Chapter 3: That yellow Rubicon Wrangler
CHAPTER THREE
That yellow Rubicon Wrangler
I really liked how we trained today. I was able to play in all positions and hit the ball effectively.
Setter kasi talaga ako, kaya kapag may laro kami, hindi talaga ako nagkakaroon ng tiyansa para maging outside hitter or even a opposite hitter. Which is honestly a little bit disappointing. Hindi sa pagmamayabang, pero all around talaga ako sa court. Kahit saang posisyon mo ako ilagay, okay lang sa 'kin kasi kaya kong gampanan 'yong role ko. Pero madalang akong ilagay ni Coach Quirro sa lahat ng position kasi kailangan focused lang ako as setter. Naiintindihan ko naman 'yon at tanggap ko naman na setter talaga ako. Iyon nga lang, minsan ay hindi ko maiwasang manghinayang sa sarili kong kakayahan dahil alam kong may mas kaya pa akong gawin.
I was in Grade 8 when I became the team captain. A lot of students from higher year ang nagalit sa 'kin dahil pakiramdam nila hindi patas 'yon para sa kanila at para sa lahat.
Usually, the team captain comes from seniors. But in my case, I became the team captain at a very young age. Today's actually my 4th year as the team captain. I'm on my 12th Grade, and this will be my last season. Gano'n din sina Rara, Lumi, Trev, at Gonz. Last season na rin nila. Kami kasi ang magkaka-batch. Puro lower year na 'yong mga iba pa naming kasama sa team. Kaming lima lang talaga ang volleyball players sa batch namin kasi puro basketball players, badminton players, table tennis and soccer players na 'yong iba.
"Dos," senyas ko kay Rara, opposite hitter namin. Nang mag-serve si Julie mula sa kabila, ni-receive ni Moyen ang bola papunta sa 'kin at agad akong nag-set para kay Rara. Nang makabuwelo siya ay bahagya siyang tumalon saka pinalo ang bola. Napakunot ang noo ko. Kalmado na naman siya masyado palibhasa training pa lang.
Ni-receive ni Betty sa kabila 'yong bola mula sa gitna at agad na nag-set si Erylle papunta kay Nimer. Mataas na tumalon si Nimer saka pinalo ang bola pero nakuha agad ni Maggie ang bola at ipinunta iyon sa akin. Sinenyasan ko si Lumi, outside hitter namin. Sa kanya ko binigay ang bola at mula sa middle back, pinalo niya ang bola. Usually talaga iyon ang ganap ng outside hitter. Sila kadalasan 'yong pumapalo kahit nasa tatlong metro ang layo nila mula sa net.
Nang paluin ni Lumi ang bola, sumablay sila sa kabila at hindi nila nakuha ang palo ni Lumi. Pumalakpak si Coach Quirro at pinahinto na ang training namin para sa saglit na meeting.
"Rara, praktisin mo 'yong mataas na talon. Sa 'yo lagi ibibigay ni Feem ang bola kaya dapat malakas 'yong pag-atake mo. Kung chill lang lagi 'yong talon mo, wala kang magiging magandang palo," sermon sa kanya ni Coach Quirro. Tumango-tango naman si Rara at saka siya nagsalita. "Sorry Coach, bawi po ako."
"Ikaw Feem, kapag may tyansa kang tirahin 'yong bola mula sa posisyon mo, tirahin mo. Puwesto mo 'yong pinakamagandang atake kapag naabot mo 'yong bola nila sa kabila. Kung ano'ng ginagawa mo lagi, ipagpatuloy mo lang. Wala akong problema sa 'yo. Laging maayos ang laro mo kahit sa training."
Tipid akong ngumiti. "Thanks, Coach." Sanay na rin kasi akong pinupuri ako lagi ni Coach. Madalang niya rin akong mapagalitan o mapagsabihan dahil palaging maayos at maganda ang laro ko.
Madami pang sinabi si Coach sa bawat isa sa 'min bago niya kami pinayagang umuwi. Nakinig lamang kami mabuti sa kanya at panay ang tango namin sa bawat sinasabi niya.
Pagkatapos nang meeting ay pumunta na ako sa locker room para magpalit ng damit. Hindi kasi talaga ako rito nagsha-shower. Mas okay sa 'kin na magpalit lang dito ng damit tapos sa bahay na ako naliligo.
Pagkatapos kong magbihis ay napatingin ako kay Rara na abalang kumukuha ng damit sa locker niya. Kusa kong naramdaman ang inis nang maalala ko kung gaano siya katamad sa court.
Lumapit ako sa kanya at padabog kong isinara 'yong locker niyang nakabukas. Gulat siyang napatingin sa 'kin.
"What the hell?" iritang sabi niya.
Madiin ko siyang tiningnan. "Kung gan'yan ka katamad sa court, you better quit. Mas deserve ni Nimer mapasok sa first six," pranka kong sabi kaya napaangat ang isa niyang kilay.
"Hindi ako tamad, Feem. Kahit kailan hindi ako tinamad sa training. I was always doing my best. You just couldn't see it because you're always busy pointing out my flaws," she countered. Bakas sa mukha niya na nainsulto siya sa sinabi ko pero wala akong pakialam.
If I was only the one who failed to see her hard work, bakit palagi siyang pinagsasabihan ni Coach? Ibig sabihin lang no'n ay parehas kami nang nakikita kay Rara.
"Ayusin mo laro mo. Anytime puwede kong kausapin si Coach na palitan ka. Madalas niyang pinakikinggan ang opinyon ko," I warned her before leaving the locker room.
