Chapter 29: Untold stories


CHAPTER TWENTY-NINE

Untold stories


NARINIG kong bumukas ang pinto at napamulat ako bigla.

I looked up and saw Denver catching his breath as he ran to me.

Hinawakan niya ang kamay ko at tumitig sa mga mata ko. "You don't have to do this, Feem."

Nang sabihin niya iyon ay bigla na lang akong nanlambot at nabitawan ang hawak kong bubog.

He fell to his knees, letting out a cry of relief.

A great sob escaped me as I covered my face with shaking hands.

I could feel my whole body shaking.

Tears were rolling down my cheek nonstop as he gently wrapped his arms around me.

"I-I . . ." I trailed off. "I didn't want to die. I just wanted the pain to stop. I wanted all of it to stop but I didn't know how."

Mas humigpit ang yakap niya sa 'kin at hindi siya nagsalita pa. Nanatili lang siyang tahimik habang walang tigil ang pag-iyak ko.

He wasn't there when I needed him.

But now he's here with me when I had least expected him to be.

He found me.

Kumalas siya sa yakap at saka niya kinuha ang kamay ko. Inilagay niya iyon sa pisngi niya kasabay ng pagpatak ng luha niya. "Please, never do something like that again. I'd be in great pain if I find you no longer breathing," he said in a tight voice, breathing so heavy.

I feel so stupid for almost doing it.

Nodding, I wiped his tears off his cheek. "I'm sorry," I whispered. "I'm really sorry."

***

WEEKS had already passed and our finals was over.

I haven't been seeing Trev lately. I don't know what's going on with him. Students were talking about his sudden absence because he's not normally like that. Attendance was always important to him, but now he didn't even get the chance to take the finals exams because he's not been attending the class for the whole week.

Palagi nilang tinatanong si Rara kung anong nangyari kay Trev, pero hindi rin naman sila sinasagot ni Rara.

Why am I even thinking about the twins?

I shook my head and got them off my mind.

Okay naman 'yong naging grades ko sa mga exams ko, pero matamlay pa rin ako. Sinubukan kong makisama kila Madette kaya halos sila ang palagi kong kasama. It's fun to be around them, but I still feel empty all the time.

Kahit alisin ko siya sa isip ko, hindi ko magawa.

I hate him.

I really hate him.

I hate him because even after knowing the truth, I still love him.

I thought I'd be happy if I had not seen him again, but I never thought that not seeing him would be this sad and painful.

Last day na ngayon ng practice namin for graduation at graduation na namin bukas. Sa susunod na araw naman ay championship game na namin kalaban ang La Tierra High. Hindi ko alam kung saan ako mas kinakabahan. 'Yong matatapos na ang high school life ko, o 'yong posibilidad na matalo kami bukas dahil hindi maglalaro si Rara.

Pagkalabas ko ng Madrid Hall, napahinto ako sa paglalakad nang makita ko ang bus naming mga players.

Naalala ko bigla kung paano ako paulit-ulit na tinabihan ni Trev sa biyahe kahit ilang beses kong sinabi sa kanya na ayaw ko siyang katabi.

Naalala ko rin 'yong palagi niyang pagdadala sa 'kin ng pagkain dahil alam niyang hindi pa ako kumakain.

Naalala ko rin 'yong pagsandal niya sa balikat ko dahil ayaw kong sumandal sa balikat niya.

Pero bigla ko ring naalala kung paano kumalat ang sex video namin ni Denver sa buong Belle Ville at kung paano binago no'n ang buhay ko.

Pagsundo sa 'kin ni Bellamy, akala ko ay didiretso na kami sa bahay pero dinala niya pa ako sa school nila at hinayaan akong manood ng final training nila para sa championship game din nila bukas.

Alam kong sinama niya ako rito para mapahinga ang utak ko sa lahat ng bagay. Pero kahit pinapanood ko ang training nila ngayon ay hindi ko pa rin maiwasang maisip si Trev.

