ko at kinawayan sila pagkalingon nila. Agad naman silang lumapit sa amin ni Gab.

"Buti naman nandito na kayo." nakangiting bati ni Aleyna.

"The school is amazing. I can't wait na dito na mag-aral." excited kong sabi.

"Sinabi mo pa. Hahaha! Tara na dali magregister na tayo sa may admission office." sabi ni Aleyna. Sumang-ayon agad kami kaya nga nagtungo na kaming apat doon sa may admission office. Nagbayad kami ng entrance exam fee tapos nagfill-up na kami ng application form. Nang matapos kami ay agad na namin itong pinasa.

"You're just in time for the last batch of examinees. Your room number is 10. Sa may building B third floor. At ito naman ang mga number ng seats niyo." sabi ng registrar at inabot sa amin isa-isa ang piraso ng papel na may nakalagay na numero. Literal na napanganga ako nang malamang ngayon din ang entrance exam.

Nang makalabas kami ng admission office ay agad na kaming nagtungo papunta doon sa building B na sinasabi nung registrar.

"Seriously?! Entrance exam na agad ngayon pagkafill up ng form! Wala man lang ba tayong choice na sa ibang araw mag exam?! I'm not even prepared!" bulalas ko. Like wth? Kakaregister mo lang exam agad?

"Well I guess may ganito talagang school." kibit balikat ni Aleyna.

"And we have no other choice but to take it. Kasi last batch na daw." sagot ni Storm.

"Yeah, mukhang maraming nag-enroll na kabatch natin kaya ganon." sagot ni Aleyna.

"Unfair! Bakit sila Mom noon wala namang entrance exam." reklamo ko. Hindi talaga ako makaka move on! Paano kung bumagsak ako dito ha?

"Matagal naman na kasi iyon. Iba na ngayon. Saka ano bang kinaka-worry mo?" sagot ni Gab. Look who's talking. Ay malamang Gab sa sobrang talino mo ba naman kahit surprise exam pa yan eh kaya mo iperfect. Hmph!

"Are you worried that you will fail the exam?" nakangisi niyang tanong. Iyan, tinetease pa ako.

"Don't worry. It's just an entrance exam. Kumbaga parang screening. Kahit hindi mo pa maipasa iyan, as long as may pangbayad ka ng tuition eh wala ka nang dapat alalahanin." natatawang sabi ni Gab saka ginulo-gulo ang buhok ko. Inis ko naman itong inayos.

"K." I answered saka napabuntong hininga na lang. Mukhang wala naman na akong choice. Bahala na. Eeny, meeny, miny, moe na lang ito Cha. Total doon naman ako expert.

Nang makarating kami sa building B ay agad na kaming umakyat papuntang third floor at nagtungo sa room number 10. Nang pumasok kami doon ay may ilang tao na din ang nasa loob. Nakita namin si Jioh sa may bungad kaya binati namin siya.

"Sinusundan mo ba ako Rodriguez?" sabi niya kay Gab.

"Asa ka naman Castillo. Baka ikaw ang sumusunod sa akin." sagot naman ni Gab.

"Tss. Kapal mo." sabi ni Jioh.

"Mas doble kapal mo." sagot naman ni Gab. Tapos nag-irapan silang dalawa. Ganiyan talaga iyang dalawa na iyan. Akala mo hindi magkaibigan. Eh halos nitong bakasyon naman sila ang laging magkakasamang tatlo nila Storm. In denial friendship ika nga. Parehas kasi silang ugali as in. Imposibleng hindi sila magkasundo. Well sabagay two same poles don't attract. They repel. Oha! May natutunan ako sa physics namin kahit papaano.

Nang makaupo na kami sa kaniya-kaniya naming upuan ay napapout na lang ako. Kasi magkakalayo kami. Ilang pagitan ang layo namin sa isa't-isa. Sila yatang tatlo kering-keri lang ito. Kasi mga may stock knowledge sila. Eh ako? Puro si Captain Ri at Lucifer Morningstar ang knowledge na nakastock sa utak ko. Hahaha! Netflix pa Cha.

Ilang saglit pa ay dumating na ang isang proctor. Isa-isa niya na kaming binigyan ng answering sheet at test booklet. Kaya ang kaninang maingay na paligid ay natahimik. Kulang na lang yata kuliglig. Lahat kasi sila nakafocus sa exam talaga. Eh ako?

"B kaya? Or A? What if C? D?" bulong ko sa sarili ko. Nang mapagtanto kong mas malakas ang feeling ko na tama ang letter B ay ito ang ni-shade'an ko. Saka nagproceed ulit sa mga sumunod na questions. 100 items lang naman ang entrance exam. Tsk. Mga lessons siya ng Grade 12 na napag-aralan naman na namin sa Eastwell. Kaso, ano bang malay ko sa mga iyon? Matatandaan ko pa ba lahat iyon? Ilang buwan na din lumipas. Huhu. Bahala na talaga.

