Chapter 30: Graduation Ball
CHAPTER THIRTY
Graduation Ball
"YOU'RE just wasting your time, Rara. Go away," malamig kong sabi sa kanya.
Akmang tatalikuran ko na sana siya pero agad niyang hinila ang kamay ko para pigilan akong bumalik sa loob.
Tinapunan ko siya nang masamang tingin.
"He's not the person you think he is," saad niya. Alam ko kung sino ang tinutukoy niya kaya umiwas ako ng tingin.
"He leaked the video, end of story," tanging sagot ko.
Napabuntonghininga siya. "Kinuwento mo sa 'min ni Lumi lahat ng nangyayari sa inyo ni Denver, and that's fine with me. But I didn't know that Lumi had feelings for Denver," panimula niya.
Natawa ako nang mahina no'ng marinig ko ang pangalan ni Lumi.
Lumi was the one who filmed that video. Alam niya na 'yong mga ginagawa namin ni Denver and she used that opportunity to destroy us. Like our friendship didn't matter. Like I was nothing to her. Kinuhaan niya kami ng video nang hindi namin alam. She was a heartless b*tch. She was a trash. She chose to destroy me just because she couldn't accept the fact that Denver loves me.
I didn't even know that she had feelings for Denver. Nalaman ko lang no'ng sinabi sa 'kin dati ni Rara na si Lumi ang kumuha no'ng video.
"I told you that Lumi gave that video to me, but . . . I lied to you. The truth is . . . Lumi gave it to Trev."
Nang marinig ko ang pangalan ni Trev ay kusa ko na namang naramdaman ang bigat ng loob ko. Hindi ko pa rin maiwasang isipin kung paano niya 'yon nagawa sa 'kin.
Hindi matanggap ng sistema ko.
"Trev was drunk that night, Feem." There's a pause as she let out a small sigh for God knows how many times. "He was always drunk because of you. He had feelings for you since freshmen year, but you never noticed it. The first time you brought Denver on our game and introduced him as your boyfriend? That broke my twin's heart."
I was completely taken aback with what she said.
Trevor Keen had feelings for me since freshmen year? There's no way it could have happened.
"I know it's not your fault because you never knew. It was always one-sided, Feem. Pero hinayaan ka niya. Dumistansya siya sa 'yo kasi nirerespeto niya kayo ni Denver. Nirerespeto ka niya."
Napayukom ang kamao ko. "But he still leaked the vid—"
"He was drunk, Feem. Can't you hear me? I said he was drunk! And Lumi used that opportunity to destroy you! She handed that video to Trev. She told him everything. Sinabi ni Lumi sa kanya na lagi niyong ginagawa 'yon ni Denver, and that you should learn your lesson. She brainwashed a drunk person, Feem. It wasn't his fault! I mean—of course a part of it was definitely his fault. Pero kahit lasing siya, hindi niya pinanood 'yong video. Hindi niya pinakinggan si Lumi. Kahit lasing siya, naiintindihan niya pa rin kung bakit niyo ginagawa ni Denver 'yon."
Hindi ko alam kung dapat ko bang paniwalaan si Rara. Dahil sa napakaraming beses niyang pagsisinungaling sa 'kin, hindi ko na alam kung alin pa ba sa sinasabi niya 'yong totoo.
At bakit ngayon niya lang sinasabi sa 'kin lahat ng 'to? She could've said something to me when she had the chance.
"Napikon si Lumi kay Trev kasi binalewala lang ni Trev 'yong video at lahat ng mga sinabi niya. That's why Lumi stole his phone. Kinabukasan hindi mahanap ni Trev 'yong phone niya. And then no'ng awarding ceremony natin sa auditorium, bigla na lang nag-play sa malaking screen doon sa stage 'yong video mo. Hinanap kita that time pero wala ka na, tumakbo ka na paalis. Kaya dumiretso ako sa backstage." Napahinto siya at napakagat sa labi.
