Chapter 25: Painful words
This chapter is dedicated to Ms_Absofcknltly
____
CHAPTER TWENTY-FIVE
Painful words
"'WAG mo ipako 'yong paa mo. Galaw-galaw. Tapos receive ka nang maayos. Kasi 'pag pangit 'yong receive mo, mahihirapan 'yong setter tapos papalya 'yong spiker," paalala ni Feem kay Arra.
I felt proud while I was watching her. That's our captain.
Second year pa lang kami dito sa De Grande pero si Feem agad ang selected captain. Kahit noong high school kami, Grade 8 pa lang kami siya rin agad 'yong selected captain for the team. Gano'n siya kahusay. Siya 'yong utak ng team namin.
Pagkatapos ng training namin, dumiretso na kami sa shower room.
"Lasing na naman si Gonz kagabi ah. Pinagalitan ni Coach kanina, puro sablay mga tira niya eh," rinig kong sabi no'ng ka-team namin na nag-uusap habang naliligo.
Kunotnoo kong binuksan 'yong locker ko at kumuha ng damit para magpalit.
Ano na naman bang nangyari kay Gonz?
Pagkatapos kong magbihis ay nagbihis na rin si Feem.
"Nakakausap mo ba si Gonz?" tanong ko sa kanya.
"Minsan. Bakit?"
Umiling ako at bumuntonghininga. Nag-aalala ako sa kanya. Hindi na kasi kami nagkakausap ilang buwan na.
"May dinner nga pala kami mamaya. Birthday ni Mama kaya pupunta sila dito sa De Grande. She's inviting you and Trev to join us. She's actually inviting Gonz too, pero no'ng inaya ko si Gonz tinanggihan niya ako, may lakad daw siya."
Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Malamang ay kasama si Bell at hindi magandang ideya kung sasama rin ako.
"'Di makakapunta si Bell. Busy raw," biglang sabi ni Feem na para bang nababasa niya ang nasa isip ko.
Tumango ako. "Okay sige, sasama ako."
Kinagabihan, nag-ayos na kami ni Feem. Nagsuot lang kami ng simpleng Sunday dress for dinner. Sa eleganteng restaurant kasi kami iniimbitahan ng family ni Feem. Ayaw naman namin magsuot ng magarbo. Gusto namin 'yong komportable kami.
Pagkadating namin sa Niva Grande La Cesa, isa sa mga sikat na fancy restaurant dito sa De Grande town, nakita na agad namin ang parents ni Feem kaya dumiretso kami papunta sa kanila saka humalik sa pisngi nila.
Magkatabi kami ni Trev sa mesa habang nasa kanan niya naman si Feem. Katapat ni Feem ang stepfather niya at katapat naman ni Trev ang Nanay ni Feem.
Napatingin ako sa harapan ko nang mapagtanto kong bakante ang tapat ko.
Hindi nga pala makakapunta si Bell kaya bakante 'yong isa.
"Nasaan si Gonz?" nagtatakang tanong ni Tita.
Dumating na agad sa mesa namin ang mga pagkain.
"May lakad po sila no'ng Coach namin, Tita," sagot ni Trev kaya tumango-tango si Tita Zi.
Zi ang nickname niya kaya gano'n ang tawag sa kanya ng halos lahat.
"How's your experience in De Grande, Rara?" Tito Anthony suddenly asked, slicing a portion from the country styled ribs.
Umayos ako ng upo. "De Grande is more peaceful than Vera, Tito. De Grande is actually a lot like Belle Ville. It feels like home," kuwento ko. Siguro dahil na rin kasama ko sina Feem dito kaya mas okay sa 'kin ang experience ko dito sa De Grande kumpara sa Vera.
Tumango-tango si Tito Anthony. He's the step-dad of Feem and the biological father of Bell. Their family tree is really complicated if you don't know the whole story, but all I can say is; they're all good people and they work well as a family.
"Oh. He's here," Tita Zi said, her eyes aimed behind my back.
I was about to take a bite on my Salisbury Steak but I halted when Bellamy suddenly appeared in front of me, with Crissia.
"Hey. You're here," nakangiting bati ni Feem kay Crissia kaya natigilan ako. Magkakilala sila?
Napangiti rin si Crissia nang makita niya si Feem saka siya humalik sa pisngi ni Feem bago umupo sa tapat ko.
Napatingin ako kay Bell nang umupo siya sa kabilang dulo ng mesa, sa bandang tabi ko.
"So . . . you guys really broke up," my twin whispered to my ear, making my eyes widened.
He knows?
How?
When?
Why did he not say anything to me?
Hindi ako umimik.
