Chapter 95

"Tanggalin mo nga 'yang mask mo."

"Bakit?"

"I wanna see your face."

Tinanggal nga niya ang mask niya. "Oh?"

I lean closer to him and suddenly kiss him on the lips. "Okay, ibalik mo na."

He smirks and sticks his tongue into his cheek, "Are you seducing me?"

Hinampas ko siya nang bahagya sa braso, "No."

Sinuot niya sa 'kin 'yung mask at kaagad na tinanggal. "Hindi bagay."

"Bakit hindi?"

"Mas bagay ka sa 'kin."

"Ay, true." Parehas kaming tumawa.

"Hoy mga bakla, may kasama kayo rito. 'Wag kayong mag-PDA."

"Love, hayaan mo na sila. Kainin mo na lang 'tong cake na kinuha ko para sa 'yo."

"Oh, tignan mo, kayo rin."

"Enebe!"

"Hays, too much love in the air. I'm suffocating."

"They're all cute, though. Kailan mo ba kasi ako sasagutin?"

"Next year."

"Puta ka."

Binalik ko na ang atensyon ko sa pagkain. At habang ngumunguya ako ay may naramdaman akong kamay sa bewang ko.

"Hyuck."

"Hm?"

"Your hand."

"What about it?"

Hindi na ako sumagot at nagpatuloy na lang sa pagkain.

×××

Alas syete na ng gabi at hindi pa rin tapos ang program. Katatapos lang nilang magpalaro which I found boring. Nakasalumbaba lang ako sa lamesa.

"Okay now, we're going to announce the best costume of this year's Halloween Party. Both male and female."

"Si Jaemin hyung!" sigaw ni Jisung kaya biglang tinakpan ni Chenle 'yung bibig niya.

"The male best costume goes to..." May pa-drum rolls pa. "From IV-Fine Arts A. Na Jaemin! Congratulations!"

Shet. Si Jaemin nga.

"Hala, weh?" Gulat na gulat siya.

"Pumunta ka na ro'n, love, bilis!"

"Ito na. Shet. 'Di ko expect 'yon."

Tumayo na si Jaemin mula sa kinauupuan niya at pumunta roon sa stage at binigay sa kanya 'yung award niya.

"Next. The female best costume goes to..." May drum rolls na naman. "From III-Chemistry B, Ennik Somi Douma Jeon! Congratulations!"

Pinanood namin siyang umakyat sa stage. Kaya naman pala. Naka-Maleficent, e. Ang effort ng costume atsaka makeup.

Pagkatapos ay bumaba na sila at bumalik na rito si Jaemin.

"Grabe 'yon! Nanginig ako kasi kinabahan ako do'n sa taas."

"Congrats, love."

"Thank you, love."

×××

Tapos na 'yung program at party-party na lang. Dinala ako ni Hyuck sa biology laboratory pero hindi ko alam kung bakit.

"Babe, bakit tayo nandito?"

"Kasi wala tayo doon."

"Seryoso!"

Tumawa siya. "Wala lang. Ayaw mo ng PDA, e. So ito, tayong dalawa lang."

"Hyuck, 'yung totoo?"

"Nothing. I just wanna talk about things with you. I wanna know you even, even more."

Ngumiti ako. "Anong gusto mong malaman? Sasabihin ko."

"Noong nag-confess sa 'yo si Chenle noong graduation mo ng highschool, anong naramdaman mo? Na-realize mo ba na gusto mo rin pala siya?"

Whoa. "Syempre, nagulat ako. Mag-bestfriend na kami noong elementary, sa China pa kami nag-aaral that time, kaya nagulat talaga ako noong umamin siya sa aking may gusto siya sa akin. I feel bad kasi kaibigan lang talaga ang turing ko sa kaniya. Noong sinabi niyang, 'If you don't like me back, let's not be bestfriends anymore.' nag-panic ako at nasabi kong 'Then let's stop being bestfriends.' something like that. Nagsisi talaga ako kasi pagkatapos no'n, hindi na kami nag-usap pa. Ni hindi na niya ako china-chat. Masaya ako noong nagkita kami ulit during my 2nd year of college kaso we decided to not be bestfriends anymore, just friends na lang."

"Aww. At least close na kayo ulit ngayon, 'di ba?"

"Yeah. I'm happy he found Jisung."

"Kailan mo na-realize na gusto mo na pala ako? Like, paano? Give me specific moment."

"Grabe!"

"Dali, Q and A 'to. Dapat maganda ang sagot mo."

