Chapter 10: Slowly falling


CHAPTER TEN

Slowly falling


"NATULOG ka ba?" tanong sa 'kin ni Dith pagkabangon na pagkabangon ko.

Agad akong umiling.

Hindi ako nakatulog buong gabi kakaisip sa sinabi ni Bellamy. At hindi ko alam kung bakit ko ba inisiip 'yon.

Ugh.

"Aren't you going to ask me why I haven't slept here last night?" biglaang tanong ni Dithri kaya napakunot ang noo ko.

"'Di ko nga napansin na wala ka, tapos itatanong ko pa kung bakit wala ka? Okay ka lang?" asar na sabi ko kaya agad siyang napasimangot.

"Trashy attitude as always." She said in between rolling her eyes.

"Anyway, hinarang ako no'ng guard kanina bago ako umakyat dito. Maaga raw pumunta dito 'yong friend mo kanina. Pinapasabi na hindi ka raw niya masasamahan sa therapy mo mamaya may biglaan daw silang training. Ang effort ni Gonz ha, layo-layo ng university nila, talagang pumunta pa dito para lang sabihin 'yon. Puwede namang i-text or i-chat ka na lang."

Agad akong natigilan.

"That wasn't Gonz," sabi ko kaya napataas ang kilay niya.

Her eyes widened. "Okay? So sino? Don't tell me you've already got yourself a boyfriend?!"

Why would he do that? Puwede niya nga rin naman talaga akong i-text or chat na lang. Why would he waste his time like that?

"That was Bell. Have I introduced you to each other before? Reto kita sa kanya, gusto mo?"

Wait.

What the hell did I just say? And why would I even do that? Bell's not good for her! And she's too good for Bell!

"Wait. Bell?"

"Bellamy Creos."

"W-What the hell? You guys are friends?! Oh my God! Sobrang guwapo no'n eh! Paano mo nakilala 'yon?!"

Napasapo na lang ako sa noo ko. Basta guwapo, kinababaliwan talaga ni Dithri. My gosh.

"Kalimutan mo nang may sinabi ako, Dith. Nagbago na isip ko."

"Huh? Bakit naman?" reklamo niya.

Hindi ko na siya sinagot at pumasok na lang agad ako sa banyo.

***

"THANKS, Dr. Andy!" I said gratefully, grinning widely.

I could walk without any crutches anymore! Yes! I did it! Thanks to Dr. Andy for being patient with me all the time. He really is a good Doctor.

"Way to go, Rara. You're just getting started," he reminded me and I slowly nodded.

I know this is just the beginning of everything. I still have a lot of things to do and I am still far from getting back on court, but I'm happy that I am making a progress.

"See you again next week. You may now start doing your basic routine in volleyball. Pero 'wag mong bibiglain 'yong sarili mo, okay? Start ka muna sa basic. Iwasan mo muna 'yong hard training. I-kundisyon mo muna 'yong sarili mo," bilin niya sa 'kin at mabilis akong tumango.

"Thanks, Dr. Andy. See you," nakangiting sabi ko bago ako tuluyang lumabas ng office niya.

Habang naglalakad ako papunta sa parking area, naalala ko bigla na wala nga pala si Bell kaya walang maghahatid sa 'kin pabalik ng dorm. Pero ayos lang, he never missed any of my sessions before. Ngayon lang naman. And that's totally okay. Hindi niya naman obligasyong samahan ako sa lahat ng oras.

Kinuha ko ang phone ko mula sa bag ko and I sent him a message.


Hey, Bell! I'm not using crutches anymore! :P


I didn't know why but he was really the first person I've ever wanted to talk about my progress. Maybe because he was always there for me during my therapy, which was one of the worst days of my life.

Papara na sana ako ng taxi pero biglang nag-ring ang phone ko.

"Saan ka? Tapos na training niyo? Masusundo mo ko?" dirediretso kong tanong pagkasagot ko ng tawag.

"Huh? Sabi ko sa 'yo kagabi wala akong training ngayong araw ah."

Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto kong si Gonz pala ang kausap ko.

Akala ko si Bell.

Wala sa sarili akong napailing at umubo-ubo. "Tumatanda na yata ako. Nakakalimot na," palusot ko.

"May lakad ka ngayong araw?" biglang tanong niya.

"Wala. Bakit?"

"Good. Sunduin kita, sama ka sa 'min ni Kiella."

"Huh? Saan pupunta?"

"Saan mo ba gusto?"

Nagsalubong ang kilay ko. "Ba't ako 'yong tinatanong mo? Ako ba girlfriend mo? Umayos ka nga," iritang sabi ko sa kanya at narinig ko siyang tumawa.

"Sorry. Nasanay lang."

"Pabalik pa lang akong dorm. Kakatapos lang ng session ko, eh. Hintayin na lang kita sa main gate ng campus namin."

"Alright," huling sabi niya bago niya binaba ang tawag.

***

"DO'N tayo sa Cripfly!" turo ko doon sa may malaking roller coaster dito sa amusement park ng Vera city.

"Uhhh. Hindi ako sumasakay sa gan'yan," nahihiyang sabi ni Kiella kaya napangiwi ako.

"Seryoso? Eh ba't dito ka nag-aya?" nagtataka kong tanong.

Agad niya namang tinuro 'yong area na may mga palaro tapos mananalo ka ng mga bear o kung ano-anong kabaduyan sa mundo. Hindi ko talaga alam kung ano'ng tawag doon kasi hindi ko lagi pinapansin 'yong area na 'yon kapag nasa amusement park ako. Ewan ko ba kung hater ako ng mga gano'n o talagang bitter lang ako.

"Boring do'n eh," komento ko.

Napamaang ako no'ng pitikin ni Gonz ang ilong ko.

"Eh saan mo gusto?" tanong ni Gonz sa 'kin.

"Do'n nga sa Cripfly," ulit ko.

"Sige. Pila ka na do'n. Sunod ako. Samahan ko lang muna si Kiella maglaro. Kapag 'di ako nakaabot, 'wag mo na 'kong hintayin, Ra."

"Tara!" excited na sigaw ni Kiella saka niya isinabit ang kamay niya sa braso ni Gonz at hinigit paalis sa harap ko.

Nagkibitbalikat na lang ako at saka pumila sa Cripfly. Mas gusto kong sumakay dito ng mag-isa kahit paulit-ulit kaysa sumama sa kanila.

Kapag ganitong nag-aaya gumala si Gonz, hindi naman ako third wheel lagi kasi lagi ko rin kasama ang mga ex ko kapag may lakad kami ni Gonz. So, it was always a double date. Naninibago tuloy ako ngayon kasi third wheel ako. Tch. Kung wala lang sanang training si Bell sana sinama ko siya dito.

Natigilan ako bigla. Bakit ko naman naisip na isama si Bell? Puwede naman si Dithri. Bakit si Bell agad?

Napailing na lang ako.

Nahihibang ka na yata talaga, Rara.

Pagkalipas ng fifteen minutes, sa wakas ay kasama na ako do'n sa next batch na sasakay.

Papasok pa lang sana ako sa may mini-gate pero napahinto ako nang marinig ko 'yong pangalan ko.

Napalingon ako sa likuran ko at nakita ko si Gonz na nagmamadaling tumakbo papunta sa 'kin. Nakipagsiksikan pa siya sa napakahabang pila para lang mabilis na makarating dito sa harap.

"Buti umabot ako," he said, letting out a sigh of relief. Hingal na hingal pa siya kaya natawa ako.

"Nasaan si Kiella?"

"Pinaupo ko muna do'n habang hinihintay tayo."

"Loko ba't mo iniwan. Date niyo 'to eh. Dapat 'di mo iniiwan 'yon," umiiling na sabi ko pero tumawa lang siya at saka ako inakbayan.

"It's fine with her," he assured me.

Okay, madali naman akong kausap.