"Tapos nakita ko 'yong phone ni Trev naka-plug in doon sa laptop. No'ng oras na 'yon hindi ko alam na si Lumi ang kumuha ng phone ni Trev. Kaya hindi ko talaga alam ang gagawin ko no'ng nakita ko 'yong phone ng kambal ko doon. Halong gulat at taranta ang naramdaman ko. Bago pa ako makagawa ng paraan ay dumating na si Trev at ang iba pa nating mga kaklase. Nakita nila na phone ni Trev 'yong naka-plug in." Napadiin ang pagkakahawak niya sa 'kin.
"Na-set up siya, Feem. At ayokong maging masama ang tingin mo sa kanya kapag nalaman mo na phone niya 'yon. Na sa kanya galing 'yong video. I love him more than anything, and you know that. Mahal ko ang kambal ko kaya inako ko. I made a scene there, Feem. I yelled your name, saying you deserve to be destroyed. I did that para isipin nilang lahat na ako 'yong nagkalat no'ng video kahit phone ni Trev ang naka-plug in do'n. They believed me."
Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.
Hindi pa rin maproseso ng utak ko lahat ng nalalaman ko. It's just too much for me.
Bakit parang kasalanan ko pa?
"But I was stunned when I saw you there, standing at one corner. The way you stared at me—hindi ko 'yon matanggap. You also believed it was me, and that broke my heart," she said in a wistful voice.
I scoffed in disbelief.
It's really heartbreaking—knowing the truth after believing a lie.
"Why are you telling me this now, Rara?" My voice cracked, feeling the pressure from my chest. I just can't believe how everything turned out.
"Same reason why I lied to you last year." She paused and flashed me a weak smile. "To protect my twin," she continued, wiping the tears off her cheek.
"He loves you so much, Feem. And I love you too, so much. I don't expect you to forgive me, but my twin doesn't deserve the hate."
A sharp pain surged through after hearing those words.
With a heavy heart, I cried in front of her. I'm done holding back my tears in front of my best friend.
"I'm sorry I didn't trust you, Ra. I'm sorry I—"
"Oh my God, no! None of it was your fault! I didn't tell you all that to make you feel sorry!" she yelled, wrapping her arms around me.
"I'm sorry, Feem. I'm sorry I wasn't there to protect you. I'm sorry." Her voice was shaking, hugging me tighter.
"Thank you for clearing things up for me."
"Oh, come on. There's nothing to be thankful for! It took me a long time before saying the truth. Nasaktan kita, iniwan kita—"
"Did you really love Denver?" bigla kong tanong kaya napakalas siya sa yakap.
She stared at me and laughed her heart out. Like what I said was the funniest thing to ask.
"No! I just dated him because I had to. I had to make you hate me," she said, avoiding my eyes. "What I did was honestly immature."
I raised a brow at her because I just caught her lying.
"You love him," I said, flashing her a genuine smile.
Agad siyang natigilan at napatitig sa 'kin. Napabuntonghininga siya. "Honestly, no'ng una, I dated him because I had to. Pero no'ng tumagal, no'ng nakilala ko na siya, nahulog na 'yong loob ko sa kanya. Denver was a nice guy, Feem. He made me happy, but I can never make him happy because he's still in love with you. It was always you, Feem. He left you but his feelings for you was always there," she said, holding back her tears but she failed.
She's clearly broken.
Tears escaped her eyes as she covered her face with her shaking hands.
"I was never serious with anyone, and you know what. I dated a lot of guys but none of them made me fall in love. Then I met him, and things started to change."
Napangiti ako sa sinabi niya.
It's nice to hear it from her. That she truly loved him.
This time, I hugged her and let her cry on my shoulder.
"You're a great girl, Ra. I'm sure there's a great guy out there, waiting for you to lay your eyes on him."
"You think so?"
Tumango ako.
"Of course, Ra. One day, you'll meet someone whose heart only belongs to you."
***
"CONGRATS, Feem," nakangiting sabi ni Tito Anthony at saka niya ako niyakap. He's the father of Bellamy and my mom's husband.
Sa loob ng maikling panahon na nakasama ko siya, I saw it in his eyes that he will be a good father to me. Pero syempre, wala pa ring tatalo at papalit kay Papa sa puso ko.
