Chapter 17: Creos cousins
CHAPTER SEVENTEEN
Creos cousins
"GOOD morning," bati ko sa kanila pagdating ko sa dining area.
Bakit ang kaunti yata ng tao? Sina Adheb, Tech, Vizcell, Denver, Feem, Bell at parents nila Bell at Feem lang ang kumakain ngayon sa mesa. Wala yata 'yong mga babaeng pinsan ni Bell saka 'yong mga Tito at Tita niya wala rin.
"We're having lunch, love. This isn't breakfast." Bell chuckled, tapping the vacant chair beside him so I could sit.
Napapikit ako bigla dahil sa sobrang hiya sa kanilang lahat. Grabe. Tanghali na pala tapos kung makapag-good morning ako. Ugh.
Marahan akong umupo sa tabi ni Bell at wala sa sariling tumitig kay Feem. Bakit kasi 'di ako ginising ng babaeng 'to? Kaibigan ko ba talaga siya?
Napunta kay Bell bigla ang atensyon ko nang lagyan niya ng pagkain ang plato ko. Nilagyan niya rin ako ng soup sa separate bowl.
"Coffee?" alok niya. Nahiya akong um-oo kasi lunch na tapos magkakape pa ako.
"It's alright, Ra. I'm also having coffee every lunch," Tech said when he noticed my hesitation.
"Wait. Why are you so nice to Rara, Bell? As far as I could remember, you don't like her for Denver," Tech added, making everyone's eyes shift to me.
Oh. Great.
This is awkward . . . and embarrassing.
I dated Denver in the past, and now I'm dating Bell. They should not know about me and Bell. I'm afraid they might judge me.
Ako na sana 'yong sasagot sa tanong ni Tech pero hinawakan ni Bell bigla ang kamay kong nakapatong sa ibabaw ng mesa.
Nanlalaking mata ko siyang tiningnan at sinenyasan ko siyang bitawan ako pero mas hinigpitan pa niya ang pagkakahawak sa 'kin.
"Move on, Tech. Stop mentioning Denver's name. Rara's mine now."
Bakas sa mukha nilang lahat ang pagkagulat. Pero sina Denver at Feem, tuloy-tuloy lang sa pagkain.
Napakagat ako sa labi ko dahil sa sobrang kaba. Lahat kasi ng mata nila, nasa akin.
Hindi ko alam kung ano'ng sasabihin ko. Pinagpapawisan tuloy ako sa sobrang kaba ko.
"Hey, don't be nervous, Rara. I'm just asking. I'm not going to eat you," Tech said, making it more awkward for me. It's not nice hearing the word 'eat' from a womanizer like him. He's honestly the worse version of Bell, by the way.
"I wasn't informed that your standard for girls became that low, Bell. How could you date your cousin's ex?" Tech scoffed, laughing while shaking his head.
Padabog na binagsak ni Denver 'yong kutsara at tinidor niya sa plato niya. Umigting ang panga niya. "Shut up, Tech. What the hell's wrong with you?" madiin na sabi ni Denver. "Do you really have to say that?" dagdag pa niya. He's obviously irritated with Tech's behavior.
But Tech ignored him.
"Who's your next target, Ra? You can come to me when you and Bell break up. I'm also a Creos so I thin—"
"F*ck you, Tech," galit na sabi ni Bell kasabay ng biglaang pagtayo niya.
"Bell—honey, calm down. Okay?" Bell's mom finally said something when Bell was about to grab Tech's collar out of anger.
Hindi ako makagalaw o makapagsalita dahil sa sinabi ni Tech. I didn't really expect that he'd say that to me of all people. Tech and I used to be close. Not exactly that close, but he used to root for me and Denver. He wasn't fond of Feem when she was dating Denver.
"Tech, I think you should go now. You don't have the right to disrespect my son's girlfriend in front of us," Bell's Dad suddenly spoke in an authoritative voice.
"I think I should be the one to go, Tito. I'm sorry for ruining your Christmas," I finally found my voice to speak, bowing my head to show my deepest sincerity.
