Special Chapter I
How did Donghyuck and Renjun meet each other?
It's Jaemin's birthday in 2017. Isinama ni Jeno si Donghyuck dahil mag-isa lang ito sa bahay, umalis ang kanyang mga magulang para mag-grocery. Dahil nga wala namang magawa si Donghyuck sa bahay nila, sumama na lang siya.
Donghyuck knew who Jaemin was. Nakilala niya ito noong 2015 when Jeno first introduced Jaemin to Donghyuck as his friend.
Nang nasa bahay na sila ni Jaemin ay binati nila ito. Marami-rami ding bisita, karamihan ay mga kamag-anak ni Jaemin na hindi naman niya kilala.
"Love, happy birthday!"
"Happy birthday, Jaemin."
"Thank you, love. Thank you, Haechan." Ngumiti pa si Jaemin. "Kain na kayo doon. 'Wag kayong mahiya."
Tumango ang dalawa at pumunta sa dining area. Ang daming handa. May hipon na may giniling, menudo, carbonara, spaghetti, fried chickens, leche flan, buko salad, at lechon. Pepsi at Sprite para sa inumin.
Pagkatapos nilang kumuha ay umupo sila sa sala. Tumabi naman si Jaemin kay Jeno.
"Alam niyo ba, 'yung iba sa kanila, hindi ko naman kilala. Ang tagal dumating ni Renjun."
"Yung classmate mo?"
"Oo. Siya lang pinaka-close ko, e."
Renjun. Kay ganda ng pangalan.
"Haechan!"
"Oh?"
"Kilala mo ba 'yon, si Renjun?"
Umiling siya at nilunok ang pagkain. "Hindi. Sino ba 'yon?"
Dakilang extroverted kasi si Donghyuck at sobrang friendly kaya akala ni Jaemin ay kilala niya si Renjun.
At parang tadhana yata na makilala niya si Renjun dahil may bagong pasok na lalaki. "Jaemin! Sorry, late ako. Happy birthday!"
"Renjun! Hoy, okay lang. Thank you!"
Napatitig naman si Donghyuck sa bagong dating na binata, bahagyang nakabuka pa ang bibig niya.
Ang ganda ng pangalan, maganda rin ang mukha. Ang ugali kaya?
"Pre, kumain ka na. Baka pasukan ng langaw 'yang bibig mo."
Bigla siyang napalingon kay Jeno nang tapikin siya nito. "Ay, sorry." Napalunok na lamang at bumalik sa pagkain.
"Halika, ipapakilala kita sa kaibigan ng boyfriend ko."
"Huh?"
"Haechan, this is Renjun." Napatingalang muli si Donghyuck kay Renjun. "Renjun, that's Haechan or Donghyuck, Jeno's bestfriend."
Ngumiti si Donghyuck at inilapag ang plato niya sa sofa. Tumayo ito at iniabot ang kamay kay Renjun para makipag-handshake, "Hi. Nice to meet you!" He winked.
Tumingin si Renjun sa kamay ni Donghyuck bago sa mukha nito, "Nice to meet you, too." masungit na sagot nito.
Ibinaba ni Donghyuck ang kamay niya. "You didn't even swat away my hand. I like you already."
"Ano kamo? Pumunta ako rito para kay Jaemin, hindi para makipaglandian sa 'yo o kahit kanino."
Masungit siya. Okay, noted.
Sabay na napatakip ng bibig sina Jeno at Jaemin para magpigil ng tawa.
"Hard-to-get, hm? I like it. You're pretty, Renjun."
"Ewan ko sa 'yo!"
Ngumisi si Donghyuck at kinindatan pa si Renjun bago siya bumalik sa sofa at nagpatuloy sa pagkain.
×××
Alas sais na ng gabi at hindi pa rin umuuwi sina Donghyuck, Jeno at Renjun. Nasa sala sila at nakaupo sa sahig habang may pagkain sa gitna nila.
"Renjun," Umirap lamang si Renjun. "Hala? Sungit."
"Ano ba kasing kailangan mo? Kakikilala lang natin kanina. Baliin ko buto mo."
"Aw, grabe, ang sungit talaga. Sorry na."
Tumawa naman si Jeno sa tabi niya. "Bagay kayo."
"Isa ka pa, Jeno! Nakakainis. Jaemin, boyfriend mo, oh."
"Boyfriend ko pa rin. But he's right, though." Jaemin laughs.
"Aw, baby, bagay raw tayo."
Bumuntong-hininga si Renjun, "Puta, anong baby? Gan'yan ka ba sa mga nilalandi mong babae?"
"Well, bisexual ako pero never akong lumandi ng babae."
"Lalaki?"
"Hindi rin. Ikaw lang."
Renjun rolls his eyes again. "Ewan ko sa 'yo."
"Liligawan kita, Renjun."
"What?"
"Bingi ka ba? Sabi ko, liligawan kita."
"Putangina mo."
"I'm serious, though."
"Bahala ka."
-
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top