Kahit wala na si Papa, alam kong masaya siya ngayon para sa 'kin, sa 'min. Hindi niya na kailangang mag-alala pa na naiwan niya akong mag-isa.
Alam kong matagal niya nang napatawad si Mama. Dahil kahit kailan naman ay hindi nawala ang pagmamahal niya kay Mama. At kapag mahal mo talaga ang isang tao, magiging masaya ka para sa kanya kahit sa iba na siya masaya.
"Congrats," bati rin sa 'kin ni Bellamy at saka niya ako hinalikan sa pinsgi.
Inabutan niya ako ng bulaklak at napangiti naman ako. He's really the sweetest. I'm glad I've found a brother like him.
"Feem!"
Agad akong napalingon kay Rara na nagmamadaling tumakbo papalapit sa 'kin. "Picture tayo!" she demanded as she handed her phone to Bellamy. "Picture-an mo kami," utos niya pa kay Bell.
Napaangat ang kilay ni Bell. "Take a picture of our family first," kibitbalikat na sabi sa kanya ni Bellamy at saka niya ibinalik kay Rara 'yong phone niya.
Kinuha naman agad ni Bell ang phone niya sa bulsa niya at inabot niya 'yon kay Rara.
Inirapan siya ni Rara kaya natawa ako nang mahina. "Sige na, Ra," umiiling na sabi ko kaya sumimangot siya at wala ng nagawa.
Labag sa loob niyang kinuhaan kami ng picture. "Happy?" baling niya kay Bellamy no'ng ibalik niya ang phone ni Bell. Kinuha lang ni Bell kay Rara ang phone niya para kuhaan naman kami ni Rara ng picture.
Nakailang pose si Rara at nangalay agad 'yong labi ko. Ang dami niyang posing na nalalaman at hindi na ako natutuwa. Nakakangalay naman kasi.
"Thanks," sabi ni Rara pagkakuha niya ng phone niya kay Bellamy. Tumango lang si Bell.
Lumingon ako sa paligid ko para hanapin si Trev pero hindi talaga siya mahagilap ng mga mata ko. Napayuko na lang tuloy ako.
Wala rin siya kanina. Hindi siya nakapagsalita sa harap para sa Salutatory speech niya. Yes, siya pa rin ang Salutatorian. Sabi kasi ni Rara, no'ng Friday daw pumunta ng school si Trev para i-take lahat ng na-miss niyang exams kaya nakahabol pa siya para sa final grades niya.
Nakakalungkot lang isipin na hindi niya man lang naranasan 'tong graduation lalo na't siya ang Salutatorian namin. Magandang experience din sana 'yon para sa kanya.
"Looking for my twin?" nakangiting sabi ni Rara kaya napatingin ako sa kanya at agad na umiling.
"He's not coming. Pati sa grad ball mamaya hindi siya pupunta," dagdag niya pa kaya mas lalong tumamlay ang timpla ng mukha ko. Hindi ko na talaga siya makikita?
"Alam niya na ba?" tanong ko.
"Hindi niya pa alam na nagkaayos na tayong dalawa. Hindi pa kasi kami nagkakausap. Ayaw niya naman kaming kausapin lahat sa bahay," tipid na ngiting sagot niya.
Tumango lang ako at napabuntonghininga.
"I think I should go," biglang bulong niya sa 'kin at agad naman akong nagtaka.
"Ngayon na talaga?"
Tumango siya at pasimpleng ngumuso sa likuran ko. Lumingon naman ako sa likuran ko at natanaw ko si Denver na naglalakad papalapit sa 'kin.
Nang makalapit sa 'kin si Denver ay huminto siya sa harapan ko at ngumiti. "Hi. Congrats," bati niya sa 'kin at saka niya ako binigyan ng bulaklak.
Napangiti ako. "Thanks."
Napatingin si Denver kay Rara na nakatayo pa rin pala sa tabi ko.
"Hey, Ra. Congrats," bati niya rin kay Rara. Ngumiti lang si Rara at agad na umiwas ng tingin.
Okay na kami ni Denver, pero sila ni Rara? Mukhang hindi pa rin okay.
"Picture-an ko kayong tatlo?" pang-aasar sa 'min ni Bellamy kaya tiningnan ko siya nang masama.
