Chapter 82
"Jaemin, ang tagal ni Hyuck!"
Nauna nang umuwi 'yung dalawang pinakabata, as usual.
"Teka, tine-text ko si Jeno."
"Nag-extent na naman siguro 'yon. Or baka busy sa biolab."
"Samahan mo 'ko, nagpapasundo 'yung siraulo kong boyfriend."
Umirap na lang ako at sinundan siya. Naglakad kami papunta sa Dance Practice room.
Nang makarating kami sa hallway ay napakadilim. Nang makarating naman kami sa tapat ng room, nakasara ang pinto. Bakit wala akong naririnig na music? Ay, siguro naghahanda na silang umuwi.
Kumatok si Jaemin pero hindi ito agad nagbukas. Nang ako ang kumatok ay bumukas na ito.
"Surprise!" sigaw nilang mga nasa loob.
Huh? Surprise?
Narinig kong tumawa si Jaemin at hinila niya ako papasok sa loob.
Nilibot ko ang paningin ko sa paligid. May mga nakakalat na yellow balloon sa loob at may lamesa sa gitna, tapos may maliit na cake.
"Ano 'to?" I mumble.
"You thought I forgot? Jaemin said you cried in class because you thought I forgot."
Fuck. "H-Haechan!" Tumakbo ako sa kanya at niyakap siya agad.
He chuckles and hugs me back. "Hoy, nagpatulong pa ako sa PA Department para dito. Madalian lang talaga 'to."
I pull away from the hug, "I hate you."
"No, you don't." he smirks. "Go see the cake."
Kinunot ko ang noo ko bago tignan 'yung maliit na cake sa lamesa. It says, 'Happy first monthsary to my one and only.' It lowkey rhymed.
"Thank you."
He winks at me. "Where's my kiss now?"
"You pretended you forgot. It doesn't count."
"Oh, come on! Just one?" Umiling ako. "Please?"
"No! Donghyuck, n-not here."
"Ang arte! Oh sige, tatalikod kami." Pagsingit ni Jaemin at tumawa naman 'yung mga nandito. Karamihan ay classmates ni Jeno at ang iba ay classmates ni Hyuck.
"It's okay, I won't force you."
I sigh heavily and suddenly cup his cheeks. I press my lips against his. His eyes went wide but he kissed me back.
Sunod-sunod naman ang mga singhap nila.
"Oh my god!"
"Ay, shit."
"Hoy, ang init."
"Hala!"
I gave him one last kiss before pulling away and sigh. I smiled at him.
"Happy monthsary!"
"I love you." he whispers.
"I love you." I whisper back.
×××
"Baby, saan ba tayo pupunta?"
Sumakay kami ng jeep at umupo sa bandang unahan.
"Sa mall. We're going to eat, it's on me."
"Eh... 'di ba nalibre mo na 'ko kanina?"
"That's not enough. Palagi mo na lang ako nililibre o binibilhan ng kahit ano. Ngayon ako naman ang manlilibre sa 'yo."
He sighs and pouts, "Okay."
"At hoy, saan ka nakakuha ng pera pambili ng cake na 'yan?" Umabot ako ng bayad, "Bayad po, dalawang Robinson."
"Nangutang lang ako kay Jeno. Kanina ko lang siya binayaran."
"Ibig sabihin, si Jeno ang nag-order?"
Tumango siya habang nakanguso. "Sorry."
"Why? For what?"
"For being like this. Hindi ako kagaya ng iba na yayamanin, sobrang daming pera. Ang hirap maging mahirap."
"What do you mean gan'yan ka lang? I love you just the way you are."
He just smiled and puts his head on my shoulder. "Gisingin mo 'ko kapag nandoon na tayo." Tumango ako at tinapik ang ulo niya.
"Are they gay?"
"So?"
"Grabe na kabataan ngayon talaga."
"Bakit naman?"
"Ayan. Pati sa kapwa-kasarian nila ay nakikipagrelasyon. Kadiri."
"Ano? Walang masama doon, walang kadiri doon. Ikaw nga mahilig ka sa bata, e. Mas kadiri ka."
"Aba, bastos ka!"
Gusto kong matawa pero ayokong ipahalata na nakikinig ako sa kanila.
Thank you kay Ate, kung sino man siya, for speaking up for us.
×××
"Dito niyo po kakainin 'yung cake?"
"Yes."
The waitress smiles and nods, "Okay po. May idadagdag pa po ba kayo or?"
"Do you want anything else?" I ask him.
"Hm... 'yung mango shake."
"Bakit hindi mo sinabi kanina?"
He whines. "I'm shy. Hindi ako sanay, e."
I just giggle. "Isa pong mango shake."
"Sure. Anything else?"
I shook my head, "Wala na po. Thank you."
"Thank you. We'll serve it after 15-20 minutes." Tapos umalis na 'yung waitress.
"Nahihiya ka rin pala 'no? Akala ko hindi nahihiya ang mga extroverted."
"Shut up! I've never been treated like this. At oo naman, nahihiya rin kaming extroverted kapag nao-overwhelm."
"Oh, I didn't know that." pang-aasar ko.
He rolls his eyes, "Pasalamat ka, cute ka."
"Cute naman talaga ako."
"Cute wasakin."
"Hoy! Kanina lang—"
"I love you."
"Ewan ko sa 'yo."
"Kinikilig ka na naman." I just smile.
×××
Dumating na 'yung orders namin at nag-provide din sila ng kutsilyo, dalawang platito at dalawang ekstrang tinidor para sa cake.
Nag-thank you kami bago magsimulang kumain.
"Babe, after nating kumain, I'll give you something."
"Okay."
"Okay...?"
He laughs softly, "Sorry, nagugutom na ako."
Natawa rin ako, "Sige na. Eat well."
"Eat well."
-
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top