Chapter 1: The twins
CHAPTER ONE
The twins
Feem
"BOLA!" sigaw ni Lumi pero huli na ang lahat. Bago pa man ako makaiwas sa bola ay tumama na ito sa mukha ko. Sa sobrang lakas nang pagkakatama, napaupo pa ako sa sahig.
Ugh.
Husay.
Napakahusay.
Sobrang husay.
Nang bumalik ako sa katinuan ay agad akong tumayo. "Sinong bumato sa 'kin ng bola?" inis na tanong ko.
"It wasn't me," biglang sagot ni Rara. Tinapunan ko siya ng masamang tingin saka ko siya inirapan.
Defensive b*tch.
Nang hindi ko inaalis ang mga mata ko sa kanya, naglakad ako papunta sa posisyon niya at nang sa wakas ay makalapit na ako sa kanya, malakas kong sinipa 'yong binti niya kaya nawalan siya ng balanse at tumumba sa sahig.
"What the hell?" She scoffed in disbelief.
Lumuhod ako sa harapan niya at saka ko tinusok-tusok 'yong noo niya, dahilan para mapamaang siya.
"Gamitin mo utak mo, Rara. Pati ito," sambit ko, sabay turo sa mata niya. "You don't hit the opponent. You aim for the opposite ground. Titirahin mo kung saan malabong makuha ng kalaban 'yong bola."
"It was unintentional, okay?! I wasn't aiming to hit you with that damn ball. You're being too sensitive. I'm sick of it!" sigaw niya sa 'kin.
Siya pa may ganang magreklamo? Ako na nga 'tong tinamaan ng bola sa mukha. Okay lang ba utak niya?
She stood up and glared at me. "If you hate me for dating your ex, your hate will just kill you. Because no matter how much hate you throw at me, he's never coming back to you. Move the hell on, Feem."
Palihim akong natawa nang sabihin niya iyon. Sino siya para utusan ako sa isang bagay na nagawa ko na?
Wala na akong nararamdaman para sa taong tinutukoy niya. Ni hindi ko na nga 'yon nakakausap at wala akong balak kausapin pa 'yon ulit.
"And please, leave your personal life out of the court. Let me remind you that you're the team captain. The fact that your emotion always gets in the way really disappoints me," she said for the last time before walking away.
An ironic smile escaped my lips.
Coming from you, Ramirrah Keen.
Napailing na lang ako at saka ko inis na tiningnan ang mga tao sa paligid ko. "Ano? Titingin na lang kayo sa 'kin?" singhal ko sa kanilang lahat. Agad naman silang umiwas ng tingin sa 'kin.
"At saka 'di ba sabi ni Coach mag-focus tayo sa body conditioning? Sinong nagsabing mag-ball drills kayo? May sinabi ba ako?" dagdag ko pa. Kung 'di sana sila pasaway, eh 'di sana hindi ako tinamaan ng bola.
Nakakapang-init talaga ng ulo kapag natatamaan ako ng bola.
Pumasok ako sa locker room para magpalit ng damit at nang tingnan ko ang sarili ko sa salamin, lalo akong nawala sa mood. Namumula ng sobra ang ilong at noo ko. Mabuti na lang talaga hindi ako sa labi napuruhan. Kung nagkataon ay hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng inis ko.
Pagkatapos kong mag-ayos ng sarili ay lumabas na ako at kalmadong naglakad pero napahinto ako bigla dahil natamaan na naman ng bola ang mukha ko.
Napapikit ako sa inis.
Seryoso ba 'to? Ilang beses kailangan tamaan ng bola 'yong mukha ko ngayong araw na 'to?
"G*go, si Feem tinamaan!" Kahit nakapikit ako ay alam kong si Gonz 'yong sumigaw.
Hindi. Hindi ako tinamaan. Nananaginip lang kayong mga bwisit kayo.
"Hey, are you alright? I'm sorry!" a familiar voice said.
Slowly, I opened my eyes only and saw Trev standing in front of me.
His blue eyes met mine.
No'ng hindi ako umimik ay iginala niya ang paningin niya sa kabuuang mukha ko. Bakas sa mga mata niya ang pag-aaalala, pero wala akong ibang maramdaman ngayon kundi inis. Pakiramdam ko umakyat lahat ng dugo ko sa ulo.
Great.
Just great.
Kanina, tinamaan ako ni Rara ng bola sa mukha. Ngayon naman tinamaan ako ng kambal ni Rara. Take note, sa mukha ulit.
Ano ba talagang balak nila sa mukha ko? Sirain?
"I'm fine," sagot ko. Pigilan ko man ang sarili kong ipakita sa kanya na naiinis ako ay hindi ko naman magawa dahil unang-una, kitang kita talaga sa mukha ko kapag naiinis ako.
