Chapter 83
Pagkatapos naming kumain ay nag-slice ako ng cake, isa para sa kanya at isa para sa akin.
"Thank you." He smiles, his nose scrunching. Ang cute.
"You're welcome."
"Ano pala 'yung ibibigay mo sa 'kin?" tanong niya at sumubo ng piraso ng cake mula sa binigay ko.
"Oh, yes. Teka lang." Kinuha ko ang bag ko mula sa ilalim ng lamesa at binuksan ito. Naghalungkat ako hanggang sa makita ko 'yung maliit na box. "Here!"
Tinanggap naman niya ito agad. "Ano 'to?" Binuksan niya ito ang nanlaki ang mga mata niya, at mukhang nahulog din yata ang panga niya. "Couple bracelets!"
I giggle, "You like it?"
He nods eagerly. "Suot mo sa 'kin 'tong isa tapos isusuot ko sa 'yo 'yung isa pa."
"Which one do you like, the heart one or the key one?"
Ang binili kong couple bracelets ay 'yung may heart pendant 'yung isa na may keyhole at 'yung isa naman ay susi na kasya sa keyhole nung heart. They're so cute.
"I want the key one, because I want to be the only one to open your heart."
"Baliw!"
"Wag ka lang maghahanap ng duplicate."
Parehas kaming tumawa. "Never! Now, give me your wrist."
Isinuot ko sa right wrist niya ang 'yung key bracelet. "Thanks. Your turn!"
Isinuot niya naman sa left wrist ko 'yung heart bracelet. "Thank you."
"Kiss me?"
I glared at him but softly, "No. We're in public."
He made a 'hmpk' sound before continuing eating the slice of cake I gave him. Umiling-iling na lang ako.
×××
Nasa foodcourt kami malapit sa arcade, hindi para kumain ulit (Grabe naman 'yon!) kundi para tumambay lang. Ayaw niya pa raw umuwi, at ako rin.
"Injun, may ipapanood ako sa 'yong video."
"Baka porn 'yan?" biro ko.
"Mas matindi pa sa porn." Hinampas ko siya dahil do'n at tumawa naman siya.
Kinuha niya ang cellphone niya mula sa bulsa niya saka ito in-unlock. Napangiti ako nang makita kong ako ang lockscreen niya.
Maya-maya ay binigay niya sa 'kin ang phone niya. "I just finished editing that video last week. 7 to 8 clips lang 'yan. Panoorin mo kung gaano ka kasungit sa 'kin dati."
Kumunot ang noo ko habang natatawa. Nag-plug siya ng earphones sa jack at tig-isa kami ng earbuds. Pinindot ko ang play button saka nag-play na ang video.
play ; video starts.
September 11, 2017
Nasa waiting area sina Renjun at Donghyuck habang hinihintay na dumating sina Jeno at Jaemin nang makauwi na sila.
"Renjun. Renjun! Injun-ah! Huang Renjun!"
"Ano ba? Punyeta! Tawag nang tawag, e. Ano bang kailangan mo?"
Donghyuck laughs behind the camera, "Ang cute mo magalit."
"Ewan ko sa 'yo! Umuwi ka na nga."
"Bakit mo 'ko pinapauwi agad? Sabay nga kami uuwi ni Jeno."
"Pake ko?"
"Wag ka na magselos, may Jaemin na si Jeno. Ikaw lang gusto ko."
"Say that to all your girls."
"Oh, oh, LQ na naman."
"Putangina mo, Jeno."
pause.
"Ang bata pa ng itsura ko rito 'no?" I cringe.
"Malamang. Play mo na ulit."
"Ito na!"
play.
March 23, 2018
"Hala! May bulaklak, para kanino kaya 'yan?"
"Ayyieee."
"Tangina n'yong mag-jowa."
"Happy birthday!" While holding his phone and a bouquet on his other hand, Donghyuck made a kissy face at halos mawasak na yata ang mukha ni Renjun sa cringe.
"Ewan ko sa 'yo!"
"Aw, gan'yan ba ang sagot sa pagbati ng birthday, 'Ewan ko sayo'?"
Renjun rolled his eyes, "Thank you." Tinanggap niya na rin ang bulaklak dahil nakita niyang nangangalay na si Donghyuck.
"Thank you lang? Wala bang kiss d'yan?" He made another kissy face and Renjun slapped his arms.
"Asa ka!"
"Aasa talaga ako."
"Goodluck."
Donghyuck chuckles, "Deny ka pa, kinikilig ka rin naman."
"Ewan ko sa 'yo!"
"Legal na siya, pwede nang makulong." - Jaemin.
"I'm arresting you, Mr. Huang, for stealing my heart."
Renjun grunts, "I swear to God, Lee Donghyuck!"
"What, what? You swore to God you're gonna love me for the rest of your life?" Donghyuck teases.
"Puta." The younger boy only laughed loudly.
pause.
"Alam mo, siraulo ka talaga."
"What did you swear to God?"
"You're actually right. I did swore to God that I'm gonna love you for the rest of my life."
He giggles, "I'm gonna love you too for the rest of my life."
play.
June 6, 2018
"Renjun!"
"Oh?"
"Hindi ka man lang ba babati?"
Renjun rolled his eyes and glanced at the camera for a second, "Happy birthday!"
"Wala bang kiss d'yan?"
"Ewan ko sa 'yo! Oh, regalo mo."
Renjun tossed the wrapped gift and Donghyuck immediately caught it. "Grabe!"
"Nakakainis naman 'tong si Jeno, pinilit akong bilhan ka ng regalo. Naubos tuloy ipon ko."
"Pinilit ka ni Jeno na bilhan ako ng regalo?"
"Oo. Bingi ka ba?"
"Weh, 'di nga? Bakit ang effort ng pagkakabalot nito? May ribbon-ribbon pa nga. 'Happy birthday, Haechan!' tapos may heart pa sa dulo. Yie, kilig naman ako."
"Ewan ko sa 'yo!"
"Thank you, Injun, I appreciate it."
"Alam mo, nakakabwiset ka."
"I love you, too!"
"Shut up!"
"LQ na naman." - Jeno.
"Low quality."
pause.
"Anong niregalo ko sa 'yo? Nakalimutan ko na." I pout.
"Maliit na clipboard, set of highlighters, toy doctor set atsaka lip balm na coke flavor. Natawa nga ako kasi niregaluhan mo ako ng laruan."
Nang maalala ko 'yon ay natawa rin ako. "Hindi ko rin alam kung bakit. Kasi naisip kong biology student ka? Ewan."
"Pero minsan ginagamit ko as reference sa mga lesson, helpful din naman." he chuckles. "Play mo na ulit."
play.
September 03, 2018
"Hoy, Injun!"
Renjun looked at him unconsciously seductively, "Hoy ka rin, Haechan."
"Hala! Wag mo 'kong tignan nang gan'yan, baka halikan kita."
Hinampas naman ni Renjun si Donghyuck sa braso. "Bwiset ka talaga! Ano bang kailangan mo? Tawag nang tawag."
"Just keep looking like that at the camera, I like it."
"Tigilan mo nga 'yang pagfi-film mo. Vlogger ka ba?"
"Hindi. For future reference 'to." Renjun just rolled his eyes. Again.
pause.
"Ang hilig ko umirap, nakakainis."
"Gan'yan ka kasungit sa 'kin dati."
I sigh heavily, "Why?"
He laughs softly and pinches my cheek, "Cute."
"I know, right?"
"I-play mo na nga."
"Ito na."
play.
October 17, 2018
"Hindi mo alam, Renjun, kung gaano ka kaganda."
"Ano?"
"Ang ganda mo, sabi ko."
"Alam ko."
"How does Lee Injun sound?"
"I don't like it. I'm keeping my last name."
"Hala! Tinanong ko ba kung tungkol sa kasal? Baka lang gusto mong maging kapatid ko, hehe."
"Ewan ko sa 'yo! Bwiset ka talaga."
"Umasa~" Renjun rolled his eyes. "I'm just kidding. Of course, it's about marriage."
"Shut up!"
"Hala? Wala pa ngang kayo tapos kasal agad?"
"Gano'n talaga, Jeno, dapat advance tayo mag-isip."
pause.
"I think Lee Injun or Li Renjun sounds great."
He raises an eyebrow, "Pero dati dine-deny mo."
I whine, "Hindi pa ako umaamin, e."
"I don't know what to do, you're so cute."
I just kiss him on the cheek.
play.
March 23, 2019
Binuksan ni Renjun ang pinto ng bahay nila. "Happy 19th birthday!" Donghyuck gave him another bouquet of flowers.
Tinanggap naman ito ni Renjun at bahagyang ngumiti, "Salamat. Pero seryoso, Donghyuck, hindi mo naman ako kailangang bilhan ng bulaklak sa tuwing birthday ko. Nabubulok lang sa bahay."
"I still want to."
"Bakit ba ginagawa mo 'to?"
"Because I want to."
Renjun blinked several times and sighed, "Salamat ulit sa bulaklak. Pwede ka nang umalis."
"Wala man lang kiss?"
"Wala! Sige na, umalis ka na!"
"Oo na, ito na, aalis na. See you soon."
pause.
"Hala! Hindi ko 'to maalala. I'm so sorry."
"Yeah, I was sad that day. Birthday mo pero ang lungkot ko."
"I'm so sorry, babe."
He laughs, "It's okay, nakalipas na. Play mo na ulit. Dalawang clips na lang yata ang natitira."
Tumango ako bago i-play ulit ang video.
play.
November 23, 2019
"Guys, guys!" Behind the camera, Jeno yelled, calling his friends.
