Chapter 22: Last Summer
CHAPTER TWENTY-TWO
Last summer
INIHINTO ni Trev ang Wrangler niya sa gilid at nagmamadali akong bumaba mula rito.
Napaliligiran ng mga pulis at napakaraming caution tape ang tapat ng bahay namin, senyales na restricted area ito.
Lahat ng mga kapit-bahay namin ay nagbubulungan din nang makita nila ako. Bakas sa mukha ng iba ang awa sa 'kin, habang ang iba naman ay palihim akong tinatawanan sa isip nila.
Iniyukom ko ang kamao ko nang ipakita sa 'kin ng mga pulis ang bangkay ni Papa. Parang ulan ang naging pag-iyak ako, walang tigil.
May tama ng baril ang kanang dibdib niya pati ang tagiliran niya. Ang masakit doon, dalawang tama ng baril sa kanang dibdib niya at dalawa rin sa tagiliran niya.
Wala akong ibang nagawa kundi ang umiyak at humagulgol.
"Papa!" basag na boses na sigaw ko at pilit siyang ginigising, kahit alam kong wala na talagang pag-asa.
He was fine this morning. He was happy decorating. We were happy! We were okay! Saglit lang akong nawala. Bakit ganito ang nangyari?
Naramdaman ko ang pagyakap sa 'kin ni Trev mula sa gilid ko at marahan niyang hinagod ang likuran ko dahil walang tigil ang paghikbi ko.
Sana ay hindi na lang ako umalis. Sana hindi ko siya iniwang mag-isa sa bahay.
Napuno ng sana 'yong isip at puso ko kahit alam kong wala naman na talaga akong magagawa.
"Sino'ng gumawa nito sa 'yo?" umiiyak na sabi ko.
Pakiramdam ko, sa isang idlap ay gumuho ang mundo ko. I didn't see this coming.
Siya lang ang tumayong magulang ko, pero walang awa siyang pinatay ng kung sino mang nasa likuran ng lahat ng 'to. How could that person do something like this to my father? Mabuting tao ang Papa ko. Hindi siya kailanman naghangad ng kasamaan para sa ibang tao.
Napunta ang atensyon ko sa kadarating lang na itim na sasakyan. Mula roon ay lumabas ang nanay ko, sinalubong siya nina Bellamy at Denver.
Nang makita niya ang bangkay ni Papa, bigla siyang nanghina at muntikan nang matumba. Mabuti ay naalalayan agad siya no'ng dalawa.
Para akong t*ngang tumawa mag-isa at madiin na tumingin sa kanya. "Ano'ng karapatan mong umiyak sa pagkamatay ni Papa? Iniwan mo kami, 'di ba? Iniwan mo kaming dalawa! Araw-araw akong nag-aalala kung ligtas ba siya. Araw-araw nasa peligro ang buhay niya dahil sa trabaho niya. Pero nasaan ka?!"
She couldn't look at me directly in the eye. "I'm sorry. I'm sorry, anak. I'm so sorry," paulit-ulit niyang sabi pero huli na ang lahat. Wala nang magagawa ang sorry niya.
"Tapos ngayong wala na siya, iiyak ka." Muli akong tumawa. "Ang kapal ng mukha mo," galit na saad ko. Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak sa 'kin ni Trev dahil sa sinabi ko pero hindi ko siya pinansin.
Wala akong ibang nararamdaman ngayon kundi lungkot, sakit, pait at galit.
Lungkot dahil wala na 'yong nag-iisang taong tumayo sa tabi ko at kahit kailan hindi ako iniwan.
Galit dahil ang mabuting tao na tulad niya ay walang awang pinatay na para bang hindi siya tao.
***
NANATILI lang akong nakaupo sa gilid ng kabaong ni Papa. Kung tumatayo man ako, para lang maligo at kumain pa-minsan-minsan dahil wala talaga akong gana. Kahit nga si Trev ay hindi ko kinakausap, pero hindi siya umalis sa tabi ko sa dumaang limang araw na burol ni Papa.