_

Nang matapos ang exam ay lumapit na ako kila Aleyna na nagkukumpulan ngayon. The result of our entrance exam will be announced next week daw.

"Ano bang sagot doon sa may number 6? 482.3 ba?" tanong ni Aleyna.

"485 sagot ko eh." sabi naman ni Gab.

"Same. 485." sagot ni Jioh.

"Hala. 482.3 din sagot ko. Parehas kami ni Aleyna. Paano niyo nakuha iyon?" sabi naman ni Storm. Ako naman napakunot noo. Shit. Ako lang nagsagot ng 557? Napahilamos na lang ako sa mukha ko dahil doon. Sabi na eh malas talaga yung letter B! I hate B na nga. Hmph!

"Tara, tutal tapos na exam. Maggala na din tayo sa malapit na mall." aya ni Aleyna.

"Sorry pass. There's no way I'm gonna be a 5th wheel." sabi ni Jioh.

"Kahit di ka mag-5th wheel mukha ka namang gulong." sabi ni Gab. Tapos iyon nag-debate na naman yung dalawa.

Nang makaalis na si Jioh ay nagdecide na kaming apat na tumuloy sa gala. Pumunta kami sa malapit na mall para kumain dahil lunch time na din. Sa mcdo namin naisipang pumunta kaya doon kami kumain. Nang makaorder na si Storm at Gab ay umupo na din sila agad sa tabi namin ni Aleyna. Sila kasing dalawang lalaki ang nagpresintang umorder.

Habang kumakain kami ay nag-uusap usap pa din silang tatlo about sa exam kanina kaya tikom ako at tahimik na lang na kumain sa isang tabi. Baka kasi mamaya kapag sumagot ako eh mali pala. Hahaha!

"May balak kayong sumali sa mga club ng Greenwest? Nabasa ko kanina sa bulletin board nila sa may admission office meron silang basketball club at cheering squad eh. Ako kasi di ko pa alam kung sasali ako sa volleyball baka mamaya di kayanin sched ko. Titignan ko muna sched ko sa pasukan bago ako magdesisyon." sabi ni Aleyna.

"Ako hindi na. Ayoko ng distractions. I want to focus on my studies this time." sagot ni Gab. Yeah, kailangan niya kasing makakuha ng mataas na marka in order to be qualified sa medschool na papasukan niya after dito.

"Ako hindi pa din sure. Tignan ko pa sa pasukan. Kung maganda ang offer ng basketball club baka sumali ako." sabi ni Storm. Sa akin naman bumaling si Aleyna.

"Ikaw Cha? Sasali ka sa cheering squad?" tanong ni Aleyna. Napaisip naman ako. Hmm. I love dancing. At simula Grade 7 eh member na ako ng cheering squad ng Eastwell kaya sa college eh balak ko talagang sumali ulit. Kasi malay mo, may bago akong matutunan.

"Yep." sagot ko. Napatigil naman sa pagkain si Gab at lumingon sa akin.

"Sasali na pala ako sa basketball." simpleng sagot niya. Napatitig din tuloy ako sa kaniya.

"Weh? Kasasabi mo lang na ayaw mo ng distractions ah? Babantayan mo lang si Cha eh. Hahaha!" sabi ni Aleyna.

"Maybe. Mga players nga sa Eastwell na kakilala ko sumisimple sa kaniya eh. Paano pa kaya yung mga hindi ko pa kilala." sagot ni Gab.

"Ang sabihin mo, napaka overprotective mo. Sige ka baka mamaya sa sobrang higpit mo iwan ka ni Cha." natatawang sabi ni Aleyna.

"Hahaha! Ayos yan Gab. Sige sali na din ako para may reresbak sa iyo kapag nagkagulo." sabi ni Storm.

"Anong resbak, Storm ha?" taas kilay na sabi ni Aleyna. Napa peace sign na lang si Storm.

"Not my fault to be attractive tho." sabi ko at ngumisi. Sinamaan naman akong tingin ni Gab kaya natawa ako.

"Tss. Sorry sila. Akin ka na." sagot ni Gab. Natameme naman ako dahil doon kaya inasar ako nila Aleyna. I love teasing Gab. Pero once na bumanat siya pabalik, hindi ko alam kung bakit hindi ako makaganti. Automatic na tumitiklop ang bibig ko. And that is soooo frustrating dahil hindi naman ako ganito before!

Parang dati lang eh hindi ako maubusan ng ipangbabara sa kaniya. Ngayon, lagi akong tameme kapag sumagot siya. Kaya iyon lagi siyang napapangisi. Tsk. These butterflies in my stomach. Kasalanan nila ito eh! Nako.

***
(Chandra's photo on the gallery...)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top