"What?" inosenteng tanong niya kaya napailing na lang ako at napasapo sa noo ko.
Kahit kailan talaga 'tong isang 'to, eh.
Biglang humalik sa pisngi ko si Rara. "I have to go, Feem. See you tonight," nakangiting paalam niya sa 'kin at saka siya bumaling sa mga kasama ko para magpaalam na rin.
Pagkaalis ni Rara ay biglang nagsalita si Denver. "Have you talked to Trev already?"
Agad akong umiling.
"Hindi ko pa siya ulit nakikita," sagot ko.
Pinahawak ko saglit kay Bellamy 'yong mga bulaklak na hawak ko.
"I think you should go talk to him," Denver suggested, flashing me a genuine smile.
Agad na nanlaki ang mata ko at mabilis akong umiling. "I can't."
"Why not?"
Napayuko na lang ako dahil hindi ko masagot ang tanong niya. Hindi ko rin talaga kasi alam ang sasabihin ko kay Trev kung sakaling makita ko ulit siya.
***
"ENJOY your night, sis," Bellamy said, waving me goodbye as he left with his car.
I let out a deep sigh before entering the main building.
Making my way down to the Events Hall for the Grad Ball, I can't help but think about my life.
Everything happened too fast.
I stained my own image.
I was damaged.
I lost my first love.
I lost my father.
I discovered the truth.
I chose to forgive.
I chose to let it all pass.
And I lost Trevor.
Shaking my head, I tried to get off these things from my mind. I have to enjoy the moment.
Pagkarating ko sa events hall ay may nagsasayawan na sa gitna. Oo, nagpa-late talaga ako kasi nakakatamad 'yong opening ceremony.
Kanina pa rin ako naiirita sa suot ko dahil hindi ako sanay na nagsusuot ng cocktail dress at ng heels. Mas sanay ako na naka-sports attire. Puwede bang mag-jersey na lang dito? Syempre hindi. Napailing na lang ako. Wala naman akong choice.
Hinanap ko sa paligid si Rara at agad ko siyang natanaw na nakaupo mag-isa doon sa may bandang kanan. Nakasimangot siya habang kumakain kaya mahina akong natawa at mabilis na lumapit sa kanya.
"Nakasimangot ka?" tanong ko sa kanya.
Mas lalo siyang sumimangot. "Si Gonz, ayaw akong isayaw! Nagagalit daw girlfriend niya lagi na lang daw ako 'yong kasama niya. Gusto niya raw sa kanya lang si Gonz ngayong gabi. Hello? Grad ball natin 'to! Dapat may moment din kami ni Gonz!"
"Ra, intindihin mo na lang. Gano'n talaga, eh. May girlfriend siya. Bestfriend ka lang."
"Wait—what? Lang? Bestfriend lang ako? Hello? Since kindergarten bestfriends na kami ni Gonz! Alin do'n 'yong lang? Grabe bata pa lang kami pangarap na naming dalawa na maisayaw namin 'yong isa't isa sa Grad ball, and ito na 'yon. Tapos ano? Iiwasan niya ako kasi nagagalit girlfriend niya? Bakit? 'Pag may boyfriend naman ako, priority ko pa rin si Gonz ah? Bakit ang unfair niya?" reklamo niya.
Napailing na lang ako. "Ra, hayaan mo na. Intindihin mo na lang."
"Fine! 'Pag ako nagka-boyfriend, who you talaga sa 'kin 'yang si Gonz!"
Napailing na lang ulit ako at natawa nang mahina. Para talagang bata si Rara pagdating kay Gonz. Nasanay kasi siya masyado sa presensya ni Gonz at nasanay din siyang lahat ng gusto niya ay sinusunod ni Gonz.
"Anyway, my twin's here."
Halos mabuga ko 'yong iniinom kong wine dahil sa sinabi niya. Nanlalaking mata ko siyang tiningnan. "Si Trev?"
"What the hell, Feem? Triplets ba kami? Isa lang naman ang kambal ko."
"Nandito nga si Trev?"
Inirapan niya ako. "Ulitin ko?"
"Nasaan siya?"
