Chapter 21: Stay
CHAPTER TWENTY-ONE
Stay
NASA hagdan pa lang ako pababa ng sala, narinig ko na agad 'yong pinapatugtog ni Papa na Christmas Song.
Ano na bang araw ngayon? Wala na kasi akong pakialam kapag bakasyon.
Sinilip ko ang lockscreen ng phone ko. December 22 na pala.
Nang tuluyan akong makababa sa sala ay natigilan ako nang makita ko si Trev, tinutulungan si Papa mag-decorate ng sala namin. Nakatungtong pa siya sa upuan kasi medyo mataas talaga 'yong Christmas tree namin.
"Ba't ngayon lang kayo naglalagay ng Christmas decor, tito? Kami no'ng November pa, eh," tanong ni Trev kay Papa habang abala si Papa ikabit 'yong Christmas light sa may pa-arkong pader namin papuntang kusina.
"Nasimulan ko na maglagay ng decorations no'ng November pa kaso 'di ko naman matapos-tapos. Busy rin kasi ako sa trabaho, tapos si Feem laging nasa training. Dapat nga ngayon namin talaga tatapusin 'to kasi wala naman ng pasok, kaso sabi mo ikaw na lang dahil tulog pa si Feem." Ngumiti si Papa.
Umupo ako sa sofa at pinagmasdan lang silang dalawa na nagkukuwentuhan. Hindi pa nila maramdaman ang presensya ko at ang alam nila ay tulog pa ako kaya palihim akong natawa.
Ang cute nilang tingnan. Para silang mag-ama.
Nang sa wakas ay maramdaman ni Trev ang presensya ko, lumingon siya sa gawi ko.
"Hey, good morning," bati niya at saka siya bumaba mula roon sa upuan. Lumapit siya sa 'kin at hinalikan ako sa pisngi.
Napangiti ako. "Kanina ka pa nandito?" tanong ko sa kanya pagkaupo siya sa tabi ko.
Tumango siya. "Mga dalawang oras na." Pinagmasdan niya lang si Papa habang abala si Papa sa ginagawa niya.
"Sarap kakuwentuhan ni Tito 'no? Dami na naming napag-usapan kanina, eh. Lahat tungkol sa 'yo," natatawang sabi niya kaya napataas ang kilay ko.
Aba talagang hilig nilang pagkuwentuhan ako.
"Nak, kain ka na. Tapos na 'yang si Trev kanina pa. Pinauna ko na siyang kumain kanina dahil tulog mantika ka," sermon sa 'kin ni Papa kaya napakunot ang noo ko.
Bumaling ako kay Trev. "Bakit pala ang aga mong nandito?"
"Bawal ba?"
"Bawal," biro ko kaya kumunot ang noo niya. Natawa ako at agad ko naman siyang inakbayan para halikan sa pisngi.
"Kain lang ako," paalam ko sa kanya at akmang tatayo na pero hinila niya ako kaya napaupo ulit ako sa tabi niya.
"Pinagpaalam na kita kay Tito."
Agad naman akong nagtaka. "Saan?"
"Aga mo kasing natulog kagabi, eh. Ingay pa naman namin kagabi. Anyway, no'ng October pa kasi talaga dapat 'to pero ngayon lang magagawa kasi ngayon lang din nagka-time lahat. Madette and I will be inviting everyone for a beach party. Kahit freshmen, sophomore or junior, sinabihan na namin."
Birthday ba nila pareho?
"Madette and I are the candidates for Valedictorian and Salutatorian. In-announce na 'yan no'ng first sem pa. Malayo kasi grades namin ni Madette sa grades niyo, kaya declared na. Depende na lang sa 'ming dalawa kung sinong magiging Valedictorian at the end of second semester."
Nanlaki ang mata ko.
Bakit nga ba nawala sa isip ko na matalino nga pala 'tong boyfriend ko?
"Congrats, Trev!"
"Thanks," bulong niya sa 'kin at isiniksik ang mukha niya sa leeg ko.
"Kailan 'yong beach party?" tanong ko.
"Before 12PM, magkikita-kita sa bahay nila Madette para sabay-sabay nang aalis."
Napatingin ako sa wall clock namin at nanlaki ang mata ko nang makita kong 11:30AM na.
Agad akong bumitaw kay Trev at nagmadali nang kumilos. Narinig kong sabay na tumawa sina Papa at Trev kaya napasimangot ako.
Kaya pala maaga niya akong pinuntahan dito. May lakad pala kami.
***
PAGKADATING namin sa gas station sa may dulo ng Belle Ville, nakita ko na agad sila sa labas ng mga sasakyan nila.
Bumusina si Trev at agad na nag-unahan sina Markee at Gonz na sumakay sa likod.
"You didn't bring your car?" Trev asked Gonz.
"Sumabay lang ako kay Rara papunta dito. I'm not in the mood to drive."
Trev's eyes widened in surprise. "Rara brought Dad's car?"
"Yeah. Kay Rara sasakay si Madette pati 'yong kaibigan nilang isa pa."
Napataas ang kilay ko. Lagi na yatang kasama ni Rara sila Madette. Bakit hindi na masyadong nagkakasama sina Rara at Lumi?
"Creos cousins are here," sabi ni Markee kaya natigilan ako.
Kasama sila?
Napalingon ako sa kadarating lang na sasakyan at nagmamadaling lumabas mula roon si Denver. Naiwan sa loob ng sasakyan si Bellamy.
Nang makita ako ni Denver ay agad siyang lumapit sa 'kin, naghahabol pa ng hininga.
"Hey," bati ni Trev kay Denver pero diretso lang at tingin sa 'kin ni Denver, hindi pinapansin si Trev.
"You can't go to that beach party, Feem," madiin niyang sabi kaya nagsalubong ang kilay ko.
"Go home, Denver."
"I'm serious, Feem. You need to stay!" Napalakas ang pagkakasabi niya no'n kaya napatingin sa 'min ang iba.
"Bakit ba?" singit ni Trevor at saka siya pumunta sa harapan ko para harangan si Denver.
Denver shot Trevor a glare. "I'm not talking to you, man."
Before Trev could even say anything, Denver let out a frustrated sigh and spoke again.
"Your dad was found dead outside your house, Feem. Bell's mom got a call from the cops because you weren't answering their call. We're here to pick you up."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top