Nagpabalik-balik ang tingin ko kina Feem at Crissia kaya nagtataka akong tumingin ulit kay Feem. "What?" she mouthed when she noticed that I was glaring at her.
Inis kong kinuha ang phone ko saka ako nag-send sa kanya ng message.
How the hell did you know her?
Binaling ko ulit kay Feem ang tingin ko at nagtataka niya akong tiningnan.
Who? Crissia?
Yes! How did you know her? How did you know each other?!
"Sinong ka-text mo, Ra?" tanong sa 'kin ni Trev kaya bigla kong itinago ang phone ko sa likuran ko.
Napatingin sa 'kin si Bell pati si Crissia pero ngumiti lang si Crissia at umiwas ng tingin.
Bell's eyes were still on me.
Why was he staring at me? Did I have a dirt on my face?
Nang mapagtanto niyang nakatingin ako sa kanya ay inalis niya ang tingin niya sa 'kin at nakipagkuwentuhan na kila Tito Anthony.
Muli kong tiningnan ang phone ko at natigilan ako nang mabasa ko ang reply ni Feem.
Bell introduced her to me when I visited him last summer in Vera. She's a good friend and she's been always with him because they both got the highest rank among their class. Their professors always prefer them to do their tasks as a pair. I thought you knew that's why I had never told you.
Halos manghina ako nang malaman ko 'yon.
Mabilis kong ibinulsa ulit ang phone ko at nanatiling tahimik buong oras.
Hindi ko alam kung ano ba dapat ang maramdaman ko.
Naguguluhan ako.
Hindi ko sila maintindihan
Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko.
Hindi ko maiwasang pagmasdan sina Bell at Crissia.
Para bang may sementong lumapag sa dibdib ko. Sobrang bigat ng pakiramdam ko habang pinagmamasdan sila.
Bakit siya isinama ni Bell dito? Ganoon na ba talaga siya kaespesyal kay Bell para isama siya sa birthday ni Tita?
"Makakauwi ka ba this weekend, Bell?" tanong ni tita Zi kay Bell pero agad na ngumiti nang tipid si Bell.
"Sorry, mom. I can't. I'll be staying sa bahay nila Crissia this weekend. May medical mission kasi malapit sa village nila. Pinadala ako ng Vera University para tumulong. Kasama ko 'yong mga higher year saka 'yong ibang med students na."
Napayuko ako.
Parang ayaw ko na lang marinig 'yong usapan nila.
Ayaw ko nang malaman kung anong mga lakad ni Bell.
Ayaw ko nang malaman kung gaano niya kadalas kasama si Crissia.
***
PADABOG kong sinara ang locker ko.
Mali-mali ang naipasa ko kanina sa prof ko sa sobrang lutang ko. Napagalitan tuloy ako at hindi niya tinanggap 'yong pinasa ko.
Wala sa sarili akong naglakad sa hallway.
Hindi mawala sa isip ko sina Bell at Crissia. Para bang binibiyak sa dalawa ang puso ko tuwing maaalala ko kung paano siya pakisamahan ni Bell.
Walang naging kaibigan na babae si Bell bukod sa 'kin. Si Crissia lang. He dated a lot of girls, and he has a lot of guy friends, but the way he treated Crissia? He was never like that to any of them. There was something special between him and Crissia and I can't figure it out.
Why am I even trying to figure it out? It's none of my business. He's not my Bell anymore.
I shook my head to clear my thoughts.
Habang naglalakad ako papunta ng dorm ko, natigilan ako nang may humintong sasakyan sa harapan ko.
Napabuntonghininga ako no'ng makita ko kung sino.
"Hop in, Ra," Gonz said, flashing me a smile.
"No. I won't go anywhere with you."
Nagpatuloy muli ako sa paglalakad at iniwasan ang sasakyan niya pero muli siyang humarang sa harapan ko.
He let out a deep sigh. "Of course, you don't trust me anymore."
Natigilan ako sa sinabi niya.
I really miss him already, but I know there's an existing line between us now.
There's a boundary between us that I should never cross again.
"I know you're having a bad day, Ra. I can see it through your face."
Tipid akong napangiti at napabuntonghininga.
Napatingin ako sa kanya at napailing na lang.
He knows me really well.
In the end, sumakay na ako sa sasakyan niya. Tahimik lang kaming dalawa no'ng una, pero nang i-play niya 'yong mga paborito naming kanta, magkasabay kaming napakanta.
Binuksan ko ang bintana at saka ko bahagyang inilabas ang kamay ko para maramdaman 'yong malakas na hangin.
"You're finally smiling again," he suddenly said.
I threw him a sideways glance and flashed him a genuine smile. "Thank you for sticking around, Gonz."