Pati no'ng Pasko ay sinamahan niya lang ako rito sa bahay. Imbis na nandoon siya sa bahay nila para makasama ang pamilya niyang mag-celebrate ng Pasko, nandito lang siya at sinamahan ako. Siya rin ang nag-asikaso ng mga bisita dahil wala talaga akong ganang kumilos o magsalita. Halos araw-araw din pumupunta rito ang pamilya ni Trev para tumulong sa pag-aasikaso. Kahit sina Rara at Gonz ay hindi umalis sa tabi ko. Sina Denver at Bellamy din ay tumulong dito sa bahay. 'Yong mga taong hindi ko inaasahang tumulong, 'yon pa ang tumulong sa 'kin.
Ilang beses pumunta rito ang nanay ko pero paulit-ulit ko rin siyang tinaboy. Wala akong ganang makita 'yong isang katulad niya na iniwan kami noon ni Papa.
Na-imbestigahan rin agad ang pagkamatay ni Papa. Nahuli na nila ang taong pumatay sa kan'ya. Ayon sa kaso, iyong pumatay kay Papa ay isa roon sa mga kriminal na nahuli noon ni Papa at hinatulan ng maraming taon sa kulungan. No'ng makalaya ang taong iyon ay binalikan niya ang Papa ko para maghiganti. Ang kapal ng mukha niyang maghiganti sa taong walang ibang ginawa kundi ilagay sa tamang lugar ang mga taong katulad niya.
Kung alam ko lang na gano'n ang mangyayari no'ng araw na 'yon, sana hindi na lang ako umalis ng bahay. Sana nanatili na lang ako sa tabi niya. Sana hindi ko inalis sa kanya ang paningin ko. Baka sakaling hanggang ngayon, buhay pa siya.
As much as I tried to accept his death, the experience left me shattered. I didn't know how to deal with my own grief.
Lumipas pa ang ilang araw na para bang ang dilim dilim ng mundo ko. Pagsapit ng December 28 ay inilibing na si Papa. Maraming nakiramay no'ng burol niya, pero mas maraming pumunta nitong libing niya. Karamihan ay mga pulis at mga taong tinulungan ni Papa.
Hindi ko sila magawang tingnan o pasalamatan dahil hindi ko pa rin matanggap ang pagkamatay ng Papa ko. And his job played a big role on what happened to him.
Pagkadating namin ni Trev sa bahay, kusa na namang tumulo ang luha ko nang makita ko ang mga Christmas decor sa sala.
My dad was a remarkable father, and loyal friend to many. He had a deadpan humor and a hearty laugh. He was too dedicated to his job there were times he couldn't pick me up from school.
I remembered his astonishing ability to fix anything around the house, and a deep knowledge of the world. Mostly, though, he was known for being a good man. He cared deeply about others. His generosity was exceptional.
Trev stayed silent and let me cry my eyes out. He just watched me drown in grief. He couldn't do anything about it and I didn't even want him to do anything about it either. He just sat on the corner and waited for me to exhaust myself from crying.
I pursed my lips and tried not to make any more sound from crying, but I failed to do so. "Mag-isa na lang ako, Trev. Mag-isa na lang ako," paulit-ulit kong sabi.
"I can't make this less painful for you, but I want you to know that you're not alone, Feem. I'm here. I won't leave you." Lumapit siya sa 'kin at ikinulong ako sa bisig niya.
I couldn't even feel his warmth anymore.
All I could feel is pain.
"If you want to stay here, I'll stay too. Kukunin ko na lang 'yong mga gamit ko sa bahay at ililipat 'yon dito. Or if you want, you can stay at our house too. You can live with us. My parents said you can stay with us and they are willing to cover all your expenses."
It's too early to plan something like that, but I couldn't blame him. Trev and his family were a good friend of my father and they cared about him like I do.
Gusto kong tumanggi dahil nahihiya ako. Pakiramdam ko ay magiging pabigat lang ako sa kanila. Pero alam kong kapag tumanggi ako ay mag-aalala si Trev kaya tumango na lang ako at pinili kong sa kanila muna tumira pansamantala.
I was too weak to pack my things. Mabuti na lang ay tinulungan ako ni Trev mag-impake.
