Chapter 26: The call
CHAPTER TWENTY-SIX
The call
"FRIES or pizza?" Trev asked me as he entered my room.
"Both," walang gana kong sabi.
"Alright. Ano pang gusto mo?"
I turned my chair around to face him. "Burger and iced coffee, please."
Bigla siyang tumawa saka tumango-tango at lumabas na ulit ng kuwarto ko.
No'ng datnan niya kami ni Bell kanina sa gano'ng sitwasyon, hindi na nagtanong sa 'kin si Trev tungkol sa 'min ni Bell. Pinaalis niya lang nang mahinahon si Bell saka siya nag-ayos ng mga gamit niya sa kuwarto.
Alam kong sinabi na ni Feem sa kanya 'yong tungkol sa nangyari sa 'min ni Bell. Hinihintay kong kausapin ako ng kambal ko tungkol doon dahil alam kong gusto niyang pag-usapan namin ang bagay na 'yon. But knowing my twin, he's just bottling up his anger deep inside him. Alam kong gusto niya akong pagalitan, sigawan, at pagsabihan, pero mas pinili niyang 'wag mangialam.
Nanood lang ako sa phone ko habang hinihintay 'yong pagkain. Hindi ko alam bakit zombie apocalypse ang pinapanood ko. Dagdag stress lang 'to eh.
Makalipas ang kalahating oras, pumasok na ulit si Trev sa kuwarto ko dala-dala 'yong mga pagkain. Nilapag niya 'yon sa side table ko saka siya umupo sa kama ko at nagsimulang kumain.
Binuksan niya 'yong tv kaya pinatay ko na 'yong pinapanood ko sa phone ko at nanood na lang din no'ng pinapanood niya.
Variety show 'yong pinlay niya doon sa tv kaya maya't maya kaming tumatawa.
Pinagmasdan ko ang kambal ko habang abala siyang manood. Sana ganito na lang lagi. Sana ganito na lang kasimple lahat ng bagay.
Sana palagi na lang akong masaya.
No'ng mahuli niya akong nakatingin sa kanya ay tipid siyang ngumiti.
"I'm sorry about you and Bell," he said, trying his best to stay calm. "But I'm not sorry for what I did earlier. You didn't deserve to be disrespected like that."
Nodding my head, I suddenly looked away to avoid his eyes.
Please, Ra. Don't cry in front of your twin.
"Feem told you?" I suddenly asked, pursing my lips as I was holding back my tears.
"Yeah."
"Why haven't you said anything to me?"
He stayed silent for a moment, but then he said "People make mistakes, Ra. But the story doesn't end there."
I sniffed. Ugh. I can't hold back my tears anymore. I just cried like a kid in front of him. He's Trevor Keen. Of course, he'd say that.
He's the nicest person I've ever known. Pinakamapagbigay, pinakamalawak ang pag-unawa, pinakamapagpasensya, at higit sa lahat, marunong magpatawad.
"Have you talked to Gonz about what happened?" I asked the moment I've managed to stop crying.
"Not yet. Just . . . not now."
See? He's trying to figure things out first before doing anything. My twin's just too perfect. Who wouldn't fall for someone like him?
"Am I too cruel to Gonz for ending our friendship just like that?" My voice tightened. I know, this is weird; talking to my twin about stuff like this. But he's the only person I could talk to right now.
I couldn't even talk to Feem. I didn't want to remind her about the past, though hers was a different story.
"Don't let that one mistake take away your dreams, Ra. You have a brighter future that's waiting for you."
Sinubukan niya akong kumbinsihin na bumalik sa De Grande, at sa huli ay nakumbinsi niya naman ako.
Kahit gaano ako kadesidido sa isang bagay, madalas talaga ay mahalaga sa 'kin ang desisyon ng kambal ko.
***
WE won against nine universities.
Wala pa kaming talo kahit isa. At kung noon, hindi kilala ang De Grande University sa kahit na anong sports, ngayon ay sikat na ang De Grande.
Palaging laman ng newspaper at social media ang De Grande University at tuluyan nang nakilala ang mga volleyball players nito.