"Ewan ko. Nandiyan lang 'yon. Baka kasama nila Carson at Markee—oh? Bakit ka nandito?" iritang sabi ni Rara dahil biglang sumulpot si Gonz sa harap namin.
"Isasayaw na kita. Kanina ka pa nakasimangot eh," seryosong sabi ni Gonz. Bakas sa mukha niya na naiinis na siya kay Rara kaya umiwas lang ng tingin si Rara sa kanya.
Grabe, natawa naman ako sa pagkakasabi ni Gonz. Labag na labag sa loob, eh.
"'Wag na. Labag naman sa loob mo. Do'n ka na. Baka mag-away pa kayo ng girlfriend mo."
Ay, oh. Ang arte ni Rara. Grabe. Bakit ba pinapanood ko mag-away 'tong dalawang 'to?
"I broke up with her, Ra."
Agad kaming nagkatinginan ni Rara at sabay na napatingin kay Gonz.
Totoo ba? Kanina lang ay ayaw niyang isayaw si Rara dahil ayaw ng girlfriend niya.
"What? Why?" gulat na tanong ni Rara. "What happened? Did she cheat on you? Or did you cheat on her? OMG. Spill!" parang batang sabi ni Rara.
"It's not like that, Ra."
"Eh bakit nga? Bakit ka nakipag-break sa kanya?"
"If she's always going to make me choose between you and her, I'd rather lose her. You're like a sister to me, Ra. Of course, I'll always choose you."
Wow, sana lahat may kaibigang tulad ni Gonz.
Napataas ang kilay ni Rara at saka siya tumayo para batukan si Gonz.
"I hate you for breaking up with her because of me," seryosong sabi ni Rara kaya napakunot ang noo ni Gonz.
"Aren't you happy?"
"No! Ilang linggo na kong naiinis sa 'yo! 'Di na nga ako pinapansin ni Trev, pati ikaw 'di mo ako pinapansin!"
Palihim akong natawa. Nagiging isip bata talaga si Rara pagdating kay Gonz.
"Woah. Chill. Babawi ako!" singhal sa kanya ni Gonz habang umiilag sa mga hampas ni Rara. Napailing na lang ako habang pinapanood silang dalawa. Para talaga silang magkapatid.
Pinagmasdan ko ang buong paligid ko at napagtanto kong huling gabi ko na pala 'to rito sa Belle Ville campus. Itong school na 'to ang naging pangalawang tahanan ko ko for twelve years. Hindi man naging maganda 'yong mga nangyari no'ng huling isang taon ko dito, mas nangingibabaw pa rin naman 'yong masasayang ala-ala na mayroon ako sa school na 'to.
Iniwan ko na lang muna sila Rara doon sa table at lumabas muna ako ng events hall para pumasyal sa buong campus. Binista ko ang mga classroom kahit mag-isa lang ako at walang katao-tao sa paligid. Huminto rin ako sa tapat ng locker ko para titigan lang 'yon saglit at saka ako naglakad ulit papunta sa cafeteria.
Lagi kaming nakatambay dito noon nila Rara at Lumi. Simula elementary ako, silang dalawa na ang naging kaibigan ko. Parang pelikulang nag-flashback sa utak ko lahat ng pinagsamahan naming tatlo. Halos hindi kami mapaghiwalay dati. Kahit saan kami magpunta, magkakasama kami lagi.
Sa totoo lang, na-mi-miss ko rin si Lumi. Pero nakalulungkot lang din talagang isipin na mas pinili niyang sirain ang pagkakaibigan namin dahil lang sa isang bagay na puwede naman sana naming idaan sa usap. Pero 'yong bagay na 'yon ay hindi niya sinabi sa 'kin kahit kailan. Hindi niya sinabi sa 'kin na may gusto siya kay Denver at hindi niya rin sinabi sa 'kin na may sama pala siya ng loob sa 'kin dahil doon.
Kung napag-usapan lang sana namin 'yon nang mas maaga, baka sakaling naisalba pa namin 'yong pagkakaibigan naming dalawa.