***
PAGKADATING namin sa bahay nila Trev ay agad akong sinalubong ng yakap ni Tita.
Sa sobrang pag-iyak ko kanina ay wala na akong mailabas pa na luha ngayon. Hinayaan ko lang si Tita na yakapin ako. Baka sakaling kailangan ko nga talaga 'yon.
"We're here, okay?" She tried to say comforting words, but no words could ever stop me from grieving. It will always be painful for me. It will always be heavy for me.
Nang magtama ang mata namin ni Rara, agad siyang nagpunas ng luha at nagpakawala ng isang maliit na ngiti.
"You're always welcome here," she said.
I just flashed her a weak smile and nodded.
"Trev, hatid mo na siya sa kuwarto mo at tulungan mo siyang mag-ayos ng mga gamit niya," bilin ni Tito at bumaling naman siya sa 'kin. "Kumain ka na ba, Feem? Pagkatapos niyong mag-ayos ng gamit ni Trev, sabay-sabay na tayong kumain."
"Thank you po, Tito," sinsero kong sabi at tinanguan niya ako.
Kumalas na ako sa yakap ni Tita at saka sumunod kay Trev sa taas para mag-ayos ng gamit.
The moment we entered his room, I held his hand and stared at him. "Thank you for bringing me here with you."
A warm smile escaped his lips and then he gave me a soft kiss on my forehead.
"Okay lang ba sa 'yo na dito ka sa kuwarto ko? O 'di ka komportable? I can sleep with Rara in her room. Do'n naman ako minsan natutulog sa kuwarto niya."
Para akong bata na kumapit sa dulo ng shirt niya. "Please stay here with me."
He nodded and helped me unpack my things.
Nang matapos naming ayusin ang mga gamit ko, bumaba na kami para kumain. His family brightened up my mood at least. Dahil sa mga kuwentuhan nila habang kumakain kami, nakalimutan ko saglit ang lungkot na nararamdaman ko. Masaya talaga silang kasama.
Pero pagkatapos namin kumain ay bumalik muli ang bigat ng loob ko.
Naglakad-lakad ako hanggang sa makarating ako sa veranda. I saw Trev's Mom sitting all by herself so I felt the urge to join her.
She saw me coming so she tapped the space beside her, signaling me to sit with her.
Pagkaupong-pagkaupo ko sa tabi niya ay naglakas loob akong magsalita. "Can you help me sell our house, Tita?"
Napatingin siya bigla sa 'kin. "Para kahit papaano may sarili po akong pera. Nakakahiya rin po kasi kung kayo ang magbabayad ng mga gastusin ko. Next week din po ay maghahanap ako ng part time job para—"
"Take your time, Feem. Hindi mo kailangang madaliin lahat. Kahit nga hindi ka na maghanap ng part-time job. Ayos lang naman sa 'min na kami na ang sumagot ng lahat ng gastos mo. Your father was a good man, Feem. Napakadami niyang naitulong sa 'min. Hayaan mo kaming bumawi. Okay lang ba 'yon?" nakangiting sabi niya pero umiling ako.
I didn't want to be some kind of charity to them. I didn't want their pity.
"Thank you for being too nice to me, Tita. I really appreciate everything that you do, pero hindi po talaga ako komportable na iasa sa inyo ang lahat."
She let out a deep sigh and slowly nodded. "Alright, I'll help you sell your house. Kami na ni Arthur ang bahala doon, babalitaan agad kita. About naman sa part time job mo, 'wag mong i-pressure ang sarili mo. Take all the time that you need. Hindi kita pipigilan sa gusto mo, pero 'wag mong masyadong madaliin at pahirapan ang sarili mo, okay?"
Ngumiti ako at tumango. "Thank you po, Tita Raff."
"May kaibigan din ako na puwedeng mag-asikaso ng pera ni Douglas. Nabanggit sa 'kin dati ni Douglas na malaki na ang ipon niyang pera sa bangko. Makakatulong rin 'yon sa 'yo. Lahat ng pera na puwede mong makuha, ako na ang mag-aasikaso. Kapag kailangan ng presensya mo o ng pirma mo, sasabihan agad kita," sabi naman ni Tito Arthur na kanina pa pala nakatayo sa gilid habang nakikinig sa 'min ni Tita.
