Special Chapter III
August 15, 2017
"Renjun, kailan birthday mo?"
"Bakit mo tinatanong?"
"Syempre kasi gusto kong malaman."
"Ayokong sabihin."
"Ah, ayaw mo. Jaemin, kailan birthday ni Renjun?"
"March 23, 2000."
"Putangina mo, Jaemin."
"Nice! Three months lang tanda mo sa 'kin. Ang cute mo naman."
"Pwede ba, tigilan mo 'ko."
"Nope." Renjun rolled his eyes.
×××
August 17, 2017
"Renjun, para kang isang bulaklak na namumukadkad."
"Oh, tapos?"
"Maganda sa paningin."
"Alam mo, Donghyuck, para kang araw."
"Kasi ako ang nagbibigay-buhay sa 'yo? Yie."
"Hindi. Ang sakit mo kasi sa mata."
Tumawa naman sina Jeno at Jaemin.
"Epic fail, Haechan." sambit ni Jaemin.
"Anong paborito mong bulaklak?"
"Punyeta, tumigil ka."
"Nagtatanong lang, e."
"Wag ka nang magtanong."
"Aw. Jaemin, alam mo ba?"
"Uhm... hindi rin, e."
Renjun smirked, "Ano?"
"Hulaan ko. Sunflower?"
Binuka ni Renjun ang bibig niya pero sinara niya rin ito agad. "Bwiset."
"Sabi na, e. Actually, same."
"Ewan ko sa 'yo."
×××
August 29, 2017
"Hi. Nandito ako ulit."
"So?"
Tumawa lang si Donghyuck at inabutan si Renjun ng hairclip na may design na sunflower. "Oh."
"Aanhin ko 'yan?"
"Kasi madalas kong makita na natatakpan ng bangs mo 'yang mga mata mong magaganda at hagod ka hagod sa buhok mo. Kaya ayan, binilhan kita."
Kumunot ang noo ni Renjun, "Hindi na kailangan."
"Pero gusto ko. Kaya ikabit mo na sa buhok mo. Or ako na lang maglagay sa 'yo?"
Mataray na kinuha ni Renjun ang hairclip mula sa kamay ni Donghyuck, "Ako na lang. Thanks."
"You're welcome."
Nang mailagay ni Renjun sa buhok niya ang hairclip at ngumiti nang malapad si Donghyuck. "Cute." Inirapan na naman siya ni Renjun.
"Ang cute niyo naman."
"Putek ka, Jaemin!"
×××
September 04, 2017
"Renjun, libre ka ba mamaya?"
"Hindi."
"Ayain sana kitang kumain sa KFC o kung saan mo man gusto. Ayos lang ba?"
"Ano na, Renjun? Oo na agad."
"Ayoko."
"Aw. Okay." Ngumuso si Donghyuck at tumalikod na para umalis.
"Hoy, Donghyuck. Gusto raw ni Renjun."
"Gago ka ba, Jeno?"
Lumingon naman si Donghyuck sa kanila, "Okay lang kung ayaw mo. Next time na lang. Or never, kung ayaw mo talaga."
"Renjun!"
"Oo na."
Nagliwanag ang mukha ni Donghyuck at lumapit kay Renjun. "Anong oo na?"
"Oo na, pwede tayong kumain sa KFC."
Ngumiti nang malapad si Donghyuck, "Thank you, Renjun." Inirapan na naman siya nito.
×××
September 08, 2017
"Renjun, hulog ka ba ng langit?"
"Huh?"
"Mukha ka kasing anghel, e."
Sinamaan siya nito ng tingin. "Ewan ko sa 'yo."
Donghyuck pouted, "I bought you this angel keychain."
Tinignan lang ito ni Renjun, "Bakit?"
"Nothing, I just want to."
Renjun sighed and grabbed the item from Donghyuck's hand. "Salamat."
"No worries, Injun."
"Injun?"
"Sorry! Inisipan kasi kita ng Korean name. If you don't like it, I'll go back to calling you Renjun."
Renjun smiled a bit, "No. I actually like it."
"You do?" The older nodded. Donghyuck smiled widely, "Cute mo, Injun."
×××
January 11, 2018
"Injun!"
"What?"
"Gusto mo ng milkshake? Anong flavour paborito mo?"
"May pera ako, kaya kong bumili."
"Hindi, gusto kitang ilibre. Please? Anong favorite flavour mo?"
Renjun gave in. "Cookies n' cream. Pero wala sila no'n d'yan. Vanilla na lang or strawberry."
"Okay!"
