Kabanata 2

Bago ako pumasok sa kuwarto, napadaan ako sa kalendaryo, bukas na pala ang isa sa mahahalagang araw. Sa loob ng maraming taon, hindi ko na nagagawang bigyang-pansin ang ganitong okasyon sa pag-aakalang malalaki naman na ang mga anak ko at mukhang okay naman sila.

Kinabukasan, nagtungo ako sa mall upang bumili ng regalo para sa aking tatlong anghel. Sa totoo lang, hindi na ako sanay magbigay ng regalo ngayon dahil masaya na sila sa pera na binibigay ko kapag pasko, at sila na ang bumibili ng mga gusto nila.

Nahirapan ako sa pagpili ng damit, sapatos, make-up, libro, bulaklak, at kung ano-ano pang gamit pambabae dahil hindi rin ako sigurado kung kakasya ba sa kanila o kung magugustuhan ba nila iyon. Nagpatuloy pa ako sa paghahanap hanggang sa makita ko ang pamilyar na tsokolate na paborito ng aking asawa.

Nakahelera sa malaking estante ang mga Hershey's Kisses Special Selection, naroon ang Truffle, Strawberry, at Yogurt flavor. Namalayan ko na lang ang sarili ko na nakangiti habang nakatitig sa mga tsokolate na nagdadala sa 'kin sa magagandang alaala ng nakaraan.

Hindi nawawala sa Wedding Anniversary namin ang Hershey's Kisses. Mahilig ang asawa ko sa tsokolate at ito ang pinakapaborito niya sa lahat. Sinusulat ko noon sa maliit na note kung gaano ko siya kamahal habang nakadikit doon ang tatlong piraso ng Kisses. Yayakapin niya ako nang mahigpit at ibubulong din sa akin ang salitang I Love You too.

Noong graduation ni Mary Anne sa Kindergarten, siya ang First Honor sa klase at nakakuha ng maraming awards. Niregaluhan namin siya ng Hershey's Kisses na yakap ng malaking teddy bear. Naalala ko pa kung gaano siya kasaya habang nagtatatalon sa tuwa dahil Hershey's Kisses Truffle chocolate flavor ang paborito niya.

Marami rin kaming napasaya na bata at matanda noong 7th birthday ni Mary Jane, Hershey's Kisses na nakadikit sa smiley face art ang birthday giveaway namin sa mga bisita. Napatunayan ko na kahit anong edad, ikaw ay tila bumabalik sa pagkabata habang dahil sa Hershey's Kisses.

Nang makasama sa runner up winners si Mary Rose sa isang singing contest noong 5 years old siya, Hershey's Kisses na regalo namin ang nagpasaya sa kaniya kahit pa hindi siya ang naging Champion. Nagniningning ang mga mata niya habang nakatingin sa paborito niyang Kisses, sa mga oras na iyon, alam naming panalo pa rin kami dahil walang makakapantay sa tamis at ganda ng ngiti ng aming anak habang bakas ang tsokolate sa kaniyang maliliit na ngipin.

Isang matandang babae ang lumapit at kumuha ng Hershey's Kisses sa estante, ngumiti siya sa 'kin "May naaalala ka, ano?" wika niya, agad kong pinahid ang mga luhang namumuo sa aking mata. "Naaalala ko rin ang asawa ko sa tuwing nakikita ko ang tsokolateng ito. Nakakatuwa lang isipin na hindi lang tamis ang hatid nito, kundi binabalik tayo sa magagandang sandali na kay sarap alalahanin nang paulit-ulit, iyong masasaya at matatamis na alaala," ngiti ng matandang babae habang nakangiti at tumatango nang marahan.

Nang makaalis siya, muli kong pinagmasdan ang tsokolate na naghahatid ng matamis na ngiti sa aming pamilya. Matagal kong hindi nasabi o naiparamdam sa mga anak ko kung gaano ko sila kamahal, kung gaano nila ako napapangiti, at kung gaano ko ipinagpapasalamat na dumating sila sa buhay ko. Hindi man namin kapiling ang Mommy nila ngayon, alam kong hindi siya tumigil na mahalin kami.

Nang makauwi ako sa bahay, agad akong nagtungo sa kuwarto at nagsulat sa maliliit na papel na ginagawa ko dati. Nag-aalala rin ako na baka hindi ko magawang sabihin ang mga nais kong iparating sa kanila kung kaya't minabuti kong isulat ang mga gusto kong sabihin.

To my eldest angel,

Your mom would be smiling in heaven as she watched you fulfill your dream. Thank you for being the second mother to your siblings. I appreciate all your dedication and hard work. You inspire me to work hard and be a responsible father. I may always look tired and quiet, but whenever I look at you, I know that all of these are worth it. You're doing good, and we're so proud of you, our future doctor.

Love,

Dad


To my second angel,

Do you remember that your mom loves to sing? She would love to hear your voice. I want you to know that doing your passion does not mean you are left out. Doing what you love and taking a risk takes a lot of courage. I hope you continue singing and pursuing music because I love seeing you smile and being in love with the songs you write. You inspire me to face the adventure and take the risk because life is too short to spend the days ahead in hesitation. I will always be here rooting for you, our future singer.


To my youngest angel,

It is okay even if you still don't know what you want right now. Life is not about figuring out things all at once. It is not a race and competition that has its deadline and limits. Take your time to discover and learn more about yourself. If you want to pursue doing makeup, modeling, and becoming a fashion icon, we're all here to support you. Also, you'll meet a lot of people in your life, and each person will somehow teach you a life lesson, so please be prepared. Remember that Daddy would teach a lesson to those who intentionally broke your heart. You're still our baby girl, and you will always be.

Love,

Dad

https://youtu.be/dTDu-H05vsM

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top