Pagkalabas na pagkalabas ko ay naabutan kong nagkakasatan 'yong volleyball boys sa labas ng locker room nila. Nang mapansin nila ang presensya ko ay binati nila ako.
Tinanguan ko lang sila saka ko sila nilampasan.
I glanced at my watch to check the time. Halos 5PM pa lang pala. Himala, maaga pa. Madalas kasi ay 7PM natatapos 'yong training namin lalo na kapag 5PM kami nagsimula. Sa bagay, 2PM kami nagsisimula palagi nitong mga nakaraang araw kaya siguro medyo napapaaga kami ng tapos.
Nag-abang ako ng jeep sa labas ng gate ng campus para makauwi na. Hindi kasi ako masusundo ngayon ni Papa. Nabasa ko 'yong text niya sa 'kin kanina after training. Lagi kasi talaga akong sinusundo ni Papa after training kasi alam niyang pagod na ako at ayaw niyang kainin pa ng pag-co-commute 'yong oras ko.
Wala naman akong choice kapag hindi niya ako nasusundo minsan dahil sa trabaho kaya nag-ji-jeep na lang ako pauwi.
Almost twenty minutes had passed, wala pa ring dumadaang jeep. Seryoso ba 'to? Nangangalay na ako rito. Gustong-gusto ko nang mahiga.
Sa kalagitnaan nang paghikab ko ay bigla namang may humintong dilaw na Rubicon Wrangler sa harapan ko. Napakunot ang noo ko dahil alam ko kung sino ang may-ari no'n.
"Hatid ka na namin pauwi," pagpiprisinta ni Trev, nananatiling nakahawak sa manibela ang mga kamay niya habang nakatingin sa 'kin. His twin was sitting next to him.
Hindi ko pinansin ang sinabi ni Trev. Asa naman siyang sasabay ako sa kanya? Kahit gustong gusto ko nang makauwi, mas gugustuhin ko pang manigas dito kakahintay kaysa makisabay sa kanilang magkapatid.
Hindi sila magkamukhang magkamukha pero kitang-kita 'yong pagkakahawig nilang dalawa. Marami ngang nagkakagusto sa kambal na 'yan dahil maganda talaga 'yong lahi nila. Lagi naming nakikita 'yong mga magulang nila kapag nanonood ng mga laro namin, at kahit sino ay mamamangha dahil napakaguwapo at napakaganda ng nanay at tatay nila. Kaya talagang hindi na nakapagtataka kung saan naman ang kambal na 'to 'yong itsura nila.
"Tititigan mo na lang ba talaga ako?"
I grimaced at his relaxed stance before clearing my throat and straightening my posture. "Hindi na. May parating na ring jeep," pagtanggi ko sa alok niya.
Nakita ko ang pag-ikot ng mga mata ni Rara at saka niya ako tinapunan ng tingin.
"If you were approached nicely, you should return the favor don't you think? My twin's offering you a ride," iritable niyang sabi.
My eyebrows furrowed deeply. "Sa pagkakaalam ko, maayos din ang naging sagot ko. Bingi ka ba, Rara?" I snapped.
Tiningnan niya ako ng masama saka siya bumaling sa kambal niya. "We're wasting our time, Trev. Let's go home."
Tama 'yan, ayain mo nang umalis ang kambal mo.
Pero iba rin talaga ang pagiging makulit ni Trev. "Just hop in, Feem. I know you're already tired," he still insisted.
Letting out a frustrated sigh, I just accepted his offer to end this annoying conversation.
Inuna kong ipasok ang bag ko sa likuran saka ako humawak mabuti sa kung anong puwede kong hawakan para makabuwelo pasakay sa loob. Wala kasing pinto sa likod 'yong Wrangler niya kaya talagang aakyatin ko para makapasok ako. Buti na lang atleta ako kaya hindi na ko nahirapang sumakay. Kung normal na tao lang siguro 'yong sumakay rito, sasakit agad ang katawan.
Nag-uusap lang silang magkapatid buong biyahe habang tahimik lang ako rito sa likuran. I didn't even bother starting a conversation with them or even joining their conversation.
Hindi na nag-abala pa si Trev na tanungin kung saan ang bahay namin dahil alam niya naman kung saan ako nakatira. Minsan kasi kapag may laro kami sa malayong lugar, kapag inaabot kami ng madaling araw sa pag-uwi, dinidiretso na kaming ihatid ng bus sa bawat bahay namin. May bus kasi lahat ng varsity team sa 'min every game. Madalas na kasama namin sa bus ay 'yong basketball team at hindi rin talaga nakatutuwa.
Nang makarating na kami sa tapat ng bahay namin, agad akong bumuwelo para bumaba ng sasakyan niya at saka ako nag-angat ng tingin kay Trevor.
"Thanks," tipid kong sabi bago ako tumalikod para sana pumasok na sa gate, pero bago pa ako makapasok ng gate ay nagsalita siya ulit.
"Sunduin kita bukas ng umaga?"
Napahigpit ang hawak ko sa handle ng gate namin at napapikit ako sa inis.
Ano bang problema niya?
Irita akong lumingon sa kanya at magrereklamo na sana pero inunahan niya akong magsalita. "Pareho naman tayo nang pupuntahan." Her shrugged nonchalantly.
"Malamang. Pareho tayo ng school," ubos pasensya kong sabi.
"That's exactly my point," he said.
I was about to protest but Rara cut in as she tapped him on his shoulder. "Let's go Trev. Nagugutom na ko."
Trev had no choice and simply nodded. For the last time, he shot me a glance. "I'll chat you later, Feem."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top