May fieldtrip sila at kasalukuyang naka-stop over sa tapat ng McDo sa Bulacan, sa ika-siyete ng gabi.
"Renjun!"
"Ano?"
"Samahan mo 'ko sa McDo, libre kita."
"Ayoko."
"Ayaw mong ilibre kita?"
"Ayaw kitang samahan."
"Pero gusto mong ilibre kita?"
"Ayoko rin."
"Hala? Dali na! Ililibre na nga kita, e."
"Ayoko nga! Bakit ba ang kulit mo?"
"Ah sige, kay Jaemin na lang ako magpapasama—"
"Oo na, oo na, sasamahan na kita. Libre mo, ha?"
Donghyuck chuckles, "Oo nga."
"Punyeta! Jaemin, Jisung, Chenle!"
pause.
"Yan 'yung huling video sa phone ko bago mo 'ko patigiling manligaw. I can't believe I had to celebrate Christmas so sad."
Ngumiti ako nang bahagya. "Thank you for not giving up on me."
"Of course. Ikaw lang ang gusto ko at wala nang iba."
Punyeta, kinikilig ako.
"I like you."
"I like you too."
play.
October 12, 2020
"Babe."
"Hm?"
"Ayaw mo na no'ng sushi?"
"Gusto."
"Gusto rin kita."
Renjun laughs, "Baliw! Nagfi-film ka na naman."
"Eh, for future reference."
"Future reference-future reference. Para saan ba kasi 'yan?"
"Memories for the future. Maganda rin 'yung may naitatago tayong memories na pwede nating panoorin."
"Saan mo naman nakuha 'yan, pre?" tumatawang sabi ni Jeno sa background.
"As a professional photographer, true naman 'yon." singit naman ni Jaemin.
"Ang random mo, love."
"Professional, amp! May license ka na ba, Jaemin hyung?"
"Wala pa, bebe Chenle, but soon."
"Babe, I don't like onigiri."
"You don't like them? Put them on my plate then, I'll eat them later."
Renjun puts all the onigiri on Donghyuck's plate and then smiles at him. "Thank you."
"Ang sarap nitong red tea, gusto ko pa. Bottomless ba 'to?" - Chenle.
"Parang ako, bottomless." - Jisung.
"Unlimited?" - Jeno.
"Hindi. Single." - Jisung.
Sabay naman na nabulunan sina Chenle at Jaemin dahil sa sinabi ni Jisung.
"Walangya kang bata ka!" - Jaemin.
"Putangina mo, Jisung!" - Chenle.
"Nakakagulat ka naman, Jisung."
"Sorry na!"
October 19, 2020
"Hi, baby!" Donghyuck waves at the camera while winking. "I'm so happy that you're finally mine. Sobrang worth it 'yung halos tatlong taong panliligaw ko sa 'yo. You made me so much happier than the day that I met you. Ilang araw na lang, monthsary na natin. Wow! Time flies so fast, really!" He chuckles.
"Hindi ko alam kung anong purpose ng video na 'to. Closing remark, maybe?" He laughs again at himself. "May ine-edit kasi akong video, compilation ng mga pinagfi-film ko sa 'yo noon. I told you, for future reference. Pero mapapanood mo pa 'yon sa mismong monthsary natin kasi hindi pa tapos at medyo busy din ako sa school." He then sighs heavily.
"I really, really hope you're doing fine. I hope you're taking care of yourself very well. Sana rin ay ayos na kayo ng mama mo, sana ay fully accepted ka na talaga niya. No matter what happen, nandito lang ako. I'm always here and there for you, even when you don't need me. I love, love, love you so much, Huang Renjun. See you soon!" He smiles and waves at the camera, and the screen went blank.
video ends.
"Hyuckie!" Bigla ko na lang siyang niyakap at binaon ang mukha ko sa dibdib niya. Suminghot ako kasi kanina pa ako umiiyak.
"Don't cry." He rubs my back as I keep on sniffling. "Yung uniform ko, baka puro uhog na 'yan."
Kumalas ako sa yakap at ngumuso habang nakakunot ang noo. "Wala kaya."
Tumawa siya at ginulo ang buhok ko, "Joke lang! What can you say about the video? Is it good?"
Pinunasan ko muna ang mga luha ko at nagpunas ng sipon gamit ang likod ng palad ko. Para akong bata. "It's great! Sobrang nagsisisi talaga ako na tinataboy kita noon. Pero sobrang thankful ako na naghintay ka pa rin at hindi ka sumuko."
"Come here, let me hug you again." Nagyakapan kami ulit. Wala na akong paki kung maraming nakakakita sa amin. "I love you." he whispers.
"I love you too." I whisper back.
-
A/N
whoa! longest chapter I've written in this book so far HAHA.
hello sa mga nagbabasa nito! feedback po? also, good mornight! :>
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top