To My Captain (Final)

"...I will always love you and always be your #1 Cheerleader."

- cheerleader.

Niña's POV

July, 2015

Monday na naman at nabobored ako pero sakto naman meron ang barkada ko kaya lumapit ako sa kanila.

Pero sa kamalas-malasan kasama nila si Vince, leche kasama lang naman nila yung crush ko tuloy nahihiya ako.

"Niña" parang pumalakpak ang mga tenga ko nang marinig ko yung boses niya.

Sinenyasan ako ni Vince na lumapit kaya naman lumapit na rin ako.

"Goodmorning, ang patungan ko" sabi niya sa akin, as usual pinatong na naman niya yung kamay niya sa ulo ko dahil maliit ako.

Hays, sa tuwing nakikita ko mukha niya nababaliw na ako sa kagwapuhan niya, biyaya ka ba ng Diyos?

--------------------

"Okay magkakaroon tayo ng group project sa MAPEH, so start na tayo..." Sabi ng MAPEH teacher namin, umaasa ako na kasama ko siya pero...

"Niña, Vince..." Natuwa ako dahil magkakasama kami ni Vince sa isang group project at ako na yata ang pinakamaswerteng babae sa lahat.

-------------------

Gabi na at kumakain na ako ng hapunan tapos may biglang nagring, message pala yun.

Vince: Beh, pahiram nga ng lecture mo sa Math.

Sa sobrang kilig ko kahit na nagpapahiram ka lang ng lecture notebook eh kumain ako ng kumain hanggang sa mabilaukan ako sa kinain ko, ang takaw ko kasi.

Pero ang tanong, mahal ko na yata si Vince.

August, 2015 (My Classmate's Birthday)

Birthday ng kaklase ko ngayon kaya naimbita ako pati na kabarkada ko at siyempre di mawawala si Vince, malamang kabarkada niya yung may birthday haha.

Nasa 7/11 muna kami kasi hinihintay pa namin yung iba naming mga kasama at ngayon kaming dalawa lang ni Vince ang magkasama tapos magkatabi pa kami, gusto kong magwala kasi katabi ko siya at ramdam ko pa yung katawan niya hihi.

Nung meron na yung mga kasama namin dumiretso kami kaagad sa bahay ng may birthday. Di ko kasabay si Vince sa tricycle kasi kasama niya ang kabarkada niya at mga kasabay ko ay ang barkada ko.

Simula nung dumating kami ay kuha kaagad kami ng pagkain pero siyempre joke lang yun at habang hinihintay namin ang pagkain ay hindi ko maiwasang tignan yung mukha niya, sobrang gwapo niya talaga.

Nabalik lang ang ulirat ko ng tawagin na kami para kumain. Nauna siyang kumuha tapos ako ang bagal kumuha para matitigan ko pa yung mukha niya.

"Uii Niña, ang tagal mong kumuha" sabi ni Celine, isa sa mga kabarkada ko.

"Oo na bibilisan ko na" sadyang nasira yata ang pagtitig ko sa kanya.

Matapos ang ilang kwentuhan, tawanan at pagseselfie, umuwi din kami at as usual pinatong na naman ni Vince yung kamay niya sa ulo ko, shet gusto kong magmura pero di ko mailabas tapos ang pinakamaganda dun sumabay siya sa amin sa tricycle at hanggang ulit sa 7/11 nakapatong parin yung kamay niya.

"Vince, selfie tayo" sabi ko at pumayag naman siya, bale nakapitong pics lang naman kami at kinagabihan sinend ko sa kanya yung mga pics at sinabi niya.

"Relationship Goals" tangina eushanwqiqmdid yung feels ko di ko mapigilan.

September, 2015 (Intramurals)

Intramurals na at isang Captain General si babes ko, oo na babes ang tawag ko sa kanya kahit di pa kami.

Game na ng basketball at cheer ako ng cheer sa kanya tapos ang hot niya pag pinagpapawisan siya, todo ako sa pagchecheer na para bang nagfafangirl ako.

