1: Beginning

Aleyna's POV

"Nakakuha ka na ba ng application form ng Greenwest, anak?" tanong ni Mama pagkalapag ng pancakes sa mesa na agad namang tinira ni Eiron.

"Hindi pa nga Ma, eh. Baka bukas po pumunta kami nila Cha para magfill up ng application form at maisched na din kami para sa entrance exam." sagot ko sabay kuha din ng pancakes. Kukuha pa sana si Eiron nang tampalin ni Ilayda ang kamay niya.

"Napaka takaw mo kamo!" sagot ni Ilayda.

"Mama oh si Ate!" sumbong ni Eiron kay Mama.

"Pwede ba tigilan niyo kong dalawa ah? Kaaga-aga nag-aaway kayo." sagot ni Mama. Natahimik naman ang dalawa.

"Ble!" pang-aasar ni Ilayda kay Eiron. Tapos iyon walang katapusan na asaran na naman ng dalawa. Napailing-iling na lang ako.

After kong kumain, umakyat agad ako sa kwarto at nakipag videocall kay Cha. Online siya kaya agad kong tinawagan. Nakailang missed call muna ako bago siya sumagot. Mapungay pa ang mga mata niya na halatang kagigising lang.

"Hey, why so early?" sabi niya sabay naghikab.

"Early ka diyan? Alas otso na." sabi ko.

"Kaya nga. Early pa."

"Palibhasa 11 o'clock ka na laging nagigising eh. Hahaha! Kakanood mo ng netflix." nitong bakasyon kasi puro netflix si Cha.

"I'm sorry. I love Captain Ri so much." sabi niya. Natawa na lang ako.

"Nga pala, take tayo ng application form bukas sa GreenWest?"

"Why? Wala bang online?" sagot niya sabay naghikab ulit.

"Maganda na yon para makita din natin ang itsura ng school."

"Haaay. Okay fine. Tomorrow." sabi niya in defeat.

"Expect me to go with Gab ha?" sabi niya.

"Oo baliw. Sabay din naman kami ni Storm. Magkita-kita na lang tayo doon sa school." sabi ko.

"Okay. Mamaya na lang ha? Gonna continue my sleep pa." sabi niya natawa na lang ako.

"Okay. Hahaha! Bye."

"Bye." then she ended the call.

Well, I decided to get Nursing. Sabi ni Mama hindi naman daw necessary na sumunod ako sa yapak niya. Sundin ko daw ang gusto ko. Which I did. Si Cha sabi niya sa akin sure na daw siyang mag-aarchitect gaya ni Mom niya. Si Gab naman daw mag-memedicine yata? Kaya iyon magtatake muna siya ng pre-med course before going to a medical school. Then si Storm mag-eengineering. Iba-iba na kami ng course so basically baka hindi na kami magkakaklase sa college. Pero that's okay atleast nasa iisang school kami di ba?

"Ate!" rinig kong katok ni Eiron sa pinto ko kaya agad akong tumayo at binuksan ang pinto.

"Nasa baba si Kuya Storm. Hinahanap ka." sabi ni Eiron habang busy sa kakalaro sa cellphone niya ng mobile legends na naman. Kinakausap ako pero hindi nakatingin sa akin.

"Ahh osige." sagot ko. Kaya nga umalis na si Eiron at sa pinto naman ni Ilayda kumatok.

"Hoy, Ate na panget! Nasa baba jowa mo!" sigaw niya kay Ilayda sabay pumasok na din sa sariling kwarto niya. Nag-ayos naman na ako at aktong bababa na sana nang dumungaw si Ilayda sa pinto niya.

"Ate, pasabi nga sa gunggong kong boyfriend umakyat na lang siya dito." sabi niya. Nagulat pa ako sa mukha ng kapatid ko nung dumungaw, naka-make up kasi siyang parang kay Valak. Tapos nakapatay ilaw sa kwarto niya.

"Osige. Hahaha!" sabi ko saka bumaba na. Nakita ko nga doon si Storm katabi si Thunder. Parehas silang naghihintay.

"Thunder, sabi ni Ilayda umakyat ka na lang daw doon sa kwarto niya." bungad ko kay Thunder. Agad naman siyang tumayo.

"Okay, ate thanks." nakangiti niyang sabi sabay nagtungo na nga doon paakyat sa kwarto ni Ilayda. Ilang saglit lang ay nakarinig kami ng malakas na tili. Natawa naman kami ni Storm dahil doon. Hahaha! Kawawang Thunder laging napagttripan ng girlfriend niya.