I was ready to stand up but Feem's Mom stood up and called my name.
"I'm sorry for Tech's behavior, ija. I promise you, this won't happen again. Please, come visit us here whenever you want," she said, flashing me a genuine smile.
It's really heartwarming to know that they're still being nice to me.
"Thank you po, Tita. I will."
"Give her a ride, Bell," Bell's Dad said, flashing me another warm smile.
Gumaan ang loob ko dahil sa parents nina Bell at Feem. Bakas sa mga mukha nila na hindi rin sila natuwa sa inasal ni Tech.
Buong biyahe, hindi kami nag-usap ni Bell. Mainit pa rin kasi ang ulo niya kaya hinahayaan ko na muna siyang kumalma.
Pagkadating namin sa harap ng bahay namin, hindi pa rin lumilingon sa 'kin si Bell. Nagsisimula na akong magtaka. Galit ba siya sa 'kin? Bakit hindi niya pa rin ako pinapansin ngayong lalabas na ako ng sasakyan niya?
"I'm not mad at you, Keen. I just . . . don't know how to talk to you. I'm really embarrassed for the things that came out from Tech's mouth. He disrespected you. And I couldn't even punch him on his face because I didn't want to disrespect my Mom and Dad too." He paused, his eyes are now on me. "I'm really sorry." He said all that like he's really capable of reading my mind.
I cupped his face and flashed him a reassuring smile. "You don't have to apologize. You did the right thing when you decided not to punch him, Bell."
***
"TREV! Saan mo na naman nilagay mga underwear ko?!" reklamo ko. Kapag kasi siya 'yong nagtutupi ng mga damit, napupunta lagi kay Mommy 'yong mga damit ko.
"Hanapin mo, Ra. Malaki ka na," tinatamad na sagot niya habang nililinis niya 'yong Wrangler niya. Nakakairita talaga 'tong kambal ko kahit kailan.
"Saan mo na kasi nilagay?! Dali na! May date kami ni Bell!"
"Wag ka na mag-underwear, Ra. Matutuwa pa 'yon," pang-aasar niya saka siya humalakhak. What the hell?
"Joke lang. Mag-jacket ka saka pants. 'Wag ka magsuot ng maikli," biglang seryoso niyang sabi kaya napangiwi ako. Hindi ko talaga maintindihan ugali nitong kambal ko.
"Nagpaalam ka na ba kila Dad? Aga mo namang aalis? 5AM pa lang ah?" tanong ni Trev sabay abot sa 'kin ng mga underwear ko.
"Hindi pa nila alam na may boyfriend na ulit ako. Mamaya ko na sabihin pag-uwi ko."
Wala na rin namang nagawa si Trev kundi hayaan ako.
Maya-maya lang ay sinundo na ako ni Bell. Gusto pa niya sanang pumasok sa bahay namin para bumati sa mga magulang ko pero pinigilan ko muna siya kasi tulog pa sila.
"I bought us a ticket."
"Huh? Ticket para sa'n?" nagtatakang tanong ko.
"Belle Ville Hot Air Balloon and Music Festival."
"Ah. Kaya pala maaga mo 'kong sinundo. Kagabi pa 'ko nagtataka bakit kako ang aga naman ng date natin."
Natawa siya at napangiti habang nagmamaneho.
Every last week of December, laging may Balloon and Music Fest ang Belle Ville. Three days lagi ang event na 'yon. Hindi pa 'ko um-aattend do'n kahit kailan kahit na taga dito ako sa Belle Ville.
"Lagi kang um-aattend do'n?" tanong ko.
"Yeah. Every year."
"Seryoso? Sinong kasama mo?"
"Ako lang."
''Di nga? Ba't ikaw lang?"
"Sabi ko dati sa sarili ko, 'yong unang babaeng isasama ko do'n, gusto ko 'yong mahal ko."
Natahimik ako bigla at napatitig lang sa kanya habang nasa daan lang ang tingin niya.