Kasi shet eh ang hot ng crush ko pag naglalaro.

At sa tuwing nakaka-shoot siya eh, sige lang ako sa pagcheer.

"ARAYY!" biglang sigaw ni Vince at napahiga sa court, nagulat kami dahil napahawak siya sa tuhod niya at napapangiwi sa sakit.

Biglang lumapit yung mga medical personnel sa kanya at sinabing may cramps siya at sinabing di makaka-abot sa 2nd at 3rd Quarter, halata sa kanya yung pagkadismaya at napaupo na lang sa benches at ako naman nalulungkot ako kasi siyempre di makakalaro si babes ko.

Inabutan ko siya ng tubig at ngumiti siya.

"Thank you, Niña ah" sabi niya at ako naman tulala sa kanya.

"Ah eh welcome hihi" ang pabebe ko talaga shet lang.

Statue, Computer Lab

Nagsusulat kami ng notes sa comp. lab tapos siyempre medyo ma-BINATA ang teacher ay nagpatugtog siya ng modern music at saktong Statue yun, putek favorite song ko yun.

Tapos rinig ko pang kinakanta niya yun, ang angelic ng boses niya, nahulog na ba ako sayo?

Recess na at kasabay ko siya at na-LSS yata siya, pagkarating namin ng classroom eh at di parin siya tapos.

Nag-slow motion ang mundo ng hawakan niya ang mga pisngi ko at kinantahan ako sabay titig, bigyan niyo ng moment na sumigaw.

Tangina mo talaga Vince, nahulog na talaga ako sayo shete ka, huwag mo kong ganyanin.

December, 2015 (Fast Forward)

Christmas party sabay exam, jusko nababagot na ako gusto ko ng magparty at maging wild.

Siyempre last subject na lang ang ine-exam namin kaya minadali ko na lang at saktong natapos kaming lahat at party party na.

Agad agad na nilagay ang music at nagpatugtog na kaya naging wild kami not na literal na parang hayop ahe.

Nagsimula lahat sa games, kasiyahan at pagkain, then meron palang sweet dance na kung saan mamimili yung mga boys ng isasayaw.

At sa pinakaswerte, pinili ako ni Vince na isayaw, shet thank you Lord, tinupad mo ang kahilingan ko, ang makasayaw siya.

Hinug niya ako sabay hug ko din sa kanya, grabe ang tigas ng katawan niya at tsaka ang bango bango niya, heaven na ba ito?

Nung nagsimula na yung slow song, sumayaw na kami ni Vince at sinabi niyang "Goals", shet goals nga ito, I will make this day memorable.

January, 2016 (January 1)

New Year na nun at chinat mo ako, sabi mo "Happy New Year sa pinakamagandang patungan ko" shet kinilig na naman ako dun sa pinakamaganda, ako na talaga ang dyosa.

Sinend ko kay Vince yung pic namin nung christmas party at ang perfect ng pagkakakuha tapos nireply mo naman eh, goals ulit tapos dinugtong mo na isesend mo sa akin yung pic pag birthday ko na, pero sinabi kong matagal pa ang birthday at reply mo ulit "Handa akong maghintay" double meaning yun pucha.

Humaba ang conversation namin hanggang sa nagsend ako ng meme ni Terrence Romeo at nakalagay dun eh 'Tag mo tropa mong pogi at magaling magbasketball' sabi mo naman eh, 'Orayt' siyempre kinilig ako tapos sinabi kong 'Ikaw naman yung Terrence Romeo 2.0' kasi pogi na nga siya, captain general pa sa basketball.

"Pag nag-Ateneo ako, ako ang captain sa basketball" sabi mo, oo naman Vince, ikaw ang captain at ako naman ang #1 cheerleader mo hihi.





To Be Continued ( mamaya na yung katuloy )

Nagmamadali kasi, wag madaliin lahat ng bagay kasi nasa huli parin ang pagsisisi hahaha

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: