Special Chapter 2: Feem
SPECIAL CHAPTER
TWO
Feem
"OH my God! Na-miss kita!" sigaw ni Rara kasabay ng pagyakap niya sa 'kin.
Bahagya ko siyang itinulak dahil ayaw kong niyayakap niya ako. Inirapan niya ako. Hindi ko siya pinansin at saka ako bumaling kay Trev. "Hi," bati ko kay Trev at agad na lumapad ang ngiti ni Trev nang halikan ko siya sa pisngi.
Napansin ko ang pag-irap uli ni Rara kaya natawa ako at napailing. "Aga yata natapos ng klase mo?" tanong ni Trev sa 'kin at saka niya kinuha 'yong bag ko.
"Walang prof kaya dumeretso na ako dito," kibit-balikat na sagot ko at saka ako lumingon kay Gonz. "Bakit mo dinala dito si Rara? Gusto ko sana ng tahimik na araw, mukhang hindi mangyayari," kunot-noong sabi ko kaya irita akong tiningnan ni Rara.
"Grabe. Grabe talaga. Ang sama ng ugali!" reklamo niya kaya sabay na tumawa sina Trev at Gonz.
Sarap talaga asarin ni Rara kahit kailan.
Nagkuwentuhan lang kaming apat at mayamaya lang ay nagsimula na ang training nina Trev kaya naiwan muna kami sa bleachers ni Rara.
"Wala kayong training?" tanong niya sa 'kin.
Kunot-noo ko siyang tiningnan. "May iba bang mga babae dito bukod sa 'ting dalawa, Ra?" masungit na sagot ko kaya napasimangot siya.
Sa paraan ng pagtitig niya sa 'kin ay batid kong malapit niya na akong sakalin.
Iginala niya ang mga mata sa buong gymnasium at napagtanto niyang wala ngang ibang babae maliban sa 'min. Ngayon niya lang naintindihan na wala nga kaming training.
"Kailan start ng physical therapy mo?" I suddenly asked, staring at her crutches and knee brace.
Agad na nagbago ang timpla ng mukha niya at nanatiling tahimik saglit.
"This Saturday 'yong first session," sagot niya.
Agad akong tumango. "Saan ba 'yon? Gusto mo samahan kita?" alok ko pero umiling agad siya.
"Sasamahan ako ni Gonz," sagot niya.
"Mmm, okay."
"Anyway, bakit 'di mo 'ko sinabihan na hiningi ni Bellamy sa 'yo 'yong sched ko, huh?" reklamo niya sa 'kin.
I pressed my lips together before talking. "Sabi niya, 'wag ko raw sabihin, eh."
"At kailan mo pa kinampihan si Bell over me?!" hindi makapaniwalang sabi niya.
Natawa ako nang mahina. "He's my brother, Ra. You should get used to that," nakangiting sabi ko kaya napasimangot lang uli siya.
"Bakit wala ka pa ring boyfriend, Ra? 'Di maka-move on kay Denver?" pang-aasar ko sa kanya.
Inirapan niya ako. "Hindi, ah. Wala na nga akong balita do'n."
"Pero alam mo, si Gonz talaga gusto ko para sa 'yo kahit noon pa," dagdag ko pa.
Natawa siya nang mahina. "Aren't you getting tired of saying that?" she asked, shaking her head. "Best friend ko si Gonz, Feem. Bata pa lang kami, magkaibigan na kami. Kung may gusto man kami sa isa't isa, eh, di sana noon pa lang naging kami na, 'di ba?"
"Baka kasi 'di lang kayo aware na may gusto kayo sa isa't isa kasi nasanay kayo na magkaibigan lang talaga kayo."
"Ugh. Stop it already, Feem," reklamo niya. Mukhang naaasar na talaga siya kaya hindi ko na pinilit pa.
Pinagmasdan ko si Gonz. "Look at him, Ra. Look how happy he is, right here, right now," nakangiting sabi ko. Pagka-toss ni Trev ng bola kay Gonz ay agad na pinalo iyon ni
Gonz dahilan ng pagkabaon nito sa kabilang side ng court. Kahit 'yong libero nila ay hindi nakuha ang palo ni Gonz.
Napatingin ako kay Rara at nahuli ko siyang nakangiti. Mukhang nililipad na 'yong utak ni gaga at hindi niya namalayang tapos na 'yong training nina Gonz.
Hinayaan ko lang matulala si Rara hanggang sa makarating si Gonz sa harap niya.
"Ra?"
Gulat siyang napatingin kay Gonz.
"Lumilipad na naman isip mo kanina pa. Who's the lucky guy, Ra? Spill," he teased, flashing her a mischievous smile.