Pagkabalik ni Donghyuck ay may dala siyang dalawang milkshake. Laking gulat ni Renjun na may cookies n' cream.
"Alam mo ba, paborito ko rin ang cookies n' cream." Binigay ni Donghyuck ang isa kay Renjun. "Pinilit ko si Ateng tindera na lagyan ng oreo crumbs 'yung Vanilla."
"Ginawa mo 'yon?" Donghyuck nodded and took a sip on his milkshake. "Shit."
"Why?"
"Wala, wala. Salamat."
"You're welcome, Renjun—Injun."
Renjun rolled his eyes before taking a sip.
×××
February 14, 2018
"Araw ni Saint Valentine ngayon."
"Ano naman?"
"Sina Jeno at Jaemin nagde-date do'n sa may bench. Tayo, anong gagawin natin?"
"Wala. Bakit, mag-jowa ba tayo?"
"Kung sasagutin mo 'ko."
"Ulol."
Donghyuck chuckled, "May ka-date ka ngayon?"
"Wala."
"Tayo na lang mag-date."
"Ayoko sa 'yo. Layuan mo nga ako."
"Aw. Sayang naman 'tong regalong binili ko para sa 'yo. Sige, sa iba ko na lang ibibigay." Tumayo si Donghyuck habang dala-dala ang paper bag pero pinigilan siya ni Renjun. "Yes?"
"Akin na."
"Kiss muna."
"Puta!"
"No kiss, no gift."
"Donghyuck, don't play with me."
"Sorry na, sorry na. Ito na, oh. Happy Valentine's Day!"
"Ewan ko sa 'yo."
×××
July 13, 2018
"Hello, Mr. Huang! Did you miss me?"
"No. Why would I?"
"Harsh. Anyway, I bought this cute ballpen na may sunflower sa taas. Para ganahan ka magsulat."
"Ano na naman 'yan, Donghyuck? Kung iniipon mo na lang 'yang pera mo para sa sarili mo."
"Oh, you care about me now?"
"No! What the heck? Ang ibig kong sabihin, tigilan mo na ang kakabili ng kung ano-ano para sa akin, hindi ko naman kailangan."
"Just accept it, please. Noong nakita ko talaga ito, naisip agad kita."
Renjun sighed heavily and grabbed the pen, "Fine. Thanks."
"You're welcome." Donghyuck winked.
×××
August 15, 2018
"Ay, who are you?"
"Hi, I'm Chenle. Renjun-ge's old friend."
Donghyuck nodded. "Hello, Chenle! You can call me Haechan, or Haechan hyung if you're younger than me. I'm Renjun's boyfriend—future boyfriend."
"Putangina ka talaga, Donghyuck."
"Aw."
"Ang cute."
"Shut up, Chenle!"
"Ilang taon ka na, Chenle? Anong section mo? Paano kayo nagkakilala ni Renjun?"
"I'm 16, magse-17 sa November 22. Taga-PA ako, Class I-A. Schoolmates kami ni Renjun-ge noong highschool."
"Ooh, interesting. So, bakit mo naisipang pumasok sa Performing Arts?"
"Ano ba 'yan, Donghyuck, ang dami mong tanong."
"Ay, sorry hehe. 'Wag ka nang magselos."
"Tanga, hindi ako nagseselos."
"If you say so."
Tumawa na lang si Chenle.
×××
October 27, 2018
Fieldtrip ng mga 2nd year college students ngayon. Itong si Donghyuck nakipagpalit sa isang estudyante ng Fine Arts Class II-A kaya ngayon, nasa bus siya nina Renjun.
"Hala! Nandito si Donghyuck."
"Haechan, hindi Donghyuck. Close ba kayo?"
"Ay, sorry."
"Puta, 'yung crush ko bes, nandito."
"Punyeta, bakit ang swerte ni Renjun?"
"Hello! Bagong classmate niyo po ako. Joke lang!" Nang makarating siya sa tapat ng pwesto nina Renjun at Jaemin (nasa window seat si Jaemin), ay umupo siya sa upuang nasa gitna. "Hi, Injun-ah. Gusto mo ng tinapay?"
Umirap lamang si Renjun at inilagay ang earphones sa tenga.
Naglabas si Donghyuck ng chichiryang Pica-Pica at inalok sa mga classmates ni Renjun. Paminsan-minsan ay makikipagbiruan at makikipagtawanan pa.
"Hala! Thank you, Haechan."
"Haechan, pahingi."
"Lods, pahingi naman."
"Salamat, Haechan!"
"Sige lang, sainyo na 'yan. Bigyan niyo rin 'yung mga nasa likuran."
