Chapter 6: First session
CHAPTER SIX
First session
"YOU can wait outside," my physical therapist told Bellamy.
I grabbed Bellamy's shirt and forced a smile in front of my physical therapist. "I need him to be here," I said, waiting for my physical therapist's response.
Ang alam ko kasi, 'yong iba ay hindi talaga pinapayagan na may kasama sa loob, pero siguro naman pinapayagan din 'yong iba.
"Alright," he said, pointing the sofa at the corner. "You can sit there," he told Bellamy.
"You can let go now, Keen. You're almost going to tear my shirt." Bell chuckled, shaking his head.
Napabitaw tuloy ako bigla sa dulo ng shirt niya at inirapan siya.
"You can call me Dr. Andy. My father was your surgeon, and now I'm taking your case as your physical therapist," he introduced himself, flashing me a wide smile.
"You look young for a doctor," pagbibiro ko.
Agad siyang natawa. "I'm actually 30."
Nanlaki ang mata ko. "Really? I thought you were just 25," pagsasabi ko ng totoo kaya mas lalo siyang natawa.
"Your boyfriend would probably kill me, Rara. Stop flirting," he joked.
"I'm single, Doc!" I retorted.
His eyes widened, glancing at Bellamy who's now raising a brow at him.
"I'm not her boyfriend. I'm today's replacement for her dickhead boyfriend who stood her up. So, what does it make me? Her nanny," he stated, shrugging obnoxiously.
Ugh. Everything that comes out from his mouth is freaking annoying!
"Hindi ko boyfriend si Gonz!" reklamo ko.
"Ah. Oo nga pala. He's your best friend." He paused, intently staring at me. "Piece of advice, Keen. It's either you stay as friends forever, or you end up having sex with each other. Your choice," he smirked, crossing his arms above his chest.
I closed my eyes in frustration. "You know what, Bell? I'm starting to regret coming here with you!"
"Fine, fine. I'll stop. I was just trying to divert your attention to me in case you're nervous about your first therapy," he said, flashing me a smile.
I was stunned by what he just said. I didn't know that he's that kind of person. Trying to cheer up someone he had never been friends with. Now I can see that he was really sincere with everything he said to me.
Tulad ng sabi niya, tumigil na siya kakaasar sa 'kin at nanatiling tahimik na nakaupo doon sa isang sulok.
Dr. Andy started discussing the process of rehabilitation I'll have to undergo.
Tinanong niya rin ako kung gaano na 'ko katagal gumagamit ng saklay, and sinabi ko sa kanya na one month na simula no'ng surgery.
Pinagalitan niya pa nga ako no'ng una dahil bakit pinatagal ko daw ng sobra 'yong paggamit ng saklay. Dapat nga raw ay ten days after surgery ay sinanay ko na raw maglakad nang walang gamit na suporta.
Minsan ay napapalingon ako kay Bellamy habang kausap ko si Dr. Andy, pero tahimik lang siya doon habang abala sa phone niya.
Mahina akong natawa. Malamang may kausap na namang babae 'yan. Sino naman kayang bago niya? Napakadami niya naman kasing babae, akala mo mauubusan palagi, eh.
Pagkatapos ng halos kalahating oras na pag-uusap namin ni Dr. Andy, he pointed his finger at the stationary bike at the right-side corner of the room.
"I'm going to use that now?" hindi makapaniwalang sabi ko.
Tumango siya kaya halos malaglag ang panga ko.
Seryoso ba siya? Hindi ko pa kayang sumakay doon.
"You don't have to worry, Rara. You simply have to try it. You can control the amount of resistance you put on your knees while cycling, and depending on your level of injury and pain, you can cycle as fast or as slow as you can tolerate," Dr. Andy stated, encouraging me to ride the stationary bike.
Hindi ako nagsalita at marahan na lang akong tumango. Wala naman akong choice kundi sundin siya dahil ako naman 'tong nagdesisyon na pumunta rito.
Sinundan ko siya papunta doon sa kabilang sulok at inalalayan niya akong sumakay sa stationary bike.
"'Wag mo 'kong bibitawan, Doc. Tutumba ako," kinakabahang sabi ko.
Ngumiti lang siya. "We'll see," kalmadong sabi niya at saka niya ako biglang binitawan.
Agad na nanlaki ang mata ko dahil pagkabitaw na pagkabitaw niya sa 'kin ay na-out of balance ako. Akala ko ay mahuhulog ako pero may agad na humawak sa bewang ko para masuportahan ang balanse ko.
Nag-angat ako ng tingin at nakita kong si Bellamy ang gumawa no'n para sa 'kin.
Nangilid bigla ang luha ko sa hindi malamang dahilan. Kinakabahan ako at natatakot, sa totoo lang. Mabigat pa rin ang loob ko. Buti na lang ay sinamahan niya ako dito.