Nang magpahinga muna ang team nila Bellamy sa training, agad siyang lumapit sa 'kin at umupo sa tabi ko para magpahinga.

"You never asked your dad about what really happened between him and your mom," he said out of the blue.

Agad akong natigilan at napatingin sa kanya. "How did you know?"

He let out a small smile. "Because if you knew, you wouldn't hate her like that," he said, shrugging nonchalantly as he stood up and marched back to the court.

I literally have no idea with what he meant by that.

Naalala ko tuloy bigla 'yong sinabi dati ni Papa at nagpaulit-ulit iyon sa pandinig ko dahil sa sinabi ni Bellamy.

"Okay lang ba, huwag na lang natin pag-usapan ang tungkol sa nanay mo?"

Iyon ang pakiusap ni Papa sa 'kin noong isang beses akong nagtanong sa kanya kung nasaan ang Nanay ko. Kaya simula no'n ay hindi ko na ulit tinanong si Papa tungkol doon.

He was uncomfortable talking about her so we've always avoided bringing her name up.

Nang makauwi kami sa bahay ni Bell, didiretso na sana ako sa kuwarto ko pero naalala ko bigla ang sinabi ni Bellamy kanina kaya agad kong hinanap ang Nanay ko.

Nakita ko siyang nakikipagkwentuhan kila Manang sa kusina. She was too invested in their conversation she didn't notice my presence.

No'ng lumapit ako sa kanya ay gulat siyang napatingin sa 'kin. "Nakauwi ka na pala, anak. Kumain ka na ba? Sabay-sabay na tayo," nakangiti niyang sabi.

Hindi ko alam kung bakit, pero gusto kong malaman kung ano'ng ibig sabihin ni Bellamy kanina.

"Can we talk?" I asked. I tried my best to sound polite, but I think I failed with that because I have too many things to ask.

"O-Of course," she replied, heading to the veranda so we could talk privately.

I didn't know why, but the first thing that came to my mind was—"Did you really leave us?"

She was stunned with my sudden question, but she managed to speak immediately. "Yes."

I scoffed after hearing her answer. I thought I'd hear her say no if I asked her that.

"But that's because your father asked me to leave him."

Nang sabihin niya 'yon ay napatingin ako agad sa kanya. "H-He said that?" I didn't expect that one.

She flashed me a half smile, letting out a deep sigh. "I was eighteen when I gave birth to you, Feem. I didn't know what to do," she explained, shaking her head as she stared at the floor.

"I had my own dreams, and my parents had their own dreams for me too." There's a pause. She looked around to avoid shedding a tear. "My parents had always hated your father because he was just an average guy. Hindi siya anak ng mayaman. Hindi siya galing sa kilalang pamilya," she said in a tight voice.

"Kaya no'ng nalaman ng magulang ko na nabuntis ako ng Papa mo, they forced me to choose between them and your father. But I chose your father. I was sure about him. I loved him."

Hindi ako makapaniwala sa mga naririnig ko mula sa kanya.

May parte sa 'kin na hindi makapaniwala, pero may parte sa 'kin na gustong maniwala sa kanya dahil sa mga mata niya.

"Magkasama kami ng Papa mo hanggang sa ipinanganak kita. But life doesn't always work just like that. I was afraid I couldn't give you a wonderful life if I can't even finish college." Pain was written all over her eyes.

I didn't say anything and just listened to her.

"Your father was three years older than me. He had a job that time, pero hindi sapat 'yong kinikita niya para sa 'yo at sa pag-aaral ko. At nakita niya 'yon. Nakita niya kung gaano kahirap 'yong sitwasyon namin, natin. Kaya pinilit niya akong iwan kayo. Pinilit niya akong bumalik sa mga magulang ko para makapagtapos ako ng pag-aaral. Pero hindi ako pumayag dahil ayoko. Ayaw ko kayong iwanan. Hindi ko kayang mawala kayo sa 'kin." Kalmado ang boses niya pero ramdam ko 'yong nararamdaman niya habang sinasabi niya iyon lahat sa 'kin.

