Chapter 12: Not again
CHAPTER TWELVE
Not again
I really don't know why I'm here.
I didn't even see this day coming.
His phone kept on ringing. Matagal ko nang binura ang number niya sa contacts ko pero hanggang ngayon ay kabisado ko pa rin.
You really are pathetic, self.
It's already 12:30AM but here I am, standing outside their house.
Finally, he answered the call.
"H-Hey." He stuttered. There's a hint of hesitation in his voice. I didn't know what to say. I wanted to call him but no words were coming out of my mouth right now.
"Are you—alright?" he asked. Iyong kaninang boses niya na may pag-aalangan ay napalitan nang pag-aalala.
He knew I was the one who called. Siguro ay kabisado niya pa rin ang number ko, o hindi niya lang talaga binura 'yong number ko.
"Nasa labas ako ng bahay niyo," malamig na sabi ko.
Natigilan siya sa kabilang linya at nakita ko naman siyang sumilip sa bintana ng kuwarto niya sa taas. Binitawan niya ang phone niya at nawala saglit.
Maya-maya lang ay nandito na siya sa harapan ko, kalalabas lang ng bahay nila.
"Why are you here, Fe—"
I punched him hard on his chest. Nang hindi ako makuntento ay sinuntok ko ulit siya sa dibdib niya.
Paulit-ulit ko 'yong ginawa hanggang sa sunod-sunod na kumawala ang luha mula sa mga mata ko.
Tanging galit ang nararamdaman ko. Gusto kong maghiganti sa kanilang lahat. Gusto kong iparanas sa kanila ang naranasan ko. Gusto kong maramdaman nila ang naramdaman ko.
Paulit-ulit ko siyang sinuntok at hinampas sa dibdib niya. Hindi ako napagod na gawin 'yon nang paulit-ulit kahit nanlalabo na ang paningin ko gawa ng mga luha ko.
Hindi siya umiwas. Sinalo niya lang lahat ng suntok at hampas na binigay ko. Nanatili lang siyang nakatayo at hinayaan niya lang ako sa ginagawa ko.
Nang sa wakas ay mapagod ako ay buong lakas ko siyang tinulak kasabay nang pag-upo ko sa lapag dahil sa biglaang panghihina ko.
"I hate you so much, Denver. I hate you." My voice cracked. "It's really hard for me. It's always been hard for me. Some things are just really f*cking crazy and they should never have happene," I finally told him.
Siya ang sinisisi ko sa mga nangyayari ngayon sa 'kin kahit na alam kong kasalanan ko rin naman talaga. Kung hindi ako pumayag, hindi sana nangyari lahat ng 'yon at hindi sana umabot sa ganito.
What we did had started a chain of undeniably chaotic consequences.
He didn't speak. He just listened to me. Hinahayaan niya lang akong sisihin siya kahit alam niyang may kasalanan din naman ako sa nangyari.
And that's what I hated about him the most. Okay lang sa kanyang sisihin ko siya, mapagaan lang niya ang loob ko.
"They won't stop, Denver," I said, almost out of breath.
Nang marinig niya 'yon ay bigla siyang lumuhod sa harap ko para maging kapantay niya ang mukha ko. He stared at me for so long, worried.
"Who the f*ck tried to hurt you?" Bakas sa mukha niya ang galit nang sabihin niya iyon.
Napakagat ako sa labi ko. Kapag sinabi ko kung sino, magiging malaking gulo 'to.
"Feem, please. Tell me."
No'ng hindi pa rin ako nagsalita ay tumayo siya at paulit-ulit na nagmura. Walang mapaglagyan ang galit niya at hindi niya malaman kung paano ba ang gagawin niya.
Maya-maya ay bumalik siya sa loob ng bahay nila at makalipas ang ilang minuto ay lumabas na ulit siya, dala-dala 'yong phone niya at susi ng sasakyan niya.
Hinigit niya ang kamay ko patayo pero nagpumiglas ako.
Pero dahil mainit ang ulo niya, hindi naging sapat ang lakas ko para pigilan siya. Isinakay niya ako sa kotse niya at umikot siya sa kabila para sumakay sa tabi ko.
Buong biyahe ay hindi siya umiimik.
Nanatili lang akong tahimik. Hindi ko rin talaga alam kung bakit ko siya pinuntahan at bakit nasa ganitong sitwasyon kami ngayon.