Nananadya yata 'tong kambal na 'to.
"Body conditioning lang din pinapagawa sa inyo, 'di ba? Bakit ball drills ginagawa niyo?" I confronted him.
He's Trevor Keen, Rara's twin. He's the team captain of the volleyball boys, at dahil sa pinapakita niya sa 'kin, tuluyan akong nawalan ng bilib sa kanya. Siya 'tong team captain pero siya 'tong 'di sumusunod sa patakaran ng training.
A radiant smile escaped his lips. "Yeah, Coach told us to focus on body conditioning. But he didn't say that we're not allowed to do ball drills," he replied, shrugging nonchalantly.
Mas lalo akong nainis. So ano'ng gusto niyang sabihin?
"Can I ask you a question?" tanong niya kaya napaangat ang isa kong kilay. "You're already asking," walang gana kong sagot.
His lips curved into an approving smile. "You got me there, huh."
Hindi ako umimik at hinintay lang iyong itatanong niya.
"Did your coach mention not to do ball drills?" he asked.
No words came out from my mouth when I realized that Coach Quirro never said anything like that.
"Or he just asked you to pay more attention to do body conditioning?" he added, shrugging nonchalantly.
Napakagat ako sa labi ko. Hindi ako makasagot.
Tinabig ko ang kamay niya at saka ko siya nilampasan. Narinig kong nagtawanan sila Gonz at ang iba pa nilang teammates. Napailing na lang ako sa sarili kong katangahan.
***
"NANDITO na 'ko, Pa," tinatamad kong sabi.
I put my duffel bag on the floor and went straight to the dining area. He's currently cooking for dinner.
"Alam ko anak. 'Di ako bingi at mas lalong hindi ako bulag," pamimilosopo niya kaya napangiwi ako. Kahit kailan talaga ay hindi siya matinong kausap. Partida, pulis si Papa.
Nagsimula na akong kumain habang nakikinig sa kuwento niya tungkol sa mga nangyari sa kanya ngayong araw. Tango lang ako ng tango kahit hindi ko naman maintindihan ang mga kinukuwento niya dahil puro tungkol sa trabaho. At isa pa, nasa pagkain talaga ang atensyon ko dahil adobong baboy 'yong ulam. Paborito ko.
"Feem, pang-anim na kanin mo na 'yan," umiiling iling na sabi ni Papa.
"Friday naman," sagot ko.
"Buti nga sana kung Friday lang. Eh araw-araw kang gan'yan. Diyos ko. Mabuti na lang naglalaro ka ng volleyball. Kung nagkataon ay baka sobrang taba mo na." Nilagyan niya ng juice ang baso ko. Ano naman kung maging mataba ako? Wala namang problema sa pagiging mataba. Ito talagang si Papa, minsan wala sa hulog 'yong mga sinasabi.
Hindi ko na lang siya pinansin. Gan'yan naman siya araw-araw, maraming sinasabi. Hindi nauubusan nang sasabihin. Sanay na ako.
Malakas talaga ako kumain, totoo naman ang sinasabi ni Papa. Pero nakakainis lang kapag paulit-ulit niyang pinupuna 'yong katakawan ko. Kahit sino naman siguro ay maririndi kapag gano'n. Wala namang mali sa pagiging mataba. Kung may mali man, 'yong lifestyle siguro. Totoo naman talagang nakakasama minsan 'yong sobra.
By the way, sa sobrang weird ni Papa, pati pangalan ko nadamay. Feem ang pinangalan niya sa 'kin dahil Falls ang surname ko.
Feem Falls.
Sounds disgusting.
Don't get me wrong. I don't have a problem with pimples. Normal naman 'yan sa isang tao. Kahit ako naman, nagkakaroon no'n minsan. Ang sa 'kin lang, nakaka-badtrip kasing pakinggan 'pag ipinangalan sa isang tao. At mas lalong nakaka-badtrip dahil sa dami ng tao sa mundo, sa 'kin pa talaga ipinangalan. Gusto ko lang naman magkaroon ng maayos na pangalan.
Tinanong ko dati si Papa kung bakit naman kako gano'n ang ipinangalan niya sa 'kin. Sabi niya, pimples daw kasi 'yong sign kapag in love ang isang tao. The moment he said that, pinagsisihan ko talaga na tinanong ko siya tungkol sa pangalan ko.
Pagkatapos naming kumain at mag-ayos sa kusina, umakyat na ako sa kuwarto ko at agad kong binuksan ang laptop ko para gumawa ng mga seatwork na na-miss ko sa klase dahil sa training.