"Do you have plans today?" tanong ni Storm.

"Hmm. Wala naman." sagot ko.

"Yayain sana kita lumabas?"

"Sure. Wait. Paalam lang ako kila Mama." sabi ko. Tumango na lang siya kaya nga nagtungo ako sa kitchen. Naabutan ko doon si Mama na naghuhugas ng plato at si Papa na pinupunasan ang mga bawat platong naaanlawan ni Mama. Masaya silang nagkkwentuhan kaya napangiti ako.

"Ma, Pa." bungad ko kaya napatigil sila at napalingon sa akin.

"Kakain lang po kami sa labas ni Storm." pagpapaalam ko.

"Osige anak. Ingat kayo. Wag magpapaabot ng gabi." sabi ni Mama.

"Wag kung anu-ano kakainin ha?" sabi ni Papa bigla naman siyang siniko ni Mama sa tagiliran kaya napadaing siya.

"Ano ba iyang sinasabi mo sa anak mo?" kunot noong sagot ni Mama.

"Sinasabi ko lang naman wag kakain ng di healthy. Ikaw naman. Hehe. Kung anu-ano iniisip." sabi niya at yumakap kay Mama para aluhin ito. Napailing-iling na lang ako sa Mama at Papa ko na sa harap ko pa mismo naglambingan. Umalis na lang ako at bumalik kung nasaan si Storm.

"Tara. Okay na." sabi ko kaya nga parehas na kaming lumabas ng bahay. Dala niya ang kotse niya kahit na magkalapit lang naman ang bahay namin. Halatang planado niya talaga ang paglabas namin.

Dinala niya ako dito sa mall. Common dating spot ika nga. Namili siyang tickets para sa movie na papanoorin namin maya-maya. Pero dahil nga mamaya pa screening ay kumain muna kami sa isang fastfood chain.

"Sure ka na about nursing?" tanong niya bigla habang kumakain kami. Tango ang sinagot ko sa kaniya. Pinag-isipan ko na din kasi talaga siya. Magnunursing ako. Kasi iyon talaga gusto ko kahit na nung bata pa ako.

"How about you? Sure ka na ba sa pag-eengineer?" tanong ko. Nakangiti naman siyang tumango sa akin.

"Yes! Imagine, Engr. Storm Gatdula. O di ba? Bagay." sabi niya sabay tumawa. Napailing-iling na lang ako sa kaniya. Civil Engineering daw kasi ang kukunin niya sabi niya sa akin.

"Bakit engineering?" tanong ko.

"No reason. Kailangan ba ng rason para piliin ang kursong iyon? Hahaha! Gusto ko lang talaga siya." sabi niya at nagkibit balikat. Ako naman kasi kaya nursing pinili ko dahil gusto kong magkaroon kahit isa sa pamilya namin ang nasa medical field. Karaniwan kasi engineers and business management. Gaya ni Ilayda na nagbabalak mag business management pagtungtong niyang college. At si Eiron naman gusto daw Computer Engineering. Mahilig kasi talaga siya sa mga ganon.

"Ikaw? Di ba nandidiri ka sa mga laman loob? Bakit nursing? Hahaha!" tanong niya.

"Well, I want to face my fears. Saka nursing na talaga ang gusto ko noon pa man. Saka wala pa kasing nagmemedical course sa amin. Para maiba naman. Hahaha!" sabi ko.

"Mukhang magkakaroon akong misis na nurse ah?" nakangisi niyang sabi.

"Misis agad? Hahaha!"

"O, bakit? Doon din naman punta non. Di ba?" sabi niya at humalakhak. Napailing-iling na lang ako.

"Hurry. Magsisimula na pala ang movie in 20 minutes." sabi ni Storm nang mapatingin sa orasan niya. Mabagal kasi ako kumain. Hahaha! Siya tapos na.

"Sige." sabi ko at binilisan na ang pagkain. Nang mayari ako kumain ay umalis na kami sa fastfood chain at naglakad na papunta sa sinehan. Habang naglalakad kami ay napatingin ako sa kaniya nang hawakan niya ang kamay ko. Napatingin din siya sa akin sabay binigyan ako ng isang ngiti. Napangiti na lang din ako.

Hanggang ngayon hindi pa din talaga ako makapaniwala na naging kami ni Storm. Kasi kaibigan lang talaga ang turing ko sa kaniya dati. Halos kapatid na din nga kung ituring. Dahil nga sabay kaming lumaki nila Cha. Pero ano pa nga ba? Expect the unexpected ika nga.