Tulala lang ako buong biyahe at agad na nanlaki ang mga mata ko nang mapansin kong nasa Belle Ville Campus na kami.
Paano niya nalaman na dito ako galing? Hindi ko naman binanggit sa kanya na intrams na namin ngayon at sa dorm ako matutulog.
Tiningnan ko ang orasan ko at napansin kong 1:40AM na. Panigurado tulog na ang mga tao sa dorm.
Nag-park siya sa mismong harap ng varsity's dormitory kaya mas natigilan ako. Panigurado may pinagtanungan siya kanina bago kami pumunta rito.
Nagmamadali siyang lumabas ng sasakyan at dirediretso siyang pumasok sa loob ng dormitory.
Sa laki ng bawat hakbang niya at sa bilis niyang maglakad ay hiningal talaga ako sa paghabol sa kanya.
Pagkaakyat ko sa kwarto ng volleyball team ay huli na ang lahat. Nasa sahig na si Kyler, puro bangas at dugo na ang mukha.
Sina Gonz at si Trev ay parehong inaawat si Denver habang ang buong team ay nanonood lang sa kanila.
"Are you alright?"
Napalingon ako kay Rara. Bakas sa mukha niya ang pag-aalala sa 'kin kaya gusto kong matawa.
The great f*cking pretender, Ramirrah Keen.
"Ano'ng pakialam mo?" malamig kong sabi.
Napapikit siya at pilit pinigilan ang sarili niyang makipag-away sa 'kin. Siya pa ngayon ay may ganang magtimpi?
"Denver called me an hour ago, he asked me what happened, wala naman akong alam. Kaya kinausap ko si Trev and tinanong ko siya kung ano nang—"
"You told Denver?" I spluttered out.
"Y-Yes," napapahiyang sagot niya. May sasabihin pa sana ulit siya pero lumapit sa 'min bigla si Denver at hinila siya palabas ng kuwarto.
Napatingin ako sa mga taong nakapaligid sa 'kin. Lahat sila ay na sa akin ang tingin. Bago pa ako makapagsalita ay hinigit ako ni Trev sa sulok at tiningnan niya ako nang may halong inis.
"I may not know what exactly you're feeling right now. Ang alam ko lang, you've been badly hurt and it was hell for you." There's a pause. "But Denver isn't your boyfriend anymore for you to go all the way from here to his house at this hour. He's not your boyfriend anymore for him to show up here just to defend you in front of everyone. Naisip mo ba 'yong mararamdaman ni Rara?" Bakas ang dismaya sa mukha niya.
Hindi ako nakasagot. Alam ko, mali na naman ako. Alam ko, mali ulit ako.
Pero bakit palaging mali ko lang ang nakikita nila?
Bakit lahat nang ginawa nilang mali sa 'kin, hindi nila makita?
"Naisip mo ba 'yong mararamdaman ko?" pabulong niyang sabi kaya natigilan ako.
I didn't know what to say when he said that. No words were coming out from my mouth. I couldn't even look at him directly in the eye.
"I like you, Feem. I like you not because of that video. The hell I care with that video? I didn't even watch it. I know you won't believe me, because, how could you? You've been hurt by the people around you. People you trust. Of course, you wouldn't believe anyone anymore." He looked at me differently this time. Or was it really different? Maybe it's always been the way he looked at me all this time, I just didn't notice.
"What happened to you was awful, but your life doesn't stop because of that. Don't let that one thing describe you. You deserve to be happy."
I've never seen this day coming. Hearing those words from him.
He likes me?
Tapos ano'ng susunod?
Papasok siya sa buhay ko? Para ano? Iwan lang din ako? Sasanayin niya ako sa mga bagay na kaya ko namang gawin dati mag-isa tapos kapag nawala siya, mahihirapan akong bumangon. Mahihirapan ulit akong magsimula.
Ayoko nang maranasan ulit 'yon. 'Yong masaya naman kaming dalawa no'ng una, pero no'ng may dumating na malaking problema, iniwan niya akong mag-isa. Hinayaan niya akong lumaban mag-isa.
Bumalik ako sa reyalidad nang hawakan ni Trev ang pisngi ko.
"Look at me," he said. His voice was calm.