She avoided his eyes, and I knew why. Malakas na tumawa si Gonz pagkatapos niyang kurutin ang ilong ni Rara.
Grabe 'tong dalawang 'to, manhid pareho. Kitang-kita naman na may gusto sila sa isa't isa.
Napailing na lang ako at lumapit kay Trev. Nagkuwentuhan lang kami ni Trev tungkol kina Rara at Gonz hanggang sa makarating kami sa restaurant malapit sa university na lagi naming kinakainan.
Um-order din agad kami ng pagkain at naghintay lang sa mesa namin.
Habang hindi pa dumadating sa mesa namin 'yong order namin, tumingin ako kay Trev at agad akong nagsalita. "Ano na 'yong sasabihin mo?" tanong ko. Nag-text kasi siya sa 'kin kahapon, sabi niya ay may importante raw siyang sasabihin sa 'kin.
Napakunot ang noo ko dahil hindi siya nagsalita. "Ano? Makikipaghiwalay ka na sa 'kin?" deretso kong tanong.
Nanlaki ang mga mata niya at mabilis na umiling. "Kahit saksakin mo pa 'ko, 'di kita hihiwalayan," sagot niya kaya natawa ako.
"Kidding aside, I have to tell you something," panimula niya.
"Ano nga kasi?" tanong ko, medyo naiinip na. Ang tagal kasi niyang sabihin.
"Actually, hindi pala ako 'yong dapat magsabi sa 'yo. Teka lang, parating na siya," sabi niya kaya napakunot ang noo ko. Lalo lang akong nabitin, eh.
"She's here," biglang sabi ni Trev kaya napaangat ang kilay ko.
Lumingon ako doon sa direksiyon kung saan nakatingin si Trev, at nagulat ako nang makita ko si Madette na naglalakad papalapit sa mesa namin.
No'ng huminto siya sa tapat ng mesa namin ay ngumiti siya at binati kami ni Trev.
Mas lalo akong naguluhan. Bakit nandito si Madette at ano ba ang dapat niyang sabihin sa 'kin? I mean, yes, she was my classmate before and one of the people I considered as a friend, sort of. But we weren't close enough for her to be here and tell me something that looked so important.
Lumipat si Trev sa tabi ko at saka umupo si Madette sa harap ko.
"The person who killed your father," panimula niya.
Napatitig ako sa kanya at hinintay ang susunod na sasabihin niya.
"It was the same person who raped my mom when I was a kid," pagpapatuloy niya.
Naramdaman ko ang biglaang pag-init ng mga mata ko.
"At malaki ang pasasalamat ko sa tatay mo dahil nahuli niya noon 'yong taong 'yon."
Bigla kong naalala 'yong usap namin dati ni Madette . . .
"Pulis 'yong papa mo, 'di ba?" bigla niyang tanong sa 'kin. Nananatiling tahimik lang 'yong driver niya sa harap.
"Oo. Bakit?"
"Wala lang. I just really appreciate cops. Sobrang taas ng tingin ko sa kanila," nakangiting sagot niya habang nakatingin sa labas ng bintana.
"Your father gave my mother a chance to feel secured and protected. Kaya mataas talaga ang tingin ko sa mga pulis."
Hindi ako nagsalita. Hindi ko rin naman kasi alam ang sasabihin ko.
"And I'm really sorry if that person changed your life, Feem. I'm sorry if he was the reason your father died. Your father didn't deserve that. Your father was a good man."
Nanatili lang akong nakatitig sa kanya. Kanina pa nagbabadyang kumawala ang mga luha ko pero hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin sila kumakawala.
"It all happened because of our family. If your father didn't help us, maybe he's still alive. I'm really sorr—"
"If he's listening right now, he won't be happy to hear you say that, Madette," I cut in.
"It's not on you. You don't have to feel sorry for that. My father did his job, and I'm glad he was able to help you and your family," I said, flashing him a reassuring smile.
If I had learned something in this life I've been living, it was that anger should never be a long-term emotion.
I suddenly came to a realization that anger had entered my life countless times that it built walls around me and took me a long time to destroy. And I wouldn't let that happen again. I would not let anger consume me ever again.
I would never win a war by just building walls around me to keep me safe. Protecting myself from potential threat may be a good thing, but it wouldn't make me strong.
To win the biggest war, I have to face all the battles around me no matter how cruel, no matter how small they were.
_____________________
Feel free to tag/mention me on your ig stories/tweets/posts regarding Belle Ville Series, I'll be happy to repost it. :) Just make sure na naka-public ang account niyo para makita ko and ma-repost ko. Thank you!
Facebook: Tiana Vianne
Instagram: christianavianne
Twitter: TianaVianne
Hashtag to use: #BelleVilleSeries or #BelleVilleSeriesSpecialChapters
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top