Chapter 67

"Oh, wala pa si Donghyuck?" tanong ni Jeno na kakarating lang sa pwesto namin sa canteen.

Nauna kami ni Jaemin kasi maagang nag-dismiss 'yung prof namin.

"Wala pa. Maaga-aga pa naman, baka palabas pa lang ng classroom 'yon."

Tumango lang siya at tumabi kay Jaemin na katapat ko.

"Bili lang ako pagkain."

"Sure!" Si Jaemin 'yon.

Naglakad ako papunta sa counter. Buti na lang hindi masyadong mahaba ang pila.

Nang ako na ang sumunod ay umorder na ako. Nag-order ako ng menudo kasi 'yon 'yung una kong nakita.

Nang magbabayad na ako, may kamay na nauna sa 'kin.

"Ako na!"

"Hindi, ako na."

"Renjun!" Bumuntong hininga ako at tumahimik na lang.

Pagkatapos niyang magbayad ay pinauna na niya ako do'n sa lamesa namin kasi oorder pa siya. Tumango na lang ako.

Ito na naman siya. Natatakot na naman ako sa kanya.

Nang makabalik ako sa lamesa namin ay nagpaalam naman 'yung dalawa na sila naman daw ang bibili. Tumango na lang ako at tahimik na nagsimulang kumain.

Ilang minuto pa ay dumating na si Hyuck na dala ang pagkain niya at umupo sa tabi ko.

"You okay?" Umiling ako. "Why? What's wrong?"

"You... you seem mad."

"I'm not."

"Alam mo ba, natatakot ako sa 'yo kapag gan'yan ka."

He chuckles, "Anong problema?"

"Ayan! You're being intimidating again. Sanay ako na hyper ka, maloko ka at mahilig magbiro. Pero kapag gan'yan ka, you're like a different person."

Napansin kong nanlaki ang mga mata niya. "Oh my god, baby, I'm sorry."

"K-kanina sa room namin, bigla ka na lang nainis. Pakiramdam ko kasi, kapag gan'yan ka, ang dahilan no'n ay ako."

"No, Renjun. I'm just—I'm just tired. Sinusubukan kong maging hyper ulit, pero pagod na pagod na 'yung utak ko. Hindi ko na kaya."

"Last night, you cheered me up. Now, I want to cheer you up."

"It's okay. Makita lang kita, ayos na ako." I smile.

"Ay, ay, anong drama 'yan?"

"Alam mo, Jaemin, paepal ka."

Tumawa siya, "Ay, sorry. Sige, continue."

"Love, hayaan mo na sila. Ikaw talaga!"

"Kumain ka na d'yan."

"Opo."

×××

Uwian na at sinundo ako ni Hyuck mula sa classroom namin. Kinikilig na naman 'yung mga classmate ko. Natatawa na lang ako sa kanila.

"Let's go!"

Pero bago pa kami makaalis ay may tumawag sa amin. "Teka, teka! Bago kayo umalis, pa-interview muna."

Kumunot ang noo ko, "Yeji? Para saan 'yan?"

"Para do'n sa project."

Ay shet, may project nga pala. "Hyuck, is it okay?"

"Yeah, sure."

"Dito tayo sa may bench para hindi tayo sagabal sa pintuan."

Pumunta kami sa bench sa may gilid ng classroom at umupo.

"Just hurry up, I need to go home."

"Yes, yes, sure. Don't worry, mabilis lang 'to. Game na?"

"Game na."

"First of all, name, age and year."

I laugh slightly. "I'm Huang Renjun."

"I'm Lee Donghyuck."

"We're both 20 and 4th year college."

"Thank you." I saw her typed on her phone. "Next, sinong mas matanda at ilang taon o buwan 'yung agwat niyo."

"I'm older. Halos tatlong buwan ang agwat namin."

"Ah! Ang cute, magkaedad lang kayo." Nag-type ulit siya sa phone niya. "Uhm, next is, sinong unang umamin?"

"Siya."

"Ang cute talaga." Kinikilig pa siya habang nagta-type. "Do your parents and friends know about your relationship?"

"Legally or illegally?"

Lumingon kami ni Yeji sa kanya nang nagtataka. Ano raw? "Hoy, anong legally or illegally?"

"I'm just kidding. Of course, yes." Umiling-iling ako at tumawa nang bahagya.

"Nakakaloka! Ano 'yung illegally?" natatawang sabi ni Yeji. "Next, how comfortable are you with affection in public? Like holding hands, kissing, hugging, etc."

"Medyo. Minsan komportable ako, minsan hindi."

"I am comfortable all the time. But if there's specific time where he doesn't want to do it, then I won't do it."

"Yes, we love consent."

Tumingin ako kay Hyuck at ngumiti. Lumingon siya sa 'kin at nginitian ako pabalik.

"Last na 'to. But I want to advance apologize. Hindi ko alam kung bakit may ganito sa binigay ni Prof."

"Let's hear it."

"Do you have preferred roles? I mean, who's dom or top and sub or bottom. Or are you versatile or switch? Oh my god, if that makes you uncomfortable, it's okay to not answer it."

"Ikaw, anong hula mo? Which is which?"

"Uh... ayoko mag-assume so I'll just go with versatile."

I look at Donghyuck and he looks back at me. He then raises an eyebrow. I sigh. "I'm sub."

She suddenly squeals, "Gusto ko talaga 'yung may pa-consent. We love consent in this household. Sana all may jowa."

Tumawa na lang ako, "Sira!"

"Oh my god, thank you talaga! Thank you for your time."

"You're welcome."

"Ay, uhm... pwede ko rin bang ma-interview sina Jaemin atsaka 'yung boyfriend niya?"

"Sabi mo nga we love consent, so itatanong ko muna. Tapos i-chat na lang kita mamaya sa twitter."

"Sige, sige. Thank you talaga, Renjun!"

"Wala 'yon. Sige, alis na kami."

"Bye! Ingat kayo."
-

A/N

this is lowkey implied Dom/sub, but not really. you can still continue reading if you want.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top