I let my gaze fall back to his eyes.
Nang magtama ang mga mata naming dalawa, isinandal niya ang noo niya sa noo ko. Halos hindi ako makagalaw. Nanghihina ako sa bawat kilos niya.
Bakit niya ba 'to ginagawa?
Bakit ganito 'yong nararamdaman ko?
"I'm sorry if I came too late. I'm sorry you had to be with the wrong guy. I'm sorry you had to experience all of that. But I'm here now. I will protect you. You can trust me, Feem. You can rely on me," he said, his eyes closed.
I almost found myself believing in him. Good thing I was able to stop myself from being fooled.
I pushed him away, tears started falling from my eyes again as I avoided his eyes.
"If I trust you, it means you're going to take advantage of me. You won't be afraid of doing things that might hurt me. Just like them, you'll also betray me. And I won't let that happen. Not again. Not anymore."
***
NAGPUNAS agad ako ng pawis pagkatapos ng volleyball game namin kanina sa SIVC. Lumipat na kami sa SIBC para manood ng basketball game, at napansin kong wala ang team captain nila na si Kyler. Ang alam ko, expulsion ang kinahaharap niya ngayong parusa dahil doon sa ginawa niya sa 'kin na hindi pinalampas nila Trev.
Ikatlong araw na ngayon ng intrams naming at kadalasang nananalo sa mga laro ay 'yong mga players ng Blue team, kasama kami.
Pinaghiwa-hiwalay din kasi ng team kaming mga varsity players para daw fair ang maging laban. Hindi puwedeng nasa iisang team lang kami dahil paniguradong lugi ang kabila.
Habang nanonood ako ng basketball game, napunta ang atensyon ko kay Trev na kadarating lang. Pagkaupo niya sa may bandang dulo sa kanan, lumapit sa kanya si Lumi.
"Sasama ka next week sa retreat natin sa Batangas?" tanong niya kay Trev. Hindi gano'n kalayo ang distansya ko mula sa kanila kaya rinig ko pa rin iyong pinag-uusapan nila.
Oo nga pala, anually may retreat ang graduating students ng Belle Ville sa Caleruega.
"Oo. Lahat naman yata sasama. Bakit?" tipid na sagot ni Trev habang inaayos ang sintas ng rubber shoes niya.
Binuksan ko ang bottled water na hawak ko at ininom 'yon.
"Tabi sana tayo sa bus?"
The moment I heard those words from Lumi's mouth, I almost choked on the water I was drinking.
What the f*ck?
Saan siya nakakuha nang lakas ng loob niya para tanungin 'yong gano'ng bagay?
"Ah. Sorry, baka si Kel ang katabi ko o si Carson," pagtanggi sa kanya ni Trev kaya nagtawanan 'yong mga babae sa likuran ko.
Nakikinig din pala sila.
Marami kasi talagang nagkakagusto kay Trev, mahusay ba naman sa volleyball pati sa academics, eh. To be honest, halos nasa kanya na lahat.
Naalala ko tuloy bigla 'yong huling usap namin ni Trev. Pagkatapos no'n ay hindi niya na ako pinapansin o nilalapitan. Mabuti na rin siguro 'yon para walang nanggugulo sa 'kin.
"Miss mo na ba 'ko?"
Muntik na kong mapabalikwas dahil hindi ko napansin na nasa tabi ko na pala nakaupo si Trev.
Ano raw?!
Umayos ako nang upo at nag-angat ng kilay. "Bakit naman kita mami-miss?"
Napakunot naman ang noo niya. "Admit it, captain. You were discreetly watching every single thing I do and every single person I converse with." He chuckled.
How did he know?
"I have eyes," he stated, shrugging nonchalantly as if he could really read my mind.
"Nakapag-decide na ko," bigla niyang sabi kaya napangiwi ako. Bakit ba kinakausap niya 'ko? Pakialam ko naman sa kung anong mga desisyon niya sa buhay?
Groaning in frustration, I rolled my eyes.
Tumayo naman siya sa harapan ko at saka siya ngumiti.
"Liligawan kita. Kahit tanggihan mo 'ko, liligawan pa rin kita hanggang sa mabago ko 'yong sagot mo."
__
Tiana: Ops. Sabay-sabay tayo! SANA OL MAY TREVOR!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top