Napakagat ako sa labi ko at nagpigil ng kilig.
"Duh. Puwede mo namang isama friends mo!" pag-iiba ko ng ihip ng hangin.
"Nah. I prefer attending hot air balloon and music festival alone."
Tumango ako at napaisip.
When was the last time I had fun being alone?
"Bakit sa Belle Ville ka pa pumupunta para sa gano'ng event? Meron din naman sa Realgorez no'n."
"My friends are in Realgorez, Keen. I'll probably see them and end up hanging out with them."
"Isn't that a good thing?"
Napaangat ang isa niyang kilay.
"Here's the thing, Keen. I have a lot of friends. I am always with them and we're always having fun together. And that's a good thing. But sometimes, you have to spend time with yourself alone. You have to check if your heart is okay, if your mind is okay, if your soul is okay. Because at the end of the day, all you have is yourself."
Napatitig ako nang matagal sa kanya.
I don't know why, but hearing him say those things makes me fall for him more and more.
Pagkadating namin sa venue, namangha agad ako. Medyo madami na agad ang tao kahit 6:30AM pa lang.
Napakalawak ng grass field tapos may malaking stage sa gitna. Madami ring bilihan ng pagkain sa paligid tapos sa left side, may mga nakaharang na malalaking railings kasi doon nakalatag 'yong mga hot air balloon na itatayo at papaliparin mamaya.
"Ang ganda," nakangiting sabi ko habang nakatitig lang sa paligid.
"Mas maganda pa 'yan mamaya 'pag nakatayo na mga hot air balloon."
"Excited na 'ko," nakangiting sabi ko.
Napangiti rin siya at hinawakan ang kamay ko.
"Breakfast muna tayo," aya niya sa 'kin at tumango naman agad ako.
Dinala niya ako doon sa food park sa right side tapos tinanong niya lang ako kung anong gusto kong kainin saka niya ako pinaupo doon sa bakanteng puwesto.
Umalis siya saglit para bumili ng pagkain namin at napangiti na lang ako habang pinapanood siya.
Grabe, napakalamig ng ganitong oras. Ramdam ko 'yong pagkapit ng hangin sa katawan ko. Bakit nga ba kasi nag-crop top ako tapos white shorts? Dapat pala sinunod ko 'yong sinabi ni Trev na 'wag akong magsuot ng maikli.
Maya-maya lang ay dumating na si Bell dala-dala ang pagkain namin.
Sabay kaming kumain at nagkuwentuhan tungkol sa experience niya sa volleyball team ng Vera. Ibang-iba raw talaga 'yong student-athlete life niya no'ng high school saka 'yong studet-athlete life niya ngayong college. Mas bumigat daw talaga responsibilities niya ngayong college.
Nakakatuwa lang kasi nagkukuwento siya sa 'kin ng mga gano'ng bagay. Nakikita ko 'yong progress sa 'ming dalawa. Dati kasi puro lang kami asaran at pikunan. Pero ngayon, nakakapag-usap na kami tungkol sa mga karanasan namin sa buhay.
To be honest, ever since Denver and I broke up, I've been scared of getting into a relationship again. I didn't want to get to know some other guy again and end up parting ways too. It's exhausting.
Then I met Bell in Vera University. I started wanting to know more about him. I wanted to see parts of him that I've never seen before.
Isn't it funny? I've known him since I was thirteen pero ngayon lang ako na-inlove sa kanya.
It took me years to finally appreciate him as a person.
It took me years to finally see him as a man.
Pagpatak ng 7:00AM, sinindihan na 'yong mga hot air balloon kaya nagsitayuan na ang mga iyon.
Namangha talaga ako sa sobrang laki nila.
Napatingin ako kay Bell nang bigla niyang kausapin 'yong babae sa likuran namin. Sa lakas ng tugtog ng music ay hindi ko naintindihan 'yong sinabi sa kanya ni Bell. Nakita ko na lang si Bell na inabot ang phone niya doon sa babae at saka siya naglakad pabalik sa 'kin.