Lumi was the funniest pagdating sa 'ming tatlo. Siya 'yong laging nagpapatawa. Siya rin 'yong pinakaisip bata sa 'ming tatlo kaya pinaka-cute talaga 'yong personality niya. Kami kasi ni Rara, medyo may pagkakapareho ng ugali. Pareho kaming madalas nagmamatigas at lumalabot lamang pagdating sa piling tao.
I hated Lumi for what she did to me, but my love for her never changed. It's just that I chose to keep it away from her. She didn't need to know that I still love her. And maybe that's the biggest problem about me. I have a big heart. I'll try to stay mad, but I can't. I always choose to hold on to the good things they've shown me.
I built walls around me. But in the end, I always choose to let them in.
Nakita ko na lang ang sarili ko na nasa Spartans indoor volleyball court. Halos itong lugar na 'to ang naging buhay ko. Dito ako naglaro, hindi lang para sa sarili ko, kundi para rin sa school ko. Gano'n ko kamahal ang Belle Ville High School. Kaya kahit isipin nilang masama ang ugali ko dahil sa pagiging mahigpit ko as the team captain, ayos lang. Gusto ko lang silang matutong disiplinahin ang mga sarili nila. I may have used wrong choice of words and actions, but it's all for them. Kasi once na umalis na sila ng Belle Ville at pumasok sa isang magandang university para maging parte ng isang volleyball team, mas mahihirapan sila ro'n kung hindi ko sila pinahirapan. There's always a bigger world out there, and I want them to realize that as early as possible.
Sa kalagitnaan ng pag-iisip ko ay halos mapatalon ako sa gulat dahil bigla akong nakakita ng bola na lumipad papunta sa kabilang gilid ng court.
Agad akong napalingon sa likuran ko at natigilan ako nang makita ko siyang naglalakad papalapit sa 'kin.
Naramdaman ko 'yong biglaang pagbilis ng tibok ng puso ko. Para bang nakikipaghabulan ako.
Hindi ko inaasahang makikita ko siya rito.
Huminto siya sa harapan ko at ngumiti. "Let's play, Captain?"
Halos manghina ako nang marinig ko 'yon. Ngayon niya na lang ulit ako tinawag ng gano'n.
Ang tagal kong hiniling na sana marinig ko ulit 'yon mula sa kanya.
"I'm wearing a cocktail dress." I pointed down my feet. "And I'm on a heels."
Well, that was a dumb way to reply.
Hindi ko rin kasi talaga alam kung dapat ba akong pumayag makipaglaro sa kanya. Ngayon ko na lang ulit siya nakita pero kung kausapin niya ako ay parang walang nangyari.
He chuckled softly, still smiling at me.
Nanlaki ang mga mata ko nang bigla siyang lumuhod sa harapan ko.
"What are you doi—" Napahinto ako sa pagsasalita nang marahan niyang hinubad ang suot kong high heels.
Muli siyang tumayo, hindi pa rin nawawala 'yong ngiti sa labi niya.
Nadala ako ng ngiti niya kaya napangiti rin ako.
I missed his smile. And I'm glad I'm able to see that again.
"Okay," pagpayag ko.
Nauna akong maglakad papunta sa gitna ng court. Sumunod naman agad siya at pumunta sa kabilang side ng court para pulutin 'yong bola. Mula doon ay nag-serve siya.
Agad kong ni-receive 'yong bola at nag-toss ako para sa sarili ko. Pinalo ko 'yon papunta sa kanya at ni-receive niya naman 'yong bola.
"Saan mo balak mag-college?" bigla niyang tanong sa 'kin sa kalagitnaan ng paglalaro namin.
Agad akong napaisip. Hanggang ngayon ay hindi ko pa napag-iisipan ang bagay na 'yon, pero naalala ko bigla si Bellamy.
"Baka sa Vera University. Doon balak mag-try out ni Bellamy, eh. So baka mag-try out din ako do'n."
No'ng mapunta ulit sa 'kin 'yong bola ay ni-receive ko ulit 'yon.
"Ikaw?" tanong ko sa kanya. Nag-set ulit ako para sa sarili ko at saka ko pinalo 'yong bola papunta sa kanya.
