Chapter 7: Investment and bankruptcy
CHAPTER SEVEN
Investment and bankruptcy
"SUSPENDED pa rin bukas?" tanong ko kay Trev dahil hindi ko naman dala ang phone ko para makapag-check ng announcement online.
"Yeah. Kaka-post lang ng announcement," sagot niya habang nakasandal sa side table ng kama niya.
Tumingala siya para silipin ako pero agad kong hinarang ang unan ko sa mukha niya.
"'Di ka pa inaantok?" tanong niya sa 'kin. Bahagya kong ibinaba 'yong unan para silipin siya kung nakatingin pa rin siya sa 'kin. Buti na lang hindi na, kaya naman binitawan ko na 'yong unan.
Nakahiga na siya sa sahig habang balot na balot siya ng comforter. Malamig kasi talaga dahil sa bagyo, tapos 'yong lamig pa ng aircon.
Kahit ako ay balot na balot ng comforter dito sa kama ni Trev. Pinahiram niya na nga rin ako ng pinakamakapal niyang jacket para hindi ako lamigin. Ayaw niya kasing patayin 'yong aircon. Gusto niya raw 'yong nangangatog siya sa lamig.
Yes, I ended up sleeping in his room. Ayoko roon sa kuwarto ni Rara. Mas okay ako kay Trev kaysa kay Rara. I must admit, mas madaling pakisamahan si Trev.
Mas okay rin sa parents ni Trev na rito ako sa kuwarto niya matulog kaysa sa kuwarto ni Rara dahil alam din naman nila na hindi talaga kami magkasundo ni Rara.
I suddenly remembered what happened earlier tonight. Okay naman ang family ni Trev. Pagkatapos namin kumain ng late lunch ni Trev kanina, nanood lang kami sa sala kasama 'yong parents niya and naglaro rin sila ng table tennis sa garahe kanina. Ako 'yong taga-score kanina dahil wala talaga ako sa mood maglaro kahit marunong ako mag-table tennis. Sporty kasi talaga ako kaya halos lahat ng sports ay hilig ko rin. Lamang lang talaga ng sobra ang volleyball sa buhay ko.
Masaya silang nagkukuwentuhan kanina no'ng naghahapunan kami. Kahit si Gonz ay komportableng nakikipagkuwentuhan sa kanila na para bang anak na rin nila. Napansin ko rin sa pamilya nila Trev na close talaga sila sa isa't isa. Para bang magkakaibigan lang din sila no'ng parents nila pero nando'n pa rin lagi 'yong respeto. They're actually a wonderful family.
Pagkatapos namin maghapunan kanina ay umuwi na rin si Gonz sa bahay nila. Katabi lang naman ng bahay nila Trev ang bahay nila Gonz kaya nakauwi siya. Bakit kaya hindi na lang siya rito tumira kila Trev eh buong araw naman siyang nandito? Tinanong ko rin si Trev kanina tungkol doon at ang sabi niya lagi raw talagang nandito si Gonz kahit hindi nila pinapapunta. Normal na raw 'yon sa kanila. They're best friends afterall.
"Still up?"
Napahinto ako sa pag-iisip dahil sa biglaang pagsasalita ni Trevor.
Umayos ako ng higa at tumingin lang sa kisame. Ganda ba naman ng design eh, talagang mapapatitig ka na lang.
"Mmm," tipid kong sagot sa tanong niya.
"Is everything okay? I mean—uhh. Well, I saw what happened between you and your dad outside your house. And you—" He trailed off. "You were crying when I picked you up."
I didn't expect him to ask me about that. But no. I won't tell him anything.
Nakakapagod magkuwento sa taong alam mong panandalian lang naman sa buhay mo.
Why tell them the story of your life if they won't be there with you until the end? It's honestly a waste of time.
"You can tell me everything. Open up, Feem. You can open up," dagdag pa niya. Huminga ako ng malalim at humarap sa kabilang gilid ng kama kung saan wala siya.
"Opening up to someone is like investing in them. You let your guard down and give them the power to take away everything from you. And you know what I hate about investments? The person you have invested your everything can end up betraying you," I said, flashing him a half smile kahit hindi niya nakikita dahil nakatalikod ako sa kanya.
"But investment can be your success too. Not all investments go down in bankruptcy. Not all investments will drain you," he replied.
"You can invest in me, Feem. I can help you grow," he offered.
I simply blinked after his words.
Sinasabi niya lang 'yan ngayon. Pero sa mga susunod na bukas, makakalimutan niya rin naman lahat ng sinasabi niya sa 'kin.