"She told you not to let her go. Are you deaf or what?" Bell said impatiently, eying Dr. Andy bluntly.
"Trust me, she needed that."
"Are you crazy? She needed to fall just to get hurt?" Bell scoffed in disbelief and Dr. Andy just simply tapped him on his shoulder.
"She needed to fall to rise again," Dr. Andy said as he shot me a glance.
"Ride that one or you won't be able to return to sports forever," he added.
Agad akong napakagat sa labi ko dahil sa sinabi niya. Gustuhin ko mang sundin ang sinasabi niya, katawan ko na mismo ang nagsasabing hindi ko pa kaya.
Letting out a deep sigh, I flashed him a weak smile. "I'm sorry, Dr. Andy. Looks like I won't be returning to sports. Maybe sports really isn't for me."
Napatingin ako kay Bellamy dahil sa biglaang pagkunot ng noo niya.
"Balik na tayo sa dorm," pakiusap ko sa kanya.
Agad naman siyang tumango. Akala ko nga ay kokontrahin niya ako dahil nakakunot na ang noo niya. Hindi ko talaga inaasahan ang bigla niyang pagpayag.
Tahimik lang kami pareho hanggang sa makabalik kami sa dorm. He carried me out of his car and inalalayan niya ako hanggang sa makatayo ako nang maayos gamit ang saklay ko.
"Thank you, Bell."
Tumango lang siya at saka umalis.
Nanibago tuloy ako dahil hindi niya ako inasar at wala siyang sinabing kahit na ano. Bakit kaya bigla siyang naging tahimik?
My phone suddenly buzzed with a text, interrupting my thoughts.
Nang tingnan ko iyon ay nakaramdam ako ng inis nang makita ko ang text ni Gonz.
Raaaaa. Sorry! Tinanghali ako ng gising. Sinama kasi ako ni Coach dito sa camp. Eh nagkainuman kagabi kaya tinanghali ako ng gising. Sorry talaga.
Irita kong sinipa 'yong bote ng tubig na nakakalat sa harapan ko. Nakakairita talaga 'yong ugali ni Gonz na gan'yan. Pagdating talaga sa alak 'di siya nakakatanggi! Tapos laging malala ang hangover niya kinabukasan. Palagi na lang siyang gano'n.
My phone buzzed with another text from him.
Ano? Kamusta kanina? Ano nangyari? Okay naman ba?
Hindi ko siya ni-reply-an.
Buong araw niya akong sinubukang tawagan pero hindi ko sinagot lahat ng tawag niya. Bahala siya sa buhay niya. Naiirita talaga ako sa kanya.
***
"HUY, ano na? Pasta or pizza?" tanong sa 'kin ni Dithri.
Magpapa-deliver kasi siya ng pagkain dito sa dorm. Nagsasawa na raw kasi siya sa mga niluluto niya kaya subukan naman daw namin magpa-deliver para maiba naman.
"Pareho," sagot ko sa kanya kaya humalakhak siya.
Nanood lang kami ng movies buong araw dahil wala na 'kong ibang ginawa buong linggo kundi ang magbasa ng anaphy.
Seryoso, nakakadugo ng utak dahil puro readings talaga.
Makalipas ang kalahating oras, may kumatok na sa pinto ng kuwarto namin kaya agad na tumayo si Dithri para pagbuksan 'yong delivery boy.
Pagkabukas niya ng pinto ay agad siyang lumingon sa 'kin.
Ah, oo nga pala na sa 'kin pa 'yong pambayad.
Agad kong kinuha ang saklay ko na nakasandal sa gilid ng upuan ko saka ako tumayo para iabot kay Dithri 'yong pera. Pero agad akong natigilan nang makita ko si Gonz na nasa harapan ng pinto namin.
"Nasa'n na ba 'yong delivery boy? My God. Abangan ko nga sa baba, para 'di na siya umakyat," pilit na ngiting sabi ni Dith saka niya 'ko marahang kinurot sa bewang bago siya nagmadaling lumabas ng kuwarto.
What the hell? Iniwan niya talaga ako dito!
Walang gana kong tiningnan si Gonz. "Ba't ka nandito?"
"I called you a hundred times already but you weren't answering, Ra. Isang linggo mo na akong hindi kinakausap. 'Di rin naman kita mapuntahan agad rito kasi busy ako buong week na 'to," paliwanag niya at saka siya nagpakawala ng malalim na hininga.
"Busy ka pala eh, bakit ka nandito? Bumalik ka na do'n, Gonz. Baka hinahanap ka na nila," seryosong sabi ko at akmang isasara na 'yong pinto pero agad niya akong pinigilan.
"Ra, talk to me, please."
"We're already talking," tipid kong sagot. "Madami pa akong gagawin, Gonz. Wala akong oras sa 'yo. Next time na lang," pagmamatigas ko at saka ko tuluyang isinara 'yong pinto.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top