Kabanata 3 (Epilogo)
Idinikit ko na mga mensahe sa bawat tsokolate at isa-isang isinilid sa kanilang kuwarto. Hershey Truffle chocolate para kay Mary Anne, Hershey Yogurt chocolate para kay Mary Rose, at Hershey Strawberry chocolate para kay Mary Jane.
Kinabukasan, naalimpungatan ako dahil sa mahihinang bulong at ingay mula sa salas. Pagbukas ko ng pinto, napatigil ang mga anak ko sa sinusulat nila sa cartolina na hugis puso. Hanggang ngayon, nahuhuli ko pa rin sila sa akto, gaya noong gumawa sila ng love letter surprise para sa birthday ng kanilang Mommy.
Nabasag ang katahimikan nang sabay-sabay kaming natawa. Ang sarap sa pakiramdam na marinig muli ang mga tawa nila. "Happy Valentine's Day, Dad!" sabay-sabay nilang wika saka inabot sa 'kin ang white cartolina na hugis puso. Nakadikit sa palibot nito ang maliliit na piraso ng Hershey's Kisses.
To the Best Dad Ever,
Please don't feel sorry for all your hard work because we all know that this is how you express your love for us. Thank you for all your support as you watch us from behind. All we want is for you to take care of your health and have time to relax. We wish to pursue our dreams because it is not only for us but also for you. Our dreams are your dreams. We love you and are always grateful to have you as our dad.
Love,
Your three little angels
Muli kong hindi napigilan ang mga luhang namumuo sa aking mga mata matapos kong basahin ang sulat nila. Napangiti rin ako nang makitang hawak nila ang mga tsokolate at mensaheng isinilid ko sa kanilang mga kuwarto kagabi.
Sabay-sabay nila akong niyakap na parang mga batang kaya ko pa buhatin noon. "We love you, Dad with a kiss!" patuloy nila at hinalikan ako sa pisngi. Natawa na lang kami dahil halos mapuno na ang pisngi ko ng mga halik nila na may bakas ng tsokolate ng Hershey's Kisses. Nagsimula silang magkuwento at pinakita pa sa 'kin ang pancake na niluto nila at nilagyan ng mga Kisses sa ibabaw.
Tunay na hindi natatapos ang pagmamahal natin. May mga pagkakataon na hindi man natin ito maipakita nang maayos o masabi sa mga taong mahahalaga sa atin, hindi ibig sabihin niyon ay huli na ang lahat. Lumalakad ang oras at nag-iiba ang panahon. Hindi sana natin sayangin ang mga pagkakataon na maipamalas sa kanila kung gaano sila kahalaga sa ating buhay.
Sulitin ang mga oras. Samantalahin ang mga araw na kasama pa natin sila. At pahalagahan ang masasayang alaala dahil magbago man ang panahon, lumipas man ang maraming taon, magkaroon man sila ng kani-kaniyang buhay balang araw, habambuhay pa rin nating babaunin ang masasayang alaala na naghahatid sa 'tin ng tamis at ngiti.
And to the Woman, We Love From Heaven,
You will forever be part of our lives. We will never forget our beautiful memories together. Your physical presence may not be here with us. Still, you were always in our hearts.
And it will never end. Our love for you will never end.
Love,
Your family
The End.
*************************
#ShareTheLove
Make each moment special with Hershey's Kisses Special Collection. Thanks for reading, and don't forget to share your love experience with your special someone, family, and friends using #ShareTheLove
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top