Ngumiti lang siya at tumango. He's always been my hero. Mula noong bata pa kami, hanggang ngayon.
"Where are we going?" tanong ko sa kanya dahil nakalabas na kami ng De Grande town.
"Belle Ville."
Nang marinig ko iyon ay para bang nawala bigla 'yong bigat sa dibdib ko.
It really feels different when you know you're going to your hometown. Iba 'yong saya. Iba 'yong ginhawa. Para bang gusto mo na lang magpahinga. Para bang ayaw mo nang bumalik sa reyalidad. Para bang ayaw mo na lang umalis ulit.
Pagkadating namin sa Belle Ville, una naming pinuntahan ni Gonz ay 'yong campus namin no'ng high school kami. Binisita namin ang mga dati naming instructors at mga mas batang teammates namin. Bakas sa mukha ni Coach Zavardo ang tuwa nang makita niya kami ni Gonz. Hindi niya inaasahan ang pagdalaw namin pero pagkakitang pagkakita niya sa 'min ay inaya niya agad kaming lumaro.
Hindi rin naman kami tumanggi ay Coach Zavardo dahil unang-una, gusto rin talaga namin maglaro.
Naglaro lang kami buong hapon at ibinuhos ko ang buong lakas ko hanggang sa mapagod ako.
Gusto kong makaramdam ng sobrang pagod hanggang sa wala na akong maramdaman.
Nang manghina na ang katawan ko ay napahiga na lang ako sa court at ipinikit ang mga mata ko.
Gustong-gusto kong itama lahat ng maling nagawa ko pero huli na ang lahat.
Ang dami kong gustong baguhin, pero hindi ko magawa.
Naramdaman ko ang pag-init ng mga mata ko at kusang kumalawa ang mga luha ko.
No'ng muli kong imulat ang mga mata ko ay wala ng tao sa court bukod kay Gonz na nakaupo sa bleachers habang nakatitig sa 'kin.
Tipid akong ngumiti saka tumayo. Akmang lalakad na ako papalapit sa kanya pero napahinto ako nang bigla niya akong batuhin ng bola.
"Siraulo ka, Gonz," bigla kong sabi.
Bumungisngis siya no'ng makita niya ang reaksyon ko.
Irita akong lumapit sa kanya saka siya hinampas sa braso pero mas tumawa lang siya kaya hinampas ko ulit siya.
Hahampasin ko pa sana siya ulit pero bigla niya akong niyakap kaya natigilan ako.
Gusto ko siyang itulak palayo pero mas hinigpitan niya ang pagkakayakap niya sa 'kin.
"Gonz, bitawan mo 'ko."
Pilit kong inaalis ang pagkakayakp niya sa 'kin pero kusa akong napatigil sa paggalaw no'ng maramdaman kong basa na ang bandang balikat ko.
Nanghina ako nang mapagtanto kong umiiyak ang kaibigan ko dahil sa 'kin.
Alam kong mabigat ang loob niya dahil hindi na namin maibabalik sa dati ang pinagsamahan namin. Malinaw 'yon sa kanya. Nilinaw ko 'yon sa kanya.
Ayaw niya akong bitawan ngayon dahil alam niyang kailangan ko nang magdesisyon para sa 'ming dalawa.
Alam kong magiging mahirap 'to para sa 'ming dalawa, pero isa sa 'min ang kailangan nang lumayo at umiwas.
"You don't have to leave me, Ra. We can still be friends, right? Can you do that for me? P-Please." His voice cracked.
"I don't want to lose you, Ra," dagdag pa niya kaya sunod-sunod na tumulo ang mga luha ko.
Hindi ko akalaing malalagay kami sa ganitong sitwasyon.
I wiped my tears off my cheek. "I don't want to lose you too, Gonz."
There was silence for a second.
"But we need to lose each other in order to save our friendship. That's the healthiest thing to do," desididong sabi ko.
Marahan kong inalis ang pagkakayakap niya sa 'kin saka ko pinunasan ang luha niya at tinitigan siya sa mga mata.
"'Pag pinalampas natin 'yong maling nagawa natin, baka mas malala pa 'yong magawa natin sa susunod. At ayaw kong mangyari 'yon. Ayaw kong dumating 'yong araw na mas masira pa natin 'yong pagkakaibigan natin at kamuhian natin ang isa't isa," kalmadong sabi ko saka ako tipid na ngumiti.
"I love you so much, and I'm really sorry for everything that happened," sinsero kong sabi saka.
Niyakap ko siya sa huling pagkakataon.
"I'm taking a break, Gonz. You can go back to De Grande without me."