"Pero tinulak ako palayo ng Papa mo, Feem. Mas pinili niyang pakawalan ako para maabot ko lahat ng pangarap ko. Hindi niya na ako kinakausap. Malamig na rin ang pakikitungo niya sa 'kin. Ginawa niya lahat 'yon para mapilitan akong iwanan kayo. Gusto kitang isama no'ng panahon na 'yon pero pinigilan niya ako. Mas gusto niyang siya ang magpalaki sa 'yo. That was honestly unfair. Mahirap ibigay lahat ng gusto niyang mangyari pero pinagbigyan ko siya. Siya 'yong nasunod sa lahat. Lumayo ako sa kanya. Lumayo ako sa 'yo."

Nang marinig ko lahat ng sinabi niya ay para bang nadurog ang puso ko para sa kanila ni Papa.

My father did what he had to do to save her future.

Pero bakit hindi sinabi sa 'kin ni Papa?

Bakit hindi ako binalikan ng Nanay ko?

Bakit hinayaan ako ng Nanay ko na magalit sa kanya sa loob ng mahabang panahon?

"Iniwan ko kayo pero paulit-ulit ko kayong binalikan. Paulit-ulit ko kayong pinuntahan. Pero nalaman 'yon ng mga magulang ko. And they did everything to get in the way. My parents were powerful. They can do whatever they want. They can get whatever they want."

Agad akong nagtaka sa sinabi niya. Gano'n kalakas ang impluwensya ng magulang niya? Bakit? Sino ba sila?

"My dad was a governor," she said, as if she was able to read my mind. "Ipapatanggal nila sa trabaho ang Papa mo kapag pinuntahan ko pa rin kayo, at ayokong mangyari 'yon dahil mahihirapan kayong dalawa. Kaya pinili kong 'wag nang bumalik. Sinunod ko ang gusto nila, ipinakasal nila ako kay Anthony. He's the son of a congressman. And he's the father of Bellamy," kuwento niya.

Now everything made sense.

I stayed silent. Hinayaan ko siyang sabihin lahat ng gusto niyang sabihin sa 'kin.

I never gave her the chance to tell all these things to me. Ngayon lang.

And it's time for me to listen.

"Nagalit ang Papa mo sa 'kin noong nagpakasal ako sa iba. Kaya pinakiusapan niya ako na 'wag nang magpakita sa 'yo kahit kailan. Ayaw niyang malaman mo na may iba na akong pamilya. Douglas loves you very much, Feem. He will always do anything to protect you." She flashed me a genuine smile.

"I loved your father so much. Kaya gano'n na lang ang pagsisisi ko no'ng araw na namatay siya. Ang dami kong sana sa isip ko. Ang dami kong gustong balikan sa nakaraan ko. Pero kung babalikan ko lahat 'yon, hindi ko makikilala si Bellamy," she said in a wistful voice.

She really loved my father. I can now see it in her eyes. No'ng una ay hindi ko nakita iyon sa mga mata niya dahil hindi ko naman alam ang buong storya.

Tama pala talaga lahat ng sinabi sa 'kin ni Bellamy. I wouldn't have hated her so much if I had known the whole story.

"Hindi mo ba talaga anak si Bellamy? I mean—iba ang Nanay niya? Kasi nabanggit niya sa 'kin dati na he wasn't related to you by blood."

She chuckled, shaking her head. "Bell . . . that kid. I love him."

Bakas sa mukha niya kung gaano niya kamahal si Bell at sa unang pagkakataon ay natuwa ako sa nakikita ko sa kanya, sa kanilang dalawa.

"His mother died after giving birth to him. Bell was just a three-year-old kid when I first met him. He's really sweet and kind, Feem. It's really hard not to love him. And I know you'll learn how to love him too."

