Chapter 88

"Tao po!" May kumatok sa pinto kaya agad akong napatayo. Ayun na yata 'yung pina-deliver ni Renjun.

Binuksan ko ang pinto at bumungad sa 'kin si Kuyang delivery boy. "Delivery for uhm... Haechan Lee?"

"That's me." Kinuha ko na 'yung dalawang plastic mula kay Kuya. "Thank you."

"Curious lang po. Boyfriend niyo po ba—"

"Yes!"

Tumango-tango siya at ngumiti. "Okay po. Enjoy!"

Lumayas na si Kuyang delivery boy at sinara ko na ang pinto. Dinala ko ang mga plastic sa hapag-kainan.

Napansin kong bumababa si Mama mula sa hagdanan. "Oh, dumating na 'yung deliber?"

"Yep."

"Baka gusto mong mamigay."

"Eh. Ayaw. May isda na kayo d'yan oh."

She laughs loudly, "Nagbibiro lang. Enjoy!"

Binuksan ko na ang unang plastic at nilabas ko 'yung container na may lamang sweet and sour pork. My favorite!

May isa pang container sa loob at nilabas ko rin 'yon. May lamang mga sushi at onigiri. Hala, ang dami.

Sa isang plastic ay may cookies and cream flavored na milk tea, kasama 'yung straw at chopstick para sa sushi at onigiri.

"Ang sarap niyan, ah. Kailangan mo ng kanin?" mapang-asar na tanong ni Mama. Alam ko na kung kanino ako nagmana.

"Syempre. Alangang papakin ko lang 'yung sweet and sour."

"Di pa luto 'yung kanin."

Mamaya ko na lang kakainin 'yung sushi at onigiri pagkatapos kong kumain ng kanin. Magmi-milk tea muna ako.

×××

baby♡
active now

20:19

mine♡:
babyyy, thank you sa delivery

kumakain na ako ngayon nung sweet and sour. naubos ko na yung milktea kanina HAHAHA mamaya na lang yung sushi at onigiri

baby♡:
aaaaaaa you're welcomeeee

eatwell, babe

nakain din ako ngayon

mine♡:
call?

baby♡:
sigeee
-

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top