***
"RA. 'Di ka pa ba babalik sa De Grande? Two days ka nang hindi lumalabas ng kuwarto mo. Hindi ka pa kumakain. Ano ba talagang nangyari?" nag-aalalang tanong ni Mommy.
Hindi ako umimik at nagtakip lang ng unan sa mukha ko para hindi niya mapansin ang pamamaga ng mga mata ko.
Nang mapagod siya sa pangungulit sa 'kin ay nagpaalam na sila ni Daddy na aalis muna para pumasok sa trabaho. Hindi ako nagsalita at hinintay ko na lang silang makaalis ng bahay bago ako bumaba ng kusina para kumain. Hindi ko na rin kasi talaga kaya 'yong gutom ko.
Sadyang pinalipas ko ang buong araw na wala akong ginawa kundi manood lang sa sala.
Pagtingin ko sa orasan ay 5PM na pala. Hindi pa ako naliligo mula kagabi. Ewan ko ba, tamad na tamad akong kumilos. Gusto ko na lang matulog ulit.
Aakyat na sana ako sa taas para matulog ulit sa kuwarto ko pero biglang tumunog 'yong doorbell.
Napakamot ako sa ulo ko.
Ano na naman kayang package ang dumating para kay Mommy? Palagi kasing may dumarating na package para sa kanya.
No'ng tumunog ulit 'yong doorbell ay nagmadali na akong maglakad palabas.
Natigilan ako no'ng bumungad sa 'kin si Bell pagkabukas ko ng gate.
Hindi ako makapaniwalang nasa harap ko siya ngayon.
Gustuhin ko mang magtanong kung bakit siya nandito, walang salitang lumalabas sa bibig ko.
Ramdam ko ang pamumuo muli ng luha ko pero pinigilan ko ang pagtulo nito.
"I shouldn't be here, but my sister won't stop pestering the hell out of me."
Hindi pa rin ako nagsalita.
Hindi ko pa rin maintindihan kung bakit nandito siya ngayon sa harapan ko.
"You need to go back in De Grande, Rara. Your game will start tomorrow. Pinaghirapan mo 'yon. Why are throwing it away? Why are you still here?"
Puwede ko ba siyang yakapin? Kahit saglit lang . . .
"Really, Ra? Hindi mo talaga ako kakausapin?"
Puwede ba akong magmakaawa sa kanya na balikan ako?
"Hey. Are you listening? I need to bring you to my sister."
I finally broke out of trance.
Napakagat ako sa labi ko at umiwas ng tingin.
"I'm not going," tipid kong sagot.
Ikinabigla ko no'ng hilahin niya ako papasok sa loob ng bahay namin.
"Why? You don't want to see Zavardo?" he questioned sarcastically.
"You guys had sex. You should be more comfortable with each other now."
No'ng sabihin niya iyon ay naramdaman ko ang biglaang pagsikip ng dibdib ko.
Bakit ang sakit pakinggan kahit sinabi niya lang naman 'yong totoo?
"Let me bring you back to De Grande so I could live a f*ckin' peaceful life in Vera," galit na saad niya saka siya padabog na umupo sa sofa.
He couldn't hide his annoyance and anger. It's clearly written on his face.
"We broke up, Ra. Can't I just live my life without you? Why does everybody want me to reconnect with someone like you?" hindi makapaniwalang sabi niya saka siya tumawa.
"U-Umalis ka na, Bell," tanging lumabas mula sa bibig ko.
Hindi ko na kayang marinig lahat ng lumalabas mula sa bibig niya.
Alam kong wala akong karapatang masaktan pero hindi ko mapigilan ang sarili kong makaramdam ng bigat at sama ng loob.
"Maybe I should've brought Zavardo with me. You guys can have sex in front of me all day, I don't give a f*—" I slapped him hard on his face, cutting him off.
And there I could no longer hold back.
Sobra na siya.
"Go away, Bell. Just go away!" umiiyak na sigaw ko at pilit ko siyang hinila patayo para palabasin ng bahay namin pero bigla akong nawalan ng balanse kaya napaupo ako sa sahig.
Walang tigil akong umiyak.
"I—I know what I did was wrong, Bell. But I don't deserve to be treated like this. No one deserves to be disrespected like this. Not like this." My voice was shaking.
I feel like I am being stabbed by his words.
I couldn't believe he said those words to me.
How could he say that?
How could he judge me like that?
It was just a one mistake. Sino siya para husgahan ang buong pagkatao ko?
"You should go, Bell," a voice behind me interrupted.
Nang linungin ko kung sino 'yong nagsalita ay natigilan ako nang makita ko si Trev na nakatayo sa harapan ng pinto at seryosong nakatingin kay Bell.
___
Tiana:
Follow me on Twitter --> TianaVianne
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top