Gano'n naman kasi talaga. Sa umpisa talagang gagawin nila lahat para mag-open ka sa kanila. Pero sa huli, kapag sanay ka nang nand'yan sila, bigla silang mawawala.
Kaya pagod na rin talaga akong mag-open sa panibagong tao. Nakakapagod simulan ulit 'yong pagpapakilala at pagkukuwento kasi sa huli, hindi pa rin pala siya 'yong para sa 'yo.
"Okay, if ayaw mo talaga mag-invest sa 'kin, kahit create a budget na lang muna."
Napaangat ang kilay ko. "Huh?" Umayos ako nang higa at humarap na sa kanya. Staring at him, confusion crossed my face briefly.
His lips curved into smile.
"In order to start investing, you first have to understand how much money is coming in and control how much is going out. Consider the money as your emotions. You have to understand how much emotion is coming in and control how much is going out. You can be neutral when it comes to me. You can give me a half percent and keep the other half to yourself para sigurado ka na may matitira para sa 'yo," he stated, staring at my eyes intently while waiting for my answer.
"And after creating a budget, what's next?" tanong ko. Mahina siyang natawa dahil sa tanong ko.
Well, he didn't see that one coming.
"You won't invest, you also won't create a budget. Fine, do as you please. Inaantok na ako," umiiling na sabi niya pero nakangiti.
Why does he smile a lot?
Lagi ko siyang sinusungitan pero lagi niya akong nginingitian.
Humikab siya bago niya ipinikit ang mga mata niya.
"Good night, captain," he said in a husky voice.
Napangiti na lang din ako.
"Good night, captain," pabulong kong sabi.
Pero makalipas ang ilang minuto, hindi pa rin ako makatulog. Naririnig ko pa rin ang malakas na ulan at hangin sa labas. Pati kidlat at kulog, walang kupas.
Gising pa kaya siya?
"Trev?" tawag ko sa kanya pero hindi siya sumagot.
Tulog na siguro siya.
Napabuntonghininga ako at saka ko niyakap ng mahigpit ang unan.
"Naiinggit ako sa 'yo," pagsasabi ko ng totoo kahit alam kong tulog na siya.
"Kanina, pinagmamasdan ko kayo ng family mo. Ang saya-saya niyo. Kumpleto kayo. Halatang mahal niyo ang isa't isa," pagkukuwento ko.
Para akong baliw na kinakausap ang sarili pero ayos lang. Nakakagaan din naman kumausap ng taong mahimbing na natutulog, eh.
Maybe this is the best way to let out my thoughts. My feelings. Talking to someone sleeping.
"I never had a mother, Trev. Si Papa lang ang nakasama ko buong buhay ko. Si Papa lang ang nagpalaki sa 'kin. Okay naman ako. Masaya naman ako kay Papa. Suwerte ko nga kasi siya ang Papa ko. Pero alam mo 'yon? Kahit gaano ako kasaya sa kanya, laging may kulang."
Gustuhin ko mang umiyak ngayon ay wala na akong mailabas na luha. Ilang taon ko na rin namang iniyakan ang nanay ko pero wala namang nangyari.
Tapos ngayong tanggap ko ng hindi talaga siya parte ng buhay ko ay bigla siyang magpapakita sa 'kin? What did she expect? Tatalon ako sa tuwa? Yayakapin siya sa saya? Magpapasalamat sa kanya dahil sa wakas, nagpakita siya?
Mahina akong natawa nang maalala ko kung gaano kasimple sa kanyang sabihin na mag-ayos ako ng gamit dahil isasama niya na ako para iwan si Papa.
"Kung papipiliin ako ng paulit-ulit, si Papa lang ang pipiliin ko. Hindi ko siya iiwan kahit sabihin niya pa sa 'kin na sumama ako sa Nanay kong kahit kailan hindi naman tumayong Nanay para sa 'kin."
Napangiti ako nang maalala ko kung paano ako pinalaki ni Papa.
He has always been the best father. The one with the kindest heart. That's who he is to me, and nothing could ever change that.
"I don't believe in love anymore but I still do believe in my father. Sa kanya lang ako paulit-ulit na maniniwala at magtitiwala kasi kahit kailan hindi siya umalis. Hindi niya ko iniwan."
Tumahimik ako ng ilang minuto para pakinggan ang malakas na ulan at hangin sa labas pero natigilan ako nang makita kong nakatingin sa 'kin si Trevor.
Gising siya kanina pa?
"You're starting to invest in me. Are you aware?" he asked, flashing me his most genuine smile.
____
Tiana: Grabe. Di ko kinakaya mga linya ni Trev. Kayo ba? Kamusta kayo d'yan? Nakakahinga pa ba? Char.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top