I grabbed his arm and rode the Cripfly with him. Nakatatlong ulit kami sa pagsakay kasi hilig talaga namin ni Gonz sumakay sa mga ganito mula bata pa kami. Gusto kasi namin 'yong aatakihin kami sa puso sa lakas ng impact.

No'ng matapos kami ay pareho kaming pinawisan habang naglalakad papunta sa exit.

"Mayabang ka ah, porket nakakalakad ka na ng walang saklay," pang-aasar niya sa 'kin kaya mahina kong pinisil 'yong ilong niya.

"Ba't mo nga pala ako sinama dito? Wala naman akong ka-date. Naging third wheel tuloy ako."

"Para maging close kayo ni Kiella."

Napangiwi ako. "Paano naman kami magiging close, magkaiba kami ng gusto."

"Yeah. But I love you both and I want my relationship with her to work out without removing you from the picture."

"Wow. Mahal na mahal ako ah!" tumatawang sabi ko kaya humalakhak si Gonz. Magsasalita pa sana siya pero bigla siyang napahinto habang nakatingin kung saan.

"Where did she go?" bulong niya sa sarili niya kaya napatingin ako doon sa bench sa gilid. Do'n niya siguro iniwan si Kiella kanina.

He tried calling her pero hindi sinasagot ni Kiella ang tawag niya.

"Baka nasa food court? Kumakain? Baka nagutom? 'Di mo yata iniwanan ng foods bago mo pinaupo kanina eh."

"Right," wala sa sariling sagot niya saka siya nagmamadaling naglakad para hanapin 'yong food court.

Agad rin akong sumunod sa kanya at nang mahanap namin ang food court ay naghiwalay kami para hanapin si Kiella.

Sa kalagitnaan nang paglalakad ko, bigla akong napahinto nang makaramdam ako ng kaunting kirot sa tuhod ko.

I groaned in pain when I felt it more.

Napapikit na lang ako habang pinipigilan 'yong kirot na nararamdaman ng tuhod ko. Hindi ko rin alam bakit biglang kumirot 'to. Sabi naman ni Dr. Andy okay na ako.

Agad na nanlaki ang mga mata ko dahil biglang may bumuhat sa 'kin.

Nang maaninag ko kung sino iyon ay natigilan ako ng ilang segundo.

"What are you doing here?" gulat na tanong ko kay Bell na kasalukuyang may buhat sa 'kin.

Naghihintay ako ng sagot niya pero hindi siya nagsalita at tuloy-tuloy lang siya sa paglakad, pero kusa siyang napahinto nang makasalubong namin si Gonz kasama si Kiella.

"Hands off, Bell," seryosong sabi ni Gonz pero tinaasan lang siya ng kilay ni Bell.

"Get out of my way, Zavardo," madiin niyang sabi.

Hindi ako makapagsalita dahil parehong mainit ang ulo nilang dalawa.

"Can't you see we're in the middle of bonding here?" Bakas sa boses ni Gonz ang pagkairita kay Bell.

Bell clenched his jaw, closing his eyes for a moment before opening them again.

"Aren't you aware that bringing her here was really a bad idea?" Bell asked, trying to stay calm in front of them.

"Why? Because you're not with her?" Gonz laughed, shaking his head in disbelief.

Mas humigpit ang pagkakahawak sa 'kin ni Bellamy.

"You should've not let her ride that roller coaster, Zavardo. Too much pressure caused by air may affect her injury. Now thanks to you, she got hurt."

Pareho kaming natigilan ni Gonz sa sinabi ni Bell.

Bakit nga ba nawala sa isip ko na kagagaling ko lang sa injury at hindi pa gano'n kaayos ang sitwasyon ko para sumakay doon?

Ang kaninang pagkairita sa mukha ni Gonz ay napalitan ng pag-aalala. "Sorry, Ra. I didn't know." Humakbang siya papalapit sa 'kin para tingnan ang tuhod ko pero tinabig ni Bell ang kamay niya.

"She doesn't need your help anymore. I can take care of her," Bell said eagerly, glancing at me.