"Hoy! Salamat, Lee Donghyuck!"
"Lee Haechan!"
"Ay, Haechan pala."
"Pwede namang Donghyuck. Kahit alin sa Haechan at Donghyuck, okay lang."
Pinanood lang ni Renjun si Donghyuck na makipagkulitan sa mga kaklase niya. Inaalok niya pa ang mga ito ng napakalaking Mogu-Mogu na lychee flavour.
Kumunot ang noo ni Renjun. Bakit hindi niya ako inaalok? I mean, hindi naman sa gusto ko, pero bakit wala sa akin ang atensyon niya? He thought. Pwe, he probably doesn't know what I like.
Umandar na ang bus na sinasakyan nila ngunit hindi pa rin siya binibigyan ng atensyon ni Donghyuck.
Sinampal niya nang bahagya ang sarili saka sumandal sa sandalan ng upuang inuupuan niya. Matutulog na lamang siya.
"Renjun,"
Napamulat ang mata niya at lumingon kay Donghyuck, "Ano?"
"Binilhan kita ng paborito mong Lays atsaka paborito mong root beer. Kapag naubos, meron pa ako rito. Just tell me."
Hindi siya nakapagsalita at tinitigan ang chichirya at root beer na inaalok ni Donghyuck.
"Ayaw mo ba? Akala ko paborito mo ito kaya binili ko." He knows my favorites.
"Hindi, uhm... t-thanks." Kinuha niya ang Lays at root beer at bahagyang ngumiti.
Donghyuck smiled back, "You're welcome!"
Napahawak si Renjun sa dibdib niya. Do I like Donghyuck?
×××
November 28, 2019
"Renjun-ah!"
"Ano ba, Donghyuck!"
Nagulat si Donghyuck nang sumigaw si Renjun. "Sorry. What did I do?"
"Pwede bang tumigil ka na? Tigilan mo na ako."
"H-huh?"
"Donghyuck, please. Leave me alone!"
"Renjun—"
"Simula ngayon, tigilan mo nang panliligaw mo sa 'kin. Don't you get it? I don't like you. I really don't."
Donghyuck bit his bottom to prevent himself from crying. "W-why? Hindi naman kita minamadaling sagutin ako."
"Lee Donghyuck, ayokong masaktan. Balang-araw mawawala rin 'yang feelings mo sa 'kin. Iiwanan mo rin ako."
"No! What are you talking about? I like you. At hindi mawawala ang feelings ko sa 'yo. Hindi kita iiwan, Renjun."
"Puta. Umalis ka na lang!"
Donghyuck sighed heavily and swallowed the huge lump in his throat. Kaso ang hirap. Parang hindi siya makahinga. "O-okay, I'll leave you alone from now on. If you decided you want me to court you again, just tell me. I like you."
"Alis!"
Tumalikod si Donghyuck at naglakad palayo habang may mga luhang nagbabadyang tumulo mula sa mga mata niya.
"Hala! Donghyuck!" Tumayo si Jeno at sinundan ang bestfriend niya.
Renjun sighed and suddenly regret what he said.
×××
December 03, 2019
"Renjun, si Donghyuck oh."
"Jaemin, ano ba!"
"Donghyuck!" pagtawag ni Jeno at napalingon naman sa kanya si Donghyuck. "Halika rito!"
Kumunot ang noo niya at lumapit sa kung nasaan sina Jeno, nang hindi tumitingin kay Renjun.
"Bakit? May gagawin kami sa biolab."
"Ngayong oras? Breaktime ngayon, ah."
Nagkibit-balikat naman si Donghyuck, "Ewan ko."
"Kumain ka na?"
"Wow! Concerned? Tapos na po. Bakit, may padala ba si Tita?"
"Actually, oo." May binigay si Jeno sa kanya na sandwich na nakalagay sa plastic.
"Ooh. Anong palaman?"
"Nutella."
"Shemay! Seryoso? Pakisabi kay Tita, thank you kamo. Alam mo ba, never pa ako nakatikim nito."
"Weh? Well then, it's your lucky day."
Tumawa nang bahagya si Donghyuck. "Sige na, alis na ako. Thank you ulit."
"You're welcome."
Umalis na si Donghyuck para pumuntang biolab.
"Sa tingin mo ba, naka-move on na siya sa 'kin?"
"Siguro. Pero pwede ring hindi."
Bumuntong-hininga lamang nang malalim si Renjun.
-
A/N
Hello, I hope you enjoyed this chapter. This is the last special chapter. Thank you so much. Okay, bye! :D
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top