"Ewan ko. Basta ko na lang na-realize na gusto na pala kita."

"Hala? Ano kaya 'yon?"

Tumawa ako. "Okay. That time, 2nd year 'yon, 'di ba sumama ka sa bus namin? Nakikipagkulitan ka pa sa mga kaklase ko. Tapos katabi ko si Jaemin, so nakaupo ka sa upuan sa gitna. Medyo nagselos ako kasi nakikipag-usap ka sa iba. Tapos ino-offer-an mo sila ng pagkain o kaya nung dala mong napakalaking Mogu-Mogu. Ewan, nagselos talaga ako. I was like, 'Dahil ba tinataboy kita, o-offer-an mo na sila?' Hindi ko naintindihan ang sarili ko. Until that moment when you look at me, may hawak ka pang pamaypay, you said, 'Binilhan kita ng paborito mong original flavor ng Lays atsaka paborito mong root beer.' Shet, gusto na nga talaga kita."

"Dahil lang sa Lays?"

"No, no! I mean, you care about me. Alam mo 'yung paborito ko, alam mo 'yung mga gusto ko. No one really paid attention to me before, until you came. Even Jaemin, he doesn't know I like root beer, o kapag ayaw ko ng ganitong bagay, hindi niya alam."

He bit his lips, "Well, I told you before that I'm serious about you. I know every little detail of you. Well, hindi naman lahat pero almost everything."

"And I thank you for that."

"Okay, another question. Bakit ka nag-Fine Arts kung gusto mo palang maging writer?"

"Oh. Kasi dati, hilig kong mag-drawing. Hobby ko 'yon. May isang sketchbook pa nga ako tapos puro drawing lang 'yon. And then noong last year of highschool, sumubok akong magsulat, parang trip lang, gano'n. Until I actually liked it. Don't get me wrong, I still like drawing. Pero sa pagsusulat kasi, mas naie-express ko ang sarili ko. Kaya ayon."

Tumango-tango siya. "Bakit ka nga nag-Fine Arts?"

"Eh... wala naman yatang course for novel writing."

"May point ka. Okay, ikaw naman ang magtanong."

"Hyuck, I'm really sorry for denying my feelings for you."

"Don't apologize, please."

"Okay, here's a question. Kung hindi ka makakapag-doctor, anong gusto mong maging?"

"Asawa mo. Ay, mali! Kahit pala maging doctor ako, pakakasalan pa rin kita."

Hindi ko mapigilang ngumiti. "Baliw! Seryoso kasi."

"Seryoso? Uhm... sa totoo lang, wala naman talaga akong pangarap sa buhay. Kaya lang naman ako magdo-doctor kasi sa angkan namin, walang nag-doctor at gusto nila ay kahit isa sa mga susunod na henerasyon ay mayroon na. Kaya ito. Mahirap pero enjoy ko naman."

"Mabuting nae-enjoy mo. Kaysa sa pinipilit mo na lang ang sarili mo, hindi maganda 'yon."

"Yeah. Pero sa totoo lang, ayoko naman talaga ng Science. Ang gusto ko English."

"Ew, English."

Tumawa siya. "May itatanong ka pa?"

"Meron pero alam kong nagagalit ka na naman."

"I'm not promising. What is it?"

"Imagine kung hindi mo 'ko nakilala at nag-aaral ka sa school kung saan nag-aaral si Mark. Paano kaya 'yon?"

"Really, Mark again?"

"Sorry. Sabi na magagalit ka, e. Simula kasi noong nalaman kong may nauna kang crush bago ako, hindi na 'yon maalis sa utak ko at ang daming tanong na bumabagabag sa akin."

"Stop. Thinking. About. It. I told you, didn't I?"

"Hyuck, sorry. Okay, hindi ko na iisipin."

"You promised."

"I'm really sorry."

"You're forgiven. Come here, let me hug you."

Mas lumapit ako sa kanya at niyakap niya ako. Niyakap ko siya pabalik at ibinaon ang mukha ko sa leeg niya. Ang bango!

Kinalas niya ako sa yakap at nagulat ako nang halikan niya ako sa labi pero agad ko rin siyang hinalikan pabalik.

Hinawakan niya ako sa magkabilang-balikat at dahan-dahang tinulak hanggang sa maramdaman ng likod ko ang gilid ng lamesa.

"Hyuck."

Habang hindi kumakalas sa halik, hinawakan niya ako sa bewang at iaangat sana paupo sa lamesa nang may kumatok sa pinto.

"Hello! May tao ba d'yan?"

"Shit."
-

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top