Popularity and recognition may have been the miracle in their lives, but to me, being able to play volleyball was simply the miracle.
Who could have thought that after rupturing my ACL, I'd still be able to play like this?
"Nice, Ra!" Bakas sa mukha ni Feem ang saya nang yakapin niya ako.
Ang sarap lang talaga sa pakiramdam kasi parang dati, sa Belle Ville lang kami kilala. Pero ngayon, halos iba't ibang University mula sa iba't ibang lugar ay humahanga na sa 'min dahil sa volleyball.
Kinagabihan, may team dinner kami sa bahay ng Dean namin. Oo, in-invite talaga kami ng Dean kasi kahit siya, tuwang tuwa at nagpapasalamat sa 'min dahil noon sobrang minamaliit lang ng lahat ang De Grande University, pero ngayon ay halos araw-araw may dumadayo sa University namin.
Grateful din talaga kami na nabigyan namin ng pangalan ang DGU sa napakaraming lugar.
Napalingon ako kay Gonz na kagagaling lang ng CR. Inagaw ni Chester 'yong puwesto niya doon sa kabilang dulo kaya napakamot siya sa ulo. Ang tanging bakante na lang kasi ay 'yong upuan sa tapat ko.
Napunta sa mukha niya ang atensyon ko. May sugat siya sa labi at may pasa rin siya malapit sa mata niya. Napakunot ang noo ko.
"Napa'no ka?"
Ugh. That slipped from my mouth uncontrollably. Nakalimutan kong hindi na nga pala kami nagkakausap.
He just smiled and sat on the vacant chair in front of me. "You don't have to worry."
Lalo akong natahimik dahil sa sinabi niya. Oo nga pala. Ako 'tong tumapos ng pagkakaibigan namin kaya wala akong karapatang mag-alala sa kanya.
Hindi na lang ako umimik at ibinalik ko sa mga kasama namin ang atensyon ko. Nagkuwentuhan lang kami tungkol sa mga nangyari nitong mga nakaraang laban namin.
Sa kalagitnaan ng pagkukuwentuhan namin habang kumakain, napatingin ako sa phone ko nang bigla itong mag-ring.
Para bang huminto ang ingay sa paligid ko nang makita ko ang pangalan niya sa phone ko.
Tanging kabog lang ng dibdib ko ang naririnig ko.
Nagdalawang isip ako kung sasagutin ko ba ang tawag niya, pero ayaw ko namang masamain niya kapag ginawa ko 'yon kaya wala akong nagawa kundi ang sagutin siya.
No'ng sagutin ko ang tawag niya ay nanatili lang akong tahimik.
Hinihintay ko siyang magsalita pero lumipas na ang ilang minuto ay hindi pa rin siya umiimik.
Napabuntonghininga ako.
I was about to end the call but I halted when I've finally heard his voice.
"I'm outside your dorm."
Nang sabihin niya iyon ay kusa kong nabitawan ang kutsara na hawak ko.
He's here in De Grande?
Pilit kong itinago ang gulat at kaba sa boses ko. "Feem's here beside me, do you want to talk to her?" I tried to change the topic. Baka si Feem lang din kasi talaga ang pakay niya.
"Can we talk?" tanong niya.
"Sure. I'll hand her my phone, just a sec—"
"No. I mean you. Can we talk?"
Ano pa bang gusto niyang pag-usapan namin?
Nandito ba siya para ipaalala ulit 'yong mga maling nagawa ko?
Nandito ba siya para isampal ulit sa mukha ko 'yong naging kasalanan ko?
"Go home, Bell. We have nothing to talk about," madiin kong sabi.
I heard him sigh. "Please . . ."
Natahimik ako.
He wouldn't say that word if it's not really important, right?
Hesitation was holding me back, but I couldn't fool myself any longer.
I still want to see him, and that's the truth.
And if he drove all the way from Vera to De Grande at this hour just to talk to me, there's no point of saying no to him, right?
Letting out a deep sigh, I slowly nodded.
"Alright. I'll be there."
_____
Facebook: Tiana Vianne Isidoro
Twitter: TianaVianne
Instagram: christianavianne
FB Group: TianaVianne's Readers
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top