Usually naman after class ang training namin. This week lang talaga kami napaaga nang start ng training. 2PM pa lang, in-e-excuse na kami sa klase. May game kasi kami next week. It's not a big game, pero kailangan pa rin ng preparations because we're raising funds for students with visual impairment. 'Yong Coach kasi namin pati 'yong Dean, magkaibigan sila and tumutulong sila sa mga schools for students with visual impairment.
Kanina ko pa tinititigan 'tong seatwork ko. May part na hindi ko talaga maintindihan dahil wala naman ako no'ng na-discuss 'yon ni Ma'am Henia.
Nag-online na lang ako sa Facebook para i-chat si Madette, 'yong class mayor namin and top 1 sa klase. Si Madette ―matalino, sobrang bait, masipag, responsable, kaibigan ng lahat. Pero 'yong pinakaimportanteng bagay, wala sa kanya. The power to protect herself. Sa sobrang bait niya, akala niya lahat totoong kaibigan ang turing sa kanya. Hindi niya alam, lahat ng lumalapit sa kanya, may kailangan lang sa kanya. She's not even aware that people are taking advantage of her. And that's what I hate about someone being kind. Mali na 'yong ginagawa sa kanya, okay lang sa kanya. Pero hindi naman siguro lahat, 'di ba? Hindi ko rin alam. Hindi ako sigurado. Wala namang kasiguraduhan sa mundong 'to.
Hey, Madette. Alam mo paano sagutan 'to?
Na-send ko na agad sa kanya 'yong chat ko kasama 'yong picture ng worksheet sa libro. Buti na lang ay na-seen niya na agad.
Iba talaga epekto sa 'kin kapag nakikita ko 'yong typing. Hindi ko rin alam kung bakit.
Hi Feem. Yes, alam ko. Teka i-video ko kung paano, tapos i-send ko sa 'yo. Okay lang? Wait ka mga ten minutes para ma-explain ko mabuti sa video. Marami kasi 'yan.
See? She's too kind. Hindi siya marunong tumanggi sa taong may kailangan sa kanya. I must admit, wala akong pinagkaiba sa mga taong nakapaligid sa kanya. But if they can take advantage of her, why can't I? Hindi naman siguro masamang dumagdag sa bilang nila.
Okay. Thanks, Mads.
Nag-check ako ng iba pang chat sa messenger ko and nakita kong madami na agad chat sa group chat ng team namin. And when I say our team, it means kasama pati 'yong men's volleyball team.
Carson: Balita ko namamaga mukha ni Feem?
Gonz: 'Di naman sinasadya ni Trev
Lumi: OMG tinamaan din ng bola ni Trev si Feem?
Gonz: Correction. Natamaan. Hindi tinamaan.
Lumi: Whatever. Natamaan din kasi siya ni Rara ng bola kanina bago matapos 'yong training namin.
Napakunot ang noo ko. Seriously? Ako talaga pulutan nila sa chat? My God.
Okay, enough is enough. I immediately started typing.
Yow, Carson. Excuse me? Namula lang 'yong mukha ko. Hindi namaga.
I sent that message to our group chat, ignoring Lumi and Gonz's chat.
Carson: Ay ganon ba boss Feem? Sorry, mali pala ako nang nasagap na balita hahaha!
Mag-re-reply pa sana ulit ako pero natigilan ako nang may lumitaw ulit na message sa group chat.
This time, it was from Trev.
Hey, Feem. Natamaan ka rin pala ni Rara? Kaya pala badtrip ka kanina. Sorry.
Ugh.
Bakit ba hindi sila maka-get over sa pagtama sa 'kin ng mga bola? Kailangan pa ba talagang pag-usapan 'yon dito sa group chat? Ang dami-daming topic sa mundo! Ang dami-daming nangyari ngayong araw, bakit ako talaga kailangan nilang bigyan ng spotlight? Can't they see that I'm already annoyed by simply having to talk to them?
Sa sobrang inis ko, I just left them on seen.
Habang hinihintay kong i-send sa 'kin ni Madette 'yong video, nag-Twitter muna ako saglit.
Why am I on Twitter? To simply tweet.
Hirap humabol sa Physics ;( Dami ko nang hindi nasusundan na lesson ilang days pa lang akong nawawala sa klase.
I was about to close my Twitter after posting a tweet but my finger quickly stopped itself from tapping anything when a new notification on my Twitter suddenly popped up.
@TrevorKeen replied to your tweet: I can help you for free haha
Napapikit ako sa inis. Alam kong matalino siya kahit lagi rin siyang excused sa klase pero . . . ugh! Can't he just stop talking to me?
Bakit ba kinakausap niya ako lagi? Mukha bang gusto ko siyang kausap?
Well, I just can't stand him being so nice to me. It only makes me hate him even more. I actually hate him for simply living as Rara's twin.
Sounds irrational? Yes.
Sounds rude? Maybe.
And I prefer to be this way. The world showed me enough already.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top