"Kinukuha ako ng NTU. Actually, they invited me for a try out last week kaya hindi ako nakapag-take agad ng final exams."
Pinalo niya ang bola pabalik sa 'kin at wala sa sarili akong tumakbo para i-dig 'yon pero hindi ko na nagawang habulin pa ang bola dahil nagpaulit-ulit sa pandinig ko 'yong sinabi niya.
I'm on a dress pero ito ako ngayon, nakasubsob sa sahig. Napailing na lang ako at mabilis na tumayo ulit at inayos ang sarili.
"National Taiwan University?" hindi makapaniwalang tanong ko.
Agad siyang tumango. Kaya pala gano'n katagal siyang nawala. Hindi man lang binanggit sa 'kin ni Rara. Siguro ayaw niyang malungkot ako kung sakaling doon na nga talaga mag-aaral si Trev.
Mahusay na setter kasi si Trev, kaya hindi na ako magtataka kung bakit kinukuha siya sa Taiwan.
"Natanggap ka?" tanong ko sa kanya.
"Yeah. Actually, next week na start ng training camp namin."
Natahimik ako bigla.
Ang bigat pala marinig 'yon mula sa kanya. Don't get me wrong. I'm happy for his achievement. Madalang na oportunidad 'yon para sa atleta at masaya ako para sa kanya. 'Yon nga lang, nakalulungkot isipin na aalis na talaga siya.
"Paano ako?" wala sa sariling sabi ko no'ng lumapit siya sa 'kin.
Nagitla siya sa tanong ko pero ngumiti lang siya at ginulo ang buhok ko.
"You're better off without me, Captain."
Para bang nabiyak sa dalawa ang puso ko. Sino siya para pangunahan ako?
"'Pag ba pinigilan kitang umalis, aalis ka pa rin?" My voice cracked, avoiding his eyes as tears started to blur my vision. Ito na naman ako. Napakaiyakin ko na yata talaga.
"You don't have to do that." Napatingin ulit ako sa kanya nang sabihin niya 'yon. "I ruined your life, Feem."
Tipid akong napangiti. "No, you didn't. I heard the whole story from Rara."
He scoffed, shaking his head. "It was my fault, Feem. Kung na-delete ko lang sana agad 'yong video no'ng pinakita sa 'kin ni Lumi 'yon, sana hindi niya nagawang ikalat 'yon. Sana hindi nangyari lahat sa 'yo 'yon."
Bakas sa mukha niya ang pagsisisi kaya hindi ko na napigilan ang pagpatak muli ng luha ko.
"None of it was your fault, Trev."
"Sure, that's what you think. But how about me? It's different for me, Feem. I still can't get over the guilt. I hid the truth from you. I lied to you." His voice cracked, avoiding my eyes. "And you don't lie to someone you love."
Ilang segundo kaming nanatiling tahimik no'ng sabihin niya 'yon.
Gusto kong pagaanin ang loob niya pero hindi ko alam kung paano.
"You don't deserve someone like me. You deserve someone better. I'm sorry." He smiled one last time before turning away from me.
I wanted to stop him from walking away, but no words came out from my mouth.
Naiintindihan ko naman kung bakit niya 'to ginagawa. Naiintindihan ko naman kung bakit kailangan niyang lumayo. Naiintindihan ko naman kung bakit kailangan niya akong iwan.
Naiintindihan ko naman lahat pero bakit ang sakit pa rin?
Bakit ang bigat sa loob?
Bakit parang hindi ko kaya?
With a heavy heart, I marched back to the events hall.
I scanned the whole place to search for him, and there I saw him sitting beside Gonz and Markee.
Our eyes met but he looked away and avoided my eyes.
Napayuko ako. Desidido na talaga siya.
"Who wants to request a song?" sabi no'ng emcee sa stage.
Agad kong pinunasan ang luha ko at napatitig sa stage.
Hindi ko alam kung anong sumapi sa 'kin pero nagmadali akong umakyat sa stage para bulungan 'yong emcee na gusto kong kumanta. No'ng una, ayaw niya akong pagbigyan dahil mukhang wala siyang tiwala sa boses ko. Pero no'ng makita niyang walang tigil ang pagtulo ng luha ko ay lumambot bigla ang timpla ng mukha niya at napatingin sa paa ko. Naiwan ko ng apala 'yong high heels ko doon sa court.
