Chapter 99

"Ma, saan po ba tayo pupunta?"

Hindi ako sinagot ni Mama hanggang sa tumigil ang tricycle sa harap ng isang apartment building. Nanlaki ang mga mata ko.

"Dito."

Lumabas na kami ng tricycle at tumingala naman ako sa building. Bakit kami nandito?

Sinundan ko na lang si Mama hanggang sa makarating kami sa reception desk. "Yes, Ma'am?"

"Ako 'yung kahapon, 'yung bumili ng room A23."

"Oh, pangalan niyo po ulit?"

"Rebecca Huang." She still uses the 'Huang' since she and Dad never divorced. So basically, kami pa rin ang legal family.

Nag-flip through 'yung receptionist sa log book, or kung ano mang tawag do'n. "Oh, yes." May kinuha naman siya doon sa maliit na drawer, na I assume ay lalagyan ng mga susi dito sa apartment building. "Here's the key to room A23. Thank you so much."

Kinuha naman ito ni Mama at ngumiti kay Ateng receptionist. "Thank you."

Wala pa rin akong naiintindihan sa nangyayari.

Sumakay kaming elevator papuntang second floor.  Sa totoo lang, nahihilo ako kapag sumasakay ako ng elevator. Kaso wala namang escalator dito at ayokong mag-take ng risk na umakyat gamit ang hagdanan kaya sige, elevator na lang.

Nakarating na kami sa second floor at nakita namin agad 'yung room A23. Naglakad kami papunta roon at agad na binuksan ni Mama ang pinto gamit 'yung susi.

Pumunta kami at wala pang laman sa dito. Pero maganda. Pagkapasok mo, diretso ka lang at nasa kusina ka na. Katabi ng kusina ang banyo. Bago magkusina, may pinto sa gilid and I assume na kwarto 'yon. Sa tapat ng pinto ng kwarto ay may dining area na agad na sakto sa dalawang tao.

Actually, halos kompleto na kasi may sofa rito sa sala, TV at may wifi modem pa sa gilid. Nakaka-amaze!

"Ma, bakit po tayo nandito?"

"Binili ko 'tong apartment para sa 'yo. You can ask your boyfriend to move in with you if you want."

Hindi ako agad nakapagsalita at prinoseso ko pa ang sinabi ni Mama.

Para sa akin itong apartment na ito? What?

"Ma, seryoso ka ba?"

"Mukha ba akong nagbibiro?"

Shet! "Thank you, Ma." Bigla ko na lang siyang niyakap. Naramdaman kong niyakap niya rin ako pabalik.

Kumalas na kami sa yakap at ngumiti ako nang bahagya.

"Anak, I'm leaving tomorrow. Sorry kung hindi ako makakapunta sa graduation mo."

Bumuntong-hininga ako nang malalim at tumango. "Ayos lang po."

"You can decide kung titira ka na rito agad o hihintayin mo munang maka-graduate ka."

"After ko na lang po gumraduate."

"Let's go home."
~

mine♡
active now

14:56

baby♡:
hyuckie!!

mine♡:
injunie!!

saan kayo galing?

baby♡:
sa isang apartment building, mom bought an apartment for me. di ko talaga in-expect yun

mine♡:
waaaah!

baby♡:
she said you can move in with me. kung gusto mo

mine♡:
gusto kooo

pero ayoko munang iwan sina mama rito sa bahay. after na lang siguro ng graduation

baby♡:
yan din naman sinabi ko kay mama. saka na ko lilipat dun sa apartment pagkatapos kong gumraduate

sana nga maka-graduate HAHAHA

mine♡:
HAHAHAHA loko, makaka-graduate tayo tiwala lang

bakit ka nga pala binilhan ng apartment?

baby♡:
aalis na kasi siya bukas paluwas ng china :((

mine♡:
you can move in here muna

baby♡:
wag na, okay langgg

mine♡:
okay, if you say so :((

btw, may isesend akong ss

baby♡:
sure

mine♡:
sent 2 images.

🙄🙄🙄

baby♡:
ewww, desperada masyado

"you'll like me someday" KADIRI

🤮🤮🤮

mine♡:
HAHAHAHA kakainis diba

dapat pala binlock ko

baby♡:
SAYANG HAHAHAHA

us2 muh mag-call?

mine♡:
yey sige call

Incoming call from mine♡

ACCEPT | DECLINE

-

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top