Nang makabili na kaming popcorn ni Storm ay pumasok na kami sa loob ng sinehan at naghanap ng mauupuan. Bukas pa ang ilaw dahil hindi pa nag-iistart ang movie. Hila-hila ni Storm ang kamay ko kaya nagpapatianod lang ako sa kaniya. Kaso nagulat ako nang mapatigil siya sa paglalakad. Nang tignan ko kung sinong nasa harapan niya ay nagulat din ako.

"Hi, Aleyna. Storm." bati ni Ryle. Napatingin ako sa babaeng kasama niya na akbay niya.

"Si Darcy nga pala. Girlfriend ko." sabi niya na tinutukoy ang babaeng katabi niya. Ngumiti naman yung babae sa amin. At para hindi naman ako magmukhang rude ay nginitian ko din siya pabalik. Hindi sumasagot si Storm. Nakatitig lang siya kay Ryle kaya ang awkward. Kaya nga biglang nagsalita ulit si Ryle.

"Ah, sige. Excuse us. It's nice to see you here." sabi ni Ryle at saka umalis na kasama ang girlfriend niya. Sinundan lang siya ng tingin ni Storm. Nakita ko sa mga mata niya na hindi siya natutuwang makita si Ryle.

"Tara dito na lang tayo maupo." sabi ko at hinila siya sa upuang nasa gilid. Kaya nga sabay na kaming umupo. Hindi pa din siya nagsasalita. Parang biglang na-bad mood.

"Hindi ko maintindihan kung bakit ang bilis mong pinatawad ang gago na iyon." simpat niya kaya napatingin ako sa kaniya. Mukhang bad mood nga talaga siya.

"Tinulungan niya din naman kasi ako nung huli. Bumawi siya di ba? Inilaglag niya si Blare." sabi ko. Tumingin naman siya sa akin.

"Ginawa niya lang iyon para di siya madawit." sabi ni Storm. Hinawakan ko naman ang kamay niya.

"Chill. Kalimutan na natin iyon. Tapos na iyon Storm. Ang mahalaga ay kung ano tayo ngayon." sabi ko at nginitian siya. Napabuntong hininga naman siya.

"Eh nakakainis kasi. Sa tuwing makikita ko pagmumukha ng loko na iyon, parang gusto ko siya sapakin dahil sa mga pang-gagagong ginawa niya sa iyo. Tapos ngayon babatiin ka niya na parang walang nangyari noon. Ang kapal ng mukha niya." sabi niya. Hahaha! Hindi talaga mawawala ang galit niya kay Ryle.

"Kung hindi niya ako ginago, hindi magiging tayo. Kaya siguro ganon. Dahil tayo talagang dalawa ang para sa isa't-isa." sabi ko. Nakita ko namang biglang humupa ang galit niya at napalitan ng ngiti.

"Bumabanat ka ba? Hahaha!" natatawa niyang sabi. Natawa din naman ako nang marealize ang sinabi ko.

"Kinilig ka ba?" tanong ko. Natawa na lang ulit siya at inakbayan ako.

"Basta ako. Hinding-hindi ko magagawa iyon sayo Aleyna. Hinding-hindi kita lolokohin gaya ng ginawa sa iyo ng ex mo. Papatunayan kong hindi ka nagkamali na ako ang pinili mo. Papatunayan kong mas better ako sa kaniya." sabi niya. Napangiti na lang ako sa sinabi niya. Sakto ding namatay na ang ilaw at bumukas na ang screen.

Oo, Storm. Naniniwala ako sa iyo. Naniniwala akong mas mapapasaya mo ako kaysa kay Ryle. Alam ko una pa lang na hindi ako nagkamali sa pagpili sa iyo. At wala akong pinagsisisihan doon. Siguro nga masakit yung nangyari between sa amin ni Ryle. Pero kahit papaano thankful pa din ako kay G na binigyan niya ako ng way papunta sa iyo. Binuksan niya ang mga mata ko. Na ikaw lang pala ang lalaking makakapagpasaya sa akin. Masyado akong naniwala noon sa ilusyon ko na si Ryle ang makakatuluyan ko. Hindi ako aware na ang lalaki pa lang lubos na magpapasaya sa akin ay kasa-kasama ko lang matagal na.

I'm very very thankful that I have a boyfriend like you, Storm. Hindi ko maexplain kung gaano ako kasaya ngayon na ikaw ang kasama ko. Sana tayo na talaga sa huli. Kasi hindi ko na maimagine ang sarili ko sa iba.

***
(Aleyna's photo on the gallery...)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top