Chapter 79

"Babe—Renjun!"

Tumawa ako nang bahagya. "Baliw ka! Pasok na."

"Saan?" Ngumisi pa, bwiset.

"Dito sa bahay. Anong saan?" Tumawa siya bago pumasok.

"Hello po, Tita. Good afternoon!"

"Good afternoon din."

Pinaupo ko siya roon sa kabilang sofa.

"Kumain ka na ba? Anong gusto mong kainin?"

"Ika—" Sinamaan ko siya nang tingin. "Kumain na ako."

"That's three hours ago. Lunch na."

"Nakakahiya naman. Kung ano na lang 'yung kinain niyo kanina."

"Hotdog lang ulam namin, okay lang?"

"Okay lang. Kahit maging hotdog pa ako, okay lang din. Basta—"

"O-oh. Tara, k-kumain ka na." Nakita ko siyang ngumisi bago ko siya hilahin mula sa sofa.

Hinila ko siya papunta sa hapagkainan at pinaghain.

"Pwede ka nang maging asawa ko."

"Ewan ko sa 'yo."

"Kinikilig ka na naman."

"Ewan ko ulit sa 'yo." Tumawa lang siya. "Kumain ka na nga d'yan!" hinampas ko siya nang bahagya sa braso.

×××

"Donghyuck nga ba, tama?"

"Opo!"

Bakit ako 'yung kinakabahan samantalang si Hyuck ang kinakausap?

"Kailan mo inumpisahang ligawan ang anak ko?"

"Matagal na po, since 2017. Pero pinatigil niya po ako last year. Tapos niligawan ko po ulit siya last month."

Ang detail. Napakadaldal talaga.

"Mas matanda ka ba sa kanya?"

"Hindi po. I'm three months younger."

"Why did you decide to court my son?"

"I courted him because I like him—love him."

I bit my lip.

Mom smiled. She smiled at him. "Will you stay by his side for a long time?"

"Tita, kahit for the rest of our lives pa. Hinding-hindi ko po siya iiwan. Hindi po ako nangangako pero sana po ay pagkatiwalaan niyo 'ko."

Shit. You're making me cry, Hyuck.

"I trust you, Donghyuck. Thank you for loving him unconditionally."

"He deserves it. He deserves all the love in the world."

Hindi ko namalayan na napaluha na pala ako. Pasimple kong pinunasan ang mga luha ko. Lumingon naman sa 'kin si Hyuck.

"What?"

"Are you crying?" May halong pang-aasar at pag-aalala sa tono ng boses niya.

"No."

"You are. May luha ka, oh." Pinunasan niya ang natirang luha ko gamit ang hinlalaking daliri niya. "Sus! Bakit ka umiiyak?"

"Wala."

"Nahihiya ka ba?" Hinampas ko siya sa braso. Tumawa lang siya nang bahagya. "I love you." Tinitigan ko lang siya. "Injun, I love you." Hindi ako sumagot. "Renjun, sabi ko, mahal kita."

I sigh heavily. "I love you too." mahinang sabi ko.

"Hindi ko marinig, Renjun." Nakangiti siyang nang-aasar.

"Bahala ka d'yan." Tumawa lang ulit siya.

×××

Medyo maggagabi na. Nasa kwarto kami at katatapos lang manood ng movie.

"Hindi ka pa ba uuwi? Gabi na, oh."

"Mamaya na. Kung gusto mo, dito ako matutulog."

"Pwede rin."

Binigyan niya ako ng gulat ng ekspresyon, "Seryoso ka? I mean, okay lang din naman. Kaso 'yung mga commission ko, baka hindi ko madala bukas."

Tumawa siya, "Joke lang!"

Parehas kaming bumuntong hininga. "So, ano nang gagawin natin? Uuwi na ba ako?" Napanguso lang ako. "Oh, kanina pinapauwi mo ako tapos ngayon ngumunguso ka d'yan."

"Hyuck."

"Hm?"

"May naaalala ka ba para bukas?"

"Uhm... monday bukas."

"Bukod do'n."

"Uhm... ano? Sabihin mo na."

"Bahala ka d'yan, pag-isipan mo."

Tumawa siya nang bahagya, "Pag-iisipin mo pa ako."

"Eh... bahala ka d'yan."

"Renjun!"

"Anong Renjun?"

"Baby!"

"Uwi ka na."

"Hala?"

"Sabi ko, uwi ka na."

"Grabe ka naman. Sabihin mo muna sa 'kin kung anong meron bukas tapos uuwi na ako."

"No. Figure it out."

I saw him smirked. "Sige. Uwi na ako. See you tomorrow." He's about to kiss me but I dodge it.

"No kiss until you figure it out."

He pouts and slowly nods. "Okay."

Pinanood ko siyang tumayo mula sa kama ko at naglakad papunta sa pintuan. Akala ko ay bubuksan niya na ang pinto pero bigla na lang siyang tumalon sa kama ko at hinagkan ako sa pisngi.

Hindi agad nag-process sa utak ko 'yung nangyari.

Bigla siyang tumawa at ngayon ay nakayakap na siya sa 'kin, ang kamay niya ay nakabalot sa bewang ko.

"Donghyuck, 'di ba sabi ko—"

"Mamaya na."

Bakit ba ang cute niya?
-

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top