Ngumiti ako at tumango. "Thank you po, Tito. Thank you po talaga sa inyo."
"Nabanggit din kasi sa 'min ni Trev ang tungkol sa Nanay mo, Feem. Alam kong hindi ka magiging komportable kung doon ka titira sa kanila. Kaya kinausap ko rin muna ang Nanay mo na dito ka muna sa 'min." dagdag pa ni Tita kaya tumango ako. Nakausap niya na pala ang Nanay ko, mabuti na lang. Pero hindi ko rin naman kailangan ang opinyon ng Nanay ko. Matagal na panahon akong nabuhay ng wala siya. Kaya ko ang sarili kahit wala siya.
"You can call them Mom and Dad, Captain."
Gulat akong napalingon kay Trev na nakatayo pala sa likuran ko. Sinalubong niya ako ng ngiti.
Mahina akong natawa dahil sa sinabi niya.
"I will, soon. 'Di ba, Tita? Tito?" baling ko sa mga magulang ni Trev at saka sila humalakhak. "Of course, Feem," nakangiting sagot ni Tito.
I'm starting to love them. Parang anak din talaga ang turing nila sa 'kin, at suwerte talaga ako dahil nakilala ko si Trev. Kung hindi ko siya nakilala ay hindi ko rin makikilala ang mga magulang niya.
Pagkapasok namin sa kuwarto ni Trev, maglalatag na sana siya ng higaan niya sa sahig pero agad ko siyang pinigilan. "You can use your bed, Trev. Ako na lang diyan sa sahig."
Tinaasan niya ako ng kilay. "That won't happen."
"Trev, 'wag makulit. Ako na d'yan."
Agad kong inagaw sa kanya 'yong hawak niya para ako na sana ang maglalatag, pero inagaw niya ulit 'yon sa 'kin. "'Wag ka ring makulit."
"Okay, tabi na lang tayo?"
Agad siyang umiling sa sinabi ko.
"I'm still a guy, Captain. You're trusting me too much."
Natawa ako nang mahina. "Of course. Your parents trust you too, Captain. Hindi nila hahayaang dito ako matulog sa kuwarto mo kung hindi gano'n kalaki ang tiwala nila sa 'yo."
Napalunok siya ng maraming beses at umiling.
"Ayoko pa rin. 'Wag kang makulit," pagmamatigas niya.
Napangiti ako.
He's really a good guy and his intentions will always be pure.
Not to judge or compare, but Denver and I loved having s*x everytime we're alone together.
I was that kind of girl. The girl who gave everything to the guy she once loved so much.
Denver and I did it a lot of times. I can't deny the fact that it was a good experience, but I can't also deny the fact that lust ruined our relationship.
Thank God, I met Trevor Keen.
With Trev, everything's different.
And I like me better when I'm with him.
"Just for tonight, Captain. Please?" pakiusap ko sa kanya. Natawa ulit ako nang marinig ko siyang bumuntonghininga.
Mukhang suko na siya sa kakulitan ko.
"Alright. Just for tonight," he replied and rolled his eyes.
"Cute," I muttered.
Pagkahiga namin sa kama, tumagilid lang kami pareho para humarap sa isa't isa.
"Kung hindi ka dumating sa buhay ko, baka ginawa ko na ulit 'yon sa sarili ko," mahina kong sabi kaya natigilan siya.
"Ang alin?" tanong niya.
Tipid akong ngumiti at saka ko inalis ang lagi kong suot na wristband.
His jaw clenched when he saw the scar on my wrist.
"You did that to yourself?" He tried to stay calm but a frustrated sigh escaped his lips.
"Remember when I suddenly disappeared last summer?" I asked, trying my best not to shed a tear.
"I spent three months in rehab because of this," I said, pointing my finger to the scar on my wrist.
__
Tiana: Hi guys! I hope you can also support my books under PSICOM Publishing Inc. You can grab your copies for only 195 at National Book Store, Expressions, Pandayan, Lazada and Shopee. :))) Thank you!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top