I automatically avoided his eyes and looked somewhere else.

Here we go again . . .

Bumibilis na naman ang tibok ng puso ko. Para bang may humahabol sa 'kin at ang lakas lakas ng tibok nito.

But somehow I felt at ease when he said that.

"I'll go with Bell, Gonz. You two should enjoy your date," I interrupted, flashing them a warm smile.

Gonz clenched his jaw and stared at me. "You sure?"

I nodded to assure him. "Have fun," nakangiting sabi ko kay Kiella at tumango lang siya.

Dinala ako ni Bell sa sasakyan niya at nanatiling tahimik buong biyahe.

Naninibago ako dahil hindi niya ako iniinis o dinadaldal.

Bell brought me to Dr. Andy and sabi ni Doc ay normal lang daw na makaramdam ako minsan ng kirot dahil hindi pa naman gano'n kaayos ang sitwasyon ko, pero hindi ko naman daw kailangang mag-alala dahil puwede pa rin akong magsimula ng basic training this week. 'Wag ko lang daw talaga puwersahin ang sarili ko dahil makasasama iyon sa 'kin.

Pagkahatid niya sa 'kin sa dorm, hindi ko alam kung bakit pero parang ayaw ko pa siyang paalisin. Parang gusto ko pa siyang makasama.

Hindi ko rin alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko, pero kung ano man 'tong nararamdaman ko, natatakot ako para sa sarili ko.

He's a Creos.

And he's Bellamy.

"Thank you, Bell," pabulong na sabi ko saka ako umiwas ng tingin sa kanya. Bakit ba hindi ako makatingin sa kanya? Hindi naman ako ganito.

I shook my head, dismissing the thought.

"Thank you lang?" he asked, raising a brow at me.

My eyes widened the moment he said that.

Bakit? Ano ba'ng gusto niya?

"Just kidding, Keen. Pahinga ka na," nakangiting sabi niya kaya tumango ako at tumalikod na. Pagkahakbang ko sa hagdan, bahagya akong lumingon ulit sa kanya at nakita ko siyang nakatalikod na sa 'kin, naglalakad papunta sa dorm nila.

I don't want him to go.

Paulit-ulit 'yan sa isip ko kaya hindi ko na napigilan pa ang sarili ko at saka ko sinigaw ang pangalan niya. Napahinto siya sa paglakad at bahagyang lumingon sa 'kin.

Nagtataka niya akong tiningnan.

Napakagat ako sa labi ko at nagdalawang isip kung sasabihin ko pa ba, pero sa huli, hindi ko na rin talaga napigilan 'yong bibig ko.

"Nag-review ka na?" tanong ko sa kanya.

His eyebrows raised, surprised with my sudden question. He whirled around and faced me.

"Hindi pa. Gagawa pa lang ako ng reviewer. Ikaw?"

"Hindi pa rin," sagot ko.

Bakas pa rin sa mukha niya ang pagtataka kung bakit iyon ang bigla kong tinanong sa kan'ya.

Huminga ako nang malalim bago nagsalita. "Okay lang ba sabay na tayong mag-review?"

Saglit siyang natigilan pero tumango rin siya agad. "Sure. Una ka na sa kuwarto niyo. Kunin ko lang laptop ko, tapos puntahan na lang kita," kalmado niyang sabi.

Palihim akong napangiti.

"Sige. Katok ka na lang mamaya," nahihiyang sabi ko sa kanya at saka niya sinilip 'yong guard sa may entrance ng girls dormitory.

Maybe he's figuring out a way to enter the girls dormitory.

Muli niyang ibinalik ang tingin niya sa 'kin at saka siya ngumiti. "Alright, Keen."

Oh, God.

This is not so good.

I am slowly falling.


_____

Tiana:

Teka lang. 'Yung puso ko, Bell. Enebe. HAHAHAHA

Btw, please don't forget to vote and comment! Sinong mas gusto niyo para kay Rara? Si Bellamy or si Gonz? And why? :D

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top