Wala na siyang nagawa at binigay niya na lang sa 'kin 'yong mic. Hinayaan niya akong gawin kung ano ang gusto kong gawin at saka siya tumabi roon sa gilid.
Nilapitan ko 'yong leader no'ng banda nila at sinabi ko ang gusto kong tugtugin nilang kanta. Kinausap ko rin sila kung puwedeng ako 'yong kumanta habang tumutogtog sila. Napangiti sila at tumango, senyales na alam nilang tugtugin 'yong kanta.
Humarap ako sa mga tao at umayos ng tayo.
"Hi," panimula ko. Napunta sa 'kin ang atensyon nila.
Nakaramdam ako ng kaunting kaba dahil lahat ng mata ay na sa 'kin.
I looked for him in the crowd, our eyes finally met. "Trev, can you please watch me sing?"
Agad na naghiyawan ang mga tao kasabay ng paglingon nila kay Trev.
Hinila ni Gonz patayo si Trev at saka niya ito hinigit papunta sa may bandang gitna.
"Please let me finish the song, alright?" pakiusap ko pa ulit.
Nanatiling kalmado ang mukha niya at agad siyang tumango. Napangiti ako dahil pumayag siyang pakinggan ako.
Nagsimulang tumugtog ng gitara 'yong lalaki sa gilid ko, kaya huminga ako nang malalim bago nagsimulang kantahin ang Before You Go ni Lewis Capaldi.
"I fell by the wayside like everyone else. I hate you, I hate you, I hate you, but I was just kidding myself. Our every moment, I start to replace. 'Cause now that they're gone, all I hear are the words that I needed to say . . ."
I hated him for lying to me, but that's nothing compared to everything he did for me.
Masyado akong nabulag ng galit ko sa maraming tao. Nagkulang ako sa pagtanggap na may kasalanan din ako.
"When you hurt under the surface. Like troubled water running cold. Well, time can heal, but this won't. So, before you go, was there something I could've said to make your heart beat better? If only I'd have known you had a storm to weather. So, before you go, was there something I could've said to make it all stop hurting? It kills me how your mind can make you feel so worthless. So, before you go . . ."
He was always there for me. Hindi niya ako hinusgahan sa lahat ng bagay na nalaman niya tungkol sa 'kin. Pero ako, paulit-ulit ko siyang hinusgahan kahit hindi ko pa alam 'yong totoo.
"Was never the right time, whenever you called. Went little by little by little until there was nothing at all. Our every moment, I start to replay. But all I can think about is seeing that look on your face. When you hurt under the surface. Like troubled water running cold. Well, some can heal, but this won't . . ."
He once told me that he liked me for who I am, and not because of that video. I didn't believe him when he said that. Turns out it was the truth. He never watched that video.
"So, before you go, was there something I could've said to make your heart beat better? If only I'd have known you had a storm to weather. So, before you go was there something I could've said to make it all stop hurting? It kills me how your mind can make you feel so worthless. So, before you go . . ."
I've always made him feel worthless. I didn't even get the chance to tell him how special he was to me, and how grateful I am that I've met someone like him.
"Would we be better off by now if I'd have let my walls come down? Maybe, I guess we'll never know. You know, you know . . ."
I remembered getting hit by a ball. He asked me if I was alright. That was actually the first time someone asked me if I was alright. Someone never asked me that, but he did.
While all I ever did was hurt him and blame him for everything.
"Before you go, was there something I could've said to make your heart beat better? If only I'd have known you had a storm to weather. So, before you go, was there something I could've said to make it all stop hurting? It kills me how your mind can make you feel so worthless. So, before you go . . ."
Nang matapos ko ang kanta ay nanatili lang akong nakatitig sa kanya.
And for the last time, I flashed him a genuine smile.
"Good luck on your journey, my captain . . ."
__
Tiana: Title of the song used in this chapter - Before You Go by Lewis Capaldi. You can play it on the multimedia.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top