Chapter 7
Nakapatong ang siko ni Renjun sa lamesa habang nakapatong ang baba niya sa palad niya habang naghihintay na dumating ang mag-jowang sina Jeno at Jaemin sa canteen.
"Ang tagal." Halos nilalamutak na niya ang mukha niya sa bored.
"Yo!"
"Wassup?"
"Dumating din kayo. Ang tagal, ha? Sabi mo, Jaemin, susunduin mo lang si Jeno, ang tagal-tagal."
"Sorry na." Rumolyo na naman ang mga mata ni Renjun.
"Naaawa na ako sa mata mo, Renjun, baka mamaya bigla na lang mahulog."
"Ew, Jeno! Bigla kong na-imagine. Kadiri!" Tumawa lang si Jeno sa tabi ni Jaemin.
"Since nandito na kayo, bibili na ako."
"Sure."
Tumayo na si Renjun mula sa kinauupuan niya at lumakad papunta sa counter.
"Yes, anong sa 'yo?"
Tinitigan n'ya 'yung “Menu of the day” na nakadikit sa pader. "Menudo. Nice! Isa po." Tumango ang tindera at sinimulang magsalok sa plato.
Maya-maya ay may tumabi sa kanya, "Miss, 'yung pina-reserve ko po?"
"Ay oo, sandali lang, Donghyuck."
Nanlaki ang mga mata niya nang ma-realize kung sino ang nasa tabi niya.
Umusog siya nang konti palayo habang pinapanood ang tindera maglagay sa plato ng kanin. "Ito na oh. Salamat." Kinuha na niya ang plato at nagbayad saka umalis na nang walang sinasabi.
Lakad-takbo ang ginawa niya nang bumalik siya sa pwesto niya kanina.
"Oh, bakit parang balisa ka?"
Lumingon siya kay Jaemin nang makaupo siya . Umiling-iling na lang siya . "Wala, wala."
"Hyuck!" pagtawag ni Jeno sa papalapit na si Donghyuck.
Nang makarating si Donghyuck sa lamesa nila ay nakipag-fist bump ito kay Jeno. "Yo!"
"Upo ka d'yan, pre." Tinuro pa nito ang tabi ni Renjun.
"Hindi na, sa taas ako kakain. May gagawin pa kasi akong essay tapos magre-review pa ako sa Anatomy, may quiz kami mamaya. See you later."
"Ah sige. Goodluck!" Nagtanguan sila bago umalis si Donghyuck nang hindi man lang pinapansin si Renjun.
"Alam ko na kung bakit balisa si Renjun kanina." Sinamaan lang ni Renjun ng tingin si Jaemin at tumawa naman 'yung mag-jowa.
"Bwisit."
-
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top