Well, I agree with what she said. I was able to spend more time with Bell and I honestly appreciate him for simply reaching out.

I flashed her a smile, nodding in agreement. "He's really sweet in his own way. Hindi siya showy sa 'kin tulad ng pagka-showy niya sa 'yo, pero alam kong tinuturing niya talaga akong kapatid niya dahil iyon naman talaga ang pinaparamdam niya sa 'kin. And I'm grateful to him for that."

Napatingin ako sa kamay ko nang hawakan niya bigla ito. Hindi niya inalis ang tingin niya sa akin habang pinupunasan ang luha niya.

"I promised your father not to tell you anything, Feem. Pero hindi ko pala kaya. Lalo na no'ng tinanong mo ako kanina. Nakita ko sa mga mata mo na gusto mong malaman 'yong totoo."

Sa hindi malamang dahilan ay naluha ako dahil sa sinabi niya. Buong buhay ko, nagalit ako sa kanya.

Parang gusto kong bawiin lahat ng masasakit na salitang binitawan ko sa harapan niya. Ang lakas ng loob kong sabihin lahat ng 'yon sa kanya, hindi ko naman pala talaga alam ang buong storya.

Nabulag ako ng galit ko.

Nabulag ako ng lahat ng sakit na pinagdaanan ko. Ni hindi ko man lang alam na bukod sa 'kin ay may iba pa palang nasasaktan.

Alam kong parang mabilis lahat ng pangyayari. Para bang ang bilis kong magpatawad. Para bang ang bilis naming maintindihan ang isa't isa. Pero anong magagawa ko? Kusang gumagaan ang loob ko dahil namumulat na ako sa katotohanan.

Ayoko na rin namang pabigatin pa ang buhay ko. Ako lang din ang mahihirapan pati ang mga tao sa paligid ko.

"I'm sorry for everything, Mama. Sana hayaan mo 'kong bumawi sa 'yo."

Hindi niya inaasahang sasabihin ko iyon kaya napangiti siya at tumango. Nagsimulang mangilid ulit ang mga luha niya at hindi siya nagdalawang isip na yakapin ako.

"I'm sorry din, anak. Hayaan mo rin sanang makabawi ako sa 'yo."

We stayed like that for a moment. Her hug honestly felt warm and I didn't want to let go.

"Sorry to interrupt you, guys, but someone's waiting for you outside, Feem." It's Bellamy's voice.

Agad akong napalingon sa kanan ko at nakita ko si Bell na nakatayo habang nakatingin sa 'kin. Nagkibitbalikat lang siya at saka lumapit sa 'min para yakapin si Mama.

Natawa ako dahil sa ginawa niya. Ugali niya yata talagang yakapin palagi si Mama.

"I'm happy that you're happy, mom," he said in a sweet voice, giving her a soft kiss on her cheek.

Napangiti ako.

I'm honestly grateful that my Mother had crossed paths with Bellamy.

This night was actually a lot for me to process, but everything seemed easy because the sincerity was there. Funny how sincerity can heal a wound that fast like a magic. Hindi ko maipaliwanag pero ang gaan talaga sa pakiramdam.

Hindi mawala ang ngiti sa labi ko habang naglalakad ako palabas ng bahay. Sino ba ang naghahanap sa 'kin ng ganitong oras? Gusto ko pa sanang makipagkuwentuhan kanina kila Mama.

Pagkalabas ko ng bahay ay agad na naglaho ang ngiti sa labi ko.

Ano'ng ginagawa niya rito?


__

Tiana: Ops. Sino kaya 'yon? Haha. One chapter to go before the epilogue!!!

Ano ba'ng gusto niyong maging ending? >:))) Please don't forget to vote and comment! Malapit na ang Epilogue so sulitin niyo na 'yong pag-voice out ng feelings niyo or ng thoughts niyo.

Thank you!


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top