I was about to say something but he suddenly wrapped his arm around my shoulder.
"Smile, Keen."
Pagkatingin ko doon sa babaeng nasa harapan namin na may hawak ng phone ni Bell, bumilang siya ng tatlo at saka ako ngumiti.
"Hala bagay kayo!" namamanghang sabi pa no'ng babae. "Isa pa!" dagdag pa niya kaya natawa nang mahina si Bell at inilipat ang kamay niya sa bewang ko.
"One . . . Two . . . Three, smile!"
Halos manghina ako nang maramdaman ko ang biglaang pagdampi ng labi ni Bell sa pisngi ko.
"Ang cute! Kuya ang sweet mo naman po sa girlfriend mo!" komento no'ng babae saka niya ibinalik ang phone ni Bell.
Bell just flashed her a smile. "Thanks."
Tiningnan namin 'yong pictures namin sa phone niya at namangha talaga ako dahil ang ganda talaga ng kuha. Sobrang sweet ni Bell sa 'kin don sa picture tapos may mga hot air balloon pa sa likuran namin.
Bigla niyang hinawakan ang magkabilang balikat ko at marahan niya akong iniharap doon sa mga hot air balloon. Nagsimula nang mag-count down ang announcer at saka sabay-sabay na nagpalipad ng mga hot air balloon.
Naramdaman ko ang marahan na pagyakap ni Bell sa 'kin mula sa likuran ko.
"Thank you for coming here with me, Keen."
Napangiti ako at hinawakan ang mga kamay niyang nakapalupot sa 'kin.
"Thank you for bringing me here with you, Bell."
The moment was too perfect until someone yelled his name.
"Reez?" gulat na sabi ni Bell.
Napabitaw ako kay Bell no'ng makita kong kasama ni Reez sila Tech, Adheb, Ate Zayca, Denver at Vizcell na naglalakad papalapit sa 'min.
Great. The Creos cousins are here.
"Hi, Ra!" nakangiting bati sa 'kin ni Reez saka niya ako hinalikan sa pisngi.
"H-Hi," naiilang na bati ko sa kanya.
Napatingin ako kay Ate Zayca dahil matalas niya akong tinitigan. "So, it's true that you're dating Bell," she said, raising a brow at me.
Napakagat ako sa labi ko dahil hindi ko alam ang isasagot ko.
"This is going to be really exciting. Creos cousins are all here, with Rara Keen," sarkastikong sabi ni Tech kaya binatukan siya ni Reez kasabay nang pagtapak ni Vizcell sa paa niya.
"What was that for?!" reklamo ni Tech sa kanila.
"Just shut up, Tech," kunot-noong sagot sa kanya ng kapatid niyang si Vizcell.
"Thanks. He deserved that," nakangising sabi ni Bell kina Vizcell at Reez.
Napakaguwapo ni Vizcell at napakaganda ni Reez. Actually, maganda at guwapo talaga silang magpipinsan. Pero bakit kailangan nilang lumitaw sa ganitong pagkakataon? Ugh.
"You're going with us, and you're not going to say no," paladesisyong sabi ni Adheb sa 'min ni Bell saka niya inakbayan si Denver.
Isa pa 'tong si Adheb, napakaguwapo. Pero 'yong ugali niya pinaghalong ugali nina Tech at Bell.
"That's not going to happen, Adi," madiin na sabi ni Bell saka niya hinawakan ang kamay ko.
"Why? Are you afraid that she still might have feelings for Denver?" nakangising sabi ni Tech sabay tingin sa 'kin.
Oh, God. Ilayo Niyo po ako kay Tech, please.
"We'll go with you," singit ko sa kanila kaya napatingin sa 'kin si Bell.
"No, Keen. We're not going with them. Especially not with Tech."
Ngumiti lang ako. "We'll go with them," madiin kong sabi at saka ko siya hinalikan sa pisngi. "I love you, Bell. You don't have to worry."
_____
Tiana:
Add me on Facebook --> Tiana Vianne Isidoro
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top